CHAPTER 65
ALANA
Ngayon din mismo gagawin ang operasyon niya. Di ko mapigilang hindi mangamba at matakot kahit na kilala ang hospital na ito at alam kong magagaling ang mga doktor dito ay hindi ko parin mapigilang hindi mapakali. Ilang beses narin akong kinausap ni Thaddeus na magiging maayos ang lahat.
Hindi ko rin napigilan ang sarili ko na hindi siya tanungin kung ano ang mga posibleng magiging resulta ng operasyon. Ngunit hindi naman iyon ang inaasahan kong mga sagot.
"Iha calm down gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya," saad ng mommy ni Knight habang papalapit siya sa akin at hinagod ang aking likod.
"Anak makakaya yan lahat ni Knight. Malakas si Knight," wika naman ni mommy at agad akong nilapitan.
Kasalukuyan na kaming nasa labas ng operating room at mula dito ay kita namin si Knight na nakahiga at mukha ng tulog at marami ng aparatus na nakakabit sa kanya. Bawal ang ganitong sitwasyon para sa mga kamag-anak ng isang pasyente na malayang makikita kung ano man ang nangyayari sa loob ngunit dahil sa nakiusap ako kay Thaddeus na matatahimik lamang ang aming kalooban kapagka makikita namin si Knight.
Labag man sa protocol ng hospital ang gagawin namin ay ginawan naman ng paraan ni Thaddeus ang lahat, kinausap niya ang mga doktor at nurses na kasali sa operasyon and at the end they all agreed. Para bang pinupokpok ng martilyo ang puso ko habang tinatanaw ang walang malay na si Knight. Inilibot ko ang aking mga mata sa buong kwarto. Naririto kaming lahat, si nanang, pamilya ni Knight at pamilya ko ngunit wala si Ash. Hindi ko lubos maisip kung papaano natitiis ni Ash na wala siya dito para sa kanyang kapatid. Alam kong masakit ngunit ang hindi siya makita dito ay nakapagbigay ng galit sa aking puso.
Ngunit sa kabila nun ay ako naman ang dahilan kung bakit siya umalis kaya ako dapat ang sisihin. Lahat naman ng ito ay ako ang dahilan.
Ilang minuto nalang at sisimulan na nila ang kanilang operasyon. Kita ko rin si Thaddeus na parang hindi mapakali at kanina pa malalim ang iniisip. Tatlong doktor, tatlong mga nurses, at dalawang utility ang nasa loob at kasama narin doon si Thaddeus. Isa ring doktor si Thaddeus, doktor siya ng mga puso.
Kahit papaano ay kilala ko ang mga doktor na nasa loob at tama nga si Thaddeus mga kilalang doktor sila at magagaling.
Nakita ko ang isa-isa nilang pagpasok sa loob at muli na namang kumabog ang dibdib ko. Nanlalamig ang aking mga kamay at nanginginig ang aking kalamnan. Napapikit ako at tahimik na nagdarasal na sana ay maging maayos ang lahat dahil kanina pa ako nakakaramdam na para bang may mangyayari o baka tinatakot ko lang masyado ang aking sarili. Naramdaman ko naman na may humawak sa aking mga kamay dahilan upang imuklat ko ang aking mga mata.
Napangiti naman ako nang masilayan kong si nanang pala ang humahawak ng aking mga kamay.
"Full bloom ang mga bleeding heart na tanim mo ngayon sa bahay," wika niya at hindi ko mawari sa sarili ko kung bakit tila naiiyak ako.
"Mabuti naman nanang at namumulaklak na naman uli sila," ngiting saad ko at hinayaan ang mga nangingilid kong mga luha na dumaloy sa aking mga mata. Ang hapdi sa mga mata ng mga luha ko at masakit sa lalamunan na para bang gusto kong humaguhulhol.
"Namatay nga ang lahat ng iyon iha akala ko nga hindi na masasalba kasi wala na talagang buhay. Ngunit hindi ko parin binubunot yun dun araw-araw ko paring inaalagaan at dinidiligan hanggang sa dumating yung araw na umulan ng malakas at paggising ko ng umaga upang maglinis ng hardin nakita ko nalang na may mga bulaklak na siya. Ang pinagtataka ko lang kung bakit agad namang bumulaklak ang tanim na yun eh patay namang lahat," mahabang paliwanag niya na pati ako ay namangha at hindi halos makapaniwala.
"Totoo po ba yan nanang?" hindi ko mapigilang hindi matanong at kung bakit tila naisingit niya pa ito ngayon.
"Oo iha ang gusto ko lang iparating ay ang lahat ay may milagro lahat ay may pag-asa. Kaya kung akala mo ay parang walang wala na kailangan mo labg magtiwala," ngiting saad niya at bahagyang pinisil ang aking mga kamay at tumango tango naman ako.
Napalingon ako sa direksyon ni Knight na kasalukuyang inoopera na ngayon.
"Naniniwala ako sa miracle nanang at malakas ang kutob ko na malalagpasan ito ni Knight."
Kitang kita ko rin ang makina kung saan nagsasabi na maayos pa ang takbo ng kanyang puso at ng kanyang paghinga.
Napalingon naman ako kina mommy at sa mga magulang ni Knight. Nakayakap naman ang mommy ni Knight sa kanyang asawa at hinahagod ang likod nito dahil tila hindi niya makayang titigan ang kanyang anak sa loob ng operating room. Hanggang ngayon ay hindi pa nila alam na napirmahan ko na ang mga papel. Hindi pa nila alam ang nangyari sa amin ni Knight at wala pa akong balak na sabihin sa kanila. Napalingon din ako kina mommy at daddy na ngayon ay nakatingin na pala sa akin.
"Are you okay anak?" tanong ni mommy at tumango naman ako.
"Yes mom I'm okay," matipid kong sagot at ngumiti naman sila at pabalik na tumingin sa loob ng operating room.
Taimtim uli akong nagdarasal at na sana ay maging maayos ang lahat.
At nang pagmulat muli ng aking mga mata ay agad na nagtama ang mga mata namin ni Thaddeus. Kahit halos mga mata lang ang nakikita sa mga tao sa loob ay kilalang kilala ko kung sino si Thaddeus sa kanilang lahat. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin at bumalik sa kanyang ginagawa.
Muli akong napatingin sa makina at maayos naman ang kanyang lagay at napangiti ako nang maisip na lumalaban mismo si Knight.
Lumalaban siya kaya ang gagawin ko ay magtiwala lamang sa kanya at pati na sa mga doktor na ginagawa nila ang lahat.
Ilang minuto ang lumipas at napalingon ang isa sa mga doktor sa aming direksyon at sumenyas na naging maayos ang pagkuha ng bala.
Napangiti naman ako at napahawak sa aking dibdib at lahat kami ay tila nagdiriwang na. Napayakap kaming lahat sa isa't-isa at nagpasalamat sa itaas.
Tatayo na sana ako at lalapit sa mga magulang ni Knight nang tila bumagal ang takbo ng oras at ng aking paggalaw.
Lahat kami ay natigilan sa aming pwesto nang makarinig kami ng tunog na alam namin kung saan galing.
Unti-unti akong lumingon sa direksyon ni Knight at ngayon ay para bang namomroblema ang mga tao na nasa loob. Pati si Thaddeus ay pinagpapawisan.
Pigil hininga akong napatitig kay Knight na ngayon ay nire-revive.
Napakuyom ako ng aking mga palad at halos wala na akong marinig sa aking paligid. Hindi ko narin alintana ang paghila sa akin ng kung sino. Para akong tuod na nakatayo at nakatingin lang kay Knight.
Pigil hininga akong napahawak sa aking dibdib hanggang sa ikatlong pagre-revive sa kanya.
Napaluhod ako sa aking kinatatayuan para akong binagsakan ng langit at lupa. Wala akong marinig at halos hindi kumukurap an aking mga mata.
Dahan dahan akong napalingon kung saan lumingon din ang mga doktor na nasa loob.
"11:11"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro