Chapter 55
ASH
"Ash," isang mahinang boses ang tumawag sa akin dahilan upang lingonin ko ito.
Nagulat ako nang malaman kong si mamay ito.
"Mamay?" Tanong ko na hindi makapaniwala. Kakatawag ko palang kay daddy at imposible namang nalaman niya agad.
"Ash, bakit ka naririto?" Tanong niya na dapat ay ako ang nagtatanong nito.
Ngunit habang papalapit siya sa akin ay ngayon ko lang napagtanto na may bitbit siyang dextrose na nakakabit sa kanya.
"Mamay? B-bakit ka may ganyan?" Salubong ko sa kanya at inalalayan siyang maupo sa isang bakanteng upuan.
Naguguluhan din ako kung bakit may isang upuan sa rooftop ngunit binalewala ko na lamang iyon. Marahil ay minsan may tumatambay rin dito tulad ko ngayon.
"Alam mo naman ang tumatanda iho hindi na ko bumabata," ngiting saad niya nang mapaupo ko na siya.
"Ba't hindi ka man lang po nagpasabi sa amin," saad ko dahil wala akong kaalam-alam na may dinaramdam na pala siyang sakit.
"Isang araw lang naman ito iho bukas na bukas din ay madidischarged na ako. Nakaramdam lang ako ng kaunting pagkahilo. Ako dapat ang nagtatanong sayo niyan bakit ka naririto? May nangyari ba?" Tanong niya na ikinabalik ng lungkot sa aking mga mata.
"Andirito po ngayon si Knight at nasa kritikal po siyang kondisyon. Hindi ko po alam ang gagawin kaya naisipan ko munang magpahangin hanggang sa mapadpad nalang po ako dito," saad ko at tila nagulat naman siya.
"Ano?! Anong nangyari? Nasaan na siya ngayon? Kamusta ang kalagayan niya?" pag-aalalang tanong niya at napahawak sa kanyang dibdib. Akma na sana siyang tatayo sa kanyang kinauupuan nang pigilan ko siya.
"Ayos na po siya mamay. Huwag na po kayong mag-alala," pag-aalo ko sa kanya at kahit papaano ay kumalma siya.
"Ano ba ang nangyari?" Tanong niya kaya napakamot ako ng aking batok. Mas mabuti na sigurong malaman niya kasi hindi din naman niya ako titigilan.
"Nabaril po siya. Alana went missing at nalaman nalang namin na nagkita pala sila ni Samantha sa isang abandonadong lugar. Naiwan ni Alana ang kanyang cellphone kaya nalaman ko kung nasaan sila. I called Knight at dun nalang din niya nalamang wala si Samantha and we decided to find her nagtawag din kami ng mga pulis ngunit nauna nalang kami. Nabaril ni Samantha si Knight which supposedly ay para kay Alana ang mga balang iyon. I was there mamay ako na dapat ang sasalo ng mga balang iyon if Knight didn't pushed me. He was fast at hindi ko man lang nakita ang pagtakbo niya. I would risk my life mamay whatever it takes kasi wala din naman eh mahal pa nila ang isa't-isa. Mas gugustuhin ko nalang mamatay kaysa magmahal ng ibang babae. I don't want to love another woman. I love her and I am willing to risk everything that I have even my life mamay...even my life." Hindi ko mapigilang hindi mapiyok sa huling mga salitang binitawan ko.
I am willing to do a suicide.
A suicide love.
"Upo ka dito," mahinang saad ni mamay dahilan upang tignan ko siya. Itinuro niya ang sahig na malapit sa kanyang tabi. Tumugon naman ako at umupo sa sahig.
"Sabi sa akin ng doktor ko ay may sakit ako. Malubhang sakit he diagnosed me with this words that I can't even understand," napangiti siya at napahawak sa kanyang dibdib.
"But I know hindi iyon ang sakit ko. Dahil alam ko mismo kung ano ang sakit ko, ang nararamdaman ng katawan ko, pati kaluluwa ko lahat lahat sa akin alam ko. At kung ako ang man ang magda-diagnose ng sarili kong sakit isa lang ang salita na isusulat ko sa papel...kalungkutan. Yun, yun ang tamang sakit ko. Yun ang nagpapahina sa akin. Pinahina ng kalungkutan ang katawan, utak at puso ko. Tumanda akong hindi naging masaya sa piling ng mahal ko hanggang sa nakita ko nalang ang sarili ko na nag-iisa dito sa roof top, dito sa mundo. Nag-iisa lang pala ako. Nagmahal ako ng maling tao. Ngunit hindi naman ako nagsisisi dahil marami din akong mga taong napasaya at nandiyan kayo ni Knight mga apo ko. Ngunit pag nag-iisa ka na mapagtatanto mong nag-iisa ka lang pala. Oo naririyan ang lolo mo sa tabi ko pero parang napakalayo naman niya sa akin hanggang ngayon. Matatanda na kami Ash at tila hindi na bagay sa amin ang salitang selos at sakit ngunit di ko parin mapigilang di maramdaman yun dahil isang araw nakita ko siyang may tinatanaw na iba at dun ko lang napansin na yun pala ang babaeng minsan na niyang pinangarap pakasalan noon. Hindi ko mapigilang di mapaisip dahil marahil nagsisisi din siya sa lahat. Nagsisisi siya na kung bakit ako ang kasama niyang tumanda sa halip na ang mahal niya. Siguro kung hindi lang dahil sa isang negosyo ay hindi kami magpapakasal. Kaya...kaya siguro nakikita ko ang aking sarili kay Alana. Nakikita ko sa kanya ang katayuan ko noon. Nasa sa kanya na ang lahat, lahat ng mga luho ay nasa kanya na ngunit isa lang ang wala...ang pag-ibig. Naramdaman niya ang pagmamahal ngunit huli na ang lahat. Oo...marahil mahal nila ang isa't-isa ngunit mas matimbang ang sakit...pareho silang nagsasakitan ngunit pareho din nilang mahal ang isa't-isa dahilan upang may pumanaw na sa isang tao na sana ay bubukod sa kanilang pagsasamahan ngunit hindi iyon hinayaan ng tadhana. Masakit ngunit lahat naman ay may rason. Lahat ay may karampatang rason. Mahal ko si Knight ganun din si Alana...but too much love will kill them both. And you Ash I know you love Alana but give her time. Kailangan niyang mag-isip...sa tamang panahon. Bigyan mo siya ng panahon para maitanong sa sarili niya kung ano nga ba. Huwag mong apurahin ang puso dahil baka pagsisihan mo sa bandang huli. Huwag mong isipin ang sasabihin ng mga tao because you are not born to meet their expectations. We all have different stories, different sides, don't compare it to someone else. We all have a happy ending but mine just don't," mahabang saad niya at ngiting tinitigan ako na may mga luha sa kanyang mga mata. Hindi ko rin mapigilang hindi maluha at tumayo sa aking kinauupuan at hinagkan si mamay.
"Hindi ko alam mamay. Hindi ko alam na ang bigat bigat din pala ng pasan pasan mo," saad ko at hinayaan ang mga luha ko na umagos.
"Kailangan ko ng bitawan ang mabigat kong pasan pasan upang makapagpatuloy muli sa ibang daan," saad niya at hinarap ako at nginitian.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro