Chapter 32
KNIGHT
Napaungol si Knight mula sa sikat ng araw na tumama sa kanyang mga mata. Ilang araw na ba siyang ganito? Magdadalawang buwan na, magdadalawang buwan na siyang walang kabuhay buhay. Simula nung gabing iyon, gabing pinagsisihan niya at ngayon ay tila mas lumala pa ang lahat.
Iidlip pa sana siyang muli nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Agad naman niya itong kinuha thinking it would be Alana.
He tracked her using her device but failed wala rin siyang tigil sa kakahanap sa kanya. Walang araw na hindi niya inisip si Alana at wala ring araw at gabi na hindi niya kaharap ang alak. Kahit na wala siyang narinig sa mga magulang ni Alana ay ramdam niya ang pagkabigo nila sa kanya at ganun narin ang kanyang mga magulang.
Even though his father come to visit him sometimes he can't help not to give him his words, words that keeps chanting in his mind.
'I am disappointed to you son, you don't deserve her.'
Napatingin siya sa screen ng kanyang cellphone kung sino ang nagtext sa kanya.
From Samantha:
Hey, are you okay? Call me if you need anything. Someone to talk to or something, please call me.
Saad ng text kung siguro ay nasa dating pag-iisip pa siya ay masaya siyang nakakatanggap ng messages na galing sa kanya. At siguro ay nagtatalon na siya sa tuwa ngunit hindi. Ang magkaroon pa ng ugnayan sa kanya ay isang kamalian lamang.
Akma na sana niyang itatapon ang kanyang cellphone nang biglang tumunog ito ulit na agad naman niyang tinignan.
Galing uli ito sa kanya.
'I'm here outside.'
Saad ng text at agad naman siyang bumangon sa kanyang kama at tumungo sa bintana upang silipin kung nasa labas nga ba siya. Kumaway naman ito sa kanya at sumenyas na lamang siya na pumasok. Tila naman bumukas ang pinto at agad namang bumaling ang atensyon ni Samantha doon. Marahil ay pinagbuksan na siya ni nanang. Kahit si nanang ay galit sa kanya at hanggang ngayon ay hindi siya pinapansin.
He cursed under his breath and brush his hair in frustration.
“Shit,” he cursed and throw his phone away ngunit tumalbog lamang ito sa kama.
Agad naman siyang nagpalit ng damit at dali-daling bumaba mula sa kanyang kwarto.
Naabutan niya si Samantha na nakaupo sa sala at umiinom ng kanyang juice na inihanda naman ni nanang. Nagtama ang tingin namin ni nanang at gaya ng dati ay hindi siya pinansin at malamig ang mga tingin na ibinibigay sa kanya. Hindi niya masisisi si nanang dahil nga sa kanyang ginawa kay Alana at ngayon ay nasa pamamahay niya ngayon si Samantha.
"What are you doing here?" tanong niya at nilingon naman siya ni Samantha na nakangiti. Noon ay gandang-ganda siya kay Samantha ngunit bakit tila ngayon ay tila nauuyam na siya.
“I have news for you,” saad niya na may kagalakan sa kanyang mga mata.
Napaupo naman si Knight malayo sa kanya at hindi naman iyon tinanong ni Samantha. He was one meter away from her.
“What news?” tanong ni Knight na napahilamos naman ng kanyang mukha obviously ayaw na niyang magatgal pa si Samantha sa kanyang harapan gusto niya na agad itong umalis sa kanyang pamamahay.
“Alana signed the divorced papers,” she said, and Knight look at her in shock. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Why did he not thought about those papers? Bakit di man lang sumagi sa isip niya ang mga papeles na iyon na ibasura na lamang at ngayon ay tila napirmahan na niya ito. Napirmahan na ito ni Alana.
“Well, I don’t know if she already signed it na but as far as I know sabi kasi ni atty. Michelle ay ipinadala niya ito kay Alana so aanhin naman iyon ni Alana hindi ba? Pipirmahan at pipirmahan niya iyon as far as I know and the will happily ever after Knight. Legal na kayong maghihiwalay and then we will get married soon. That’s what we planned right?” saad ni Samantha at tinignan lamang siya ni Knight na para banag nababaliw na. Oo nung una ay plano na nila iyong dalawa ngunit nagkamali siya.
“No, change of plan. I want you to get out of my house now!” sigaw ni Knight na umalingawngaw sa buong kwarto ngunit tila hindi naman natinag si Samantha sa kanyang kinauupuan.
“Hold your horses, Knight. Hindi ko aakalaing ganyan ang magiging epekto sayo ni Alana, relax I am here to help you I’m just joking okay? Okay, let me help you find her okay. Diba sabi mo may kutob kang magkasama sila ngayon ng kapatid mo? Si Ash, magkasama sila ni Ash. Okay, so here’s the thing nakita ko ang manager ni Ash so maybe we could ask him kung nasaan siya, nasaan silang dalawa. We could give him a threat, and besides you’re an Alcantara you can do anything but ofcourse hindi naman natin totohanin. Huwag nating bahiran ang ating mga mukha ng dumi my gosh okay so his manager is opening a new cafe shop near in this city we could go there.” Dali-dali niyang saad na tila ba nakikipagkarera sa akbayo sa bilis niya magsalita at tinignan lamang siya ni Knight.
Hindi niya alam kung maniniwala ba siyang tutulungan siya o hindi. Pero wala namang mawawala sa kanya kung susubukan niyang puntahan ang manager ni Ash kesa sa tumambay na lang sa kwarto niya magdamag.
He can’t suppress but to think about Alana signing the divorce papers. Tila ba yumanig ang kanyang mundo at tumigilaagad ang pag-ikot nito. Hindi niya alam kung humihinga pa ba siya o hindi na dahil isipin pa lang niyang napirmahan na niya ito ay ganun nalang ang kagustuhan niyang mamatay nalang sa sakit. Inaamin niyang isa siyang gago dahil nung una palang ay siya naman ang may kagagawan nun and now it looks like bumabalik lahat ng mga katarantaduhang nagawa niya noon.
Hindi niya mapigilang di mapaisip kung bakit ba nasa huli lagi ang pagsisisi. Oo makalumang kataga at katanungan pero sa tuwing ganun ang sitwasyon ay malakas naman ang tama.
Mahal na niya si Alana pero nagawa niya parin itong pagtaksilan at hindi parin magawa-gawang ipagsabi sa buong mundo na asawa na niya ito, na siya mismo ang nagmamay’ari ng kanyang puso at ng kanyang buong pagkatao. Gusto niyang ilunod ang kanyang sarili sa alak at magpakalasing para kahit sa ganun ay makalimutan at di niya maramdaman ang sakit pero tila ata hindi tumatalab.
Napatawa siya ng mapakla at napahilamos ng mukha. Wala siyang pakialam kung nasa harapan niya man ngayon si Samantha the hell he cares about her.
“Ba’t parang natatawa ka pa diyan? Alam mo kung ayaw magpahanap nung tao di huwag hanapin nag-aaksaya ka lang ng oras mo sa kanya she’s not even worth it.” She flips her hair at tila may pang-uuyam sa kanyang mukha na nais suntukin ni Knight kung hindi lamang siya babae.
Ngunit nang tignan niya ang kanyang kamao ay bumalik sa kanya ang memorya ng nakaraan. Ilang suntok din ang natanggap ni Alana mula sa kanya na ngayon ay pinagsisisihan niya at nangako siya sa kanyang sarili na hindi na siya magbubuhat ng kamay sa kahit sinong babae. Kailanman ay hindi siya nagbubuhat ng kamay, kay Alana niya lamang ito nagawa ngunit gayun nalang din ang kanyang pagsisisi.
“She’s worth it.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro