Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 47

ALANA

"Pahiram ng asawa mo," sambit niya di ko alam kung namamalikmata lang ba ako dahil tila may sumilay na ngiti sa kanyang mga labi ngunit nang tignan ko uli ito ay wala na.

Nais kong matawa sa kanyang mga bintitawang salita at para bang kumulo at uminit ang aking dugo at napabitaw sa pagkakahawak sa kanyang mga kamay. Ipinikit ko ang aking mga mata at nagbilang ng hanggang sampu hanggang sa may dumating na waiter na may dala-dalang isang tasa ng tsaa.


"Heto na po ang order niyo maam," saad ng waiter at inilapag ang tsaa sa harap ni Samantha at agad itong umalis.


Iminulat ko ang aking mga mata at nakita siyang humigop ng kanyang mainit na inumin.




"Isa lang inorder ko dahil alam ko namang afford mo to," saad niya pagkatapos ng humigop at inilapag uli ito sa isang maliit na platito.




Ngumit naman ako at dahan-dahang umupo ng maayos at hinawakan ang handle ng kanyang tasa at siya naman ay pinapanuod lamang ako ng nakakunot na noo. Alam kong mainit pa ito ngunit wala akong pakialam. Iba ang tabas ng kanyang dila at di ko na makaya pa ang aknyang pekeng awra.

Walang ano ano ay ibinuhos ko ito sa kanyang pagmumukha at siya naman ay napasigaw sa sakit at pagkagulat dahilan upang lumabas ang ilan sa mga taong nagtatrabaho sa loob ng tea shop at tignan kami. Hindi nila magawang lumapit dahil agad ko silang tinitigan.




"Sh*t! What were you thinking woman? Gaga ka ba?" sigaw niya at para siyang maiiyak dahil sa sakit ngunit alam ko naman na hindi naman ito masyadong mainit. Matagal na akong umiinom dito sa tea fiary at alam ko kung gaano kainit ang kanilang tsaa at kahit na buhusan ako nito ay hindi naman ako lubhang masasaktan but this woman, this woman is faking it at all.




Dali-dali akong tumayo dahil para na akong bulkan na dapat ng sumabog.






"Did you just fart? Because you blew me away! Kung gaga ako mas gaga ka. Hiramin? Gusto mong manghiram ng asawa? Ikaw pala itong gaga. Matagal ng nasa iyo si Knight halos dalawang taon na ilang buwan na ang nakalipas Samantha at ngayon ka pa manghihiram? Sayo na siya wala akong pakialam kahit maglaplapan kayo umungol ka sa kasarapan sa kanya total una niya akong nilawayan kaysa sayo kaya ikaw tira-tira nalang! Huwag ka ngang plastikada! Iharap mo sa akin ang totoong Samantha! o baka nga biro-biro lang ang cancer mo na sakit. Nakakaawa ka naman at kailangan mo pang magbiro sa harap ng mga tao kailangan mo pang magpanggap dapat gawaran ka ng cancer sa lipunan. Are you cancer? Because you're starting to grow on me. Pinatay mo ang anak ko kinuha mo ang asawa ko and now what? Magpapaalam ka pa kung di ka ba naman gaga? Pasensya na at maraming lumalabas na hindi maganda sa bunganga ko kailangan ko kasing itapon sa basurahan lahat nakita ko ang mukha mo. I am Alana Zelith Herrera at nagkamali ka ng binabangga mo," mahabang saad ko at tila lahat ng kalamnan ko ay naginginig sa galit.






Dahan-dahan naman siyang tumayo mula sa kanyang kinauupuan at sumilay ang kanyang ngiti sa kanyang mga labi, mga ngiting nakita ko nang itulak niya ako noon sa hagdan dahilan upang mamatay ang anak ko.




"Well that is because you deserve you b*tch," saad niya at wala ano ano ay isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi at kita sa gilid ng aking mga mata ang mga tao na nakatayo lang at di alam ang gagawin.


Naphawak siya sa kanyang pisngi kung saan dumapo ang nag-iinit kong palad kulang pa yan na kabyaran sa ginawa niya sa akin. Umiba ang direksyon ng kanyang mata at tila ba may tinatanaw sa aking likuran at walang ano ano ay humandusay siya sa sahig at umiiyak.


Dinig ko naman ang mga yabag na papalapit sa aming direksyon at nilingon ko naman ito.






"Knight," mahinang sambit ko na may pag-aalala sa kanyang mga mata at nakatignin lamang kay Samntha na ngayon ay nasa sahig at umiiyak.






"What did you dot o her?!" sigaw ni Knight sa akin at ara naman akong tanga na nakatingin lang sa kanya at di makapagsalita. Nakaramdam naman ako ng sakit nang agad niyang tinignan si Samantha at iginiyang maupo sa upuan.








"Nag-iinarte lang yan," saad ko at nagbabagang mga mata ang isinalubong sa akin ni Knight.








"Alam mong may sakit siya Alana sinabi ko na sayo yun diba?" galit na galit niyang saad at hinarap ako.




Humaguhulhol naman sa iyak si Samantha.


"Wala siyang sakit Knight maniwala ka naman sa akin she's faking it!" sigaw ko at napasuklay naman siya ng kanyang buhok at napabuga ng hininga.




"This is not like you Alana. May sakit si Samntha and you dare to hurt her?" saad niya at di ko alam kong maiiyak ako dahil kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang galit at pag-aalala. Mga matang di ko kailanaman nakita sa kanya noon. Sa harap ko mismo ipinagtatanggol niya ang babaeng sumira sa akin.




Bumalik ang lahat ng sakit sa aking puso at para bang hirap akong huminga.




Hindi dapat ako magmukhang mahina.






Hindi ako iiyak sa kanilang harapan.






Hindi ko sasayangin ang mga luha ko sa kanila.








"Kung yan ang paniniwalaan mo ay wala akong magagawa Knight. Sino ba naman ako sa buhay mo? Bagay kayong dalawa maghiraman kayo. Pagsawaan niyo ang isa't-isa hanggang sa mamatay kayo. Humayo kayo at magparami dahil mamatay na yang kasama mo," saad ko at inayos ang aking sarili at tila naman gulat na gulat ang mukha ni Knight na nakatitig lamang sa akin at tumigil din sa pag-iyak si Samantha.








Agad ko namang tinitigan si Samantha at ngumiti.

"I dreamed of you. You died," saad ko at tumalikod at nagsimulang maglakad paalis leaving them hanging their mouth open.










Agad kong pinaharurot ang aking sasakyan at napatingin sa side mirror. Nakatayo si Knight at nakatingin s aaking sasakyan at walang ano ano ay napahilamos sa kanyang mukha.








Mas pinabilis ko ang takbo ng sasakyan mabuti nalang at umaayon s akain ang panahon dahil wala namang gaanong mga sasakyan sa paligid kaya malaya akong gawin ang aking gusto.






Nang mapansin kong malayo na ako ay agad akong huminto sa gilid ng daan.








"Whooo!" sigaw ko dahil parang gumaan ang pakiramdam ko napahampas ako sa manubela at wala akong pakialam kung pati busina ay nahahmaps ko.




Gusto kong ilabas lahat ng nasa lalamunan ko.






Para akong nabunutan ng isang tinik sa dibdib.
















































































Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro