Chapter 14
ALANA
Hanggang ngayon ay palaisipan sa akin ang mga sinabi ni Knight. He wants me to stay away from his brother but why? Paano ko naman iiwasan ang kanyang kapatid kung nasa iisang bahay lang naman kami. At bakit niya naman ako pinaiiwasan sa kanya? Is there's something wrong?
Malamig na simoy ng hangin ang dumampi sa aking balat, nasa hardin ako ngayon upang kumuha ng sariwang hangin I badly need it, I can't seem to understand Knight. Nagseselos ba siya? Pero isang malaking kalokohan lamang iyon, bakit naman siya magseselos? At sa kanyang kapatid pa pero kahit na, isang malaking katangahan at palaisipan parin sa akin ang isiping nagseselos siya, napaka imposible. Pero kong iisipin ay napakasarap pakinggan at damhin, napakasarap maramdaman ang pakiramdam na nagseselos si Knight. Such a fool Alana, but you are already.
"Knight," bulong ko habang nakapikit at dinama ang hanging humahaplos sa aking pisngi. Pagmulat ko ng aking mga mata ay kita ko naman ang mga nagdadamihang mga bituin sa langit, napakaganda.
Bigla akong napatalon sa aking kinatatayuan nang biglang may nagsalita.
"Mahal mo talaga si kuya," saad niya at agad ko naman siyang nilingon. Dahil narin sa kadiliman kung saan siya nakatayo ay di ko masyadong maaninag ang kanyang mukha ngunit alam kong si Ash ito. Kita ko lamang ang kanyang mga mata na medyo matamlay na nakatitig sa akin.
"Ash," ngiting tawag ko.
"So how's the first day of work?" biglang nagbago ang tono ng kanyang boses, biglang naging masigla. Agad naman siyang naglakad papalapit sa aking direksyon.
"It was fine, wala naman akong masyadong ginawa," buntong hininga ko at narinig ko naman siyang natawa ng mahina.
"Wala ka namang ginawa pero maka buntong hininga ka ay parang pagod na pagod ka," saad niya ngunit nakatingin sa itaas.
"Nag commute lang kasi ako," sagot ko at tila natauhan naman ako sa sinabi ko, he shouldnt know that.
"Commute? Akala ko ba ay hinatid ka ni kuya?" lingon niya sa akin at palihim ko namang kinagat ang dila ko minsan talaga may pagka taklisa din ako. Hindi na ako lumingon sa kanya at nag-isip muna ng irarason.
"Ah k-kasi si kuya mo may biglaang pinuntahan kaya ako nalang umuwi mag-isa. Kaya ko naman eh," pagrarason ko but he doesnt look convince I silently prayed that he wouldnt interrogate more.
"You should've called me, I would fetch you," saad niya at tila nakakunot na naman ang kanyang noo.
"Okay lang naman ayoko ring istobuhin ka."
"Hindi ka naman aksaya sa oras Alana, you're worth every seconds, every minute, remember that," he seriously said as he again look up at the sky.
Napakagat na lamang ako ng aking labi nang maalala ko ang sinabi ni Knight. Stay away from him but he doesnt even told me the reason why, so why I should follow his orders? Hindi na naman niya ako magagawang saktan ulit dahil nagtatrabaho na ako sa kompanya and if he hurts me again, people will see it. Ngunit bakit ganun? Bakit mahal ko parin siya?
"Where is he?" he suddenly asked.
"Doing business things, I didn't bother to ask him what," sagot ko at agad naman akong nagulat nang bigla niya akong hilahin papasok sa loob.
"Bumili nga pala ako ng ice cream, chocolate ice cream just how you like it, it's still your favorite right?" tanong niya at dahan dahan naman akong tumango ang mga mata ko ay nakatingin sa pagkakahawak niya sa aking kamay, tinitigan niya naman ito at dahan dahan niya rin itong binitawan.
"Magaling na pala ang pasa mo," saad niya at tila tinitigan ang aking kamay.
"Yes," ngiting saad ko.
Agad naman siyang nagtungo sa drawer at kumuha ng dalawang kutsara at dalawang malalaking baso. Binuksan ko naman ang ice cream at tila kumikinang ang mga mata ko sa pagkakabukas. It was indeed my favorite, chocolate ice cream at sa gitna niya ay mga choco balls at sa gilid naman ay mga marshmallows.
"Nakikita ko sa mga mata mo na kaya mo yang ubusin sa isang upuan lang," he said in a bored look dahilan upang matawa ako. I miss this, every sunday ng hapon ginagawa namin ito noon nung nag-aaral pa lamang kami. Laging siya ang bumibili ng ice cream at ako naman ang taga prepare ng baso at kutsara pero ngayon ay tila hakot niya lahat.
"I miss this," saad ko at his lips formed into a sweet smile.
"Me too," he winked at sabay abot sa akin ng baso at kutsara, sabay naman kaming kumuha at naglagay sa baso.
"Kamusta naman ang pagmomodelo mo?" pag-iiba ko ng tanong.
"It's fine," tipid niyang sagot at abala parin sa pagkain.
"You sounded not."
"Okay I will be honest with you like I have always been too, modeling is my passion pero sa mga nagdaang araw ay hindi na ako masaya, sounds crazy right? Kasi noon na nag-aaral pa tayo lagi kong sinasabi sayo na magiging sikat ako na modelo ayaw mo pa ngang maniwala but look at me now," he stated but I rolled my eyes on him which causes him to laugh.
"Eh ang pangit mo kasi noon," balik ko sa kanya.
"So gwapo na ako ngayon?"
"Yes, you are."
"Ang sarap pakinggan, isa pa nga," saad niya sabay dutdot sa aking pisngi.
"Nasabi ko na hindi ka naman siguro bingi," saad ko at agad naman niyang binaba ang kanyang kutsara at bigla naman akong kinabahan. Alam ko na ata ang susunod na mangyayari. Dahan dahan kong ibinaba ang aking paa sa sahig dahil sa medyo may kataasan ang stool. Ramdam ko na ang sahig at alam kong ilang segundo lang ay hahabulin na niya ako.
"Alana!" sigaw niya at agad naman akong napatili at dali-daling bumaba at tumakbo. I am not liking this dahil ako lagi ang talo.
Ngayon ay nasa sala na kami and good thing ay tulog na si nanang kung hindi ay papagalitan niya kami, paano kung may mabasag dito. Nasa gitna namin ang sofa at para kaming naglalaro ng tumbang preso dahil sa aming posisyon.
"Don't let me catch you," saad niya at kahit na wala pa siyang ginagawa ay natatawa na ako, dahil kapag nahuli niya ako ay walang hanggan na ang pagdurusa ko sa kakatawa dahil sa gagawin niyang pagkikiliti sa akin. He would tickle me to death.
"Ash please hindi na tayo bata, so stop right there," putol putol kong tawa at nagsesenyas sa kanya na tumigil na.
"So bakit ka naman tumakbo?" tawang sagot niya at kitang kita sa kanyang mga mata na nag-eenjoy siya.
"Ash, stop," saad ko at napalingon ako sa aking likuran dahil parang masasagi ko na ang isang malaking vase.
Napatili naman ako nang may maramdaman akong matigas na bagay at may nakapulupot na mga kamay sa aking beywang.
"Ash!" tawang saad ko at nagpupumiglas na umalis sa kanyang pagkakayakap. Agad kk namang naramdaman ang pagkakadagan ko sa malambot na sofa. Nakapatong ngayon si Knight sa akin at titig na titig sa aking mga mata na nakangiti, nasa ilalim ako ng kanyang katawan.
"Got you," mahinang saad niya.
Magsasalita na sana ako nang may biglang nagbukas ng pinto na pagkalakas lakas that echoed the whole room.
"Alana," isang madilim na mukha ang nakatitig sa aking mga mata.
"Knight"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro