Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter II.c: The War in Edea pt.3

[A/N]: Kamusta kayo? Hahaha. Sa ngayon wala pang reader ng story na ginagawa ko, pero umaasa ako na balang araw may makakabasa rin nito. Hahaha! Kaya ko ginagawa tong [A/N] ngayon. Kung nakaabot ka dito, maraming salamat sobra! Sana magstay pa kayo at ipagpatuloy ang pagbabasa. Thank you!

Ang final part ng chapter II. Sa wakas masusubaybayan na natin ang climax ng chapter na to — ang digmaan. Tayo ay magsisimula kina Wu at Sera.

[Oras bago ang digmaan: <30 minutes]

Sera

"Wu! Halika, tignan mo tong gagawin ko!" Habang naglalaro kami sa patagan nakakita ako ng pond sa hindi kalayuan. Naisip ko, bakit kaya hindi ko ipakita kay Wu ang magic ko? Panigurado matutuwa tong batang to. "Sige, Sera! Ayan na ako!"

Papalapit na sa akin si Wu. Itinapat ko naman ang aking mga kamay sa pond at sinimulan ang pag-channel ng mana ko paturo doon. "Control magic: Water." Ang tubig sa may pond ay gumalaw ayon sa galaw ng mga kamay ko. Itinaas ko ang aking mga kamay para iangat ang tubig sabay tingin kay Wu. Hehehe. "Handa ka na ba mabasa, Wu?" Asar ko sa kanya.

"Haaaaaa?! Teka! Nacocontrol mo yung tubig? Amazing ka Sera!" Napatayo lang si Wu sa may harapan ko habang tuwang tuwa sa nakikita niyang lumulutang na tubig. "Heh. Basa ka sa akin ngayon!" Inihawi ko ang aking mga kamay papunta sa kinatatayuan ni Wu. Sumunod naman ang cincontrol kong tubig.

"Hop! Gah! Woo! Hahaha! Hindi mo ako nabasa, Sera. Too ez." Asar sakin ni Wu. Aba. Itong batang to akala mo kung sino! Hmp! "Sige, isa pa! Iwasan mo nga to! Burst magic: Water Jet!" Bumilog ang tubig na cinocontrol ko, nagsimula ito magvibrate ng malakas at biglang sumugod kay Wu ng mabilis na para bang laser. "Nyay! Oho. Gusto ko rin matuto mag-magic! Paturo naman, Sera!" Na-naiwasan niya rin yun? Hindi ordinaryong bata tong si Wu. Napangiti na lang ako, "Ang likot mo talaga, Wu. Hay nako!"

Bigla nakuha ng atensyon naming dalawa ang pagsabay-sabay na paglipad ng mga ibon sa may Edea Forest. "Ah. Ano kaya yun?" Taka ni Wu. Masama kutob ko. Mabuti na atang bumalik na kami sa orp— "ehhhh? Anong ginagawa mo, Wu?! Wag ka ngang tumakbo papunta sa forest!" Sigaw ko sa kanya. "Bakit naman? Takot ka no? Hahaha!" Oo. Oo, takot ako, Wu. Bakit hindi ka natatakot? Hindi mo ba naiisip na unnatural na sabay-sabay lumipad ang mga ibon? "Wu!!!" Ang layo niya na. Pinapabantay ka sa akin, Wu. Syempre hindi kita hahayaan mag-isa! Aghhhh. May magagawa pa ba ko?

Greos

Ano yun? May kakaiba akong naramdaman sa Forest ng Edea. "Greos.." alalang sabi ni Lumina. "Nararamdaman mo rin?" Tanong ko. "Oo.. Mga kalaban.. Sixans."

Masama to. Hindi natural para sa Sixans ang sumugod sa Edea, bakit nila naisipang sumugod ngayon? Kahit na sa Deilla nakaalyado ang mga Edeans, nananatili silang neutral sa digmaan. "Lord Greos, ang mga kawal na nagbabantay sa forest ay kasulukuyang nakikipaglaban sa mga kobold ng Sixa." Isang messenger galing mismo sa forest ay naglahad ng masamang balita sa akin.

Mga kobold? Anong plano mo, Arthur? "Lumina, mukhang nagiisang battalion lang naman ang sumusugod sa Edea. Manatili ka dito sa main plaza ng bayan." Mabuti nang sigurado na may bantay ang lahat ng mahahalagang areas sa bayan na to. "Si.. Si Ephiastes o." Turo ng aking kapatid. Ha? Ang Right Hand ng hari nandito ngayon? Bakit?

"Mukhang hindi ata kayo masaya na nandito ako ngayon, Greos? Lumina?" Hindi naman sa hindi masaya, sadyang may masamang nangyayari lang sa bayan. Pero maganda to, mas malakas ang depensa namin ngayon dahil nandito na si Ephiastes. Napakalakas niyang mage na half-elf.

"Masaya ako, Lord Ephiastes. Sadyang may kaguluhan lang sa forest ng Edea ngayon." Wala siyang expression ng pagkagulat o kahit ano man lang. Iba talaga ang Right Hand ng hari. Napaka-composed niya sa kahit anong sitwasyon. "Ganun ba.. Sige, sumugod ka doon at ng iyong battalion. Habang kami ni Lumina ay dito lang para masiguradong ligtas ang bayan." Ang galing. Parehas na parehas ang plano namin. Katumbas ko kaya si Ephiastes? "Masusunod, lord Ephiastes!" Mabilis kaming umalis ng aking battalion patungo sa forest of Edea.

[Oras bago ang digmaan: 0]

Ephiastes

Mabilis na sumunod sa aking plano si Greos. Hahahaha! Lahat ng mga plano ko ay nasusunod! Napakadali talaga, napakadali. Ito na ang simula ng sunod-sunod kong patibong para sa Deillan Knights at ng Mages of Edea.

"Ephiastes." Tawag sakin ni Lumina. Na sa harapan ko na pala siya. Masyado akong nalulong sa pagiisip ko sa aking napaka-perpektong plano. "Oh? Ano, Lumina?"

"Bakit ka nandito?"

"Inutusan ako ng hari na magsilbing reinforcement sa inyo, Lumina." Sagot ko.

"May nakapag-report agad sa mahal na hari? Sino?" Ang daming tanong ng babaeng to. Nakakarindi na. "Bakit ang dami mong tano—" "sagutin mo ang tanong ko, Ephiastes." Mukhang nagdududa na sakin si Lumina. Heh. Malayo naman na si Greos. Hindi ako magkakaroon ng problema kalabanin tong taong to.

"Ako. Nakita ko ang mga kobold sa mga sentries ko dito sa Edea."

"Bakit hindi mo kami sinabihan agad?" Galit na tanong ni Lumina. Napakaraming tanong talaga! Ubos na ang pasensya ko! "Lumina, napakarami mong tanong. Manahimik ka na lang pwede?" Cinast ko ang Flame Orb ko sa aking kamay at inutusan itong maglabas ng nagbabagang apoy, "Orb Magic: Blitz Flame!"

"Protection Magic: Mirror!" Itinapat niya ang dalawa niyang kamay sa apoy ko at biglang may lumabas na barrier sa harapan niya na nagsilbing harang sa magic ko. "Hay. Sinasabi ko na nga ba, traydor ka, Ephiastus. Anong ginawa mo sa mahal na hari?!"

"Hahahaha! Wag kang mabahala, Lumina! Wala akong ginawa sa hari, pero sa inyong mga Deillan Knights na nandito ngayon meron!"

Cinast ko na lahat ng elemental orbs ko. Pumalibot sila sakin at umiikot. "Tingin mo ba ang isang katulad mo na Light magic lang ang kakayahan ay matatalo ako na isang Elemental Lord? Hahaha! Orb Magic: Void Missiles!" Pumaharap ang Void Orb ko at naglabas ng maraming matutulis na dark materia na mabilisang sumugod kay Lumina. "Wala kang counter ngayon, kahinaan ng Light Magic ang Void magic, hindi ba?"

"Nullis Exter Mi!" Isang babae ang biglang tumalon at pumwesto sa harapan ni Lumina. Sa cinast niyang magic, bigla naglaho lahat ng void missiles. "S-sino ka?!"

"Oops. Nakakaistorbo ba ako? Oh no.. Ha! As if I would feel bad! Ako si Diana. Isa ako sa High Mage ng Edea. Hindi ba't ikaw ang Right Hand ng hari? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?! Treason! Treason, I tell you."

Sera

"Wu! Wu! Nasaan ka na?!" Masama talaga ang kutob ko. Bakit napaka-usok dito sa forest? Wala namang sunog. Sadyang mausok lang talaga at sobrang itim pa.

"AHHHHHH!" Wu?! Boses ni Wu yun sigurado ako! Saan?! Saan?!?! Sinara ko ang mga mata ko, inalala ko ulit ang boses ni Wu at kung saan nanggaling yun. Concentrate, Sera. Concentrate.

Ha! Dito! "Light Magic: Illuminate Trail!" Itinuro ko ang daliri ko sa lugar kung saan tingin ko ay nandoon si Wu. "Wuuuuu!! Hintayin mo ko!"

Nagmadali ako tumakbo ng diretso sa daan na binigay sa akin ng Illuminate Trail. Diretso lang ang tingin ko. Tumingin man ako sa kaliwa o kanan wala rin naman ako makikita kundi itim na usok.

Matapos ko tumakbo ng walang hinto, nakaabot din ako sa isang malawak na area na kaunti lamang ang mga puno. Sa hindi kalayuan nakita ko si Wu. Sa harapan niya ay mga kobold warriors na nakatitig lang kay Wu na para ba siyang isang prey nila.

"Wu!!!" Sigaw ko ng malakas. Napalingon siya sakin. Umiiyak na siya sa takot pero bigla siya napangiti ng makita niya ako, pero biglang humagulgol ulit. "Sera!! Sorry nadala kita sa panganib. Hindi ko sinasadya! Akala ko.. Akala ko masaya ang nangya—"

"Wu.." Napangiti na lang ako. Hay nako, Wu. Isa ka talagang makulit na bata. Ang mahalaga ligtas ka. "Teles Mori.." sa isang iglap si Wu na malayo sa akin kanina ay na sa may tabi ko na. Teleportation magic.

"Hoooo? Ang batang yon ay marunong mag magic? Kahahahaha!" Tawa ng isang kobold. Naiiba siya, mukhang ito ang lider nitong mga pangit na kobold. Siya lang naman ang may hawak na staff at may bungo sa may ulo. Necromancer? Or isa ring mage tulad ko?

"Tinatamad pa ako makipaglaban sayo, bata, kaya ang mga kaibigan ko muna ha?" Agh. Duwag pala. "Walang problema, pangit. Lahat naman kayo ay uubusin ko, kahit sino pang mauna." Asar ko.

"Huy, pangit ka raw, boss." Rinig kong bulong ng isa sa mga kobold warrior. Kitang kita naman ang inis sa mukha ng lider nila. "Nihindi mo nga kita ang mukha ko, bata ka! Ang dakilang Krox ay hindi pangit!" "Ah. Krox pangalan mo? Ang pangit din pala. Bagay sayo."

"......Gaaaaaahhhhh!!! Sumugod na nga kayo para matahimik na yang batang yan!" Inis na turo ni Krox sa akin. Heh. "Wu. Panoorin mo lang si ate Sera ha? Ililigtas kita. Promise." Oo, Wu. Ililigtas kita kahit ano man mangyari.

"Exo Gilga Ram.. Edean limiter nullify..." Tinuro ko sa left temple sa may ulo ko ang hintuturo ng aking kaliwang kamay. Tinanggal ko ang nagli-limit sa mana ng katawan ko. Isang bata laban sa isang battalion. Ha. Katawa-tawa naman. Matapos ko sila ubusin dito walang wala na silang dignidad.

Greos

"Ano to? Napakakapal ng itim na usok na pumapalibot sa forest?!" Delikado to. Zero vision kami ng battalion ko pag pumasok kami dito sa loob. Maari kaming maambush ng walang kalaban-laban. Wala rin sila Wu at Sera sa patagan, na sa orphanage na kaya sila?

"Kekekeke! Sino tong mga to? Ang dami niyo atang may gusto pumasok sa gubat eh?" Isang higanteng kobold ang lumabas sa makapal na usok. "Akala ko tapos na ang trabaho ko sa pag-ubos ng mga Deillan Knights dito, pero mukhang may gusto ng round 2. Kekekeke."

*hisss.. crackle.. crackle..*

May namumuong itim na ulap sa gitna ng gubat. Maaari kayang may mga tao pang lumalaban sa mga kobold sa loob?

*crack.. hissssss.. BOOOOOM!!*

Isang malakas na kidlat ang tumama sa gitna ng gubat. Ilan sa mga puno ay tinamaan at nagsimula nang masunog. Ang mga tao ko sa loob ng gubat! Kailangan kong mailabas sila ngayon din. "Erghhh.. Hindi marunong gumamit ng kidlat ang kapatid kong si Krox. Isa siguro sa mga bata ay isang mage."

"A-Anong sinabi mo?" Tama ba pagkarinig ko? Isa.. Isa sa mga bata? "Ha? Ah. Kekekeke. May dalawang bata dito na sumugod papasok. Hinayaan ko lang sila dahil kinakalkal ko pa ang mga armor ng mga tao mo kanina. Kekeke!"

Patay ako sa hari pag namatay si Wu. Mukhang wala na kong ibang choice dito. "Deillan Knights! Stand your ground! Ako lang ang lalaban dito sa hayop na to."

"Ha? Ako hayop? KAHAHAHA! Ang mga tunay na hayop lang dito ay kayong mga tao!" Inilabas niya ang dalawa niyang machete at inislash ito ng paekis. "Ako si Krex, ang tatapos ng buhay niyo!"

"Armor of the Dreadful.. Sword of the Wicked.. Vengeful Redemption!" Naramdaman kong mag-iba ang armor ko at great sword, pero para matapos ang transfiguration ko kailangan ko buhatin ang hinanakit ng mga lost souls sa isipan ko. Libo-libong mga lost souls ang naririnig ko ngayon sa isip ko. Kaya ko to. Ako, si Greos, ay hindi mahahatak ng mga lost souls sa river ng Styx!

"Krex ba kamo? Ipapatikim ko sayo si kamatayan."

Hinanda ko ang sarili ko at ang aking great sword para sa isang malaking swing. Uumpisahan ko tong laban na to ng isang long-range attack, "Desolate Wave!" Isang makapal at mabilis na dark-violet wave ang sumugod kay Krex. Tumalon siya ng sobrang taas bilang pang-kontra. Dumiretso ang wave ko sa gubat at ilang mga puno ang nasira.

"KAHAHAHA! Ano yun? Yun na yun?!" Gah. Alam niyang tatama ang atake ko sa gubat kung iniwasan niya lang kesa harangan. "Twin Primal Fangs!" Inislash niya ng dalawang beses ang kanyang mga machete sa akin habang na sa ere pa siya. Dalawang malaking crimson slash ang namuo sa kawalan at mabilis na tumama kung saan ako nakatayo. "Aegis." Sinummon ko ang impregnable legendary shield para harangan ang dalawang slash ni Krex. "Ang aegis ay na sayo? Hindi biro ang mga tao sa Deilla. Kekeke." Lumanding na rin siya sa lupa. Sa wakas. Akin ka na ngayon.

Umilaw ng kulay dark-violet ang great sword ko. Tumakbo ako pasugod kay Krex para tapusin na ang laban na to. Hindi na ko pwede magsayang pa ng oras.

*CLANG!!* *SWOOOSH!!!*

*SLASH!* *SHIK!!* *KLING!!!* *CUUUUUT!*

*SLAAAAASSSSHHHHH!!!*

Matapos ang matinding sword fight naming dalawa, tinapos namin ito ng parehas na slash attack ang ginawa. "Kek.. GG.. Well played, Greos, the vengeful knight." Sumirit ang dugo ni Kreos sa malaking hati niya sa dibdib hanggang sa tyan at tuluyan ng lumagapak sa lupa. "Talo mo sana ako, kaso masyado makapal ang armor ko. Sana'y makamit mo ang kapayapaan kung saan man ang langit ng mga kobold."

Pumalakpak naman ang mga tao ko sa battalion. "Wooo! You da boss, Greos!" "Lakas mo talaga, lord Greos!" "O mga pumusta kay Kreos, akin na mga pera niyo!"

"Oy. May pumusta na matatalo ako sa isang kobold? Sino yang mga yan ha?" Natahimik na lang ang battalion sa takot at hiya. Seryoso, tingin ba nila ganun ako kahina? "Teka, sa susunod ko na kayo paparusahan. Wala na tayong oras. Papasok tayo sa gubat at ililigtas natin lahat ng mga Deillans sa loob. Maliwanag?!"

"YES, LORD GREOS!"

Sera

"Ha... Haaaa..." masama to, ramdam ko na ang pagod ko at pagkaubos ng aking mana. Naubos ko nga halos lagpas kalahati ng mga kobold sa lightning strike ko, pero ang kukulit pa rin ng mga natitira. "Pwede bang wag kayo malikot?! Hindi ko kayo matamaan!" Inis kong sigaw.

"Kahahaha! Mukha ba kaming walang utak para huminto at magpatama sa—" *BZZZZZT* "ahh... Ang sakit." Natumba ang kobold na tinamaan ko ng kuryente.

"Ayan. Salita ka kasi ng salita, nakuryente tuloy kita." Pinapalibutan pa rin kami ng maraming kobold at paikot-ikot lang sila saming dalawa ni Wu. Tinitigan ko si Wu at nakita kong nakatingin lang siya sakin na luhaan. "Onting tiis na lang ha, Wu? Malapit na tayo maging ligtas." Sabi ko sa kanya habang nakapatong ang isang kamay ko sa ulo niya. Ililigtas kita, Wu. Promise.

"Sige. Kung ganyan lang din gagawin niyo, wala na kong ibang magagawa pa.." lumapit ako kay Wu sa may likod niya at nagcast ng isang barrier magic, "Barrier magic: Chilling Touch." Pumalibot sa amin ang isang malamig na hangin, pero hindi kami nakakaramdam ng kahit anong matinding lamig. Proteksyon lang ito sa gagamitin kong AOE-type of magic o Area of Effect-type magic.

"Fros.. Galea.. Nemea.. Chi.. Ballastica!" Umilaw ang mga mata ko ng maliwanag na asul. Bigla nagkaroon ng malaking magic circle sa lupa, ang buong symbol ay apektado ng aking gagawing magic. "U-umalis kayo dyan, mga mangmang!" Sigaw ni Krox.

"Too late." Malalaking ice shards ang lumabas sa lupa na sakop ng magic circle. Lahat ng mga kobold na nasa loob ay natusok at namatay agad sa fatality ng tama nila o kung hindi naman ay sa absolute frost ng mga ice shards ko. "Garden of Eternal Frost."

"Ha... Agh... Onti pa. Isa na lang. Isang kobold na lang..." napaluhod na ako sa nararamdaman kong pagod. Kaya ko pa. May mana pa kong natitira. "Sera, salamat. Sera." Iyak ni Wu habang nakayakap sakin. "Teka.. Ano ka ba. Hindi pa tayo tapos. Agh." Wag ka muna bumigay, katawan ko...

"Pangit!" Sigaw ni Wu kay Krox. Anong.. Anong ginagawa mo, Wu? Wag mong galitin yan. Hindi mo kaya yan. "Anong sinasabi mo dyan ha, bata?" Inis na tanong ni Krox. "Sabi ko, pangit. Pangit! Pangit! Pangit!" Sigaw ni Wu habang naglalakad papalapit sa lider ng mga kobold. "Wu.. Ano.. Ka ba?!? Bumalik ka rito ngayon din!!" Wu.. Wag. Ka-Kailangan ko na ba talagang gawin yung magic na yun.. Ba.. Bahala na. Nangako ako na ililigtas kita, Wu.

"Loko ka talagang bata ka. Meron kang death wish no?! KAHAHA. SIGE. SIGEEE. Necro magic: Oblivion!" Wu.. Ililigtas kita kahit ano mangyari...

"Teles.. Juxa." Nagkapalit kami ng pwesto ni Wu at, "Amplifa Rebu Ris.. Edea Cursa Fatalis..." Sinalo ko ng buong-buo ang Oblivion ni Krox at ibinalik ito sa kanya ng mas masakit. "KAAAAAHHHH! Anong ginawa mo sa akin?! Hindi ito ang Oblivion magic ko!!"

"Oo.. Naging vessel lang ang Oblivion mo para sa atake ko, ang Fatal Curse. Paalam, Krox."

"KAAAAHHHHH IKAW!!! SINO KA?!! SINO KA?!?! Sino... ka.... Si—" Unti-unting naglaho si Krox dahil sa sumpa. Wag mo na ko kilalanin. Burado ka na sa mundong to, Krox. Matapos niyang mawala ay natumba na ko. May mga magic chains na biglang lumabas sa lupa at kinadena ang mga kamay at paa ko. Ang usok.. Nasusunog nga pala ang gubat. A.. Ayoko pang mamatay.

"Wu?" Hay nako. Umiiyak ka na naman... Hindi pa naman ako patay, Wu. Tinupad ko na ang pangako ko, tahan ka na... "Wu, wag mo ko iwan. Wag mo ko iwan..." ano ba tong sinasabi ko... Delikado dito. Kailangan mo umalis.

"Nandito lang ako, Sera. Hindi kita iiwan! Nandito lang ako." Hagulgol na sabi ni Wu. Pero matapos niya sabihin yun bigla dumating sila Greos at ang kanyang battalion. Tinitigan niya ko ng matagal pati na ang mga kadena na nakakabit sa akin.

W-wala akong magagawa.. Sana mapatawad mo ako.

Kita ko sa mga mata mo ang gusto mong sabihin, Greos. Hayaan mo na. Ang batang to ay masaya na sa natupad niyang pangako. Ibinuhat niya na si Wu at tumakbo na sila palayo, palabas ng gubat. Iyak ka pa rin ng iyak, Wu. Tahan ka na nga sabi. Gusto ko makita mo kong masaya, nakangiti bago pa ko tuluyang maglaho, sana ikaw din pero masyado kang iyakin.

Salamat, Wu. Masaya ako at nakikala kita, kahit isang araw lang ang pagsasama natin.

Wu, masaya ako. Nakikita mo ba ang ngiti ko? Dahil sayo to.

Wu, tinatanggap na kita, bilang kaibigan ko.

Wu, salamat.

.

..

...

....

.....

......

"Oho.. Hindi ka pa pwede mamatay, descendant ni Edea."

Ah.. May tao pa pala.. Akala ko naman mamamatay na ko ng mapayapa. "Sino.."

"Ako si Thrym, at ako ang mag liligtas sayo, Sera."

Wakas ng Chapter II.c.

[A/N]: Sinadya kong hindi isama ang nangyari kela Ephiastus, Diana, at Lumina kasi balak ko gawing way yun para makagawa ng plot for future chapters. Hoho. Thank you sa pagbasa! Mahaba siya pero sana it was worth the read para sayo. Votes and comments are deeply appreciated as always. Salamat!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro