Chapter 8
ALANA
"I miss you," mahinang saad niya habang nakayakap sa akin, hinagod ko naman ang kanyang likod at napangiti. Halos magkasing tangkad lang pala sila ni Knight, hanggang dibdib lang nila ako. Kung ganito lang sana si Knight katulad ng kapatid niya, siya na siguro ang pinakamasayang babae sa balat ng lupa.
"Namiss rin kita Ash," sagot niya at agad naman niya akong hinarap at tinitigan na para bang di makapaniwala ngunit agad ding napalitan iyon ng ngiti.
"How are you and kuya?" bahagyang tanong niya na agad ko namang ikinalungkod ng mga mata ko kahit nakangiti ang mga labi ko.
"We're fine, we're happy Ash. Ikaw? Ikaw ang kamusta? Sikat na sikat ka na Ash ah ibang-iba ka na. Kahit saan makikilala ka kaya no wonder kung pinagkakaguluhan ka ng mga fans mo kaya naparito ka," tawa ko na siya namang ikinatawa niya, magkaibang magkaiba talaga ang ugali nitong magkapatid na ito, salungat sa isa't isa.
"Hindi naman," sagot niya na nakangiti na para bang modelo ng toothpaste.
"Pa humble ka pa, sikat na sikat ka na talaga. May pasalubong ba ako diyan? Kahit yung relo mo nalang na minomodelo mo sa mga magazine kahit pang lalaki papatusin ko yun ibebenta ko," biro ko na bumenta naman sa kanya dahil tawang tawa naman siya. Matagal na kaming magkakilala ni Ash bago ko nakilala si Knight at yun ang hindi alam ni nanang pero malalaman at malalaman na niya rin ito mamaya.
"Hindi ka parin nagbabago Alana. Syempre may pasalubong talaga ako sayo, dito ako titira kaya binilhan talaga kita ng pasalubong para wala kang masabi," tawang saad niya at napahampas naman ako sa kanyang braso.
Napatigil naman kami sa pagtawa nang tinawag kami ni nanang.
"Oh andiyan pala kayong dalawa halina kayo sa kusina at nang makapag meryenda kayo, alam kong pagod kayo sa lakad niyo. Dali dali may niluto ako at binake dito," tawag ni nanang sa amin ng kami ay masilayan sa sala na nagtatawanan.
"Sige po nanang susunod na po kami," sagot naman ni Ash at agad namang tumango si nanang ng nakangiti.
Agad namang kinuha ni Ash ang aking kamay at natigilan at tinignan ang kanyang kamay at pabalik naman sa aking kamay kung saan siya humawak. Napatingin naman ako kung saan siya nakatingin at agad naman akong kinabahan. Nakalimutan ko palang naka blouse lamang ako at may mga pasa ang aking mga kamay at braso. Tinabunan ko lamang kasi ito ng foundation kaya hindi na halatang may mga pasa, ngunit tila nabura ito dahil sa pag kapit sa akin ni Ash. Nag-aral din ako ng cosmetics nung ako ay estudyante pa kaya alam ko kung paano tabunan na parang wala lang kung may mga pasa ka man o pimples. Kung sana natabunan din lahat ng emosyon ko ay noon ko pa ginawa, kung sana kung gaano kadali ang pagtabon ng mga pasa ay siya namang kasing dali ang pagtabon ng sakit.
"Alana?" he called in a worried expression at akma niya na sanang hahawakan ang aking mga kamay na agad ko namang iniwasan.
"W-wala to Ash, nabunggo ko lang ito kahapon sa may mesa dun sa k-kusina kaya nagkaganito. Alam mo n-namang clumsy ako minsan diba," pagrarason ko, ayokong malaman niya ang totoo dahil wala naman siyang dapat malaman at ayokong komprontahin niya ang kanyang kuya dahilan upang mag-away sila at ayokong mag-away kami ni Knight.
"Are you sure?" ulit niyang tanong agad naman akong tumalikod at nagsimulang maglakad patungong kusina. Ayoko ng humaba ang aming kwento tungkol dito.
"Halika na Ash, naghihintay si nanang sa kusina. Pinaghanda pa naman niya tayo ng makakain. Alam kong gutom ka na dahil sa byahe, pati rin ako gutom," ngiting lingon ko sa kanya at ngumiti naman siya ngunit di abot sa kanyang mga mata. Mga matang ayokong tignan, dahil yun ang mga mata ng may awa at ayaw kong kaawaan ako ng kahit na sino.
"So what are your plans here Ash?" basag ko sa katahimikan dahil kaming dalawa nalang ang naiiwan dito sa kusina. Kailangan kasing umalis muna sandali ni nanang dahil magpapaload muna raw siya sa tindahan at tatawagan ang kanyang mga anak.
"Wala naman, siguro mamamahinga muna ako. Nakakapagod din palang maging artista, nakakapagod maging gwapo," birong saad niya na siya namang ikinatawa ko habang nagsusubo ng binake ni nanang na banana cake sa aking bunganga.
"Gustong gusto mo naman, ayaw mo nun maraming babae ang nagkakandarapa sayo. Malay mo isa na doon ang magiging asawa mo in the future," ngiting saad ko sa kanya.
"Iisa lang naman ang gusto kong babae pero komplikado pa ang lahat. But I'll find a way," saad niya at sumubo ng chocolate cake.
"Sounds like a challenging lady you have Ash," tawang saad ko at nakitawa naman siya.
"A challenging indeed but she's worth it," nakangiting saad niya at di ko rin mapigilang di mapangiti. Ganito rin ba ako kay Knight? Nakikita niya rin ba ang worth ko?
"Kanina ka pa tanong ng tanong sa akin, ikaw naman ang tatanungin ko. So what are your plans now?" saad niya at tila ginaya ang pagkakasabi ko kanina with all the body language, tawang tawa naman ako sa ginawa niya dahil bukod sa gayang gaya niya ay hindi bagay sa kanya pero maganda paring tignan dahil sa kagwapuhan niya. Siguro kahit pagsuutin ko siya ng repolyo ay gwapo parin siya, di ko napigilang di matawa sa naisip ko ano naman kasi ang matatabunan ng repolyo. Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa kabulastugan, ano ano na lang ang iniisip ko.
"Okay ka lang?" agad niyang tanong habang tumatawa, kanina pa ata kami di matigil tigil sa pagtatawa.
"Yes, yes okay lang ikaw kasi. Uhm I'm planning to work sa kompanya kasi ayoko ng makulong dito. Nabobored na ako and I called dad and he says it's okay but he will talk first to my mom. Kanina ko lang kasi sinabi at hindi pa ito alam ni Knight, mamaya ko pa sasabihin sa kanya," sagot ko na nakangiti, masayang masaya ako ngayong araw at ngayon lang ata ako di nakaramdam ng sakit.
"That's a good idea. Sayang naman yung mga tinatago mong skills diyan, mga hidden talents na dapat hidden lang," saad niya at napatawa na naman kami ng sabay nang biglang may nagsalita sa aking likuran na siyang ikinabilis ng pagkabog ng dibdib ko.
"Who said you'll be working?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro