Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Simula

"STILL NO KIDS at this point of your marriage, Mrs. Zaldarriaga?"

Mabilis na iginala ng babae ang paningin sa direksyon ng kausap at ginawaran ito ng matipid na ngiti.

"Still no kids," ulit niya. "Domenico and I are way too busy to think of having a baby right now, Mrs. Pacheco."

Lihim siyang naiiling para sa sarili. Too busy to think of having a baby? Malabo 'yon sa katotohanan. Malayong-malayo sa totoong sitwasyon nilang mag-asawa.

Ngunit para sa pangalan at reputasyon ng kabiyak, handa niya itong pagtakpan sa harap ng mga tao.

"That's impossible, Malen," kontra ng kaniyang biyenan habang umiiling-iling. "Hindi ba sinabi ko na sa inyong iwan n'yo muna ang trabaho at pagtuunan ng pansin ang pagbuo ng pamilya? Excited pa naman kaming magkaro'n ng apo sa inyo."

She keeps on hearing that sentiment from her in-laws over and over again. Nakakapagod. Nakakasawa. Ngunit sa loob ng halos tatlong taong pagsasama nila ng asawa, wala rin siyang ibang hiniling dito kung 'di ang bigyan siya ng anak.

Ito rin ang dahilan kung bakit nagpakasal siya sa lalaki sa kabila ng malaking agwat ng damdamin nila sa isa't isa.

She married Domenico to seal the deal between the man and her parents. Ang kasal nila ng negosyante ang tumapos sa ilang taong pagpupursige ng mga Zaldarriaga na makuha ang loob ng pamilya Hidalgo na ipagkatiwala ang hekta-hektaryang lupa na pag-aari ng angkan.

She agreed to marry the ruthless, unaffectionate man in exchange for her one request: a child. Pikit-mata niyang tinanggap ang kasal na iyon para sa kagustuhan niyang magkaanak, kahit alam niyang walang kasiguraduhan ang magiging pagsasama nila ng lalaki matapos nito.

"Ma," nahihiya niyang sagot sa babae. "Alam niyo naman pong busy si Domenico sa pagpapatakbo ng kompanya. Lalo na ngayong kabubukas lang ng international branch sa Madrid, imposible talaga 'yon."

"Oo nga naman, Malen, sang-ayon naman ako rito sa mother-in-law mo," entrada ni Amelia at inangkla ang isang braso sa bisig ni Malen. Isa ito sa tumayong ninang sa kasal ng mag-asawa. "Hindi na kayo bumabata ni Domenico. Siguro nga, panahon na para magkaroon kayo ng anak kahit isa man lang . . ."

Tumango-tango naman si Paz bilang pagsang-ayon. Malapit itong kaibigan ng mother-in-law niya at isa rin sa mga kasosyo ng distillery company ng asawa. "Mahilig naman 'yang si Domenico sa mga bata, tiyak na maii-spoil ang magiging anak niyo!"

Mariing napapikit na lamang si Malen habang patuloy pa rin ang mga kasama sa pag-uusap tungkol sa magiging anak nila ng asawa. Maging ang pagbibinyagan at ipapangalan sa bata ay napag-usapan na rin no'ng mga oras na iyon.

Tila mas excited pa ang mga ito kumpara sa kan'ya.

She, too, had dreams about it. Vivid, too good-to-be-true ones. She dreamt of Domenico cradling their child, humming lullabies, and whispering sweet nothings to the kid's ears.

Her husband would be so proud of their little one, calling the child his mini-me, and would teach everything he knew about business. Images of Domenico being a full-time dad makes her heart flutter.

Hindi niya tuloy maiwasang mapangiti. Kung gano'n lang sana kadali iyon.

"Oh, and'yan na pala si Domenico, hija. . . ."

Awtomatikong napalingon si Malen sa direksyon ng papalapit na si Domenico at saglit ding nagtama ang paningin ng mag-asawa. Seryosong-seryoso ang mukha ng lalaki, tila wala itong panahon upang makipagbiruan sa mga naroon.

Nakakunot pa ang noo nito nang lapitan ang grupo ng mga kababaihan kung nasa'n ang kabiyak.

Malen was immediately greeted by her husband's expensive perfume. Napapikit pa siya nang dumampi sa kan'yang pisngi ang mga labi ng asawa.

"I was looking for you. Hindi mo sinabing kanina mo pa pala kasama sina Mama," ani Domenico habang nakapulupot ang braso nito sa kaniyang baywang. The low, baritone voice made her skin crawl. "What are you talking about, ladies?"

"Pinag-uusapan lang namin kung kailan mabubuntis itong si Malen. Totoo bang masyado kang busy sa negosyo, Domenico?" kuryosong tanong ni Paz sa lalaki. "Sa edad n'yong 'yan, dapat ay nagpaplano na kayong magkaanak. Naiinggit na sa 'min itong Mama mo!"

Napuno ng mahinang tawanan ang grupo.

Ramdam ni Malen ang pamumula ng kaniyang mga pisngi sa narinig. Hindi siya handa sa kumprontasyong iyon. She suddenly felt hopeless! Napayuko na lamang siya sa hiya habang si Domenico naman ang sunod-sunod na tinanong ng mga ito.

Poor Domenico was left with no choice but to wear a fake smile as he politely dismisses their questions. Ano nga ba ang isasagot niya sa mga ito kung siya mismo ang dahilan kung bakit hindi mabuntis-buntis ang asawa?

But of course, no one has to know. It's their private life. Domenico Zaldarriaga doesn't do things like that. Perpekto ang imahe nito sa harap ng mga tao.

"Excuse me, ladies, but can I borrow my wife for a while?" pagpapaalam ng lalaki sa mga kausap at saglit na nilingon ang kabiyak upang bulungan ito. "We need to talk. Now."

Alam ni Malen ang tinutukoy ni Domenico. Napasinghap pa siya nang maramdaman ang paghigpit ng hawak nito sa kaniyang braso habang naglalakad sila palayo sa grupo.

Ito ang unang beses na narating ni Malen ang private venue na iyon sa Ildefonso, kaya't hinayaan na lamang niya ang asawa na hilahin siya patungo sa lugar na naisin nito.

Kompanya kasi ni Domenico ang nag-organisa ng naturang pagtitipon at marahil ay kabisado na ng negosyante ang pasikot-sikot sa loob nito.

Mabilis din nilang narating ang washroom na nasa kanang bahagi ng lounge.

Napaigik pa si Malen nang bitiwan siya ng asawa. Mabilis na nagmarka ang pagkakahawak nito sa mala-porselana niyang kutis.

"What was that?" asik ni Domenico nang masigurong walang ibang tao sa paligid ng washroom. Kunot-noo niyang pinagmamasdan ang mukha ng asawa. "Answer me, Maria Leonora. What the hell was that? Ano bang sinabi mo sa kanila at nadamay pa 'ko sa usapan n'yo? Were you telling them about your fantasy again?"

Namilog ang mga mata ni Malen sa narinig. He just called her dream a fantasy! Matapos niyang pakasalan ang lalaki, tatawagin lang nitong pantasya ang bagay na matagal na niyang pangarap?

"What fantasy?" ganti niyang tanong sa nanggagalaiting mister. "I don't care if you're uncomfortable a while ago, Domenico. Just don't call my dream a fantasy! You're so insensitive!"

Napangisi ang lalaki at kapagkuwa'y humalukipkip ito. "I don't have time to answer their questions. Aren't you fed up? Do'n lang ba talaga iikot ang usapan palagi? It's always about having a baby!"

Malakas ang kabog ng dibdib ni Malen nang marinig ang bulyaw ng asawa, kasabay ng panunubig ng kaniyang mga mata at pinipilit ang sarili na 'wag umiyak sa harap ng lalaki.

Hindi siya maaaring magpakita ng kahinaan ng harap ni Domenico. Kapag umiyak siya, iisipin lamang nitong apektado siya sa mga sinasabi nito.

She swore not to be her husband's underdog. Hindi siya magpapatalo sa asawa kahit pa paulit-ulit siyang makatanggap ng masasakit na salita rito.

She was raised to be her own person, not to be someone else's follower.

Inirapan niya ang lalaki. "Sa tingin mo ba, hindi ako naririndi sa tanong ng Mama mo, Domenico? My mom, their friends, they're all asking me over and over again! Paulit-ulit! They keep on asking me when are we going to have a child—"

"That pestering topic again! My goodness, Maria Leonora!" Napahilot si Domenico sa kaniyang sintindo at matiim na pinagmasdan ang mukha ng asawa. "You should've stayed away from them, alam mong 'yan at 'yan ang itatanong nila sa 'yo!"

Hindi iyon madali. Alam ni Malen na hindi magiging madali sa kaniya na umiwas sa usapin ng pagkakaroon ng anak dahil maaari itong pagmulan ng isyu, hindi lamang sa pamilya ni Domenico ngunit maging sa pamilya Hidalgo.

Sa oras na malaman ng kaniyang ama kung paano siya tratuhin ng asawa, hindi ito mag-aatubiling bawiin ang lupa sa mga Zaldarriaga. Kahit ano pa ang magiging kapalit.

At iyon ang iniiwasan niyang mangyari.

"Because they wanna know! Tell me, Domenico. Tell me! Kailan mo ba balak magkaanak?"

Sarkastikong napatawa si Domenico. "Don't ask me that kind of question."

"Well, let me rephrase the question, Domenico." Saglit pang bumuga sa hangin si Malen at agad na pinahid ang mga luhang nagbabadyang kumawala. "May balak ka bang magkaanak sa 'kin?"

Alam niya ang magiging sagot ng lalaki sa tanong na iyon. Alam niyang matatalo siya kung makikipagtigasan pa siya sa asawa. Domenico don't accept defeat. Hindi rin ito umaamin sa pagkakamaling nagawa.

Her husband wouldn't be called ruthless for no reason.

"I told you I'm not ready yet! Bakit ba ang hirap no'n ipaintindi sa 'yo?"

Kumuyom ang mga palad ni Malen sa narinig. Ito ba talaga ang lalaking pinakasalan n'ya? "Because we made a deal! You married me because you need me and my family's properties. I married you because I want to have a child! Nakalimutan mo na ba 'yong usapan natin? Pwes, ipaaalala ko sa 'yo!"

Saglit na natahimik ang dalawa. Alam ni Malen na matiim siyang pinagmamasdan ni Domenico, tila binubusisi at kinikilala ang kabuuan niya. Ano kaya ang tumatakbo sa isipan ng lalaki?

"I have no time for your complaints, Maria Leonora. Let's talk once we're home."

He doesn't have time for her complaints. 'Yon lang ang maisasagot ni Domenico sa kaniya? Sa hinaba-haba ng hinaing niya sa asawa, iyon lang ang naging tugon ng lalaki! Sa sinabi niyang ito, mas lalo lang naramdaman ni Malen na hindi man lang siya pinahahalagahan ng negosyante.

Hindi ito tumupad sa usapan nila.

"'Yan talaga ang idadahilan mo sa 'kin? Just tell me you're not ready because you don't want to, at least with me. Gano'n 'yon, Domenico. 'Yon ang rason mo, bakit hindi mo na lang sabihin?!" naiirita niyang anas sa lalaki at dinuro-duro ito sa dibdib.

She's not having any of her husband's crap tonight.

Muli silang nagkatitigan ni Domenico. Mata sa mata. Tila hinihipnotismo ang bawat isa. Ramdam ni Malen ang malakas na pintig ng kaniyang puso habang nagtataas-baba ang dibdib ng asawa na tila malayo ang tinakbo nito.

Saglit pang gumuhit ang isang nakalolokong ngiti sa mga labi ng lalaki. Hindi pa nakuntento, muli pa niyang pinasadahan ng tingin ang ginang mula ulo hanggang paa.

"There you have it, wife. You got the answer you're waiting for."

Kasabay ng pagpihit ng katawan ni Domenico patalikod sa kaniya ay ang unti-unting pagragasa ng mga luhang pilit niyang ikinubli. Sa mga oras na iyon, tila tinakasan si Malen ng lakas at natagpuan ang sariling nakasalampak sa sahig.

Inaasahan niya ang sagot na iyon mula kay Domenico, ngunit hindi siya handang marinig ito nang personal mula sa lalaki. Gayunman, umaasa siyang mababago pa ang isip nito at bawiin ang mga binitiwang salita.

Hanggang kailan siya magtitiis upang pakisamahan ang kabiyak? Ganito ba kahirap mahalin ang isang Domenico Zaldarriaga?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro