Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 6

Turnover.

Nawala sila sa paningin ko pagkatapos. I was distracted by the people who were so excited about my designs.

Panay ang bati sa akin ng lahat. My collections topped their expectations. Ito raw ang kumumpleto ng show. I even met a lot of media representatives from the Philippines, and all of them were so ecstatic to discuss my collections. Pinaunlakan ko ang mga iyon isa-isa. Halos lahat ay tanguan ko. Si Dmitri ang panay lagay ng schedule ko roon sa kanyang cellphone. He promised to e-mail it to me after.

"Grabe, Selene! Sobra ang hype ng Filipino Community. I had goosebumps when the ramp showcased your collections. Choice of music, the models, and the hair and makeup! Magkakamukha ang lahat. Ang ganda ng mga damit! I just had an orgasm while watching!" Ngumuya si Noe ng kanyang pizza na parang isang tomboy kahit mas maarte pa siya sa akin.

Siniko ko siya dahil nakikinig si Dmitri sa amin.

Umuwi muna kami sa apartment ko to celebrate my success. It's just Noe, Bert, Dmitri at ako. Si Alodia kasi ay sinundo na ng kanyang boyfriend. Hindi ko pa natatawagan si Mommy dahil hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang nakamit ko. Natatakot din ako na ibalita ang nalalapit na pagbabalik ko dahil baka kagaya ng iniisip ko, wala naman talaga akong babalikan. Masakit din naman kung sasabihin nilang ipagpatuloy ko na lang ang fashion design at mag-focus na lang dito dahil maayos naman ang business at hindi nila ako kailangan. I worked hard for it. Tiniis ko ang lahat habang nandito sa ibang bansa.

Would she tell me that Zeus is here? Kung ako ang sinadya ni Zeus dapat ay alam ito ni Mommy, pero mukhang hindi. Mukhang sinamahan niya lang si Olivia para manood. Maybe he didn't expect to see me. Ako rin naman. Ang pagkakaiba lang namin, he's happy now. Samantalang ako ay walang mapaglagyan ng lungkot kanina, realizing how stupid I was to push him away years ago at hindi na muling nakapag-usap. I did not even attempt to talk to him dahil sa galit ko. I am not sure if just like before, he would let me get away with my anger. Na muli niya akong pagbibigyan at uunawain gayong may iba na siyang mahal.

I touched my lips, inalala kung gaano ang init ng mga labi niya noon. And now I saw him kissed someone, para akong bata na inggit na inggit.

Pinaglaruan ko ang pulang likido sa aking kopita. The red wine isn't enough to make me dizzy, I need a doze of truth to make me feel bad. I held the necklace that Zeus gave me. Suot ko ito kanina dahil nasanay na ako na lagi itong nakakabit sa akin. Wala namang kaso dahil sa scarf accessory ko, hindi na ito nakita pa, but it is always here.

"Paano? Uuwi ka na ng Pilipinas at maghahanda sa Binibini?" Nag-cross legs si Bert at seryoso akong tiningnan.

"Gusto ni Madame Stella ang tipo mo. Ang mga kandidatang nagbibigay ng karangalan sa Pilipinas ang ipinapanguna sa Miss U! Ay, day! Mahirap kalaban ang Aces ngayon..." tukoy ni Bert doon sa katapat niyang agency na nagpo-produce rin ng magagandang kandidata sa pageant.

"Lahat ay half. Mahirap kalaban dahil ang gusto nila roon sa Miss U, foreign features dahil matatangkad na. Ihahabol na lang ang pagiging morena para Pinay pa rin ang dating kahit papaano, like Queen P! Wala pa akong nahahawakang tisay dahil kilala ang camp ko sa mga Pinay-looking, nagmula sa Cebu at malalayong probinsiya. Kung papayag ka, ikaw pa lang ang tisay ko," mahabang litanya ni Bert.

Tipid lang akong ngumiti. Hindi pa rin ako kumbinsido. It is not my thing. Kanina nga ay halos mahimatay ako sa nerbiyos.

"Bigyan naman natin ng maganda-gandang laban si Olivia! Binabantayan na siya tatlong taon na. Ngayon ay ilalabas na siya ng Aces. Tapos na atang mag-training. Ikaw ay hindi na kailangan ng marubdob na training, 'no. Sa paglalakad lang tiyak na tataob na sila sa 'yo. You are taller than Olivia too."

"Olivia?" Tinuon ko ang buong atensiyon ko kay Bert dahil sa parehas na pangalan.

"Olivia Montemayor!" wika ni Bert. Now he got my attention. "Tingnan mo ang babaeng 'yon. Socialite, CPA board topnotcher, currently taking up Law in UP, active volunteer of Operation SMILE, at madalas din doon sa Children's Hospital para tumulong sa mga batang may cancer. Cancer survivor pala kasi ang nanay no'n. At siyempre, gray ang mga mata. Maamo ang mukha. At may guwapong boyfriend na tiyak na all out ang support. E, sabagay, kung boyfriend lang din naman, ayan si Dmitri. Equally papable naman." Ngumiti nang maharot si Bert.

Natawa lang si Dmitri sa kanyang sinabi. Hindi naman ako mapakali sa nalaman. Why do I have this feeling na kaunting tulak na lang ay bibigay na ako sa pagiging tikom sa posibilidad ng pageant?

"If you will join, Selene, I promise to do a campaign for you," singit ni Dmitri.

Namula ang aking mga pisngi kaya umiwas ako ng tingin.

"Sus! 'Yon naman pala!" sambit ni Noe. "Alam mo, itong si Dmitri ang number 1 fan mo. Lahat ng ginagawa mo ay purong-puro sa kanya. Hindi man lang niya makita ang pagmamaldita mo."

"Mabait naman si Selene, a," pagtatanggol sa akin ni Dmitri.

Napailing na lamang ako. Walang tigil sa pag-inom ng wine mula sa aking baso ang ginawa ko habang malalim na nag-iisip.

After 3 hours, umakyat na ang epekto ng alak sa utak ko. I was really dizzy but I still know what I am saying. Kinalabit ko si Bert na walang ayos na nakasalampak sa carpeted kong sahig at nakasandal sa sofa. Noe was sleeping on Dmitri's shoulders na nakapikit na rin.

"Bert... Kailan ang screening?" bulong ko sa lasing kong kaibigan.

"Screening?" wala sa sariling sagot niya.

"Doon sa Binibini," untag ko.

"Ah... Sa 10, next month..." Nanatili lang siyang nakapikit.

Napangiti ako. Kinuha ko ang aking laptop at walang pag-aalinlangang nag-book ng ticket. I will accomplish this. I can do this. Sasali ako.

***

The days were really fast. Natagpuan ko na lang ang sarili na nag-eempake pabalik ng Pilipinas. Hindi naman lahat ay dinala ko pauwi. Babalik pa rin ako rito para kunin ang diploma ko sa masters ko. And who knows, since I consider myself a local here, alam kong dadalhin pa akong muli ng mga paa ko rito.

Mommy was really excited about my recent endeavor. Gusto pa niyang magtungo rito sa Paris para daluhan ako sa pagiging masaya pero sinabi kong malapit na rin akong umuwi. Hindi ko na lang sinabi kung kailan dahil ayokong maghanda pa siya.

Isang lingon ang ginawa ko sa aking pintuan bago umalis. Mami-miss ko ang apartment ko na naging saksi sa lungkot at saya ko. Ilang taon ko rin naging kausap ang mga halaman para ikuwento ang nangyayari sa maghapon ko. Noe is lucky dahil dito na rin nakabase ang kanyang pamilya, samantalang ako ay mag-isa.

Naglakad ako at ninamnam ang hangin ng Paris bago pumara ng taxi. This has been my home for few years. Binago ako nito nang husto. I became independent. Madami ring ipinagkait sa akin dito. I never had a chance to complain because I never had someone to complain about certain things. Doon ko nakita ang halaga ni Zeus. He listens even if my complaints were all about him. Hinayaan niya akong ibuhos ang frustrations ko sa kanya at hindi ko maintindihan kung bakit niya tiniis 'yon.

Lumingon ako sa Eiffel Tower na tanaw ang tuktok mula sa apartment ko. I never thought that City of Love will reveal its imperfections to me freely. Na sa paglipas ng panahon, makikilala ko ang Paris. Hindi puro ganda ito, hindi kasintibay ng pundasyon nito ang pangakong puro lamang pagmamahal ang matatagpuan ko rito. Habang tumatagal ang pananatili ko, mas nakikilala ko ito. Ang bulok at masakit na sistema nito. But then I've learned to love it. Niyakap ko na pati ang pangit, dahil hindi rin naman matutumbasan ang saya na ibinigay sa akin nito. It's all worth it. Gano'n din siguro ang pagmamahal, kahit hindi perpekto, tatanggapin mo na lang dahil mas makahulugan ang positibong isinusukli sa 'yo at walang makakaunawa no'n kundi kayo, ang nakakakilala ng koneksiyon ninyo sa isa't isa.

Buong biyahe sa eroplano, natulog lang ako. I woke up with a blanket around me. Tumingin pa ako sa paligid kung sino ang naglagay pero mas malalim pa ang tulog sa akin ng katabi kong matandang babae. Nawala na ang antok ko pagkatapos.

Walang tigil ako sa pag-browse ng videos sa dala kong ipad ng mga pageants simula pa noong panahon ni Miss Gloria Diaz. I seriously have to push this. Nakapangako na ako kay Bert na sasali ako at three days simula sa pagdating ko ay ang schedule ng screening. Walang oras para maghanda pero bahala na si Batman.

Nang lumapag na sa Manila ang eroplano, para akong lantang gulay sa pagod at jetlag. I booked an Uber para lang makauwi. I put on my aviators at humilig sa bintana ng sasakyan para pumikit nang kaunti habang nasa biyahe. The traffic gotten worse. Napakainit din. But since I'm home, why would I complain?

"Ma'am, nandito na po tayo." Magalang akong kinalabit ng driver. Napalingon na lang ako sa aking gilid at nakita ang mansiyon. I smiled when he ended the trip.

Bumaba ako ng sasakyan at nagulat pa si Kuya Tony nang makita ako mula sa kanyang guard house. Dalawang taon akong hindi umuwi. Pinigilan ko rin sina Mommy, Daddy at Sue na puntahan ako. Idinahilan kong maiiyak lang ako, but the truth is I don't want them to know about my masters degree. Sorpresa ko rin iyon.

"Ma'am Selene!" magiliw na bati sa akin ni Kuya Tony.

"Hi, kuya! Sina Mommy po?"

Napakamot siya ng kanyang ulo. "Nako, nasa Singapore po sila nina Ma'am Sue..." wika nito.

Bahagyang nawala ang excitement ko. Akala ko ay mayroong sasalubong sa akin. Akala ko masosorpresa ko sila ng aking pagdating. Surprises always fail then. Lahat naman ng sorpresa sa akin ni Mommy, hindi talaga ako na-surprise, pero taon-taon niyang ginagawa iyon noon.

Bumuntonghininga ako saka naglakad papasok ng mansiyon. Hindi ito nagbago at talagang alagang-alaga ni Mommy. Buhay na buhay pa rin ang halaman na pinagtiyagaan ni Mommy na palaguin. The roses bloom everyday. The sunflowers are so vibrant. Sumasayaw ang mga ito sa ihip ng hangin. The scent of the flowers assured me that I am home.

Madilim sa buong mansiyon nang umapak ako sa main door. Sa sobrang dilim, wala akong makita until...

"WELCOME BACK, BABY SELENE!!!"

Nagulat pa ako nang may sumabog na confetti sa akin at mayroon pang pumipito sa kung saan.

Natawa ako nang husto sa ayos ni Mommy, Daddy at Sue na mayroon pang party hat.

Daddy enveloped me to a bear hug. Iniangat niya ako sa lupa at paulit-ulit na hinalikan ang buhok ko. "I missed you, Baba... I am so proud of you..."

Napangiwi ako sa bulong ni Daddy. Gusto kong maiyak kaya lang ay nakita ko si Gaelan na umaangat ang mga labi para pagtawanan ako. Katabi niya si Heather na sumalubong din sa akin para bumeso.

"How did you know that I will be coming home?" natatawang tanong ko. Biglang natigil ang lahat sa pagkilos. Walang sumagot ni isa. Parang may dumaan pang anghel sa sobrang tahimik.

"Research." Nagkibit-balikat si Gaelan na siyang bumasag ng katahimikan. "Kain na tayo!" masayang sabi niya na nagpatiuna na sa pagkain na naka-set up sa may living room namin.

Panay ang pangungumusta nila. Wala naman akong ginawa kundi ang sumagot. Daddy even offered a work room for me inside Valdemar Industries. Maganda raw na roon na rin ako tumanggap ng kliyente para sa pagde-design ko ng damit. Pag-uusapan pa raw namin kung ano ang magiging set up nito ngayong dumating na ako. Zeus will focus in their TV network dahil nag-resign na raw ito kamakailan lang. Naiisip kong masyadong napapanahon ang desisyon niya, but then I need to thank him for everything. And probably apologize for everything.

"Oh, my God!"

Sabay-sabay kaming napalingon sa may pinto nang mayroong magsalita roon.

"Olivia!" Mom cheerfully said.

Nagulat naman ako sa kanyang pagdating at talaga namang close pa sila ni Mommy.

Tumakbo si Olivia patungo kay Mommy pero nasa akin ang kanyang tingin. She looked like a doll in her baby pink A-line designer dress. Maputi ang kanyang kutis pero mas maputi pa rin ako. She's tall but I am taller.

Why the heck am I comparing?!

Sa likod niya ay napako ang tingin ko. Dumating kasi si Zeus. Walang pag-aalinlangan na tumingin siya sa akin. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi ko maiwasang hindi mailang sa suot kong itim na midriff at high waisted maong shorts. I suddenly felt stupid wearing such. Para bang pilit akong kumukuha ng pansin sa suot ko at may gustong patunayan samantalang ang kanyang girlfriend ay kagalang-galang ang suot.

"Oh, my gosh! Selene! I am such a fan!" Napakaliwanag ng ngiti ni Olivia. May iniaabot siya sa aking magazine at ganoon na lang ang gulat ko nang makita ang pahina na mayroong litrato ng collections ko mula sa Fashion Week. Three-page tearsheet ito at mayroon ding interview ko. Hindi ko na maalala kung sino ang reporter na pinaunlakan ko sa magazine na hawak ni Olivia."Pa-autograph." Hindi niya napigilan ang kanyang tuwa at nag-abot pa ng pentel pen sa akin. Halos manginig pa ang kanyang kamay. I never thought she was this down-to-earth na tipong nag-fangirl pa sa akin.

Sumulyap ako kay Zeus na ngiting-ngiti na nakatingin kay Olivia, like he appreciates so much whatever she do.

Napalunok ako. I never made him smile like that.

Alanganin kong tinanggap ang magazine. Hindi ako marunong magbigay ng autograph kaya nanatili ang mga mata ko sa magazine.

"Zeus bought 5 of your collections on the spot. Naunahan na kami roon sa iba! We were so lucky lang na your last dress was placed into an auction, the one you wore! People were raving about it and we got it! Nakakatuwa," wika niya nang may pagmamalaki.

Napakunot ang noo ko kay Zeus. I didn't know he was the one who bought it. Nabalitaan kong umabot pa sa 1,000 Euro ang halaga noong last dress ko at wala nang lumaban pa sa kanya. Olivia likes it so much, huh?

Tumingin ako kay Zeus, nakapamulsa ang kanang kamay niya at nagkakamot ng kanyang kilay naman ang kaliwa. Hindi ko alam kung ano'ng tinitingnan niya.

"T-thanks..." Sinauli ko kay Olivia ang magazine nang mapirmahan ko na. It was really awkward.

Lumalim na ang gabi at nakikipagsiyahan pa rin ako sa lahat. Tuwing mapapatingin ako kay Olivia, mahuhuli ko siyang nakatingin sa akin na tila manghang-mangha lagi. Nasobrahan ata siya sa pagfa-fangirl at hindi halos makapaniwala na nandito siya sa aming pamamahay.

"By the way, I will let Selene rest for a while before handling Valdemar," Daddy said.

Lumapit si Zeus. Ngayon ay magkatabi kami. Wala si Olivia sa kanyang tabi dahil kakuwentuhan naman ito ni Heather. Tiningnan ko siya pero hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. His powder blue long sleeves were lazily pulled up and some of his hair fall on the sides of his face. He looked tired but well, yeah, hot.

"I hope you will have time to turn over the job—"

"Tito, I prepared a manual for Selene," Zeus cuts in. Hindi agad nakasagot si Daddy.

So, talagang ayaw na niya akong makaharap pa, huh? Siguro napipilitan lang siya kaya nandito siya ngayon. Since Olivia wanted to see me, he's here. Kung hindi ay talagang hindi na siya magpapakita.

"Uh, yeah. Hindi naman na kailangan mag-turnover kung ayaw niya," singit ko.

Tinapunan ako ni Zeus ng matalim na tingin. Halos mapaatras ako dahil nakakapaso ang paraan niya.

"Baka hindi ka kasi komportable," aniya nang buong lamig.

"H-hindi naman..."

"Okay. See you on Tuesday." Tipid siyang tumango at hinarap si Daddy. "Ihahatid ko na si Olivia, tito. She must be really tired."

Tiniklop ko ang palad ko sa concern ni Zeus sa kanyang girlfriend. Damn, naiinggit ako! There are things that you will only realize the importance kung wala na sa 'yo. Kapag sagana ka kasi, hindi mo na rin papahalagahan. Ngayon ay lubos-lubos na ang pagsisisi ko. I will just pray na mapatay ko pa ang apoy ng nararamdaman bago pa ako tuluyang lamunin nito. Seeing him loving someone else awakens something in me. I sense pain and denial. Pakiramdam ko, hinugot ako sa gawa-gawang mundo at ipinakita sa akin ang reyalidad. Hindi lahat ng tao ay mananatili kung saan mo iniwan. Na dapat kung mahalaga sa 'yo ay iginiit mo rin ang nararamdaman mo bago pa mahuli ang lahat.

"Ikaw rin, magpahinga ka na." I was stunned when Zeus spoke. Hindi siya nakatingin sa akin dahil halos papatalikod na siya para tunguhin si Olivia.

Hindi ako nakasagot agad, but somehow, kahit napakalamig ng kanyang pagkakasabi, hinaplos no'n ang puso ko.

"Yeah, right. Pare-parehas nga pala kayong galing sa Paris. Hindi ba kayo nagkita sa eroplano?" pahabol ni Daddy.

Nilingon ko si Zeus na nakatalikod na sa amin. Kitang-kita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao kasabay ng kanyang pag-iling. Lumingon ako kay Daddy na may pekeng ngiti. He shrugged his shoulders at napapailing na pinagmasdan si Zeus.

Fuck, does he get that I am regretful?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro