Chapter II.b: The War in Edea pt. 2
Sa pagpapatuloy ng Chapter II, matutunghayan natin ang mga tao sa likod ng digmaan sa Edea. Habang sina Wu at Sera ay maligayang naglalaro sa patagan hindi kalayuan sa orphanage, ang Right Hand ng Deillan King ay kasalukuyang nakikipag-negotiate sa Sixan King.
Paalala: Tulad ng sinabi ko sa umpisa ng chapter, ang mga pangyayari ay historya na sa present time ng Fantasy. Tayo ay na sa nakaraan pa rin.
[Oras bago ang digmaan: 3 hours]
Kingdom of Sixa
Ang Kingdom of Sixa ay isa sa dalawang human kingdoms sa mundo ng Fantasy. Kasulukuyan itong nakikipag-digmaan sa Deilla. Ang mga Sixans ay marahas at mahilig makipag-laban. Sila ay tipong may bloodlust sa kanilang katawan — sila ay gutom sa pagpatay ng mga kalaban. Ang pinaka-goal ng hari ng Sixa ay gawing kaisa-isang kingdom ng mga tao ang Sixa, ibig sabihin nun ay gusto niyang makamit ang complete obliteration ng Deilla.
Ephiastes
Lumuhod ako sa may harapan ng hari ng Sixa na si Arthur. "Mahal na hari." Sabi ko. Tumawa naman siya at ipinatayo ako. "Tama bang lumuhod ka at sabihin mo yan sa hindi mo talagang hari, Ephiastes?" Tamad na tanong ni Arthur. Nakaupo lang siya sa trono niya habang nakapatong ang parehas niyang balikat sa arms ng throne, at ang isang kamay niya ay nagsilbing patungan para sa kanyang ulo. Tamad na tamad talaga.
"Wala akong haring duwag, King Arthur. Kung papayagan mo ako, hayaan mo akong sabihin ang plano ko para masira ang ulo ni haring David." Si king David ang hari ng mga Deillans. Nakita ko ang nakakatakot na titig ng Sixan King sa akin. Mukhang nagustuhan niya ang aking mga sinabi.
"Sige, bibigyan kita ng pagkakataon para patunayan na ikaw ay isang Sixan, half-elf." Narinig ko na naman. Ang salitang half-elf, half human at half elf. Ang mga elves ay mga creatures na kakaiba ang pride, sobrang taas nito na tipong kahit sinong half-elf ay hindi nila tatanggapin sa kanilang kingdom. Wala namang problema sa mga elves at half-elves dati, ngunit ang reyna doon ngayon ay nagpatong ng batas apat na taon ng lumpias na ang lahat ng half-elves ay dapat madeport sa kanilang kingdom, in short kami ay inexile na lang ng basta-basta.
"Ang isa sa dalawang anak ni David ay kasulukuyang na sa Edea. Ito ang paboritong anak ni Dav-"
"Nais mong magpadala ako ng aking mga kawal sa Edea? Paano ako nakakasigurado na hindi mo ako dinadala sa isang patibong?" Singit ni Arthur. Totoo naman, isa pa rin akong Deillan at sa mga mata niya hindi pa rin nagbabago yun. "Hindi mo kailangan ng malaking army para sumugod sa Edea. Ako mismo ang susugod at papatay sa mga Deillan knights na nandoon. Ganito, mahal na hari, susugod kayo mula sa East kung na saan ang Sixa. Ako naman ay babalik sa Deilla para sabihan ang hari na may army niyo na pasugod sa Edea, at sasabihin kong ako na lang mismo ang magiging reinforcement ng Deillan Knights na nagbabantay doon, so mula ako sa West aatake."
Napaisip ng matagal ang Sixan King sa kanyang narinig na plano. Itinawag niya pa ang kanyang Right Hand upang humingi ng advice. Matapos ang ilang minutong bulungan, "Ano pang ginagawa mo dito, half-elf? Bumalik ka na sa Deilla at ituloy na ang plano. Bibigyan kita ng isang oras. Pagtapos ng isang oras ay susugod na ang ilan sa mga kawal ko sa Edea."
Napangiti naman ako sa narinig ko at lumuhod, "Masusunod, mahal na hari." Umalis na ako sa Sixa ng patago at naglakbay na pabalik ng Deilla.
Arthur
"Anong sa tingin mo, Thrym?" Alam kong tunay ang damdamin ng half-elf na balak mag traydor sa kanyang hari. Nais ko lang malaman ang naiisip ni Thyrm dahil isa rin siyang Right Hand, lalo na't Right Hand ko siya. "Ulol ang hari ng Deilla para gawing Right Hand ang isang half-elf."
"HAHAHAHA! Mabuti, mabuti! Sinasabi mo pa rin ang nais mong sabihin talaga, Thrym." Totoong totoo ang sinasabi ni Thrym. Ang mga half-elves ay mga desperate na exiles dahil lamang sa racist na queen ng mga Elven. Makikita mo silang nakakalat sa buong mundo ng Fantasy, desperado magkaroon ng magandang buhay. Paano naman kaya nagkakilala si David at ang half-elf na yon?
"Haring Arthur, ipinatawag niyo po ako?"
Ang Kobold Battalion commander na si Krox ay pumasok sa throne room at lumuhod sa harapan ko. "Ah. Krox, tumayo ka at may iuutos ako sa iyo." Sabi ko sa kanya.
"Ano yun, mahal na hari? Kahit anong misyon pa yan, sisiguraduhin kong magtatagumpay ako at ang aking battalion." Matapang niyang sinabi habang itinapat ang kanyang kamay sa may dibdib niya malapit sa puso. "Wala akong duda sayo, Krox. Alam mo naman yun. Meron kang isang oras para ihanda ang iyong battalion. Kayo ay susugod sa bayan ng Edea."
"Ang bayan ng mga mages? Krahahaha! Papaslangin ko silang lahat! Lahat!! Dominatus Sixa!!" Lumuhod ulit si Krox bilang respeto sa akin, matapos ay mayabang siyang umalis ng throne room.
"Sigurado ka bang ang nagiisa at katiting na kobold battalion lang ang gusto mo ipadala sa Edea?" Tanong sakin ni Thrym. "Wag mo kalimutan na hindi lang mga Deillan Knights ang may kakayanan lumaban doon, Arthur. Ang mga mages ng Edea ay malalakas din." Sunod niya.
"Haaaah! Syempre hindi pa ko tapos, Thrym. Sumunod ka sa kanila mamaya. Sa pagkakaalam ko, isa lang ang anak ng hari ng Deilla. Alamin mo kung sino man ang isa pa niyang "anak". Maliwanag?" Sabi ko habang tinatapik ang kanyang likod.
"Hindi ka pa rin nagbabago, Arthur. Ang tatanda na natin ganyan ka pa rin kung umasta sa akin." Sabay alis sa kamay kong nakapatong sa likod niya. "Makakasigurado kang pulido ang aking imbestigasyon." Lumuhod sa aking harapan si Thrym sabay sabi, "Dominatus Sixa! Mauuna na ako, mahal kong hari."
"Kakaiba pa rin talaga ang loyalty at respeto mo sa akin bilang hari, kahit na tayo ay matalik na magkaibigan kahit noong bata pa tayo. Hahaha! Sige, Thrym. May tiwala ako sayo."
Ephiastes
Naglalakad ako papunta sa throne room ni haring David ng makasalubong ko ang kanyang tunay na anak na si Dev. "Ah. Mahal na prinsipe, nariyan ka pala." Heh. Napaka-inosenteng bata. Sadyang magiging madali ang pagmamamipula ko sa pagiisip nito.
"Ephiastes. Hindi ba ako karapat-dapat maging sunod na hari?" Oh? Ano to? May narinig ba ang prinsipe sa throne room ng hari para magtanong ng ganito? "Bakit mo naman nasabi yan, Dev? Syempre ikaw lang naman ang anak ni haring David." Sabi ko sa kanya. "Pero si Wu—"
Yumuko ako para pantayan ang mga mata ng prinsipe, "Akong bahala, Dev. Magtiwala ka lang sa akin." Wala na siyang ibang nasabi pa at napatango na lang.
Itinuloy ko na ang pagpunta ko sa throne room ni David. Ang mga nakabantay na mga kawal ay bigla umayos ng tayo. Yumuko naman sila ng kaunti ng madaanan ko sila. Ang mga bantay naman ng mismong throne room ay binuksan ang malaking double-doors papasok sa throne. "Mahal kong hari." Sabi ko kay David habang nakataas ang dalawa kong kamay para yakapin siya. Mukhang palapit na ng palapit ang hari sa kanyang kamatayan.
"Ah. Huwag kang malikot, Ephiastus. Alam mo namang matanda na ako." Sabi niya. Oo. Matanda ka na kaya dapat mamatay ka na. Ilang taon na kita hinihintay na mamatay, mahal kong hari.
"Paumanhin, David. Ang aking mga sentries na nakapalibot sa mga kaalyado nating mga bayan.. Ang sentry sa bayan ng Edea ay nahagilap ang isang kobold battalion ng Sixa na paparating sa lugar nila." Napakunot-noo ang hari sa aking "balita". Tama yan, David. Mahuli ka sa aking patibong.
"Si Wu.." mahinang sabi ng hari. "Naiintindihan ko ang iyong saloobin, mahal kong hari. Nandoon naman sila Greos at Lumina. Sila ay hindi basta-basta matatalo ng mga puslit na kobold."
"Hindi, Ephiastes. Ang gusto ko ay iwasan ang maraming mamatay sa mga Deillans. Hanggat sa maaari, gagawin ko ang lahat para mabawasan ang casualties. Ephiastes.. Pumunta ka sa Edea at tulungan sila Greos."
Lumuhod ako at yumuko na nakangiti sa harapan ni David, "masusunod, mahal na hari." Matapos ay tumayo ako at nagpaalam na para maglakbay patungong Edea. Ito na ang simula ng katapusan mo, David. Heh. Napakadali niyong lokohin mga tao.
Wakas ng Chapter II.b.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro