Chapter 34
ALANA
Kasalukuyan akong ngumunguya ng hinog at masarap na langka nang biglang sumigaw si Ash dahilan upang tumayo ako mula sa aking kinauupuan. Dali-dali akong tumakbo kung saan galing ang sigaw.
“Ash!” nag-aalalang tawag ko at napalingon naman siya sa aking gawi. Nagulat naman ako dahil tila okay naman siya at wala namang nangyari. May dala-dala siyang isang supot at kung hindi ako nagkakamali ay mga manggang hinog iyon at hilaw.
Tila naman nagsiningning ang aking mga mata at nakatingin lamang sa kanyang bitbit na nakangiti.
“Oh heto binili kita ng mangga, hindi mo naman kasi sinabi kung hinog o hilaw kaya binili ko nalang pareho para di mo ako talakan,” saad niya na ikinatawa ko naman.
“At bakit naman kita tatalakan aber?” I crossed my arms and rolled my eyes into him.
“According to my research ang mga buntis na babae ay parang tigre kung magalit kapag di nabili ang gusto. Kung hindi magagalit ay siguro iiyak at magtatampo and I don’t want that to happen. Ang pagiging buntis ay isa sa pinakamahirap na parte ng stage ng mga babae at ang mga lalaki naman ang tumutulong sa kanila. Kaya gagawin ko lahat ng mga ipag-uutos mo para pansinin mo ako lagi. Mamamatay na ako sa kapraningan ko pag di mo ako pinapansin,” saad niya at dahan-dahang naglakad papunta sa aking direksyon.
“Nag research ka nga.”
“So kung ano man ang mga kailangan mo sabihin mo lang sa akin. The first trimester is the most crucial to your baby’s development. During this period, your baby’s body structure and organ systems develop. Most miscarriages and birth defects occur during this period. Your body also undergoes major changes during the first trimester.” Basa niya sa isang maliit na papel na kanya palang dala-dala hindi nga siya nagsisinungaling nag research nga talaga siya.
“Maraming salamat sa woogle sa mga kasagutan about critical stages of pregnancy. Kaya dapat bilhin na natin ang mga kailangang bilhin nag research din ako kung ano ang mga importanteng gamit pag lumabas na si baby. May mga symptoms din sa pagbubuntis mo at lahat ng ito ay normal lang pero dapat na ata kitang hanapan ng ob-gyn mo para makapag pacheck-up ka na. And as I was saying about the symptoms pwede kang mag gain ng weight kaya lolobo ka pa lalo pero normal lang yun tanggap parin kita. Constipation kaya dapat maghinay-hinay lang tayo sa pagkain. Cramps and back pain natural lang din kaya baka umiyak ka nalang diyan ha normal lang yan. Anemia, depression and insomnia, it’s normal you can feel all of this during the stages pero hindi ka nag-iisa sa lahat ng mga lakbay mo okay?” mahabang saad niya at di ko mapigilang di matawa sa kanyang mga sinasabi at dito pa talaga sa labas kami mag-uusap ng mga ganito.
“Breast changes ito talaga ang inaabangan ko,” dagdag niya at di ko mapigilang di maihagis ang aking suot suot na tsenilas sa kanya at agad naman siyang nakailag at napatawa.
Di ko mapigilang di humanga sa kanyang taglay na katikisan at kagwapuhan. Kahit na simpleng t-shirt lang at maong ang kanyang suot ay labas parin ang angkin niyang artistahin.
“Bakit ka sumigaw kanina? Akala ko ano ng nangyari sayo,” sambit ko at akma na sanang tatalikod. Ayoko ng magtagal pa ang pagkakatitig ko sa kanya.
“Trip ko lang para makita ko agad ang kagandahan mo sa labas nitong bahay. Bakit? Natakot ka ba? Natakot ka ba na baka may nangyari sa akin? You don’t have to worry about me kasi kung may nangyari man sa akin ay yun ay ang nahulog ako,” he said and gestured me to walk at habang pabalik na kami sa loob ay tinanong ko naman siya uli.
“Nahulog?”
“Nahulog sayo,” sagot niya at agad ko naman siyang hinampas na kahit ako ay nabigla sa aking inasal ngunit napatawa naman siya.
“Magtigil ka nga Ash ang gulo-gulo na nga ng buhay ko,” sambit ko at hinila ang aking upuan. Bahagya pa akong napahikab dahil nakakaramdam na naman ako ng pagkaantok.
“Magulo buhay mo? Malay mo sinadya yan para ayusin ko,” sagot niya at humila rin ng upuan at umupo. Ngayon ay kaharap na namin ang isa’t-isa and I can’t help but to roll my eyes on him. Ngunit di ko parin mapigilang di mapatawa dahil sa kanyang mga pa puppy eyes.
“Sarap mong kuhanan ng picture diyan ang ganda mo but I am not a photographer, but I can picture us together,” dagdag pa niya at di mapigilan ang sarili ko na hindi mapangiti at bigla atang uminit ang aking mga pisngi at ang aking tainga.
“Magtigil ka na Ash sisipain na kita diyan. Matutulog na muna ako saglit inaantok na ako.” I yawned at nakita naman si Ash na dumampot ng isang piraso ng langka at agad na isinubo iyon.
“Hoy kumuha ka ng sayo alam mo ba yung kasabihan na kapag kumuha ka ng pagkain ng buntis ay aantukin ka rin,” saad ko at bahagya naman siyang natawa.
“Antukin na kong antukin para tabi tayo.” Di ko na napigilan at napahampas na naman ako sa kanyang braso at pareho kaming natatawa sa aming pinaggagawa.
Akma na sana akong tatayo nang biglang may pumasok na ikinagulat naman naming dalawa ni Ash. Sa halos magdadalawang buwan naming di nagkita ay di parin sanay ang puso ko sa kanya. Nakaramdam ako ng kaba at pagkasabik sa kanyang mga bisig.
“Knight,” mahinang sambit ko at may dahan-dahang pumasok ulit sa loob at nagtama ang aming mga mata.
Si Samantha.
Tila nawala naman agad ang kaba sa aking dibdib at napalitan agad ito ng galit. Tila agad namang bumalik ang gabing nakita ko silang dalawa, ang gabing iaanunsiyo na niya sana ako bilang kanyang asawa. Bumalik ang sakit. Bakit sila magkasama? Bakit sila nandirito? Bigla kong naalala ang mga papeles. Nandito ba sila upang kunin iyon? Sinabi ba sa kanila ni Atty. Michelle na kinuha mo ito?
Ofcourse sasabihin niya iyon dahil mga importanteng papeles ang kanyang hawak-hawak. Papeles ng isang Alcantara at Herrera. Nandito ba sila para tignan kung napirmahan ko na ito at para maipagpatuloy na nila ang naudlot nilang pagsasama?
Tumayo naman si Ash mula sa kanyang kinauupuan at hinarap si Knight na ngayon ay madilim ang ekspresyon. Tila hindi naman natitinag si Ash sa mga titig sa kanya ni Knight sa halip ay parang mas lumakas ang tensyon.
“Nandito lang pala kayong dalawa.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro