Chapter I: The Forgotten Prince
Wu
"Wu.. W-wag mo ko iwan, Wu..." iyak sakin ng matalik kong kaibigan na babae habang duguan at nakahilata siya sa lubak-lubak na nagye-yelong lupa. Sa paligid ay mga nasusunog na puno. Gubat. Kami ay na sa gubat.
"Nandito lang ako, Sera! Nandito lang ako!" Hagulgol kong sabi habang mahigpit na nakahawak sa kanyang mga kamay. Hindi maalis ang luhaan kong mga mata sa kanyang mukha. Natatakot ako dahil baka isang alis ko lang ng tingin ay mawalan na siya ng buhay.
Nandito lang ako.
Matapos kong bitawan ang mga salitang iyon ay biglang may mga taong naka-armas na dumating, at isa sa kanila ay binuhat ako mula sa bewang.
Teka..
Teka...
Teka!!! Si Sera!!!
"Bitawan mo ko! Si Sera! Kailangan ko iligtas si Sera!!!" Malakas kong sigaw sa taong binubuhat ako. Sinusubukan kong kumawala sa pamamagitan ng pag-likot ng aking buong katawan.
Sera!!! Nilingon ko si Sera na unti-unting naglalaho sa aking paningin. Kitang kita ko pa ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin, sa walang kwentang ako, sa ako na hindi man lang siya nasamahan sa huli niyang hininga. Pero, bago pa siya tuluyang mawala sa aking paningin ay naaninag ko ang mahina niyang ngiti. Sera, bakit ka ngumiti?!
Bakit ka ngumiti, Sera?! Bakit?! Bakit?!?! Ba-
"Wu!" Nagising ako sa boses ng isang babae. Hindi, sa katotohanan nagising ako sa matindi niyang pag-yanig sa akin habang ako ay natutulog.
"Felicia, ano ka ba?!" Inis kong sabi sa kanya. Hindi naman ako inis dahil ginising niya ako. Dapat pa nga akong magpasalamat e, dahil iniligtas niya ako sa nakaka-trauma kong panaginip. Ang kina-iinisan ko lang naman ay ang pagyanig niya sa akin ay may halong kalmot!
"Ilang beses ko ba kailangan sabihin na ang haba ng kuko mo masyado?"
Kita ko sa kanyang mukha na nalungkot siya sa sinabi ko. "Sorry." Kalmado kong sabi.
"H-hindi. Pasensya ka na. Nakalimutan ko hindi ka nga pala taong-pusa."
Oo, si Felicia ay isang taong-pusa. Meron siyang tenga ng pusa, buntot ng pusa, paws ng pusa, pero hindi balot ang kaniyang katawan ng fur. Cute siya kung tutuusin kasi maliit.. At cute talaga siya sige na. Ang body frame niya naman ay, hmm.. Petite? Ah, basta. Pakilala ko na lang siya sa inyo. Wag kayo magpaloko, nakakatakot ang kanyang anyo pag galit siya, sobra.
"Wala yun, Felicia. Hayaan mo na. Mawawala naman agad ang mga kalmot mo sa akin kasi hindi naman malalim." Kasungalingan! Alam ko sa sarili ko na malalim ang mga sugat ko, pero bakit yun ang lumabas sa mga bibig ko?!
Hindi na siya nagsalita pa at ngumiti na lang sa akin habang masayang inuugoy ang kanyang buntot. "Tara sa Deilla Kingdom!" Bigla niyang sabi habang papalabas ng bahay.
"Ha? Ano meron?" Lito kong tanong.
"Hay nako. Nya~kalimutan mo na naman. Hindi ba Festival of the Swords ngayon?" Ha? Ngayon ba yun? Oo nga pala. Ang lahat ng races na kaalyado ng Deilla Kingdom ay nagtitipon-tipon tuwing Festival of the Swords. Paniguradong magiging masaya doon, pero sumasama talaga ang aking loob tuwing ako ay na sa loob ng kaharian eh.
"Tara naaaaaa. Ang tamad naman nya~ oohhhh." Padabog na sabi ni Felicia.
"Ayan na. Ayan na. Mag-aayos lang ako. Saglit."
Ayan. Tapos na rin ako mag-ayos. Teka, pose lang ako saglit. Boom. Perfect shot.
"Hay nya~ko. Bakit naman ganyan pose mo?!" Tanong ni Felicia habang nino-nosebleed. Magagalit pa ba siya, e halata namang gusto niya rin ang nakikita niya.
"Baka makahanap ako ng chicks sa Festival. Hindi natin alam diba? Pina-practice ko na ang demure pose ko." Biro kong sabi. Bigla na lang siya nagdabog at nauna na ng lakad. "Te-teka! Biro lang naman. Hindi ka na mabiro!" Sigaw ko habang naglalakad ng mabilis para makahabol sa kanya.
Kingdom of Deilla
Ang Kingdom of Deilla ay isa sa dalawang human kingdoms sa mundo ng Fantasy. Ang isa pang human kingdom ay ang Kingdom of Sixa, ang matinding karibal ng Deilla, at kasulukuyang nakikipag-digmaan dito ng halos limang dekada na o 50 years. Ang Deilla Kingdom ay may madaming kaalyado, karamihan nito ay mga demihumans tulad na lang ng mga taong-pusa at ang mga minotaurs. Mapayapa ang mga Deillans, lalo na ang kasulukuyang hari, pero sa mga nakaraang taon ay bigla na lang nag-iba ang pamamalakad ng mga Deillan authorities at lalo na ang hari.
"Nandito na rin tayo sa wakas." Iba talaga pag may kabayo o kahit ano mang creature na pwedeng sakyan. Sadyang napakatagal ng byahe pag nakayapak lamang.
"Woooooooooow!!! Nya~ng ganda sobra ng kaharian ng Deilla!" Maligayang pag-sigaw ni Felicia.
Totoo nga. Ito na ata ang pinakamagargong Festival of the Swords na inihanda nila. Ano kaya meron? Sa labas pa lang ng gate ay makikita mo na ang napakadaming tao na nagsisiyahan. Hindi lamang tao kung tutuusin. Meron ding mga taong-pusa tulad ni Felicia, mga minotaurs, mga orcs at goblins, mga dwarvens, at syempre mga elvens.
Iba't-ibang mga kultura ang makikita at madadama mo sa Deilla Kingdom. Talaga ngang napakasaya ng araw na ito, pero bago ang lahat.
Lumapit ako sa isang tao. "Kilala mo ba kung sino ako?" Tinignan niya ako ng matagal, at bigla sinabing, "exhibitionist ka ba?"
Ano, porket kita abs ko exhibitionist na? Linayuan ko na lang siya agad at baka masapak ko pa siya ng solid. Isa pa. Lumapit naman ako ngayon sa isang dwarf.
"Pamilyar ba sayo ang mukhang ito?" Turo ko sa mukha ko habang nakangiti.
"Ang mga tao ay magkakamukha lang para sa akin, iho." Sabi ko na nga ba. Mga dwarves talaga. At least, hindi sila racist.
Talagang nakalimutan na ng Deillans at ng mga kaalyado nito na merong batang prinsipe ang Deilla. Sabagay, bata pa ako noon. Imposibleng makilala ang mukha ko ngayon, lumaki na ko at tinamaan ng matinding palakol ng puberty. Tama lang na ibigay ko sa sarili ko ang title na, The Forgotten Prince. Sige. Isa na lang. Isang tanong na lang at tatanggapin kong nakalimutan na nila ako.
Lumapit ako sa isang babaeng nakatalikod na naka-hood at hinawakan siya sa may kanang balikat. Laking gulat ko nang para ba siyang nabigla at idinistansya agad ang sarili niya mula sa akin. Napakabilis niya, dahil dito natanggal ang hood niya at nakita ang kanyang mukha. Hindi siya ordinaryong mamamayan ng Deilla.
Nanlaki ang mga mata ko matapos kong makita ng maayos ang mukha ng babaeng na sa harapan ko.
Se.. Sera?
"Sera? Sera, ikaw ba yan?!" Sabi ko sa babae habang nakatapat ang kanang kamay ko sa kanya na para bang pilit siya inaabot. Ibinalik niya ang hood niya sa kanyang ulo bilang pantakip ng kanyang mukha at dali-daling tumakbo palayo.
"Teka! Sera! Sera!!!" Pilit ko siyang hinabol pero sa dami ng tao ay hindi ko na siya nasundan pa.
Wakas ng Chapter I.
[A/N]: Thank you sa pagbabasa! Votes and comments are deeply appreciated. Namomotivate ako pag ganun. I'm just starting, pero sana maappreciate niyo ang work ko. Salamat!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro