Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 40

ALANA

Hinalikan ko siya sa pisngi dahilan upang maistatwa siya sa kanyang kinatatayuan ngayon. At para bang nagkaroon ng ibang hangin ang apat na sulok ng kwarto. It was my first time to kiss him hindi ko din alam kung bakit pero hindi naman ako nagsisisi.





"Ayan bayad na ako," saad ko at hinaplos ang kanyang pisngi at walang ano ano ay natawa naman siya at nakita ko rin ang di niya pagkakomportable dahil ugali niya ang mapakamot sa kanyang batok kapag medyo nahihiya siya o hindi komportable sa isang bagay.





"O-oo bayad ka na," nauutal niyang saad at tumawa naman ako.

"Hoy! Hindi ka pa bayad mahal yan kaya ingatan mo yan huwag mong walain yan ha hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko kapag nawala yan," dagdag niya na hindi makatingin sa aking mga mata at hindi ko naman mapigilang di mapangiti.




"Paano kung mawala ko anong gagawin mo?" Paghahamon ko at tinitigan naman niya ako ng seryoso.


"Parang iniwala mo narin ako," sambit niya na medyo may kalungkutan sa kanyang mga mata o ako lang ang nag-iisip nito.



"Iingatan ko to bigay mo to kaya iingatan ko," saad ko at muling lumingon sa salamat at inayos ng konti ang aking sarili.


Tonight is a big night.

Ngayon ang opening ng isang branch ng aking mga bags. Naging successful ang lahat at tumaas ang sales kaya nakapag-bukas ako ng kauna-unahang branch.


"I'm proud of you Alana. Napakalayo na ng narating mo," biglang saad niya na ikinangiti ko naman. Tama siya sobrang layo na nga, ibang-iba sa Alana noon.





"Wala ako ngayon sa kinalalagyan ko kung hindi dahil sayo Ash kaya utang ko sa iyo itong lahat," sambit ko at kinuha ang clutch sa mesa at cellphone.

Ngunit bago pa man ako tatalikod ay bigla siyang nagsalita na ikinatigil ko.



"Knight and Samantha will be there," saad niya at tinitigan ko naman siya sa kanyang repleksyon sa salamin.

"Your mom and dad invited our parents kaya tiyak kong andun din sila Knight," dagdag pa niya at napahawak ako sa aking clutch ng mahigpit.



"Alam ba nila na andun din ako?" tanong ko habang nakatingin sa kanya.



"Katulad ng ibang events na nangyayari sa kompanya niyo ang alam nila ay wala ka at nasa ibang bansa. Ni isa kasi sa mga events ay ito palang ang pupuntahan mo," sagot niya at agad ko naman siyang hinarap.





"Well, let the game begin." My lips twitched into a smile at alam kong hindi rin iyon ang kagustuhan ni Ash.

Ayaw niyang maghiganti ako sa kanila ngunit hindi ko parin mahanap hanap sa sarili ko ang kapatawaran sa ginawa nila sa akin. Pakiramdam ko ay hindi ko nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng aking anak.




EVENT HALL

PRISTINE CELEBRATION PARTY 7:00 PM

Malapit na kami ni Ash sa hall nang biglang tumunog ang aking cellphone agad ko naman itong kinuha sa loob ng aking clutch at tinignan ang caller ID. Nasa event hall na kami pero medyo may kalayuan pa ang hall dahil malawak ito at malapad kaya kailangan mo talaga ng masasakyan bago ka makarating doon.



"Hello mom?" sagot ko sa tawag nang malamang si mommy pala ito.


"Asan ka na anak? Madaming dumalo ngayon anak, I'm so proud of you Alana," sagot niya sa kabilang linya at di ko naman mapigilang di mapangiti.



"Malapit na kami ni Ash mom," sagot at nakarinig naman ako ng mga ingay. Marami nga ang dumalo at baka isa narin dun sila Knight at Samantha.



"Sige mag-iingat kayo ha aantayin ka nalang namin dito ng daddy mo," sagot niya at tuluyan na kaming nagpaalam sa isa't-isa bago ibaba ang cellphone.


"Ano na raw ang nangyayari?" Tanong ni Ash na nakafocus lang sa daan.



"Maraming mga dumalo," sagot na nakangiti sa kanya. Hinawakan ko naman ang kanyang kamay at medyo nagulat din siya ngunit nakabawi din siya at ngumiti.





Malapit na kami sa hall nang bigla akong nakaisip ng ibang daan.



"Sa likod tayo dumaan," saad ko na ikinakunot naman ng noo ni Ash.





"Sa likod?"





"Trust me."






"Ohhhh gusto mo ng magandang entrance ha kung sabagay maganda ang dress mo girl kaya dapat sabog ang entrance mo," saad niya at hindi ko mapigilang di matawa sa kanyang inakto. Walang araw na hindi niya ako pinatatawa.






I need to calm myself. Kailangan kong kumalma, I inhale and exhaled at ipinikit ang aking mga mata.

Nasa likod na ako ng back stage samantalang si Ash ay kinakausap pa ang DJ na incharge sa music. Kahit hindi naman kailangan ng kahit anong music ay okay na ako but Ash insisted na dapat raw ay maganda ang pagbabalik ko. For two years na nawala ako dapat lang daw na maging maganda ang makikita nila sa akin lalo na at naririto sila Knight at Samantha. I am not the weak Alana anymore.


Bahagya akong napalingon sa kaliwang gawi ko nang mamukhaan ko ang dalawang babae na malapit sa back stage. Agad naman akong nagtago sa isang malaking closet dahil tila papasok sila sa back stage ngunit hindi, nanatili lamang silang dalawang nakatayo doon at tila may malalim na pinag-uusapan. Medyo malapit lang din ako sa kanila kaya rinig ko ang kanilang pag-uusap.




"So, you and Knight still together?" saad nung isang babae.


"Yes, thank God dahil nabuntis niya ako. Sinadya ko naman talagang hindi uminom ng pills nung mga araw na iyon and it works sis. You should try it para matali mo na yang lalaki mo ngayon, it's worth it look at me now. Alana is gone that poor weak woman is gone poof wala na, wala narin akong problema sa bitch na yun. Ayoko naman sanang pumunta sa event na ito it's a waste of time. Pero nagpupumilit itong si Knight kaya look andito ako ngayon sa harap mo. Kada may event hindi siya nawawala I guess hindi pa siya nakakamove on kay Alana but sorry for him natali na siya sa akin at may anak na kami," mahabang saad niya at narinig ko namang tumawa ng bahagya ang kanyang kasama.


"I should learn from you."




"Ano bang oras mag start itong event na to? My god hindi nababayaran ang oras ko nito ha at kung tutuusin I can buy this, all of this," saad niya at tumawa naman silang dalawa.
"Kaya kasi iniwan ang gagang Alanang yun sa akin dahil look at me I'm sexy hindi katulad niyang losyang kahit na wala pang anak parang ang laspag na gamit na gamit, ang pangit ng skin ang yaman yaman nga wala namang pang pakinis hindi man lang makapag consult sa derma. Kaya siguro wala siya sa mga event dahil wala na siyang ganda, losyang na talaga siya. Baka namamatay na yun ngayon dahil baka hanggang ngayon di parin siya makapag move on sa asawa ko," saad niya at narinig ko pang tila nag palakpak ang kasama niya.


"Wait kasal na ba kayo?"



"Hindi pa pero dun din naman yung patutungo dear," sagot niya at bigla naman silang natigilan nang biglang nagsalita ang emcee dahilan upang umalis sila.

Lumabas naman ako sa aking kinatataguan at sakto din ang pagpasok ni Ash.




"Are you okay?" saad niya at tumango naman ako.






"Okay nasabihan ko na ang emcee at ang dj ready na sila pero ang tanong kung ready ka narin ba?"






"Yes, matagal ko na itong inantay at pinaghandaan Ash," saad ko at bigla naman akong niyakap ni Ash at niyakap ko naman siya pabalik.




"I'll be outside and look at you shine," saad niya sa gitna ng aming pagkakayakap at agad ko naman siyang hinarap.


"Samahan mo nalang kaya ako," saad ko at hinawakan ang kanyang mga kamay.





"Gusto ko man but this is yours Alana. Sa susunod na siguro tayo," he winked at agad na umalis completely leaving me alone.






Narinig ko naman ang pagsasalita ulit ng emcee.



I counted one to ten.


One



Two



Three




Four





Five






Six







So please









Seven







Welcome








Eight










Nine








Ms. Alana Zelith Herrera!






Ten







































Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro