Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter III: The New King of Deilla

Babalik na tayo sa kasalukuyang panahon sa mundo ng Fantasy kung saan nakita ni Wu ang isang babae na tingin niya ay ang kanyang matalik na kaibigan noong siya ay bata pa na si Sera.

Wu

"Sera!!!!" Hinabol ko ang babaeng tumatakbo papunta sa central plaza ng kingdom. Nakipag-gitgitan pa ako at tulakan sa masikip na crowd mahabol ko lang ang babaeng yun. Bakit ba bigla sumikip dito?! Sa may entrance naman napakaluwag?!

Pilit ko siyang hinabol pero sadyang napakaliksi niya gumalaw, nihindi ko siya nakitang nagitgitan ng mga tao. Tama kaya ang nakita ng mga mata ko? Na siya si Sera? Kahit na siya man o hindi, ang kanyang galaw ay sadyang nakakaduda pa rin. Bakit siya tumakbo na para bang nahuli siyang gumagawa ng masama?

"Wuuuuuu!!! Anyo~ ka ba?! Bakit mo ako iniwan! Nyaaaaagot ka sa akin!!" Sigaw sa akin ni Felicia sa may likuran ko. Lumingon ako at nakita ko siyang pasugod sa akin na nakalabas ang kanyang mahahabang kuko. "T-Teka, Felicia, de-delikado yaaaaan!!" Sigaw ko habang tumatakbo ako papalayo sa kanya. Ayaw ko makalmot nyan. Masakit beh!

Mga ilang minuto ng habulan ay napagod na rin si Felicia. Hindi niya ako nahabol dahil masyadong maliit ang kanyang mga hakbang. "Nyahh.. Ang daya mo nyaman, Wu e. Dalawang hakbang ko, isa mo lang!" Tampo sakin ni Felicia. "Ahaha. Kasalanan ko ba na maliit ka?" Asar ko. "Pero sige, dahil naiwan kita biglaan kanina. Babawi ako sayo. Iti-treat kita. Yan, okay na ba?" Kinrus niya ang kanyang mga balikat at tumalikod sa akin. "Hmp."

Pa-hard to get pa. Naaalala ko tuloy si Sera sa kanya. Noong bata pa kami bago kami tuluyang magkakilala, ganyan na ganyan ang ginawa niya kay Lumina. Hahaha! Nagluksa pa si Lumina noon.

Greos.. Lumina.. Kamusta na kaya kayo?

"Dali na o. Libre ko na favorite mong food. Ano ulit tawag dun? Legendary Salmon Deillan Sushi, hindi ba?" Biglang nag-twitch ang mga cat ears ni Felicia. Hindi talaga niya kaya tiisin ang paborito niya. Hahaha. Jackpot. Bati na kami nito. "Daya mo pa rin. Hmp. Pero.. Nyaaaaa!! Daya daya mo talaga! Tingin mo bati na tayo pag ginawa mo yun?!"

Bigla ko siya dinala sa Sushi stall na merong Legendary Salmon Deillan Sushi at binilin ko siya ng mga 10 orders or 40 pieces of sushi.

"Nyaaaaaa~ ang sarap talagaaaaa. Iba ka talaga, Wu!" "So, bati na tayo?" "Ha? Magkaaway ba tayo?" Sabi ko na nga ba. Makapagsalita kanina tong pusa na to o! "Sabi ko nga, hindi tayo magkaaway. Hahaha."

Napatingin ang mga tao sa paligid, pati kami, sa isang kakaibang bagay na lumulutang sa gitna ng daan. Isa na naman ba tong invention ng mga Techzels? Ang katagang Techzel ay binibigay sa mga taong mahilig sa technology.. At pretzels. Halo-halo ang races na naninirahan sa Techzelopolis. Kahit na sinong may hilig sa technology at sa capacity nito para magbigay daan sa kaunlaran ng mundo ay pwedeng maging isang Techzel. Isa na rito si Felicia, pero hindi ko alam ano nangyari at bigla siya umalis dun. Hindi naman namin masyado napaguusapan ang nakaraan niya, at ganun din naman sa nakaraan ko.

"Holo F-Accel." Biglang sabi ni Felicia. "H-Ha?" Napatanong na lang ako. "Nyang lumulutang na yan. Isang Holo F-Accel yan. Hintayin mo gagalaw yan at bubuo ng isang holographic screen."

Tama nga si Felicia. Ang lumulutang na bagay ay bigla bumuo ng parang screen, at doon sa screen na yon ay may nagpakitang lalaki.

"Ah.. Ang aking mahal na Deillans. Mapapansin niyo na ang festival natin ngayon ay iba sa mga nakaraang festivals. Ito ay dahil hindi lang ang Festival of the Swords ang ating pinagdidiriwang ngayon, kundi pati na rin ang aking koronasyon." Si Dev.. Si Dev na nakasuot ng Deillan War King's Armor ang nagsasalita sa screen. Koronasyon? Kalokohan! Na saan ang mahal na hari?! Na saan ang mahal kong ama?!

Nagbubulungan lang ang mga taong na sa paligid namin ni Felicia. Karamihan ay nagtataka at nag-aalala para kay haring David. Hindi basta-basta naaaprubahan ang koronasyon ng isang prinsipe. Meron itong mga steps na striktong sinusuyo ng mga Deillan authority, at ang may huling sabi ay ang hari mismo at ang kanyang Right Hand na si Ephiastes.

"Wag kayo mangamba, mga mahal kong Deillans. Ang hari ay nagpapahinga lamang ngayon at na sa mabuting kalagayan. Sadyang ipinasa niya na sa akin ang korona upang maka-focus sa kanyang pagpapagaling." Sunod na sabi ni Dev. "At bago matapos itong kingdom-wide announcement ko na to, sa unang araw ko bilang hari, idinideklara ko ang isang ALL-OUT WAR laban sa mga Sixa! Yun lang naman. Maaari na kayong magpatuloy sa kasiyahan! Huahahahaha!"

*bzzzzt* *-end of transmission-* *bzzztttt* *-returning to the castle-* bumalik ang Holo sa dati niyang anyo at bigla umilaw. Unti-unti itong naglalago hanggang tuluyan na itong nawala. Nalagyan pa ng teleportation device ng mga Techzels ang mga bagay bagay. Kakaiba talaga sila. Pero tama ba tong nangyayari? Nakikipag-digmaan ang Deilla ngayon sa Sixa, ngunit isang pangontra lamang ang lahat ng yun. Ngayon ba, plano ni Dev na umatake mismo ang buong militar ng Deilla sa Sixa?!

All-Out War? Hindi ito ang gusto ni ama.. Dev, anong plano mo?

"Felicia, kaila—" "Ooooohp. Nya~" nilagay niya ang kanyang daliri sa gitna ng aking labi. "Hindi mo na kailangan pa magpaalam sa akin, Wu. Sige na at puntahan mo ang mahal na hari. Alam ko namang kahit pigilan ka nyila ay makakahanyap ka pa rin ng paraan. Hihintayin na lang kita sa labas ng castle. Nya~"

"Salamat, Felicia. Mauuna na ako." Tumayo na ako sa kinauupuan ko. Kinuha ko ang huling sushi at kinain yun. Sumama ang tingin sa akin ni Felicia pero okay lang, para sa sushi! Tumakbo na ko papunta sa castle ng Deilla, kung saan nandoon si Dev at ang aking ama na si David. Naririnig ko pa rin sa isip ko si Felicia na nagsasabi ng, "bakit mo kinain yung huling sushi?!?!"

Wakas ng Chapter III.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro