Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 49

ALANA

Pumayag ako sa kanyang kagustuhan alam kong hindi dapat at tila nakokonsensya ako kay Ash dahil para akong nagtaksil kahit hindi naman.

Naririto kami ngayon sa isang mataas na lugar kung saan tanaw ang mga ilaw galing sa syudad at kung saan tanaw din ang malawak na kalawakan. Napakaraming bituin sa langit na para bang liliparin ka sa itaas at dun mapag-isa. Kahit na malamig ang simoy ng hangin ay hindi ko ito ininda. Ang mga bituin sa langit ay walang katumbas na halaga kaya nararapat lang silang tignan at hangaan. Marahil sa mga oras na ito ay hinahanap na ako nila dad at mom but I will take care of it mamaya pag nakauwi na ako.


"Ang ganda," mahinang bulong ko habang nakatangla sa kalangitan.


Napasinghap naman ako nang may inilagay na kung anong bagay si Knight sa aking braso.




"Malamig ngayon baka ka sipunin," saad niya at tinanguan ko lang naman.


"Salamat," tipid kong sagot at tumingala uli sa kalangitan.




"Simula nung gabing iyon Alana lagi na akong nandito. Kinakausap ang sarili ko kung bakit, bakit ko nagawa ang mga bagay na iyon. Abot kamay na kita at masaya na tayo ngunit isang gabi lang nawala ang lahat ng mga yun. Isa nga akong gago at tanga Alana. Hindi talaga natin makikita ag kahalagahan ng isang tao pag hindi pa ito nawala sayo. Kung tutuusin napakaswerte ko na dahil ikaw ang naging asawa ko but I screwed up." Napabuntong hininga siya at hindi ko naman mapigilang di siya lingunin.

Hindi sumagi saisip ko na aabot kami sa ganitong sitwasyon. Ngunit kahit anong pilit mo sa isang tao kahit mahal mo pa ito pag hindi kayo pwede hindi talaga kayo pwede masakit man pero dapat mong tiisin dahil hindi kayo itinadhana para sa isa't-isa. Marahil kayo ay pinagtagpo upang patatagin ng panahon ngunit di kailanman magiging kayo. Parte lang siya ng proseso ng buhay mo, marahil pinagtagpo kayo upang may matutunan ka dahil hindi lahat g gusto mo ay makukuha mo. Napangiti ako sa pagkaala kung gaano ko ipilit sa aking mga magulang at sa harap ng mga magulang ni Knight na ikasal sa kanya. Bata pa nga ako at di pa alam kung ano ang kahulugan ng pag-ibig. Hindi ako nakinig sa aking mga magulang na dapat kong pag-isipan ng mabuti ngunit sa pagkalunod sa pagmamahal ko kay Knight ay ipinaglaban ko parin tio hanggang sa maikasal kami. But look at us now talking in sincerity na may mag pagsisisi.




"Kung sana hindi ko ipinilit na ikasal sa iyo wala tayo dito mismo sa sitwasyong ito. Hindi mo ako makikilala at hindi karin magiging parte ng buhay ko," mahinang sagot ko at napabuga rin ng hininga.




"Kung di mo yun ginawa hindi ako kailanman makakakilala ng babaeng mamahalin ko pala ng sobra. I gave up on you easily without even thinking. Sa dalawang taon na yun hinanap kita but I guess hindi pa sapat ang paghahanap ko sana ay dinoble ko pa ang paghahanap sayo but I failed. Then seeing you with him makes my heart ache in pain. Yes, ako ang nakauna sa iyo I took your womanhood, you're my wife and I am your husband ngunit alam mo ba kung ano pa ang mas masakit dun? Yun ay ang makita kang masaya sa piling niya, mga ngiting kailanman ay minsan ko lang makita sayo ngunit tila araw-araw ay binibigay mo yun sa kanya. Masaya ka kay Ash and that hurts me how foolish of me right?" Mapakla siyang napatawa at tinignan ako sa mga mata.

"Alam mo bang namulaklak na ang itinanim mong bleeding heart? Laging binibisita at inaalagaan yun ni nanang sa bahay," dagdag niya na ikinangiti ko naman I never thought the it would bloom. Buong akala ko ay hindi na ito kailanman mamumulaklak dahil halos ang idilig ko doon ay ang mga luha ko.




"Alam mo ba kung bakit ko yun itinanim?" Bigla tanong ko dahilan upang tignan niya ako sa mga mata.


"Dahil sa mga araw na yun at mga oras na yun umaasa ako na dadalhan o bibigyan mo ako ng mga bulaklak. umaasa ako na darating ang araw na bibigyan mo ako but that day never came so I plant my own." Iwas tingin ko sa kanya dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na maluha.






"Alana"






"Mahal kita Knight but I am not happy anymore." Mapait na ngiti ang gumuhit s akaing mga labi at hinayaan ko na lamang ang mga namumuon mga luha sa gilid ng mga mata ko na tumulo. Agad ko naman itong pinahid at tumangla sa kalangitan.




Rinig ko naman ang pagbuntong hininga niya at nang tignan ko siya ay kitang-kita ko kung paano tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata.




Napakasakit.






Parang hinahalukay ang puso ko.






Masakit sa lalamunan.








"Wala akong ibang ibinigay sayo kundi sakit at mga luha Alana. Kaya dapat mo na sigurong pirmahan ang mga papeles na yun sa lalong madaling panahon dahil kapag hindi ipaglalaban kita hanggang sa dulo ng buhay ko and this time I will make it. Sigro sawa ka na sa mga salita ko dahil wala akong paninindigan gusto ko lang malaman mo na kailangan mo ng magdesisyon Alana. At kahit ano pa man yan tatanggapin ko dahil sa una palang ay ako naman ang nagsimula kaya tatanggapin ko Alana, tatanggapin ko. Mahal ka ni Ash at alam ko yun. Kaya hindi kita minahal noon dahil alam kong mahal ka ng kapatid ko. Nung araw na ikinasal tayo nung gabing yun ay tumawag siya at sinabing alagaan kita at mahalin but I didn't response his call instead I ended it. Planado ko na lahat dahil alam kong hindi naman tayo magtatagal kaya ipinaasiakso ko agad sa attorney ko ang pipirmahan nating divorced papers at agad ko din namang pinirmahan iyon. My attorney warned me to think about it ngunit hindi ako nakinig at ngayon pirma mo nalang ang hinihintay at wala na tayo. Parte nalang tayo ng isang nakaraan, isang masaya ngunit masakit na nakaraan. Hindi parin ako nagsisisi na nakilala kita Alana. Huwag mong isipin ang sasabihin ng iba just follow your heart," mahabang saad niya habang nakatingala sa kalawakan.








"Knight"








"Saksi ngayon ang buwan at mga bituin sa ating dalawa mahal ko but we should separate our ways."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro