Chapter 5
Chapter 5
Fireworks
"That's absurd!" bulalas ni Mama sa tabi ko.
Umawang ang labi ni Mrs. Elvira Yanong sa gulat habang tinitingnan si Mama. Hindi ko naman siya masisi. Pati nga ako nagulat din sa outburst ni Mama. I held my mother's arm before she could make the situation worse.
"Why would it be absurd, Cora?" kuryosong tanong ni Mrs. Yanong. "It's a match made in riches."
"Because..." Napakurap si Mama ng ilang beses. Naghahanap yata ng idadahilan.
"And besides," dugtong ni Mrs. Yanong, "wala naman akong naririnig na ibang prospect na inirereto kay Alec Von. Mailap daw sa fixed marriages, eh. Sabagay, a young, handsome, and very successful man like him... for sure mapili."
Naging tahimik si Mama. This time, her eyes turned sharper. Mukhang may iniisip na malalim.
Mrs. Yanong turned her attention to me. Hindi na namamansin si Mama at abala na sa pag-iisip.
"What about you, hija? May boyfriend ka na ba?"
"Hehe. Wala po, tita."
"Really?" Lumipat ulit ang tingin niya kay Mama. "Cora, mukhang napapabayaan mo na ang unica hija mo. She has no man in her life."
My mood quickly turned sour. Hindi ko nagustuhan ang naging pahayag niya.
"I don't need a man in my life po, tita," mariing sabi ko. "I can manage on my own. Thank you very much."
"Oh, dear," naiiling at para bang problemadong saad ni Mrs. Yanong. "That is not a healthy kind of mindset. You are from a Chinese family. A woman needs a suitable husband to be accepted in our society." Bumaling ulit siya sa ina ko na parang magsusumbong pa. "Cora, you should really pay more attention to Jia. Sayang ang ganda niya."
"She will marry soon so there will be no more problem for that," si Mama nang makabawi na.
Nilunok ko na lang ang frustrations ko para sa mga opinyon nila. I could never convince them otherwise kaya bakit pa ako mag-i-effort, 'di ba?
"I have to greet the Ongpaucos," biglang paalam ni Mrs. Yanong.
"Come, Jia," si Mama naman sabay hawak sa braso ko. "We need to socialize."
Mas nauna kaming umalis ni Mama at binati na ang iba pang guests sa party. Bumati na rin kami sa mga Uy, ang siyang host ng party. Hindi ko nakita si Sofia. We're not really friends dahil iba ang circle of friends niya. At dahil iisang mundo lang naman ang ginagalawan namin, pamilyar na siya sa 'kin.
Kalaunan ay dumating din sina Papa, Kuya Lee at Ate Shen. Hindi dumalo si Amma ngayong taon. Ayaw niya sa mga Uy dahil sa mga negosyo nito. And she also does not like them because they are not an old money family.
Papa and Kuya Lee started socialising with the other businessmen. Sumama naman si Ate Shen sa amin ni Mama. We were socialising with the other housewives of the community.
"Nabasag ng kasambahay ko ang porcelain china tea set sa mansiyon kaninang umaga," I heard from one of my mother's friends in the middle of a conversation. It was then followed with dramatic sighs from the other housewives. "My goodness! My whole year is ruined!"
"Is it from the Ming Dynasty, Tita?" tanong ko dahil nagtataka kung bakit sobrang pinoproblema niya ito. Baka sobrang mahal ng porcelain tea set niya?
"No, hija..."
Nagsalubong ang kilay ko. "Then why are you so worried?"
She suddenly looked offended. "Hija, it's bad luck!"
"Oh," tanging nasabi ko at nang makita ang waiter na dumaan ay pasimple akong kumuha ng cocktail sa bitbit nitong tray.
"It's probably still early but I haven't seen Eleanor," si Mama sabay suyod ng tingin.
"Oh, she isn't coming for this year's party," sabad ng isa pang kaibigan ni Mama.
"Why not?"
"She visited the hospital earlier today for a check up."
"Malayo po ba ang ospital na binisita niya para 'di siya makadalo ngayong gabi?" sabad ko na naman.
Naeeskandalo naman akong binalingan ng ginang. "It brings illness, hija. It's bad luck."
"Oh," sabi ko ulit at sumimsim na lang sa cocktail na hawak. Them and their superstitious beliefs!
Nahagip ng mga mata ko si Mama. Halos pandilatan niya ako.
"What?" I mouthed so her friends wouldn't hear.
"We'll see you later, Cora, Shen, and... Jia, " awkward na paalam ng mga kaibigan ni Mama at kaagad din kaming iniwan.
"Why don't you go and find your friends, Jia?" nakangiting pagkakataboy niya sa 'kin. Ikinahihiya niya na siguro ako sa mga kaibigan niya.
"My friends aren't here, Ma. They probably have their own party. Alam mo naman na nagiging pang-elders na ang party na 'to recently tapos sinama mo pa ako."
"I'm doing this for your future," giit niya.
"And that future would be what? Having a husband?" pagod na tanong ko. Sinulyapan ko si Ate Shen na tahimik lang habang nakikinig.
"Yes, because you failed with Alec Von Cua," deretsahang sagot niya. "Now, as what your Amma said, take this party as an opportunity to find a potential husband."
"Are the rumors true about Alec Von and Sofia Uy, Mama?" si Ate Shen. "Narinig ko lang mula kay Mrs. Yanong kanina."
"Hindi ko pa nakokompirma, Shen," banayad na sagot ni Mama sa kanyang daughter in law. Ibang-iba sa tono na ginamit niya sa 'kin kanina. "Nakausap na namin ni Jia ang mga Uy kanina pero wala naman si Sofia. I couldn't ask her family about it as well at baka magtaka pa sila kung bakit ako kuryoso. I do not want them to know that we were also trying to match Jia with that Cua man but ended up failing."
The silence and sudden stillness inside the room caught our attention. Awtomatiko kong sinundan ng tingin ang deriksiyong tinititigan ng mga bisita. An older man with an authoritative aura graced the room. Sa likuran niya ay dalawa pang matatandang mga lalaki. Behind them was the intimidating Alec Von Cua in his tailored blue suit. His eyes were cold and his mouth hard. At nakalingkis naman sa isang braso niya ang mga kamay ni Sofia Uy.
"The Cuas have arrived," I heard Ate Shen murmured. "And Sofia Uy."
"Ladies and Gentlemen," anunisyo ng isang babae sa harap ng microphone stand sa may platform, "may we request all of you to please proceed to the back garden now for our dinner and fireworks display. Thank you for your cooperation."
Ibinalik ko kaagad ang titig kay Alec Von Cua at sa kasama nitong si Sofia Uy. The woman was wearing a conservative red dress. She has a fair skin. Super straight din ng maitim na buhok niya na hinayaan niya lang na nakalugay. She screamed of complete submission while Alec emitted dominance and effortless confidence.
I had to admit, they looked good together. Bagay sila. Super hinhin na babae, at halatang hindi mapagkakatiwalang lalaki.
"Let's go, Jia!" untag ni Mama sabay hila sa braso ko. "Stop staring at them. Nagmumukha kang kawawa."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Mama. I gaped and looked at her.
"Uh.. No way, Ma," pag-angal ko bago tuluyang nagpahila na sa kanya.
We were ushered by the staffs toward the garden. Iginiya na rin nila kami sa kanya-kanyang mesa at mga upuan. Each family has been assigned a table.
Nasa likod lang din ng mansiyon ang hardin. Ni hindi ko ma-aappreciate ang ganda ng bagong venue dahil sa komento ni Mama kanina. My entire system still wanted to scream a protest against her observation.
Pati ang mga masasarap na pagkaing inilapag sa mesa ay hindi ko na pinagtuonan pa ng pansin. I ate in silence while my family engaged in conversation.
"What? You got two timed by Cua?" si Kuya Lee nang nasa kabilang pamilya sa katabing mesa na nakikipag-usap si Papa tungkol sa negosyo. Umalis naman panandalian si Mama sa mesa para sagutin ang tawag mula sa mansiyon namin.
"Isn't that a normal thing for men?" sarkastikong tanong ko pabalik.
My brother looked unaffected by my subtle insult.
"Ang kaibahan lang ay nagpatalo ka sa ibang babae," he continued. "Or don't tell me you rejected him because you knew he has a girlfriend? Ano naman kung gano'n?"
"I... didn't reject him," tanggi sabay iwas ng tingin para hindi niya malaman ang totoong nangyari. "Their elders called our mansion and rejected the match nga, 'di ba? "
Nang-iinsulto niya akong tiningnan. "So you got rejected by him. Natalo ka nga ni Sofia Uy. Akala ko pa naman competitive ka."
"Puwede ba! Tumigil ka na nga!" Nairita na ako. "I am not going to compete with other girls just for a lousy man!" Napalakas ko yata ang boses ko dahil pinagtitinginan na kami ngayon ng mga taga ibang mesa. Pati ang mga Cua na nasa tapat lang ay napatanaw na rin sa 'min.
Bumundol ang kaba sa dibdib ko nang magtama ang tingin namin ni Alec. I noticed that his eyes were darker than the last time I've seen him. O baka dahil lang sa ilaw kaya gano'n. At imposible naman kung magdidilim ang tingin niya. Narinig niya ba?
"Our family need the Cuas, Jia—"
"Lee, stop it already," pigil ni Ate Shen kay Kuya bago ko pa siya bugahan ng apoy sa iritasyon.
"I'm just reminding my little sister about her responsibilities in this family. 'Yon na nga lang ang silbi niya, hindi niya pa magampanan..."
Masyadong mabilis at marahas ang pagtayo ko dahil nadagdagan pa ang mga taga ibang mesa na nanonood sa mesa namin dulot ng kumosyon. My brother was clearly not on his right mind. Nakainom na rin siya. Tarantado na nga siya kung hindi nakainom, ito pa kayang nakainom na?
"Excuse me," malamig na saad ko at pagkatapos ay tumalikod na para iwan ang mesa.
Mabilis ang ginawa kong paglalakad paalis. Oh, how I hated my brother. I hated that place! I hated my heels. At galit din ako sa paulit-ulit na pagkakatalisod ko dahil sa madamo at madilim na daanan paalis ng garden.
Sa frustrations ko ay hinubad ko na ang suot na heels at naglakad na lang ng nakapaa. Wala naman talaga akong destinasyong pupuntahan. Ang gusto ko lang ay makaalis sa lugar na 'yon, makalayo kay Kuya.
I didn't want to see my mother as well. Hindi pa siya nakakabalik ng mesa at kung makasalubong ko rin siya, baka pabalikin niya lang ako ro'n para sa reputasyong ng pamilya.
Lumiko ako at pinuntahan ang maliit na fountain area ng mga Uy. There was a bench behind a grown bush not far from it. Tahimik at walang ibang tao dahil lahat ay nasa garden area at hindi pa tapos mag-dinner. They would probably wait for the fireworks display as well.
I hated everything about my life! Sa mga pagkakataong ganito, wala ulit akong kakampi. Sana pala kina Feng na lang ako nag-celebrate ng New Year. Parang gripong bumagsak ang mga luha ko. I felt so miserable. And very angry.
Inilapag ko ang bitbit na sapatos sa bench. I touched the sole of my right foot. Parang may naapakan kasi ako kanina. It was kinda dark kaya hindi ko klaro pero basa siya. I slowly brought my hand to my nose and smelled it.
"Lintek!" I gritted when I realized what it was. I cried even harder. Kung minamalas ka nga naman!
"What are you doing here and... are you crying?" ang pamilyar na boses.
Hindi ko na kailangan pang lumingon para kompirmahang galing kay Alec ang boses na 'yon.
"Yeah. I'm crying. So what?" pagtataray ko. Walang pakialam na nahuli niyang umiiyak.
And why is he even here?
He turned on a flashlight in front of my face. I quickly covered my eyes 'cause it almost blinded me.
"Ayos ka lang? May masakit ba sa 'yo?" nahimigan ko ang concern sa boses niya. "And... what the fuck is that smell?"
"May natapakan akong tae." Hindi ko na napigilan pa ang sarili. Natawa ako sa huli niyang sinabi.
"Tae ng?"
"Siyempre hayop. Alangan naman tao!"
I felt him move closer and then I felt a coat on my shoulders. I smelled his expensive perfume on it. I tried to move away from him just to put a distance between us.
" 'Wag kang lumapit. Mabaho nga!" protesta ko.
"Come with me. I'll help you get cleaned up." Tuluyan na siyang nakaupo sa tabi ko.
"Uuwi na ako," sabi ko sabay iling. Medyo gumaan na ang pakiramdam.
"Uuwi kang nangangamoy tae?" Hindi ko man klaro ang mukha niya, dinig ko naman ang ngisi sa boses niya.
"Fine!" I rolled my eyes. Tumayo na ako at sumunod naman siya. "I'll just wash my feet on the waters from the fountain."
Nilagpasan ko siya at tuloy tuloy na akong naglakad paalis sa bench. I stopped on my tracks when I remembered something. Naiwan ko ang inilapag na sapatos sa bench!
Lilingunin ko na sana ang iniwang deriksyon nang muling nagsalita si Alec Von, "I have your shoes. Ako na ang magdadala. Sa fountain na tayo."
I sighed and just let it go. Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa fountain at ramdam ko naman ang pagsunod niya sa likod.
Nang makalapit na sa fountain ay namayani na ang tunog ng lagaslas ng tubig. We could still hear the people's laughs from the garden area. I raised my palm on the flowing water and started washing my right foot.
"You can leave me now," utos ko habang naghuhugas ng paa. Hindi siya tinitingnan.
"You have my coat."
Bahagya akong natigilan sa ginagawa para irapan lang ang kababawan niya. Akma ko na sanang tatanggalin ang coat mula sa pagkakasampay nito sa magkabilang balikat nang marinig ko ang mahinang pagtawa niya.
"Biro lang. You can have it and I'm not leaving you yet," deklara niya.
"Baka hinihintay ka na ro'n... Ganda pa naman ng girlfriend mo," I felt something weird when I said the last words.
"Sa'n mo nasagap 'yan? Wala naman akong girlfriend."
"Duh. Sofia Uy? Deny ka pa, eh, kita ng lahat kanina." I then proceeded to washing my hands.
"Umiyak ka kanina dahil do'n?"
Mas mabilis pa sa kidlat ang ginawa kong paglingon sa kanya.
"Ew! Kapal mo, Alec Von Cua!"
He chuckled. He looked relaxed with one hand in his pocket. His Rolex visible. His other hand still holding my shoes.
"Don't worry. She's not my girlfriend."
"Feeling! Tumigil ka nga." Tinalikuran ko siya ulit at nagpatuloy sa paghuhugas ng kamay.
"She just welcomed us when we arrived. And she offered to escort me. I didn't want to refuse. My entire family was there. Ayaw kong magpahiya ng tao."
Kumunot ang noo ko habang kaharap ang fountain dahil tunog nagpapaliwanag pa siya.
"Matagal ka pa ba diyan? O balak mo bang sa fountain na lang din maligo?" mapagbiro na ulit ang boses ni Alec.
I bit my lower lip. Parang ayaw ko pang matapos ang... paghuhugas ng kamay!
"I'm done," I sighed and casually turned to face him. Naglahad ako ng kamay. "Hand me my shoes. Isusuot ko na ulit pabalik ng sasakyan."
"Let's talk some more."
"About what?"
"About the real reason why you cried behind that bush."
"Give me my shoes first." Iwinagayway ko ang kamay na nabitin sa ere.
"Baka tumakas ka?"
"Hindi ako tatakas! At ba't naman ako tatakas?"
" 'Cuz you're with me." Hindi man masyadong maliwanag, hindi pa rin nakalagpas sa akin ang pag-angat ng kilay niya. He sighed. "You always escape when you're with me."
"I only did that during our first date," sabi ko nang maalala ang unang date namin.
Baka iyon ang tinutukoy niya?
"Kung makapagsalita ka parang ang dami nating naging dates, ah," he said in a playful voice.
"And your point is?" Ako naman ang nagtaas ng kilay. "Akin na nga 'yang sapatos ko. Isusuot ko na. Masakit na ang paa ko."
He licked his lower lip and stared at me for quite some time. Hindi ko naman klaro ang emosyon sa mga mata niya dahil hindi gaanong maliwanag ang paligid.
"Ano na, Alec?" untag ko dahil ilang minuto na lang yata ay magpa-fireworks display na. Ayaw ko pa namang maabutan kami nito na magkasama.
Ano? Siya ang makakasama ko sa pagsalubong ng Chinese New Year?
"Ibibigay mo ba sa 'kin 'yang sapatos ko o paglalakarin mo ako ng nakapaa papunta sa sasakyan ko?" I asked him urgently. I grew even more alarmed when I heard some of the countdown chants of the guests from the garden.
"I'll give you your shoes in one condition," he finally offered.
"Ano?" I said and glanced at the night sky. Na para bang any time, eh, may fireworks na.
"Let's have a date again," he finally said.
The stars within the first set of fireworks set off in the night sky, exploded into a dazzling display of colors, and produced a series of booming sounds.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro