Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

UNTOLD CHAPTER 6

ASH

What is love?

Noon ay hirap na hirap akong sagutin ang isang pinaka simpleng tanong na ito. At ngayon tila alam ko na ang ibig sabihin ng pag-ibig para sa akin.

Nakaupo ang isang babae sa aking harapan na may hawak hawak na notebook at ballpen habang naka de kwatro. Sa tingin ko din ay isa siyang estudyante at bata pa. Nandirito siya para sa kanyang research tungkol sa kanyang librong isusulat and I find it amusing and cute.

"Hello my name is Heitcleff. Thank you sa pagpapaunlak sa akin na mainterview ka malaking tulong ito para sa akin Mr.?"

"Call me Ash or kuya Ash. Well I'm honored din kasi isa ako sa mga napili mong interviewhin so ibig sabihin niyan kasali ako sa isusulat mong libro. Pag pumatok yan dapat ilibre mo ako o magpaparty ka at iinvite mo ako ha," saad ko at natawa naman siya at tumango tango.

"Oo naman kuya Ash iinvite kita pag pumatok ang libro ko ano ka ba. So para hindi na ako magtagal pa kasi may pupuntahan pa ako eh kaya simulan na natin ha. Okay first question what is love?" tanong niya at ang kanyang buong atensyon ngayon ay nasa kanyang notebook at naghihintay na ng aking kasagutan.

Huminga ako ng malalim at napatingin sa aking cellphone na ang wallpaper ay ang aking pamilya. Ang mga kambal ko, ang asawa kong si Alana ang pinakamamahal ko at ako. Napakasayang tingnan parang araw araw akong nahuhulog kay Alana.

"What is love...for me love is being patient. Alam kong nakakabagot at napakahirap pakinggan at isipin but trust me it is all worth it. Ang pag-aantay ang isa sa napakahirap at napakasakit gawin lalo na pag ang inaantay mo ay isang napaka komplikadong tao. Napakahirap kung titignan at iisipin na para bang wala ka ng pag-asa kasi andun na eh wala ka ng magagawa but you just keep on waiting kasi may nakikita ka pang pag-asa. Kahit maliit na ilaw ng pag-asa lang yan dapat ay kunin mo, antayin mo kasi kahit pag balik baliktarin mo man pag-asa pa rin yun, lalaki din ang ilaw na yun. Umabot din ako sa point na nanghina na at nawawalan na talaga ako ng pag-asa, ibinaling ko sa iba ang atensyon ko pero sablay pa rin. Siya pa rin ang gusto ko. Siya pa rin ang mahal ko and then one day magic happens. Ang babaeng inantay ko noon ay ngayon ay asawa ko na. May kambal na ako at may mapagmahal na asawa. Walang katumbas na salita ang kasiyahan ko hanggang ngayon Heit. All we need is time kasi mahaba naman ang oras eh kung mahal mo ang isang tao handa kang maghintay ngunit kapag wala na talaga, wala ka ng makitang pag-asa matuto kang bumitaw," mahabang saad ko na may mga ngiti sa labi.

Napangiti naman siya at tumango tango. Inilibot niya ang kanyang mga mata sa loob ng aking opisina at tumigil nang makita ang picture frame na nakakabit sa aking likuran at ngumiti. Family portrait namin ang nakasabit sa likuran ko.

"Napakagandang sagot ang nakuha ko sayo. Tama ka you need to be patient at yan ata ang pinakamahirap sa lahat ang mag-antay lalo naman at di mo alam kung may inaantay ka pa ba o wala na. Next question na tayo are you happy? Alam ko naman na masaya ka na ngayon but I need to hear it from you," saad niya at tumango naman ako.

"Yes, yes I am happy. Masaya talaga ako ngayon sa buhay ko. Meron akong mapagmahal at maasikasong asawa. Kambal na makulit at cute na cute. And trust me kapag nakamit mo yun nagiging maganda ang paligid mo at nagiging masaya. Kapag may problema ka parang ang gaan gaan lang kasi nga masaya ka," saad ko at tumango tango naman siya na nakangiti.

"Sana maging masaya din ako katulad mo kuya Ash. At sana magkaroon din ako ng mahabang pagpapasensya na antayin ang prince charming ko. At sana matanggap niya ako kahit sino man ako ang buong pagkatao ko. Kahit mataray, tamad at topakin ako yung ganun. Bongga siguro yun no kuya Ash. Or baka baby pa ang forever ko baka yung anak niyo po kuya Ash," tawang saad niya na pati ako ay napatawa at napailing iling.

"Last na po kuya Ash. Ano ang message na hindi mo pa nasasabi sa asawa mo?"

Ilang segundo din ang namayani ang katahimikan sa aming dalawa ngunit siya ay nakatingin lamang sa kanyang notebook at naghihintay parin ng aking kasagutan.

"Message...hindi ko pa to nasasabi sa kanya kaya ikaw ata ang unang makakarinig nito," nagpakawala ako ng hininga at napatingin sa labas ng bintana.

"Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya alam ko hanggang ngayon ay mahal mo parin siya kahit ilang taon na ang lumipas simula nung mawala siya. Parte na siya ng buhay mo at minahal kita dahil mahal kita at kaya kong tanggapin lahat lahat sayo kahit na ang nakaraan mo. Pumasok ako sa buhay mo hindi dahil diktahan at alisin lahat lahat ng mga naging parte sa buhay mo, pumasok ako dahil gusto ko, dahil mahal kita. Thank you for giving me happiness in your arms sa pagdadala ng ating mga anak ng siyam na buwan sa iyong tiyan. Sa pagiging maasikaso mo sa bahay at sa pagmamahal mo sa aming lahat. Thank you for letting me into your life and for loving me. Wala na atang mga salita ang makakapag describe as mga nararamdaman ko. And I know someday you will find the right one too pero dapat tapusin mo muna ang pag-aaral mo okay? Maganda ka kaya marami din ang magiging manliligaw mo so please choose wisely," saad ko at ngiti naman siyang tumango tango.

"Alam niyo po kuya Ash ang gaganda lahat ng mga nainterview ko. Yung isa love is painful, yung isa naman love is all about loving yourself first at kayo naman po is patience. Ang ganda lang ang gagandang mga sagot. Magandang istorya talaga ang gagawin ko dahil dito. Nakaisip na nga ako ng konsepto eh," saad niya dahilan upang palakpakan ko siya dahil para bang na excite din ako.

"Wow kung nakaisip ka na ano naman ang title kung sakali?" tanong ko dahilan upang titigan niya ako ng nakangiti.

"The Wife," tipid niyang sagot.

"Sige po mauuna na ako kuya Ash. Maraming maraming salamat po talaga sa pagpapaunlak sa akin na mainterview kayo. Promise po talaga pag pumatok ito ililibre ko po kayo. Sige po babye."




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro