ᶜʰᵃᵖᵉʳ ᵗʰʳᵉᵉ
»»----🖤----««
CHAPTER THREE
"What's the meaning of this Sabrina and Kean?!"
Napaungol siya ng marinig ang mga nagtata-asang tinig.
Ano bang problema ng mga tao, ki aga-aga? Ani niya sa isip.
Sobrang inaantok siya at pakiramdam niya ay lumilindol ang kanyang paligid.
"SABRINA SALCEDO! GUMISING KA!" Anang tinig.
Umingos lang ang dalaga at bumaloktok sa pagkakahiga.
"Quiet and leave me alone" Sabi niya saka mas ipinikit ang mata.
"ISA SABRINA!" Sabi uli ng boses na ikina-irita niya.
Akmang sisinghalan niya ang kung sino mang nangi-istorbo sa kanyang pagtulog ng may ma-realize siya.
T-teka...
Bakit parang si mommy? usal niya sa kanyang sarili.
Her eyes automatically open upon realizing that it was her mother who keeps on waking her up.
Napa balikwas siya ng bangon.
"Mmy! What are you doing here?" gulantang siyang tumingin sa ina at agad namang nanlaki ang kanyang mata ng makitang hindi nag-iisa ang kanyang ina.
Naroon din sa loob ng kwarto ang kanyang ama at ang mag-asawang Sudalgo.
Her mother raise her brows at her kaya napakunot ang noo niya.
What's their problem?
Akmang babangon siya ng mapansin ang isang bagay...
She's naked under the comforter.
Bakit?
Ano?
Paanong?
"Hmh~"
Nanlaki uli ang kanyang mga mata ng marinig ang isang ungol.
Her gaze shifted to the left side of her bed.
Umawang ang kanyang mga labi kasabay ng pagmulat ng mata ni Kean...
Kean!
Si Kean!
Anong ginagawa ni Kean?!
"What the!" Ani ni Kean. Pagkamulat niya ng kanyang mga mata ay bumungad sa kanya ang kanyang mga magulang na galit ang mukha at mga magulang ni Sabrina.
Napansin din niya ang kulay ng kwartong kinalalagyan niya... Hindi niya ito kwarto.
Where the hell I am?! Pagkakausap niya sa sarili.
Masakit ang kanyang ulo na tila pinupukpuk ng martilyo.
"ANONG IBIG SABIHIN NITO? KEAN AT SABRINA?" sigaw naman ng ama ni Sabrina na si Drei Salcedo.
"Ano bang- sh*t" napamura na lang si Kean nang pagtingin niya sa gilid niya ay nandoon ang isang babae...
Magulo ang buhok, namumulang mukha, naka-awang ang mga labi habang nakatitig sa kanya at- at alam niyang wala itong kahit ano mang saplot sa katawan katulad niya.
Hindi siya tanga para hindi maintindihan ang mga nangyayari.
May nangyari sa'min ni Sabrina! His mind shouted.
Napapapikit si Kean at pilit inalala ang mga nangyayari.
Habang si Sabrina ay nakatitig parin kay Kean.
Ang hot ni Kean! sigaw ng kanyang isip. Mapupungay ang mga mata nito halatang bagong gising, mapula ang mga labi, perpektong panga, magulo ang buhok, malapad ang balikat at- at nakakapang-init ang katawan nito, kitang-kita niya ang dalawang nipples nito at ang walo- walong pandesal nito.
She lip bite as she was lost in her own thoughts.
"WAG KANG MAG MURA, BATA! SABIHIN NIYO KUNG ANONG GINAWA NIYO!" nag balik sila sa kanilang mga sarili ng marinig uli ang boses ng ama ni Sabrina.
Napayuko na lang si Sabrina dahil wala talaga siyang ma-alala sa mga nangyari.
Nakakapag taka lang dahil hindi naman siya umiinom ng alak, bakit pakiramdam niya ay nalasing siya.
Nakaramdam ng takot si Sabrina ng makita ang nag-aapoy na tingin ng kanyang ama.
"I- I don't k-know what happened, d-dad" mahinang usal ni Sabrina. Halos maiyak na siya habang si Kean nanatiling tahimik lang.
"PWES BOTH OF YOU TAKE THE CONSEQUENCES OF YOUR RECKLESS ACTIONS!" anang Matteo na ama ng binata.
Nanatiling tahimik ang dalawang gianng ngunit bakas sa mukha ng mga ito ang pagsang-ayon.
"You'll get married" diklara ng ama ni Sabrina.
She gasped. Her eyes immediately shifted to Kean.
Nawala ang emosyon sa mukha ng binata.
"No! I won't marry Sabrina!" agarang pagtutol ni Kean.
Wala siyang balak pakasalan si Sabrina, kung si Jessica sana ang nagalaw niya idi siya mismo ang mag-aalok ng kasal.
Dumaan ang sakit sa mga mata ni Sabrina ng marinig ang binata.
She was so in love with Kean pero hindi niya maintindihan kung bakit hanggang ngayon hindi parin masuklian ng binata ang kanyang pagmamahal.
Kulang pa ba ang mga pagpapapansin niya dito, halos binago na niya ang ugali niya para dito.
Nanatiling siyang tahimik. Nasasaktan siya kahit na hindi dapat.
"WHAT! PAGKATAPOS MONG GALAWIN ANG ANAK KO!" sigaw uli ni Drei.
"Son," tanging nasambit ni Lucy na ina ni Kean. Habang napailing naman ang si Katrina na ina ni Sabrina.
"You can't force me. Wala akong alam sa nangyari. Ask your daughter, she's head over heels to me baka may alam siya."
May halong panunumbat na sabi naman ni Kean.
Namula si Sabrina sa magkahalong pagkahiya at sakit. Sabagay, totoo na man ito. Patay na patay siya sa binata pero totoong wala siyang alam sa nangyari, siya man din ay naguguluhan.
"Watch your words young man!" may halong pag babanta na ani ng ama ni Sabrina.
"Nangyari na iyan Kean, hindi naman pwedeng ma agrabyado ang anak namin," anang ina ni Sabrina.
"Tama si Katrina, anak. You have to marry Sabrina. What if she- she' ll get pregnant, right?" pagsang-ayon ni Lucy.
"Paano kung hindi" sagot na man ni Kean.
Little by little he become frustrated with the situation. Siya ang agrabyado dito dahil hindi niya mahal ang dalaga. Malay niya naman diba kung sinadya iyun ni Sabrina, knowing how desperate her.
"Kean, magbihis ka na. We'll talk home" matigas na sabi ng ama ng binata.
"Expect the wedding. We'll discuss the plan tomorrow. Mauna na kami."dagdag pa nito.
Malakas ang kabog ng puso ng dalaga tila'y lalabas na ito sa kanyang dibdib.
Expect the wedding.
The idea of being Kean Sudalgo's wife is so overwhelming.
Habang palabas ng kanyang kwarto ay naanatili siyang tahimik. Nag iwan pa ng matalim na titig ang binata sa kanya.
Titig na para bang pinapatay na siya nito sa sariking isip.
Kean really hate me that much. She concluded.
Pagka-alis ng mga Sudalgo ay wala namang imik na tinalikuran siya ng kanyang ama. Alam niyang galit ito sa kanya.
Ang in naman ay hinaplos lang ang kanyang pisngi saka sinabihan siya na maligo muna.
Pagka-alis ng magulang ay napatampal siya sa sariling noo.
Unang beses na may nangyari sa kanila ni Kean and last night was her first time pero nakaka dismaya na wala siyang maalala kahit kaunti man lang.
Napabuntong hininga na lang siya.
Nang akmang tatayo siya upang maligo ay saka naman siya napa-igik sa sakit.
Masakit ang buong katawan niya, ang kanyang mga binti ay halos di niya maigalaw at ang mga braso naman niya ay nangangalay. Pero higit na masakit ang nasa pagitan ng hita niya. Pakiramdam niya ay nawasak ito at pinunit ng sobra.
Napapangiwi siya kapag gumagalaw siya.
At halos na hindi na siya makatayo dahil walang lakas ang katawan niya.
Binugbog kaya ako ni Kean? Bakit ang sakit naman ata? Pagrereklamo niya sa sarili.
---
Ilang linggo na rin simula nong may nangyari sa kanila ni Kean pero hanggang ngayon ay di parin siya nito iniimik.
Nag p-prepare na sila para sa wedding, gusto ng mga ina nila na beach wedding na agad namng tinutulan ni Kean pero wala itong nagawa nang ipinilit talaga ito ng dalawang ginang.
Civil wedding in a beach ang drama ng kasal nila. At kahit civil wedding lamang ang mangyayari, hindi naman ito naging simple o madali.
Tatlong linggo nang nag p-plano ang mga magulang nila para sa kasalan, wala na man siyang inambag dahil kompleto na ang bawat plano.
Mali man dahil alam niyang siyang lang ang may gusto sa lalaki pero di niya maiwasang makaramdam ng tuwa sapagkat magiging kanya na din ang binata sa wakas.
Pumipili sila ngayon ng damit para sa kasal, walang imik si Kean ni hindi nga siya nito tinapunan kahit saglit lang na tingin.
Napabuntong hininga siya, tila ba'y hangin lang siya sa paligid hindi man lang napansin.
"Ayy" ani ni Sabrina ng paglabas niya galing fitting room ay naroon si Kean na tila ba hinihintay siya.
Halos manginig siya ng masilayan ang mukha nito.
Malamig ang bawat titig nito na nag hatid ng milyon-milyong kuryente sa katawan niya.
"Turn the wedding off Sabrina" mahina ngunit may diin na sabi ng binata.
May galit ang bawat pagbigkas nito sa salita.
"N-no" nauutal na sagot niya. Nakaramdam na din siya ng takot lalo na ng humakbang ito palapit sa kanya.
Napasandal siya sa pinto ng fitting room at pilit na linalabanan ang takot na nagsimula nang gumapang say katawan niya.
Halos malusaw na siya sa nag-aapoy na tingin ng binata.
"Ayaw mo." Saad nito. "Then ready yourself. You'll gonna regret marrying me!" singhal nito saka ito umalis.
Nanghina siyang napakapit sa dingding.
Nadagdagan na naman ang galit ng binata sa kanya. Pero ayaw niya namang mag back out. May namagitan na sa kanila at mahal niya si Kean noon pa man.
Ito lang ang paraan na alam niya para makasama ito at mapasakanya. Deserada- yes, it was indeed a desperate move pero sabi nga nila, "chances comes once, grab it while you can".
Galit man ito ngayon pero meyron siyang habang buhay para suyuin at paamuhin ito.
Para saan pa't mapapatawad din siya nito at mamahalin din, she thought.
_______________
|| 🌼ᴡᴇᴅᴅɪɴɢ ᴅᴀʏ🌼 ||
_______________
Tanaw niya mula sa loob ng sasakyan ang malawak na dagat, ang bawat paghampas ng alon, and asul na langit at ang napaka payapang paligid.
She heave a sigh. She arrived 30 minutes ago, nandiyan na ang judge na kakasal say kanila ni Kean, halos kompleto na ang lahat, well, wala namang mga bisita kundi puro kamag-anak lang nila, pero hanggang ngayon ay wala parin ang binata.
Wala silang idea kung nasaan ito ngayon, siya man ay nangangamba din na ba ka hindi na ito darating.
Siya lang ata ang bride na nauna pang dumating kaysa sa groom.
Lumipas pa ang ilang minuto ngunit wala paring sinyalis na dumating na ang binata. Biglang binalot ng takot ang kanyang puso...
Paano kung may nangyari nang masama sa binata? O paano kaya kung hindi na ito sisipot sa kasal nila?
"Nasaan na ba si Kean?" ani ni Katrina kay Lucy.
Halos dalawang oras na nilang hinihintay na dumating ito.
"Hindi ako alam, but rest assured he will come." ani nito.
She tried to calm herself. She should not let her emotions destroy the most important day of her life.
"Kasalanan niyo ito eh," narinig niya ang boses ni Lucy.
Medyo nagtaka siya ngunit ipinagwalang bahala na lang niya ito.
"Kung sana kasi yung plano namin ni Lucy ang sinunod niyo," anang boses ng kanyang ina na nagdagdag sa kanyang kuryosidad na malaman kung ano ang pinag-usapan ng mga ito.
Balak niya sanang tanungin ang mga ito kung ano ang pinag-usapan pero wala naman itong kinalaman sa kanya, or that's what she thought.
Ilang minuto pa ang lumipas ng matanaw nila ang isang sasakyan na pumarada.
Agad na buhayan ang kanyang loob. Unti-unting sumilay ang kanyang ngiti ng matanaw ang binata na lumabas sa sarili nitong sasakyan. Sumikdo ang kanyang puso, pero agad namang kumunot ang kanyang noo ng makita ang ayos nito.
Gusot na gusot ang pang-itaas na damit nito, magulo at wala sa ayos ang buhok, namumula ang mata at may sugat ang gilid ng labi nito.
Agad na sinalubong si Kean ng kanyang mga magulang. Bakas sa mga mukha nito ang galit, nais niyang mapangisi.
"What do you think you're doing young man?" bungad na sabi ng kanyang ama sa kanya. Nanlisik ang mata nito ng makita ang ayos niya.
"Why do you look like a mess, Kean Sudalgo?" ani naman ng kanyang ina. Alam niyang galit ito sa kanya kaya niyakap niya ito.
Gustuhin man niyang magalit sa kanyang mga magulang for deciding about him and Sabrina pero ina niya parin ito. Pero si Sabrina... it's a hopeless case.
Ilang sandali lang din ay pumarada din ang sasakyan ng kanyang mga kaibigan. Sabay sabay pa bumaba ang mga ito na tila ba'y mga artista na dadalo sa red carpet.
Agad na bumati sina Kenn, Marco, Alex at Nick (ʳᵉ ʳᵉᵃᵈ ᶜʰᵃᵖᵗᵉʳ ᵒⁿᵉ) sa kanyang mga magulang. May pa yuko-yuko pa ang mga ito na para bang mga koreano.
Napangisi siya, pare-pareho silang may mga hangover. Nag-inuman sila kagabi para makalimotan ang kanyang problema tungkol kay Sabrina.
Wala nga sana siyang balak na sumipot sa kasal pero naiisip niya na mapapahiya ang kanyang mga magulang.
"This is a plain torture," ani niya sa kanyang sarili.
Napangisi uli siya, pwes kung matatali lang naman siya sa isang pagsasamang hindi niya naman nais ay mabuting pahirapan niya din ang buhay ng taong naging dahilan ng lahat ng pangyayari sa buhay niya.
Kinurot siya ng kanyang ina. Inayos nito ang damit at mabilisan siyang hinila patungo sa harapan ng pasilyo kung nasaan nandoon din ang judge at si Sabrina nakatayo.
Ngunit narinig parin niyang pinagalitan ng kanyang ama ang kanyang mga kaibigan na pakamot-kamot lang sa ulo na sumunod sa kanila.
Pa simpleng sinulyapan ni Sabrina si Kean na nakatayo sa gilid niya.
Ano kayang nangyari sa kanya?
Ipinagwalang bahala muna na niya ang nasa isip. She should be happy, kahit simple lamang ang kasal nila ay kasama na man nila pareho ang mga importanteng tao sa buhay nila, plus the fact that any moment from now magiging Mrs. Kean Sudalgo na rin siya.
Tiningnan niya uli ang binata. Malayo ang mga tingin nito at halata ang galit sa nga mata.
Galit talaga siya. Kahit ngayon man lang... Sana bigyan niya ng kahit na kaunting pagpapahalaga ang araw na ito.
Gagawin niya ang lahat upang maging maayos ang pagsasama nila.
She heave a sigh before lifting up her gaze to the judge in front of them.
"ɪ sᴛᴀɴᴅ ʙᴇғᴏʀᴇ ᴛʜɪs ᴄᴏᴜᴘʟᴇ ᴛᴏᴅᴀʏ ᴛᴏ ᴜɴɪᴛᴇ ᴛʜᴇᴍ ɪɴ ᴛʜᴇ ʙᴏᴜɴᴅs ᴏғ ᴍᴀᴛʀɪᴍᴏɴʏ," panimula ng judge.
She give her whole attention to the judge, instead of feeling the chills brought by Kean's dark aura.
Along the ceremony, she can't help but to think their future as husband and wife.
"Magiging masaya kaya kami? Matagal kaya kaming magsasama? Paano kaya siya maging sweet?" She was lost in her own thoughts.
Nagbalik lamang si Sabrina sa kanyang sarili ng marinig ang tanong ng judge kay Kean.
"ᴅᴏ ʏᴏᴜ, ᴋᴇᴀɴ sᴜᴅᴀʟɢᴏ, ᴛᴀᴋᴇ sᴀʙʀɪɴᴀ sᴀʟᴄᴇᴅᴏ ᴛᴏ ʙᴇ ʏᴏᴜʀ ʟᴀᴡғᴜʟʟʏ ᴡᴇᴅᴅᴇᴅ ᴡɪғᴇ, ᴛᴏ ʜᴀᴠᴇ ᴀɴᴅ ᴛᴏ ʜᴏʟᴅ ғʀᴏᴍ ᴛʜɪs ᴅᴀʏ ғᴏʀᴡᴀʀᴅ ᴛʜʀᴏᴜɢʜ ɪɴ ᴛɪᴍᴇs ᴏғ sɪᴄᴋɴᴇss ᴏʀ ɪɴ ʜᴇᴀʟᴛʜ, ɪɴ sᴜᴄᴄᴇss ᴀɴᴅ ᴅɪsᴀᴘᴘᴏɪɴᴛᴍᴇɴᴛ, ᴛᴏ ᴄʜᴇʀɪsʜ ɪɴ ʟᴏᴠᴇ ᴀɴᴅ ɪɴ ғʀɪᴇɴᴅsʜɪᴘ, ᴋᴇᴇᴘɪɴɢ ʏᴏᴜʀsᴇʟғ sᴏʟᴇʟʏ ɪɴᴛᴏ ʜᴇʀ ғᴏʀ ᴀs ʟᴏɴɢ ᴀs ʏᴏᴜ ʙᴏᴛʜ sʜᴀʟʟ ʟɪᴠᴇ?"
Tiningnan niya ang binata ngunit halatang wala parin ito sa sarili. Hindi nagbago ang hitsura nito kanina, nag-aapoy parin ang mga tingin nito.
Tumikhim ang judge saka tinawag ang pangalan ni Kean...
Nagbalik ang kanyang diwa ng marinig ang isang tikhim, napatingin siya sa harapan... disoriented.
"Okay I'll repeat" anang judge.
"ᴅᴏ ʏᴏᴜ, ᴋᴇᴀɴ sᴜᴅᴀʟɢᴏ, ᴛᴀᴋᴇ sᴀʙʀɪɴᴀ sᴀʟᴄᴇᴅᴏ ᴛᴏ ʙᴇ ʏᴏᴜʀ ʟᴀᴡғᴜʟʟʏ ᴡᴇᴅᴅᴇᴅ ᴡɪғᴇ, ᴛᴏ ʜᴀᴠᴇ ᴀɴᴅ ᴛᴏ ʜᴏʟᴅ ғʀᴏᴍ ᴛʜɪs ᴅᴀʏ ғᴏʀᴡᴀʀᴅ ᴛʜʀᴏᴜɢʜ ɪɴ ᴛɪᴍᴇs ᴏғ sɪᴄᴋɴᴇss ᴏʀ ɪɴ ʜᴇᴀʟᴛʜ, ɪɴ sᴜᴄᴄᴇss ᴀɴᴅ ᴅɪsᴀᴘᴘᴏɪɴᴛᴍᴇɴᴛ, ᴛᴏ ᴄʜᴇʀɪsʜ ɪɴ ʟᴏᴠᴇ ᴀɴᴅ ɪɴ ғʀɪᴇɴᴅsʜɪᴘ, ᴋᴇᴇᴘɪɴɢ ʏᴏᴜʀsᴇʟғ sᴏʟᴇʟʏ ɪɴᴛᴏ ʜᴇʀ ғᴏʀ ᴀs ʟᴏɴɢ ᴀs ʏᴏᴜ ʙᴏᴛʜ sʜᴀʟʟ ʟɪᴠᴇ?"
He was lost of words. Anong sasabihin niya? Kung sa simula palang tutol na siya sa kasalang naganap.
Gusto niyang magwala na lamang. Patayin ang babaeng nag lagay sa kanya sa ganong sitwasyon.
Umigting ang kanyang panga at napakuyom ang kanyang kanang kamay.
Napasulyap siya kay Sabrina at nahuli niya ang sunod-sunod na paglunok nito, halatang natakot sa hitsura niya.
"Ganyan nga Sabrina, matakot ka dahil gagawin Kong misirable ang buhay mo pagkatapos ng araw na ito," ani niya sa kanyang isip.
Pinakalma niya ang sarili saka huminga ng malalim ng paulit-ulit.
"I" nag pupuyumos sa galit na panimula niya.
"I" ulit niya ngunit tila di niya mabuo-buo ang dalawang salita na iyun.
"I d-do" sa wakas nasabi niya din. Kasabay nito ang pag-usbong ng mas matinding galit sa kanyang dibdib.
Kung hindi kasalanan ang pumatay, pinatay niya na ang dalaga bago pa ang araw na ito.
Muli niyang tiningnan si Sabrina...
Pagsisisihan mo ang araw na ito, pagsisisihan mong ako ang pinakasalan mo dahil gagawin ko ang lahat para ikaw na mismo ang nag makaawa at sumuko.
Sumilay ang isang ngiting nakakatakot sa mukha ni Kean kaya pinanlalamigan siya.
Ang lakas din ng tibok ng kanyang puso tila ba'y lalabas na nga ito sa kanyang dibdib.
"ᴅᴏ ʏᴏᴜ, sᴀʙʀɪɴᴀ sᴀʟᴄᴇᴅᴏ, ᴛᴀᴋᴇ ᴋᴇᴀɴ sᴜᴅᴀʟɢᴏ ᴛᴏ ʙᴇ ʏᴏᴜʀ ʟᴀᴡғᴜʟʟʏ ᴡᴇᴅᴅᴇᴅ ʜᴜsʙᴀɴᴅ, ᴛᴏ ʜᴀᴠᴇ ᴀɴᴅ ᴛᴏ ʜᴏʟᴅ ғʀᴏᴍ ᴛʜɪs ᴅᴀʏ ғᴏʀᴡᴀʀᴅ ᴛʜʀᴏᴜɢʜ ɪɴ ᴛɪᴍᴇs ᴏғ sɪᴄᴋɴᴇss ᴏʀ ɪɴ ʜᴇᴀʟᴛʜ, ɪɴ sᴜᴄᴄᴇss ᴀɴᴅ ᴅɪsᴀᴘᴘᴏɪɴᴛᴍᴇɴᴛ, ᴛᴏ ᴄʜᴇʀɪsʜ ɪɴ ʟᴏᴠᴇ ᴀɴᴅ ɪɴ ғʀɪᴇɴᴅsʜɪᴘ, ᴋᴇᴇᴘɪɴɢ ʏᴏᴜʀsᴇʟғ sᴏʟᴇʟʏ ɪɴᴛᴏ ʜɪᴍ ғᴏʀ ᴀs ʟᴏɴɢ ᴀs ʏᴏᴜ ʙᴏᴛʜ sʜᴀʟʟ ʟɪᴠᴇ?" anang judge. Saka lang siya nagbalik sa sarili.
Huminga siya ng malalim saka sumilay ang isang napakagandang ngiti sa kanyang mukha.
"I DO!" masiglang ani niya.
Pagkatapos ng araw na ito, magiging kanya na nga ang taong matagal na niyang inaasam.
Kahit ngayon lang... gusto kong maging madamot.
Hindi naman seguro masamang magdamot kahit minsan?
"ʙʏ ᴛʜᴇ ᴀᴜᴛʜᴏʀɪᴛʏ ᴠᴇsᴛᴇᴅ ɪɴ ᴍᴇ, ɪ ɴᴏᴡ ᴘʀᴏɴᴏᴜɴᴄᴇ ʏᴏᴜ ʜᴜsʙᴀɴᴅ ᴀɴᴅ ᴡɪғᴇ ᴀɴᴅ ᴡʜᴀᴛ ɢᴏᴅ ʜᴀᴛʜ ᴛᴏɢᴇᴛʜᴇʀ, ʟᴇᴛ ɴᴏ ᴍᴀɴ ɴᴏʀ ᴡᴏᴍᴀɴ ᴘᴜᴛ ᴀsᴜɴᴅᴇʀ. ᴄᴏɴɢʀᴀᴛᴜʟᴀᴛɪᴏɴs."
Then the whole place was filled with the ecstatic applause from their family and friends.
It was overwhelming pero mas tumatak sa utak niya ang sinabi ng judge "let no man nor woman put asunder". At oo, gagawin niya ang lahat, walang sino man ang makakapagpahiwalay sa kanila ni Kean.
»»----🖤----««
A/N:
Not edited.
Mali ang pag-gamit ko ng mga punctuations at nagkakabaliktad na ang pag-gamit ko sa ng at nang😅
Ni rush ko na ito dahil dinelete ni wattpad ang update ko dapat, 'di ko pa nga na pub. Na delete lahat ng nasa draft ko kaya uulitin ko na naman at sadly diko pa iyun na copy, kaya mag-isip uli ang di matalino niyong author🤦🏻♀️
Halos Tagalog dahil mahina ako sa English, turuan niyo nga ako mga minamahal.🥀
Support niyo po itong story ko ah😉😅 thank you.
This is the longest update I made so far 2,000+ words (excluding my note)😅 tamad ako mag-isip at mag type, yan lang ang kinaya.
And by the way, wala akong alam sa mga marriage ceremony... If there are a lot of mistake let me know. Friendly ako sa corrections at sa mga critics.😉
Please vote & comment.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro