Chapter 51
ALANA
"I'm dress for your funeral dear Alana," sambit niya at dahan-dahan ko naman siyang hinarap at sa pagharap ko ay nakatutok na sa akin ang isang bagay na nakapagpabilis ng tibok ng puso ko.
Papaanong may dala-dala siyang baril?
"Samantha," mahinang bulong ko at ang siyang paglitaw ng dalawang lalaki sa kanyang likuran.
"Yes dear?" saad niya at itinuro ang mga lalaki na pumunta sa gilid kung saan ako malapit.
Hindi ko maigalaw ang aking mga paa mula sa aking kinatatayuan. Gusto kong tumakbo palabas dahil hindi rin naman kalayuan ang aking sasakyan.
"Quit thinking dear. Kahit na makalabas ka dito ay wala ka rin namang masasakyan. Ano ako tanga? Syempre pinasira ko na ang mga gulong ng sasakyan mo sa kanila. Kaya kahit tumakbo ka pa mahahabol at mahahabol ka parin nila," ngiting saad niya at pinatik patik pa sa kanyang ulo ang kanyang hawak hawak na baril.
"Samantha bakit mo to ginagawa?" Napahigpit ako ng hawak sa aking mga kamay upang matigil ang aking panginginig.
"Bakit ko to ginagawa? Bakit ko nga ba to ginagawa? Ah! From the start hindi ka naman dapat kasali eh! Kaso isa kang ambisyosang babae na ipinipilit na magpakasal kay Knight...akin lang si Knight. Pero kahit kasal na kayo ay nag-uusap parin kami how saklap diba? Ang asawa mo nakikipag-usap sa akin. At nakikinig siya sa akin kung ano ang susunod niyang gawin so he filed an annulment na may pirma na niya to make you surprise. We planned the whole thing Alana and then everything break down. Hindi ko alam kung bakit pero napaka unfair ng lahat Alana. Kung ikaw nasasaktan pwes ako mas lalong nasasaktan Alana. Dalawang taon na ang nakalipas ngunit bakit ikaw parin Alana, ikaw palagi ang bukambibig niya ang iniisip niya. Walang tigil siya sa kakahanap sayo nung gabing yun kahit anong baling ng atensyon ko sa kanya para makita niya rin ako ay walang epekto," mahabang paliwanag niya na may mga luha sa kanyang mga mata ngunit nakangiti parin ang kanyang mga labi.
"Sayo na si Knight, Samantha. Iyong-iyo na siya so please stop this," saad ko na ikinatawa naman niya ng malakas.
"Hindi ito matatapos lahat hanggat nandirito ka sa mundong ito. So it's better if I kill you right now pero huwag kang mag-alala ang mga lalaking ito ay hindi ka pababayaan. Bago kita kunin ay papasarapin ka na muna nila right boys?" Baling niya sa mga lalaki na ngayon ay nakangiting tumatango tango.
"Alam mo ba parang tanga akong pinlano ang lahat? I've sacrificed so much time for this. Constantine is not my son, inadopt ko lang siya sa kung sinong babae dahil nahulugan ako. At kung sasabihin ko kay Knight ang totoo ay iiwan niya ako. I planned the whole thing and that time pinarinig ko sa kanya na nag-uusap kami ng mommy ko nakakatuwa lang kasi bumenta sa kanya lahat ng pagpapanggap ko. My mother is deceased and that is my step-mother. I have no cancer at all I even f*cking shave my hair to make it all true my beautiful hair and my gorgeous eyebrows! And then mababasura lang ang lahat dahil sayo? No! I can't let that happen kaya dapat maaga palang tapusin na kita so we can live happily ever after!" Hysterical niyang pagsisigaw at nagpakawala ng putok galing sa kanyang baril na isinentro niya sa taas dahilan upang mapasigaw ako at mapahawak sa aking tainga.
"We can work this out Samantha," saad ko na parang maiiyak na sa takot ngunit kahit anong sabihin ko sa sarili ko na huwag matakot ay hindi ko mapigilang hindi ito maramdaman.
Pakiramdam ko ay katapusan ko na.
Kasalanan ko ito.
Napakatanga ko dahil naniwala ako sa kanya.
Napakatanga ko dahil hindi man lang ako nag-isip ng mabuti.
Kung dito man ngayon ang katapusan ng aking buhay ay para bang wala na akong maisip na dahilan upang mabuhay pa.
Tama ba siya?
Makakasama ko na ang anak ko sa itaas.
Wasak naman ako dito sa baba.
Napakaraming problema.
Ganun nalang ba ako kahina?
Paano ko to naiisip?
"Any last words Alana?"
Katahimikan ang namutawi sa aming dalawa kaya sinenyasan niya ang dalawang lalaki na simulan na.
"Ako na ang bahala sa finishing touch boys magsawa na kayo sa kanya," saad niya na natatawa.
Malamig na ang aking mga kamay na para bang hindi ko na ramdam ang mga ito.
Malakas ang tibok ng aking puso na halos di ko na marinig ang sinasabi ni Samantha.
Hindi ko maigalaw ang aking mga paa.
Malapit na sila sa akin at ilang metro nalang ang kanilang layo nang bumukas ng malakas ang pinto at iniluwa nun ang dalawang tao na hindi ko inaasahang makikita ko ngayon dito.
Paanong nahanap nila ako?
Hinayaan ko na ang mga luhang namumuo sa gilid ng aking mga mata na dumaloy.
Pareho silang nakatingin sa akin.
Balisa at punong puno ng pag-aalala.
"Ash...Knight," mahinang bulong ko at ang dalawang lalaki na kanina ay nasa harapan ko na ay alistong tumakbo sa kanila at sinugod sila ng malalaking suntok.
Hinanap ko si Samantha ngunit wala na siya sa kanyang pwesto.
Ngayon sa harapan ko ang dalawang lalaki na nakikipag suntukan upang mailigtas lamang ako. Ano bang katangahan ang pinasok ko.
Kapag may mangyari sa kanilang dalawa ay hindi ko mapapatawad ang aking sarili.
Nagulat ako nang mapatumba nila pareho ang dalawang naglalakihang mga lalaki na walang kagalos-galos.
Tumakbo ako sa kanilang direksyon.
At kita ko sa kanilang mga mata ang pag-aalala.
Malapit na ako sa kanila nang biglang sumigaw si Ash na nakatingin sa aking likuran at ganun nalang din ang pagkagimbal ni Knight.
Lumakas ang tibok ng aking puso.
Masyadong napakabilis lahat ng pangyayari.
Imposibleng matatapos itong lahat sa ganun kabilis.
Parang lahat ay tila bumagal.
Bumagal ang oras.
Bumagal ang galaw.
Bumilis ang tibok ng puso.
Tagaktak ang pawis.
Nanginginig ang kalamnan.
Dahan-dahan akong lumingon at nakita si Samantha na nakatutok na ang baril sa aking direksyon.
Para uli akong naistatwa sa aking kinatatayuan.
She pulled the trigger.
Isa
Dalawa
Tatlo
Tatlong beses na sunod sunod niyang pinaputok ang kanyang baril dahilan upang mapapikit ako at dinama ang aking sarili.
"Knight!" Sigaw ni Ash at dali-daling tumakbo sa aking direksyon at sa pagmulat ng aking mga mata ay nasa harapan ko na siya nakatayo at nakangiti sa akin.
May lumabas na dugo mula sa kanyang bibig.
Dugo.
Puno ng dugo ang kanyang suot na puting damit.
Tinignan ko ito.
Sinalo niya ang mga balang sa akin dapat.
Napasigaw ako sa aking kinatatayuan at agad na sinuportahan siya. Napayakap siya sa akin.
Sa gilid ko naman ay si Ash na may kausap sa kanyang cellphone at tila alam ko na kung ano ito.
Rinig ko narin ang mga serena ng mga sasakyan.
At kung di ako nagkakamali ay mga pulis ito.
Kitang kita ko naman si Samantha na tulala at nabitawan na ang kanyang baril sa lupa.
"A-ash," pigil hiningang tawag ni Knight kay Ash at yun din mismo ang pagpasok ng mga pulis sa loob.
"A-ash don't leave Alana. Be by her side always...love her."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro