CHAPTER 60
KNIGHT
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at inilibot ang aking paningin. Hindi ko alam kung papaano ako nakabalik sa kwarto dahil ang tanging naalala ko lamang ay ang pagtatalo namin ni Alana sa labas at ang iba ay di ko na maalala. Hinanap ng mga mata ko ang bulto ni Alana subalit ibang tao ang nakikita kong umuupo sa sofa at abala sa pagtitipa ng kanyang cellphone. Tuikhim naman ako at agad naman siyang napalingon sa aking direksyon.
Buong akala ko ay si Ash ang nakaupo ngunit hindi pala.
"Thaddeus," mahinang tawag ko hindi ako makapaniwala na makikita ko pa siya. Ilang taon narin simula nung huli kaming nagkita at sa pagkaalala ko ay nung nasa club pa kami noon at nag-iinuman. Pagkatapos nun ay hindi ko na siya nakita kailanman. Ang huling balita ko sa kanya ay ang paglabas niya ng bansa.
"Hey bro," ngiting saad niya at naglakad papunta sa aking direksyon. At kung hindi ako nagkakamali ay dis oras na ng gabi at alam kong hindi na tumatanggap ng bisita ang hospital.
Pansin ko rin na wala si Alana ngunit naroon parin ang kanyang bag sa sofa.
"Hey," mahinang sagot ko na may mga ngiti sa labi.
"Man tsk you fell so far." Iling-iling niyang saad at tinignan ako taas baba while crossing his arms.
Ngumiti naman ako dahil tama siya masyado ngang malayo ang ikinabagsak ko. Wala na akong lakas pa upang makipagtalo. Napahawak ako sa aking dibdib dahil nakaramdam ako ng kaunting pagkirot dahilan upang mabahala siya.
"Sh*t you want me to call a doctor? Hays bakit pa ba ako nagtatanong," saad niya at akma na sana siyang tatalikod upang lumabas nang pigilan ko siya.
"No, I'm okay," saad ko ngunit tila di parin siya kumbinsido.
"You look like sh*t," saad niya at napa sipol pa na para bang natalo sa casino.
Ilang segundo rin namayani ang katahimikan sa aming dalawa hanggang sa hindi ko mapigilan ang sarili ko hindi itanong si Alana.
"Nakita mo ba si Alana?" tanong ko at umiling naman siya. Humila siya ng kanyang upuan malapit sa akin at naupo. Dinig ko rin ang kanyang pagbuntong hininga dahilan upang titigan ko siya.
"Hindi ko kailanman aakalaing aabot ka sa ganito Knight parang kailan lang nung nag-iinuman tayo and here you are now getting your karma. Karma is indeed a btch right? tsk tsk ilang beses na ba kitang binalaan noon? Walang mapupuntahan ang pagka walang respeto mo sa asawa mo noon. Wala na tayong magagawa nandiyan na yan eh. Kahit na nasa ibang bansa ako ay marami parin akong naririnig patungkol sayo at sa kung ano ang nangyayari sa inyo ni Alana you're quite trending outside. And now nalaman ko na nasa hospital ka na at may bala pang naiwan diyan malapit sa puso mo, iniisip ko ngang si Alana yang balang yan eh dahil lapit na lapit sa puso. Naniniwala na talaga ako na matagal mamatay ang isang damo," saad niya at ramdam ko sa kanya ang galit sa kanyang pananalita. Naiintindihan ko kung bakit siya nagkakaganito.
"Nandito ka lang ba upang sermonan ako?" tanong ko dahil ayoko ng makarinig ng kanyang mga sermon.
"Kasama na ang sermon dahil namiss kitang gago ka at syempre nag-aalala din ako sayo atsaka tatanungin nalang din kita kung ano klaseng burol ang gusto mong gawin sa libingan mo alam mo naman mapagkikitaan ko pa yun," saad niya dahilan upang matawa ako ng kunti at napahawak sa aking dibdib.
"Hindi ka parin nagbabago Thaddeus. Paano ka pala nakapasok dito? Anong oras na at sa pagkakaalam ko may oras ang padalaw ng mga bisita," saad ko na ikinatawa naman niya.
"Alam mo ba kung nasaang hospital ka? Parang hindi mo naman alam o sadyang kinalimutan mo na ako sa buha mo? Hoy amin tung hospital baka gusto mo pataasin ko bill mo para naman may makuha ako sayo at mapalago pa lalo ang hospital na ito," saad niya dahilan upang mapangiti ako tila nga nakalimutan ko kung nasaan akong hospital at sila pala ang may nagmamay-ari nito.
"Nakalimutan ko na nga dahil ang tagal mong nawala akala ko tuloy ay wala na akong kaibigan pa dito sa mundo," saad ko dahilan upang sipain niya ang gilid ng kama ko.
"Huwag ka ngang drama diyan hindi bagay sa isang Alcantara yan. Pasensya ka na at hindi na ako nakapagpaalam sa iyo nung gabing iyon dahil narin sa kalasingan mo at sa kagustuhan mong mawala na si Alana sayo noon. Inaamin kong umalis akon galit sa iyo dahil wala namang ginawang masama si Alana sa iyo upang tratuhin ko siya ng ganun ngunit anong magagawa ko dahil wala naman ako sa posisyon upang pagsabihan ka dahil ikaw naman ang asawa niya at dapat ay alam mo kung tama pa ba o mali na ang ginagawa mo sa kanya. Kaibigan kita Knight, matalik na kaibigan kaya kita pinagsasabihan but now kitang-kita ko ngayon sa mga ata mo na tila mahal mo na siya. Alam ko rin na ganun din si Ash kay Alana. Ang hindi ko lang alam ngayon ay kung ano kayong dalawa para sa kanya," mahabnag saad niya at napabuntong hininga sabay lagay na kanyang dalawang kamay sa kanyang ulo.
"I want her to sign those divorced papers that I have filed. Sabihin na nating mahal namin ang isa't-isa ngunit alam kong hindi na siya masaya sa aking piling Thaddeus.Pinatay ko ang anak namin, magiging magulang na sana kaming dalawa kung hindi lang dahil sa akin," saad ko at tinignan niya lamang ako na walang halong emosyon.
"Papakawalan mo nalang siya ng ganun na lanag? Hindi mo ba siya kayang ipaglaban? Hindi ka pa naman baldado ah atsaka ipapaopera ka naman we have the best doctors here at umasa kang nasa tabi mo ako sa mga oras ng operasyon mo. Hindi kita pababayaan. Hindi mo man lang ba siya ipaglalaban? Mahal mo siya hindi ba? Ngunit bakit tila pinauubaya mo na siya sa iba? Ganun nalang ba yun? Hindi pa naman niya pinipirmahan diba so it means mahal ka parin niya, asawa mo parin siya mag-asawa parin kayo ano ba! Grow up guys!" singhal at napasuklay ng kanyang buhok.
"It's an art of letting go Thaddeus."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro