Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 58

ASH

Hindi ko alam kung bakit ako naririto sa labas ng kwarto ni Knight at at piniling hindi pumasok. Mula sa aking kinatatayuan ay tanaw ko si Alana na ngayon ay nakatingin kay Knight. Mga matang punong puno ng pag-aalala at kung hindi ako nagkakamali ay punong puno rin ng pagmamahal.

Umatras ako at tumalikod. Dahan dahan akong naglakad palabas ng hospital. Siguro ay ayos naman si Knight dahil alam kong hinid siya pababayaan ni Alana. Natawagan ko narin sina mommy at daddy at baka bukas ay nandirito na sila kaya dapat ay hindi na ako mag-alala.

"I hate that I am still hoping," mahinang sambit ko at napatingala sa langit.

Ni wala akong makitang mga bituin at tila makulimlim ang langit ni buwan ay di ko maaninagan. Napangiti nalang ako ng mapait. Kapag ba kasama niya si Knight ay ganun nalang ba ako kadaling makalimutan? Di ko mailabas lahat ng kalungkutan na bumibigat sa dibdib ko. Sawa na akong umiyak wala na sigurong luha ang mailalabas pa sa mga mata ko. Bakit ko ba pinaparusahan ng ganito ang sarili ko? Bakit pa ba ako bumalik dito? Bakit ko ba ipinagpipilitan ang sarili ko sa kanya kung sa nakikita ko sakanilang dalawa na mahal pa nila ang isa't-isa.

Tama si mamay kailangan kong bigyan ng panahon si Alana at para maibigay yun sa kanya ay kailangan kong magpakalayo-layo at magkaroon ng pagkakaabalahan. Panahon na siguro upang bumalik sa mga kamara.

Bakit ba kita laging iniisip Alana kung alam ko namang hindi ako minsan sumagi sa isip mo.

Masyado na atang madrama ang buhay ko kaya ako nagkakaganito.

Malapit na ako sa sasakyan ko kung saan ko ito banda ipinarada nang may tumawag sa aking pangalan at alam ko kung kaninong boses iyon galing.

Kunot noo ko siyang tinitigan haang papalapit na siya sa akin at para bang hapong hapo siya sa kakahabol sa akin.

"Alana?" Bungad ko sa kanya at sinenyasan naman niya akong na maghintay habang hinahabol niya ang kanyang paghinga.

Iniwan niya muna yata si Knight sa kanyang kwarto.

"Ash, san ka pupunta? Kanina pa kita tinatawag pero hindi tila hindi mo ako naririnig," hingal niyang saad habang hawak ang kanyang dibdib.

Hindi ko nga siya narinig ganun nalang ata ang pagka-okupado ng aking pag-iisip.

"May pupuntahan lang. Sige na balikan mo na si Knight at wala siyang kasama dun sa kwarto niya," ngiting saad ko at akma na sanang tatalikod nang bigla na naman siyang nagsalita na ikinatigil ko.

"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong niya na may kalungkutan sa kanyang tono ng boses. Hinarap ko naman siya at nilapitan. I brushed her hair using my fingertips and smiled.

"I know you don't love me. It hurts, but it's okay. I am used to it," saad ko at sabay nun ang pagbitaw ko ng hibla ng kanyang buhok.

"Ash," mahinang sambit niya.

Namayani ang katahimikan sa aming dalawa at ang siya namang pagkidlat sa madilim na kalangitan.

"It's hard to be the one who's always waiting. Mahal kita Alana at sana alam mo yun. Oo isang kabulastugan dahil asawa ka ng kapatid ko pero hindi naman natuturuan ang puso kung sino ang dapat at kung si ang hindi dapat mahalin. Hindi kita sinisisi dahil ako ang may kagustuhan na mahalin ka. Ako ang nagpasyang maghintay. Ako ang nagpasyang magpakalunod sa iyo. But is it worth it? Dahil sa tuwing nakikita kita sa kanya ay nakikita ko sa iyong mga mata Alana, mahal mo parin siya. And Knight loves you too at para bang ako lang sagabal sa inyong dalawa. That should be me Alana ako dapat ang nakahilata sa kamang hinihigaan niya ngayon. Ako sana ang walang malay ngayon kasi okay lang Alana eh okay lang kasi di ko makikita, maririnig lahat ng mag sasabihin mo. Mas gugustuhin ko pang maging manhid at walang malay kaysa sa nakikita kang masaya sa piling ng iba. Napaka selfish ko ba? Napakagago ba ng rason ko? Alana mahal kita hindi pa ba klaro yun sayo? Hindi mo pa ba naiintindihan hanggang ngayon ang nararamdaman ko para sayo? Dahil kung hindi please stop calling me you are just making it more worst."

Napasuklay ako ng buhok at huminga ng malalim dahil pakiramdam ko ay sasabog na ako.

"Hindi kailanman nalilimutan ng isang babae ang taong tumulong sa kanya sa mga panahong lugmok na lugmok at humihingi ng suporta. Hindi kita kinalimutan Ash, huwag mo sanang bigyan ng kahulugan lahat ng mga ginagawa ko. Nasa kritikal na kondisyon ang kapatid mo at dahil yun sa akin kaya dapat lang na nasa tabi niya ako. Dahil ako naman ang puno't dulo nito...ako ang may kasalanan nito. At kung ikaw man ang nasa kalagayan niya hindi ako magdadalawang isip na alagaan ka Ash. Oo inaamin ko, may nararamdaman pa ako kay Knight ngunit hindi na gaya ng dati Ash. Marami na ang nawala, marami na ang nawasak at isa na ako doon Ash. At ngayon takot na ako, takot ako hindi mo ba napapansin yun? Takot na akong umibig pang muli, takot na akong magtiwala pang muli. Ngunit dahil sayo handa akong magtiwala muli...bigyan mo lang ako ng panahon Ash. Panahon lang," sagot niya at nangingilid ang kanyang mga luha na nakatingin sa akin.

Kuyom ang kanyang mga palad at huminga ng malalim.

"Babalik na ako Alana. Kailangan kong ibaling ang atensyon ko sa iba upang sa ganun ay hindi kita maalala. Dahil sa tuwing sasagi ka sa isip ko mas lalo akong nalulungkot, masakit dito." Turo ko sa aking dibdib.

"Bago ka bumitaw sana ay isipin mo muna kung bakit ka nagtagal sa ganitong sitwasyon at kung hindi pa kita tinakbuhan iiwan mo nalang ako ng basta basta without even saying goodbye," sambit niya at ilang segundo lang ay bumuhos ang ulan dahilan upang magulat siya ngunit hindi ko ito inalintana.

I don't care if I get sick. Wala namang kabuluhan ang buhay ko simula ngayon.

"Pumasok ka na sa sasakyan mo Ash! Ang lakas ng ulan baka ka magkasakit," sigaw niya ngunit wala parin akong kibo. Hinayaan ko ang mga luha ko na dumaloy kasabay ng ulan sa aking mukha. Hindi din naman niya iyon mapapansin.

"Kung gusto mo ako sa buhay mo, ilagay mo ako doon. Hindi ako dapat nakikipaglaban para sa isang lugar sa puso mo," saad ko at natigilan naman siya.

Agad ko naman siyang tinalikuran at pumasok sa aking sasakyan.

Hindi na ako nag-abalang lingunin siya at pinaandar ang sasakyan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro