Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 1

UMAALINGAWNGAW ang nakaiindak na musika sa bulwagan. Napupuno ng magagarang centerpiece lighting at gobos ang paligid. Mga mamahaling alak at pagkain ang inihahain sa mga bisita.

Maririnig din ang masasayang kwentuhan ng mga panauhin, ipinagmamalaki ang kani-kanilang mga natamo sa buhay at negosyo.

It is truly an exclusive party for prominent people. Rich businessmen, politicians, even celebrities with their spouses kept on prancing inside the event hall wearing designer clothes. Kumikinang ang mga alahas na suot-suot ng mga ito, tila ipinaglalandakan ang estado nila sa lipunan.

Untouchable. Powerful. Intimidating.

Malen found herself somewhere in the crowd, exchanging praises, smiles, and endless chats about married life and business as if it's the most important thing in the world. Pilit siyang ngumingiti sa harap ng mga ito para lang makibagay at panatilihin ang reputasyon ng apelyidong dinadala niya.

She's carrying her husband's name for almost three years. The same name that every woman in the town of Buenavista wishes to be associated with them.

Siya lang naman ang butihing maybahay ng nag-iisang Domenico Zaldarriaga.

The man behind the successful Aldeguer Distilleria, the co-owner of the biggest shipping company in South East Asia; the one who holds the power of being one of the business empires' bosses. 

Gano'n ito kaimpluwensya sa larangan ng negosyo kaya't walang sinuman ang nangangahas na banggain at traydurin ang lalaki.

Para sa mga nakakakilala kay Domenico, betraying him means digging one's own graveyard. At bilang asawa nito, responsibilidad ni Malen na panatilihing malapit ang relasyon ng kabiyak sa mga kasosyo nito, kahit pa pilitin ang sariling makibagay sa mga ito.

"I really love your look, Malen," bati ni Eliza. "I bet you spent hours making yourself look perfect tonight!"

Asawa ni Eliza ang isa sa board of directors ng kompanyang pinamumunuan ni Domenico. Dahil dito, madalas din niyang nakikita ang babae sa mga pagtitipon kagaya nito.

"I'm sure your husband spoils you too much!" dagdag pa nito.

"I agree," entrada naman ni Carmie na naka-angkla pa ang isang braso sa bisig ni Malen. "Have you seen the necklace she's wearing? Kalalabas lang n'yan sa market the other week. Sampu lang ang available niyan sa buong mundo!"

Napasinghap ang ilang kababaihang kabilang sa grupong iyon.

"Hindi na ako nagtataka," puna ni Donna habang nakatingin sa 24-karat diamond necklace ng babae. "Sa yaman ba naman ni Domenico, barya na lang sa kaniya ang presyo ng kwintas na 'yan."

Ganito naman lagi ang takbo ng usapan kapag nandoon si Malen. Kung hindi pupurihin ng mga panauhin ang suot niyang gown o alahas, babanggitin ng mga ito ang pagiging financially stable ng asawa upang mabilihan siya ng mga materyal na bagay.

Ano bang inaakala nila sa kan'ya, isang gold digger? Ayaw na niyang bigyan pa ng ibang kahulugan ang sinabing iyon ni Donna, masasayang lang ang oras niya kung makikipagsagutan pa rito. 

Kung gagawin niya iyon, makararating lang ito kay Domenico at baka maging sanhi pa ito ng pag-aaway nila.

Natigil ang pag-uusap ng mga kasama niya nang lapitan sila ni Domenico. Gwapong-gwapo ito sa suot na navy blue slim fit suit na terno pa sa suot nitong business slacks. Amoy na amoy rin sa lalaki ang signature perfume nito kaya't hindi napigilan ni Malen ang pagngiti nang hagurin ng tingin ang kabuuan ng asawa.

Agad siyang hinalikan ng lalaki sa noo bago ito humarap sa mga bisita. "I hope you're having a nice evening, ladies."

Napuno ng bulungan ang grupo habang nakatingin ang mga ito sa negosyante. They all look like teenage high school girls while giving looks to her husband! Marahil nga ay totoo ang sinasabi ng mga kaibigan nitong head-turner ang lalaki kahit saan ito magpunta.

Sino ba naman ang hindi makakapansin dito? Her husband is the definition of tall, dark, and handsome. Maaari itong itabi sa mga sikat na matinee idol. Baka nga mapagkamalan pa itong modelo kung hindi lamang nakasuot ng business attire ang lalaki.

"I hope you're not bored," pasimpleng bulong ni Domenico at kinabig palapit ang babae sa kaniyang tabi. "Fix your smile. You looked like you're sick or something."

Inirapan ni Malen ang asawa at pilit na nginitian. "Mabuti naman at napansin mo. Bakit ang tagal mo? Sa'n ka galing?"

"Talking to some business partners. Ano bang iniisip mo?"

She actually doesn't care if Domenico talks to anyone inside that event hall. Hindi rin naman kasi niya maiintindihan ang mga 'yon at mauubusan lang siya ng pasensya kung hihintayin ang asawa.

At least she's still free to roam around on her own, hindi kagaya ng iba na tila ipinaparada ang mga asawa para lang maipagmalaki sa iba pang guests.

Just the thought of it makes her want to roll her eyes in disgust. She refuses to be Domenico's trophy wife. She can do so much better.

"I wasn't thinking anything, but I don't want to stay here anymore," naiirita niyang anas sa asawa na ikinatawa naman nito nang marahan. Sinamaan niya ito ng tingin. "Siguro naman p'wede akong magpahangin sa labas?"

"You're free to do so," Domenico reassures her and sent her a smile.

Muli ring inisa-isa ng tingin ng lalaki ang mga kababaihang abala sa paghagod ng tingin sa kaniya mula ulo hanggang paa. "We'd love to chat some more, but my wife requested some alone time with me. Can we?"

Sabay-sabay na nagsitanguan ang mga ito na animo'y nahipnotismo. Domenico is really a chick magnet. Napasapo na lamang si Malen sa noo habang pormal na nagpapaalam ang asawa. She's not a jealous-type of woman, lalo na't hindi naman tipikal ang relasyon nilang dalawa.

Ngunit nang makita niya kung paano ito hawakan ng mga babaeng 'yon, nakaramdam siya ng inis at pagkairita. Don't they have their own husbands to flirt with instead?



ITO na ang huling beses na maniniwala si Malen sa asawa. Domenico is such a liar! Ito pa mismo ang nag-alok na samahan siya sa garden upang makapagpahangin, ngunit iniwan lamang siya nito. That asshole!

Pakiramdam niya ay mas lalo lamang siyang napapagod kapag iniisip ang asawa. She may not be vocal about it, but being Domenico's wife is sometimes stressful. 

The man himself is a pain in the ass. Palagi nitong pinasasakit ang ulo niya.

"This whole waiting game is annoying," inis na bulong ni Malen sa sarili matapos lagukin ang laman ang champagne glass. "Sino ba siya sa inaakala niya? Does he think I'll be waiting for him? Manigas siya!"

She's too tired from tonight's party. Kanina pa nangangalay ang mga paa niya habang suot ang three and a half-inch black stiletto, maging ang mga labi niya ay pagod na rin sa kangingiti. Gusto na lamang niyang umuwi at magbabad sa bubble bath.

Muli siyang napatingin sa suot na wristwatch. Uuwi na lamang siyang mag-isa at magpapahatid sa driver ng asawa. She knows Domenico will understand. Kung tutuusin, 'yon na lamang ang magagawa nito para sa kaniya.

"Are you sure you can walk, cara mia?"

Iginala ni Malen ang paningin sa garden. She just heard her husband's familiar voice, hindi siya maaaring magkamali. Did Domenico just call her in an Italian endearment?

Her husband isn't a fan of endearments, ito ang unang bagay na napansin niya sa lalaki bago sila ikasal. He's not affectionate, he's not even a fan of hugs! The least thing he can tolerate are forehead kisses. Ito rin ang paraan ng pagbati ng kabiyak sa kan'ya.

So what's with the sudden love language?

Natigilan si Malen nang makita ang isang babaeng nakasuot ng white sheer floral dress. Ito rin ang unang beses na nakita niya ang babaeng 'yon sa isa sa mga private event ng kompanya ni Domenico. Sino kaya sa mga board of director ang asawa nito?

Her curiosity made her stay. Gusto niyang makausap nang malapitan ang babae. She's way too elegant and classy even though she's pregnant. Hindi nakaligtas sa mapanuring mata ni Malen ang umbok sa tiyan ng panauhin. She must be on her fifth month.

Sasalubungin niya sana ito upang magpakilala ngunit tila nabuhusan siya nang malamig na tubig nang makilala ang mukha ng kasama nitong lalaki.

Si Domenico.

The woman is chatting happily with her husband. Tila malapit ang loob ng dalawa base na rin sa pagkakahawak ng babae sa braso ni Domenico. Malapad ang ngiti ng negosyante habang kausap nito ang estranghera, isang bagay na hindi man lang magawa ng sariling asawa sa kan'ya.

Napabuga siya sa hangin habang pilit na pinakakalma ang sarili. Hindi siya mag-eeskandalo roon. Iiwasan niyang kumprontahin ang lalaki habang nasa kalagitnaan pa sila ng event. Hindi niya kailangang ibaba ang sarili para lang makipag-away. She knew better than that.

"I'm a grown up," simpleng hirit ng babae at natawa sa sinabi ng kausap. "I understand the urge of being a protective dad. But I'm okay, kaya ko pang maglakad!"

Domenico chuckled in return. "Cara, you're carrying my child. Masisisi mo ba ako kung ganito ako ka-protective sa inyo, hmm?"

She's carrying his baby. The woman is pregnant with her husband's baby. Naramdaman ni Malen ang panunubig ng kaniyang mga mata na sinabayan pa ng pagsikip ng kaniyang dibdib. Hindi siya makahinga, hindi siya makagalaw sa kinatatayuan.

Ayaw ni Domenico na magkaanak sa kaniya, ngunit nagawa nitong bumuo ng pamilya sa ibang babae. Domenico is reluctant to have a baby with her even if it's on their deal. Ipinangako ng lalaki na tutuparin nito ang kasunduan nila!

Talaga bang ipamumukha ng asawa sa kaniya na ginamit lamang siya nito?

"You're a little bit paranoid." Umiling-iling ang babae at inangkla ang braso nito sa negosyante. "But okay, let's get inside. Alam kong kanina pa tayo dapat na nakarating dito. This place is huge! Saan kaya ang main event hall . . . uh, hello, Miss? P'wedeng magtanong?"

The woman is talking to her.

She must be in her late 30s. Sopistikada at halatang edukada. She's beautiful in her tan skin, Pinay na Pinay. Marahil ay asset niya ang nunal na nasa gilid ng kanang mata nito.

"Miss?" kuryosong tawag ng babae sa kaniya.

"Yeah, sure." Pilit siyang ngumiti rito. "Ano 'yon?"

Ngumiti naman ang estranghera at luminga-linga sa paligid. "Do you know the entrance to the main event hall? I'm sorry, hindi ko kasi alam itong lugar."

"You may use that sliding door," ani Malen at itinuro ang sliding glass door sa kaniyang likuran. "Entrance at exit na 'yan, don't worry."

"Thank you!" Napabuntonghininga ito at muling ngumiti sa kaniya. "Akala ko maglalakad pa ako ng pagkalayo-layo. Thank you, miss."

Nilingon nito si Domenico at ginawaran ng matamis na halik sa pisngi ang lalaki. "Let's go, caro."

Nagsimulang maglakad ang dalawa palapit sa kaniya. Kitang-kita pa ni Malen kung paano alalayan ng mister ang babae habang umaakyat ito ng hagdan. Domenico is too protective over his pregnant mistress.

Napakagat labi na lamang si Malen upang ikubli ang nararamdaman.

"Sandali," tawag niya nang akmang lalagpasan na sana siya ng dalawa.

Ayaw niya ng kumprontasyon, ngunit hindi na siya nakapagpigil. Ayaw niyang humantong sa ganito ang lahat ng pinaghirapan niyang isakripisyo para lamang matupad ang pangarap niyang maging isang ina.

She could've accepted Domenico's cold shoulder, but not his empty promises.

The couple gave her a puzzled look. Nais matawa ni Malen nang mapansin ang tinging ipinupukol ni Domenico sa kaniya. The man looked at her as if he didn't recognize her at all. Kuryoso at halong may pagtataka sa kaniyang mukha. Napakahirap basahin ng ekspresyon nito.

Ano ba ang tumatakbo sa isipan ni Domenico?

"You really thought you did something there, didn't you?" sarkastikong tanong niya sa dalawa at mapakla na napatawa. "Ang lakas ng loob mong dalhin dito ang babae mo."

Kumunot ang noo ng babae. "Excuse me?"

"You really don't want to have a baby with me then this? Ipamumukha mo ba talaga sa akin na imposible ang gusto kong mangyari, Domenico?!"

Umarko ang isang kilay ng kaniyang asawa, halatang nagulat ito sa rebelasyong narinig. "Teka, nagkakamali ka. You see, I'm—"

Lumagapak ang isang malutong na sampal sa kanang pisngi ng lalaki. Awtomatiko itong napasapo sa namumula nitong balat habang nakatingin sa kaniya. Sa pagkakataong iyon, maging ang estrangherang kasama ng asawa ay hindi na rin nakapagpigil. 

Nanlilisik ang mga mata nito sa galit.

"Teka lang," asik nito kay Malen. "Did you just slap my husband out of nowhere? Miss, ano bang problema mo?!"

"Anong problema? Why don't you ask your husband right there? Siya ang tanungin mo at 'wag ako!"

Namilog ang mga mata ng babae. Saglit ding nabalot ng katahimikan ang hardin.

"Maria Leonora, I was just gone for almost half an hour. Did you really have to fight with someone now?"

Mahihimigan sa boses ni Domenico ang pagkadismaya sa inasal niya. Hindi na niya kailangan pang lingunin ang asawa dahil alam niya ang ekspresyon nito—

Domenico?

Maagap na nilingon ni Malen ang pigura ng lalaki sa kaniyang likuran at agad na napansin ang seryosong mukha ng kabiyak. Nakahalukipkip ito habang tahimik na pinagmamasdan ang kaniyang mukha.

Malen felt her heart doing flip-flops. Sunod niyang nilingon ang lalaking kasama ng estranghera. Sapo-sapo pa rin nito ang pisnging nakatikim ng sampal mula sa kaniya. Tahimik din itong nakatingin sa kaniya, tila pinakikiramdaman ang susunod niyang gagawin.

Hindi siya maaaring magkamali, hindi siya pinaglalaruan ng mga mata niya. She's seeing two Domenico right now. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro