
Chapter 53
ASH
"Malapit sa kanyang puso," saad ng doktor at tila ba nabingi ako sa aking narinig at ramdam ko ding tila natigilan si Alana.
"Sino ba sa inyo ang malapit na kamag-anak ng pasyente?" Tanong ng doktor at agad naman akong nagsalita dahil hindi ata kaya ni Alana na makipag-usap ngayon.
"Kapatid niya po ako doc ako nalang po ang kausapin ninyo," sagot ko at tumango naman siya and gestured me to follow him.
Agad ko namang nilingon si Alana at tumango naman siya sa akin. Iginiya ko naman siyang maupo sa upuan at iniwan ang jacket na aking dala-dala.
"Ayos na ako dito Ash salamat. Hihintayin ko nalang na makalabas si Knight dito para mabantayan siya sa kanyang kwarto. Balitaan mo na lamang ko dahil hindi ko kakayanin pag ako ang kumausap sa doctor," saad niya at tumango naman ako.
Nang makalayo na ako kay Alana ay muli ko siyang nilingon at kita ko sa kanyang mga mata ang pag-aalala sa aking kapatid.
Nang makarating kami sa isang silid ay agad akong pinaupo ng doktor sa isang bakanteng upuan.
"I'm sorry hindi ko pa ipinapakilala ang sarili ko. I am Dr. Calayag the attending doctor of your brother. Hindi ko na patatagalin ang usapan nating ito dahil kailangan ko pang asikasuhin ang iyong kapatid. One bullet can kill you but what happened to your brother is a straight luck but we call it miracle. Ngunit di sana tayo pakampante, the patient is fighting for his life dahil naniniwala ako na bawat pasyenteng inooperahan ko na nasa kritikal na kalagayan at lumalaban ay may pinanghahawakan. Kailangan pa nilang mabuhay. Ang bala na malapit sa kanyang puso ay maaaring maging sanhi ng kanyang kamatayan. I am not a God who can tell his death, doktor lang ako at sinasabi ko lang kung ano ang nakikita ko at alam ko. I don't want to give you an assurance na mabubuhay siya but we will give our best as doctors in this hospital. All you need to do is pray and leave it to us. Yun lang ang lahat."
Pagkatapos naming mag-usap ni doc ay agad akong lumabas sa kanyang opisina at ganun din siya. Tumungo siya sa kung saan siya dapat tumungo at ako naman ay naiwan sa harap ng kanyang opisina at napantingala sa puting kisame.
Hindi ko kailanman hiniling na tatanawin ko ang kisameng ito. Puting kisame ng hospital.
Hindi ko mapigilang isipin na kung sana hindi nalang ginawa ni Knight ang gabing iyon. Na kung sana ay nag-isip isip muna siya bago niya ginawa ang bagay na makakapagsira ng relasyon nila Alana. Na kung sana inanunsiyo na lamang niya ang kanilang relasyon sa buong mundo at hindi pinansin si Samantha. Ngunit kapag nangyari yun ay hindi mapapalapit sa akin si Alana, hindi niya ako tatawagin nung gabing iyon.
Hinayaan ko na ang mga luha ko na dumaloy sa aking mga pisngi.
Ngunit kung maibabalik ko lang ang oras. Handa akong isugal ang pag-ibig ko kay Alana upang maisalba ang aking kapatid. Handa akong makita silang maging masaya at handa ako lahat sa sakit na matatamo ko. Handa akonf isakripisyo ang lahat upang masagip ang si Knight. Papaano ba at maghihilom din naman ang sugat kahit anong lalim pa ito. Ngunit kahit anong hiling ko ay hindi na maibabalik pa ang kahapon.
Nangingilid ang mga luha ko at hinayaan ko lamang ito na tuluyang bumagsak.
"I can't imagine it Knight," bulong ko sa hangin at napangiti ng mapait.
Hindi ko alam kung sino ang unang tatawagin ko kaya agad kong kinuha ang aking cellphone sa aking bulsa at napagpasyahang unang tawagin ang mga magulang ni Alana, sina tito at tita.
Pagkatapos kong tumawag ay ramdam ko rin ang kanilang pag-aalala kaya agad agad rin daw silang pupunta dito sa hospital upang makita si Alana at si Knight.
Napabuga ako ng hininga nang makita ko ang pangalan ni daddy.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanila.
Ano ang sasabihin ko?
I took a deep breath and dialed my dad's number and within just a ring he immediately answered it.
Ilang minuto din kaming nag-usap ni daddy at gaya nga ng inaakala ko ay galit at nag-aalala siya sa aming kalagayan lalong lalo na kay Knight.
Hindi rin daw sila agad-agad na makakapunta dahil nasa malayong lugar sila at hindi na raw daw muna niya ito sasabihin kay mommy dahil baka atakihin lamang siya ng kanyang puso pag nalaman ito at nasa malayong lugar pa sila. Saka nalang daw niya ito sasabihin pag pauwi na raw sila.
Bago kami nagpaalam sa isa't-isa ay kinamusta niya ang kalagayan ni Alana. Kahit na ganun na ang nangyari kay Knight ay hindi nila magawang sisihin si Alana sa mga nangyari dahil alam nilang si Samantha naman ang may sala.
Sinabi ko rin sa kanila na kasalukuyan ng nakakulong si Samantha at tila alam ko naman ang gagawin ni daddy. Kakasuhan niya pa ito ng mga mabibigat na kaso. Wala narin akong pakialam sa kung ano ang gagawin kay Samantha dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa kanya ngayon kapagka nakita ko siya.
Naglakad ako pataas ng hospital, alam kong may rooftop ito kaya gusto kong umakyat at magpahangin. Dahil tila mababaliw na ako sa init ng aking dugo at sa gusto magpakawala ng sigaw mula sa aking lalamunan.
Nang makaakyat ako ay dahan-dahan akong naglakad at nakita ang mga paroot parito na mga sasakyan at sari-saring mga ilaw sa kalsada at gusali.
Ipinikit ko ang aking mga mata upang ikalma ang aking sarili.
Hindi ko mapigilang mapaisip kung bakit hindi nalang ako ang sumalo ng mga balang iyon.
Ako dapat yun.
Ako dapat ang sumalo nun.
Nakapagtakbo na ako papalapit sa kanya.
Papalapit na ako kay Alana.
Malapit na malapit na.
Ngunit dali-dali naman akong hinila ni Knight at patapong itinumba sa sahig.
At siya ang nakasalo ng bala.
Na dapat ay sa akin.
Bakit?
Bakit mo yun ginawa Knight?
Ako na sana ang nasa kalagayan mo.
Handa akong mamatay.
Handa ako Knight.
Dahil alam kong mahal niyo pa ang isa't-isa.
Alam kong may pag-asa pa kayo.
Mahal ka pa ni Alana.
Mahal mo pa siya.
Ngunit bakit?
At ngayon nasa kritikal kang sitwasyon.
Hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko.
Kasalanan ko ang lahat.
Sana nakita ko ang pagtakbo niya.
Sana may dinepensa ko pa ang sarili ko upang hindi niya ako maitumba.
Sana akin lahat ng bala.
"Knight you love her so much...and Alana loves you too. Masama kang damo diba? So hindi ka mamamatay. Mahal ka ni Alana," bulong ko sa hangin at nagulat naman ako nang may nagsalita sa aking likuran.
"Ash"
1106
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro