CHAPTER 63
ALANA
Umaga na nang makarating ako sa hospital. Hanggang sa ngayong mga oras na ito ay hindi ko parin malimutan ang kanyang mga mata at tila ba naririnig ko parin ang kanyang boses.
Bumili narin ako ng prutas at nagsadya sa isang malapit na foodstuff upang bilhan si Knight ng kanyang paborito na baked spag. Huminga ako ng malalim nang abot tanaw ko na ang kwarto niya.
Napahawak ako sa aking dala-dalang bag na para bang andito ang buhay ko. Nang malapit na ako sa kwarto niya ay sandali akong natigilan. Nakakarinig ako ng ingay na nanggagaling sa loob at sa tingin ko ay nag-uusap usap sila.
I gripped the doorknob and let myself in. At nang makapasok at maisara ko na uli ang pinto ay dahan-dahan akong lumingon kung saan naroroon si Knight. Sandali akong natigilan nang magtama ang aking mga mata sa kung sino man ang mga tao sa loob.
Mga magulang niya.
"Uh," yun lamang ang lumabas sa aking bibig at tila nablangko na ako.
Ngumiti naman silang dalawa at sinenyasan na lumapit ako.
"Mukhang nakakaistorbo po ata ako. Pwede naman pong bumalik nalang ako mamaya," saad ko at akma na sanang aalis nang magsalita ang mommy ni Knight.
"No iha please stay," sambit niya at dahan dahan naman akong tumango at naglakad patungo sa direksyon ni Knight.
Nakaramdam ako ng hiya at konsensya dahil ako ang dahilan kung bakit siya naririto ngayon. Kung bakit siya nalagay sa isang kritikal na kondisyon. Hindi ko magawang makatingin ng diritso sa kanila kaya inabala ko ang aking sarili sa pag-aayos ng aking mga pinamili sa mesa. Sandaling katahimikan ang namayani sa loob ng kwarto nang mapagpasyahang basagin ito ng mommy ni Knight.
"Alana anak I'm so sorry," mahinang sambit niya dahilan upang lingonin ko siya na nagtataka.
"H-hindi, hindi po dapat kayo humingi ng tawad wala po kayong kasalanan dahil ako po ang may kasalanan ng lahat ng ito. Ako dapat ang humihingi ng patawad sa inyo. Ako ang ang naglagay kay Knight sa peligro dahil sa katangahan ko."
Nakayuko ako habang nilalaro ang aking mga kamay nang maramdaman ko ang isang maiinit na haplos sa aking pisngi dahilan upang harapin ko kung sino ito.
"Mom," mahinang sambit ko at napangiti naman siya.
"Please convince my son about his operation. Hindi niya kasi gustong magpa-opera," mahinang sambit niya at ang mga nangingilid niyang mga luha ay malayang umagos sa kanyang mga mata na agad naman niyang pinahid gamit ang kanyang mga kamay at niyakap ako ng mahigpit.
Lumapit naman ang daddy ni Knight at hinagod ang likod ng kanyang asawa.
"I think we should go now. Iiwan na muna namin kayo dito iha," saad niya at inalalayan ang kanyang asawa palabas ng kwarto.
Nang makaalis na sila ay ramdam ko ang bigat ng mga yapak ng mommy ni Knight. Hindi ko parin maproseso sa aking isipan ang kanyang mga sinabi. Kumbinsihin? Bakit kailangan ko pang kumbinsihin si Knight? Akala ko ba ay tuloy ang kanyang operasyon.
Napalingon ako kay Knight na ngayon ay nakatingin sa labas ng bintana at malalim ang iniisip.
Tumikhim ako dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung saan magsisimula ang aming pag-uusap.
"Knight," mahinang tawag ko ngunit wala parin siyang ipinapakitang kibo.
"Dala mo ba?" biglang tanong niya na ikinakunot ng aking noo.
"May ipinapabili ka ba? Pasensya ka na dead bat ang cellphone ko at hindi pa ako nakapagcharge," dali dali kong sagot at agad na kinuha ang cellphone sa aking bag ngunit hindi ko pala ito dala. Napalingon ako sa sofa kung saan andun ang aking isang bag. Naroon pala at naiwan ko bigla naman akong natigilan nang mahawakan ko ang papel na dala-dala ko sa aking bag.
Ito ba ang tinutukoy niya?
Kumakabog ang aking dibdib sa pagkakahawak ng papel. Wala sana akong balak na dalhin ito ngunit nakita ko na lamang ang aking sarili na inilalagay ito sa loob ng aking bag.
"Alam kong dala mo," mahinang saad niya at dahan-dahan akong lumingon sa kanyang direksyon at sinalubong ako ng kanyang mga ngiti na hindi naman abot sa kanyang mga malulungkot na mga mata.
"Let's have a deal. Kung pipirmahan mo na ang mga papel na yan ay dun lang di ako magpapa-opera pero kung hindi mo naman pipirmahan alam mo na ang sagot," dagdag niya na nakapagpagulat sa akin. Para bang nabibingi ako sa kabog na ginagawa ng puso ko at di ko alam kung ano ang isasagot ko.
Napakuyom ako ng aking mga palad. "Hindi ko dala," matipid kong sagot at dahan-dahang tumalikod.
"Then there will be no operation," he coldly said and I went numb. How can he do this to me? Bakit parang ako ang magdedesisyon ng lahat?
Dalawang bagay ang pagdedesiyonan ko at lahat ng iyon ay pawang mabibigat.
"Knight huwag mo namang gawin ito sa akin. Parang sa akin pa nakasalalay ang buhay mo," mahinang saad ko at ramdam ko ang pangingilid ng mga luha sa aking mga mata. Heto na naman ako sa pag-iiyak walang duda na ako ay mahina.
"Huwag mong isipin na mahirap ang gagawin mong desisyon Alana. Please do this for me it's for your own good. Ito nalang ang naiisip kong paraan-"
Agad kong pinutol ang kanyang pagsasalita dahil hindi ko narin mapigilan ang sarili kong hindi mapuno.
"Own good? Own good? Para sa akin?! Hindi! Lagi nalang ikaw ang nasusunod Knight lagi nalang ikaw kailan mo ba ako huling pinakinggan!" sigaw ko hindi ko narin napigilan ang aking sarili at napakuyom ng aking mga palad.
"Pinapakinggan ko lahat Alana that is why I am doing this. Kahit ngayon tandang tanda ko pa ang lahat ng mga sinabi mo. You are not happy anymore with me," mapakla niyang saad at tumulo ang kanyang luha sa kabilang mata.
"I want you to be happy Alana kahit na ang kasiyahan na iyon ay hindi na ako kasali. Hindi na ako ang dahilan at hindi na ako ang nasa tabi mo," saad niya at nagtama ang aming mga mata at ngayon hindi ko na napigilan ang mga luha ko.
Napahawak siya sa kanyang dibdib at tila ba namimilipit sa sakit. Agad naman akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang mga kamay ng mahigpit. Wala narin akong pakialam sa mga luha ko.
"Are you okay? You want me to call the doctor?" tanong ko na nag-aala at garalgal ang aking boses.
"I'm okay Alana, I'm okay," mahinang saad niya na nakatitig sa aking mga mata at bahagyang hinaplos ang aking pisngi.
Litong-lito na ako at di alam kung ano ang gagawin. Ngayon sa harap ko ay nakikita ko siyang nahihirapan sa kanyang sitwasyon. Hindi lubos mapigilang di mapaisip at di ulit maitanong sa sarili ko kung bakit pa kami umabot sa ganitong sitwasyon. Napakalayo at napakasakit.
Tumango-tango ako at kinuha ang papel na nasa loob ng aking bag. Para bang ang bigat bigat ng dala ko at dinala ito malapit sa kanya. Kilala ko si Knight at hindi niya gagawin ang isang bagay kapag hindi nasusunod ang kanyang kondisyon at buhay niya ang nakasalalay dito.
Muli kong pinasadahan ng tingin ang mga papel at maluha-luha akong tinitigan iyon at agad kong tinignan si Knight na ngayon ay may nakaguhit na ngiti sa kanyang mga labi.
Hinawakan niya ang aking mga nanginginig na mga kamay at sinenyasan ako.
Dito mismo sa kwartong ito matatapos pala ang lahat at dito rin sa kwartong ito matutuloy ang kanyang operasyon. Pagkatapos nito ay hindi na ako matatawag na kanyang pag-aari hindi na ako asawa ni Knight hindi na ako Alcantara. Tuluyan na kaming hiwalay. Sa papel, sa batas at sa puso.
Para bang bumagal ang pagtakbo ng oras at ang aking mga kamay tila mabigat sa aking paglagda.
"Call the doctor."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro