Chapter 19
ALANA
“It’s a trash!” Napalingon naman kaming lahat sa gawing direksyon ni Knight na kasalukuyang nakaupo at nakadikwatro.
Nakakunot ang kanyang noo at nakakapigil hininga ang kanyang mga tingin, nakita ko na noon pa ang mga klaseng tingin na iyon, iyon ang mga tingin ng pagkasuklam at galit habang sinasaktan niya ako noon. Nag-iwas ako ng tingin at napayuko nang maramdaman kong tila nangingilid na naman ang aking mga luha. Isang malaking kahihiyan kapag umiyak ako dito na walang rason. Tila naman napansin ni Ash ang pag-iwas ko at pinisil ang aking kamay na kanya palang hawak-hawak.
“Don’t mind him,” saad niya at pinisil ang aking kamay. Napatingin naman ako sa kanya at tuluyang nangilid ang luha ko ngunit di naman ito nakikita ng mga tao na nakapaligid sa amin dahil nakatingin sila kay Knight. Ash immediately wipe my tears away using the back of his hand.
“S-sorry,” saad ko at agad na tumalikod at ako na mismo ang nagpahid ng akingmga luha, kitang kita ko ang kabuuan ng syudad, mga gusali at iba pa ay kitang kita dito sa itaas. Marahan namang hinaplos ng hangin ang aking pisngi at buhok, napapikit ako ng aking mga mata dahil tila ramdam ko na tatawagin ako ni Knight.
“Sir Knight, what seems to be the problem?” tanong ng photographer at halatang nagpipigil lang ng kanyang galit, kalmado lang ang awra nito.
“Nothing, sorry about that it’s great. The pictures are splendid, I just got this news which makes me mad, sorry,” pagpapaumanhin niya at tila lahat ng mga tao na sa kanya nakatingin ay tila na napepe at nabingi.
Maskin ako ay hindi ko inaasahang hihingi siya ng paumanhin, hindi ko siya kailanman narinig humingi ng paumanhin kahit sa akin ay hindi ko iyon narinig.
“Alana, let’s go. Let’s call this a day,” saad niya at agad na tumayo mula sa kanyang kinauupuan at nauna ng umalis ng roof top.
Agad naman akong napalingon kay Ash at siya rin naman pala ay nakatingin na sa akin.
“You don’t have to go if you don’t want to,” sambit niya na may kalungkutan sa kanyang mga mata, I look up on him and smiled reassuring him everything will be fine but he look unsure.
“It’s okay Ash, I’m used to it more than you could ever think,” saad ko at dahan dahan niya namang binitawan ang aking kamay at nag-iwas ng tingin. Agad naman akong nilapitan ni Shantal at binigay sa akin ang aking flats sandal at agad ko naman siyang pinasalamatan, sinuklian niya naman ako ng ngiti at tango.
Lahat sila ay abala na sa pagliligpit at ang photographer naman ay tinitignan ang kanyang mga kuhang litrato. Doon naman ako dumaan sa gilid upang di makasagasa ng mga paroot parito na mga empleyado.
Nang makaabot na ako sa elevator ay napahawak ako sa aking dibdib dahil sa pagkagulat. Nakatayo pala sa gilid ng elevator si Knight at tila hinihintay ako.
“You look like you’re enjoying?” sarkastikong sambit niya at agad na pinindot ang elevator.
Ramdam ko ang mga nag-iinit niyang mga tingin at lihim ako nananlangin na sana ay may makasabay kami sa loob ng elevator dahil ayokong mapag-isa kasama niya. Nalilito narin ako sa sarili ko dahil noon ay gustong gusto ko siyang makasama pero bakit tila takot na takot na ako ngayon?
Nag bumukas ang elevator ay dali dali akong pumasok at sumksok sa gilid at siya naman ay kalmadong pumasok at nakatayo sa gitna. Kaming dalawa lang ang nasa loob tila di dininig ang aking panalangin.
“Do you love the attentions?” Basag niya sa katahimikan at dahil may salamin sa elevator ay nakatingin sa aking direksyon.
“N-not really Knight, hindi ko alam na ganito pala,” mahinang sambit ko at nakita ko naman ang pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi na tila ba may pangkukutya.
“Laging di mo alam kaya napupunta ka sa alanganin, but as far as I can see you love what you’re doing to Ash, the attention you are getting, bago ka palang dito at mukha atang iba ka na,” madiin niyang sambit at napatingin naman ako sa kanya na may galit. Tila iba ang gusto niyang tumbukin. Sakto namang bumukas ang elevator at nandito na kami sa opisina niya.
Agad naman siyang lumabas at sumunod naman ako sa kanyang likuran.
“Parang iba ata ang gusto mong tumbukin Knight,” sambit ko at alam kong nagpipigil lang ako ng galit, naikuyom ko ang aking mga kamay at napansin niya din ito. Nakangisi ang kanyang mukha at tila may pang-uuyam ang kanyang mga tingin.
“Is what I see true? The princess of the Herrera’s is fuming mad?” he sarcastically said and crosses his arms.
Huminga muna ako ng malalim dahil baka mapawi pa itong nararamdaman kong galit pero para atang nadagdagan pa nang marinig ko ang mahina niyang tawa.
“Masama bang maging masaya?” saad ko at nakatingin ng diritso sa kanyang mga mata at unti-unting nagbago ang kanyang reaksyon. Nakatingin lang siya sa akin at tila ba may gustong sabihin na hindi niya magawa-gawa.
“Tell me! Masama ba ang maging masaya!” sigaw ko at kahit na ako ay nagulat sa aking inasta pero hindi ko na mababwi iyon, ang mga taksil kong mga luha ay dahan-dahan na namang dumadaloy sa aking pisngi. Bakit ba napakaiyakain ko? I hate this feeling na sa tuwing galit ako o nakakaramdama ng galit ay di ko mapigilang di maiyak, I hate this.
“Yes! Damn yes! Hindi ka dapat maging masaya! You don’t fcking deserve it, you hooker! Wala kang karapatan maging masaya. From the first place ikaw ang kumuha ng kasiyahan ko, ng karapatan ko para maging masaya. Ang mga pangarap ko sa buhay ay winasak mo nang magpakasal tayo! Inilayo mo ang babaeng pinakamamahal ko! Wala kang karapatan Alana dapat mas miserable pa ang buhay mo kaysa sa nararamdaman ko ngayon! And now you are asking me that question? Wala ka ba talagang utak? Tanga ka ba o sadyang nagtatanga tangahan lang? Matatalino ang mga Herrera but it’s a shame na ang tanga ang kanilang anak!”
Isang malutong na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi alam kong napalaks ko ag pagkakasampal ko adahil tila naibuhos ko ang lahat ng aking pwersa sa kanya, this whas my first time slapping him. May parte ng katawan ko na tila nakokonsensya ako sa nagawa ko ngunit mas lamang ang aking dugo, ang kulo ng dugo ko. Oo inaamin kong may kasalanan ako nalunod ako ng aking kagustuhang maikasal sa kanya dahil sa pag-ibig, hindi ko sinasadya ang lahat.
Hindi ko kailanman intensyon na kuhain ang kanyang kasiyahan, hindi ko ginusto yun pero dahil sa mahal ko siya at sa pag-aakalang matututunan niya rin akong mahalin ay ipinagpatuloy ko parin at ipinagpilit sa aking mga magulang kahit na tutol sila.
Mahal ko si Knight, ilang taon na kaming kasal ngunit magpa hanggang ngayon ay mahal ko parin siya kahit na hindi niya kayang suklian ang pagmamahal ko. Ngunit ngayon ay iba, kahit na hindi parin maalis-alis ang aking pagmamahal sa kanya ay marahil ito na ang panahon upang pakawalan siya.
“I was the happiest woman when I married you Knight, you make that day special even though I know the whole truth. I am so sorry, you were my happiness that day but now you are my greatest sorrow. I’m letting you go,” buong tapang kong sambit kahit nangingilid ang aking mga luha ay wala akong pakialam, nakatingin lamang siya sa akin at walang imik.
I took the chance to leave.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro