Kabanata 5
Sobra.
"Selene, hear your dad. Hindi ba iyon naman ang gusto mo? You can study abroad now. Nakapagtapos ka na."
Nakadapa ako sa aking kama, I don't want to hear any of it. Hindi ba pupuwedeng magbago? Why do they want me to leave now ngayong nakuha ko na ang aking diploma? This is so sick! And they have to say it on my 21st birthday! Talagang itinaon pa nila. Para akong basang sisiw roon nang ilahad nila ang kanilang 'regalo.' A one-way ticket to Europe, a platinum card and a key to an apartment.
"At ano? Si Zeus ang hahawak ng kompanya? Why Mommy? Why? Ako naman ang anak, a!" puno ng hinanakit na turan ko. Halos magpapadyak pa ako sa aking kama. Si Suerlain ay naaawang nakatayo sa gilid ng aking kama at pinagmamasdan ako.
"Selene, you don't need to compete with Zeus. Lumaki kayong parang magkapatid."
"It is just an illusion, Mom! Kayo ang may gusto na maging magkapatid kami but it never happened! Hindi ko siya kapatid, hindi ko siya gustong maging kapatid. I hate him and you know that! And I hate him more. Hindi ako nakikita ni Daddy dahil sa kanya," puno ng hinanakit na muling sabi ko.
"Selene, alam mong hindi 'yan totoo. Alec loves you so much, iniisip lang niya ang mga pangarap mo kaya niya ipinipilit na magtungo ka sa Paris." Sumeryoso si Mommy.
Umiling ako at mas isiniksik ang mukha ko sa unan. "Ayoko, Mommy. Hindi niya ako mahal! Ayokong umalis!" giit ko. "Paalisin ninyo si Zeus sa kompanya. I will handle it! He trained for Yukan'na all this time and now he will be a businessman? Is that a joke? Pangarap niya ang Yukan'na hindi ba? 'Yon ang sinabi niya. Let him be an agent for the rest of his life! Doon siya may pakinabang!" pilit ko. Alam kong walang saysay ang argument ko pero hindi ko mapigil ang mga suhestiyon na lumalabas sa akin.
"Anak, Zeus attended all his classes while training for Yukan'na... Wala siyang hindi ginawa sa dalawa. Pinagsabay niya iyon. Selene, you can work with Zeus, kung 'yon ang gusto—"
"No! I don't want to work with him! I hate him! It is just me or him. Iwan n'yo po muna ako, Mommy." Tumalikod na ako at pinatay ang lampshade sa aking side table. Ilang segundo pa silang nanatili roon pero nang mapagtanto nila na wala na akong sasabihin, lumabas na rin sila ni Sue sa aking kuwarto.
Yakap ko lang ang unan ko. Nanatili ako sa gano'ng posisyon. Hindi ko binaba ang dinner para sa amin ni Zeus. I don't want to see him. I hate him so much! He spoils most of my birthday! All of it, and my life is a mess! From little things, and now he's freaking improving! He's freaking having a piece of my life! Sinasabi ko na nga ba't ganito rin ang uwi nito.
Isang pagtunog sa pinto patungo sa veranda ang narinig ko. I shut my eyes close. Alam ko naman kung sino 'yon. He visits me every night. Umaalis lang siya tuwing nakakatulog na ako o bago man ako magising. I don't know which is which, basta hindi ko na siya nakikita tuwing umaga bukod sa pagsundo niya sa akin tuwing sabay kaming pumapasok sa school at umuuwi. Literally we spent our whole day together but it doesn't mean that I am okay with him. Galit pa rin ako sa kanya. Kaagaw ko pa rin siya.
Lumubog ang kama ko, hindi ako kumilos. I can smell his scent kahit na nakatalikod ako sa kanya. He snaked his arms around my waist. Umangal ako, tinanggal ko iyon, but it was tightly enclosed at hindi man lang natinag.
"Selene..." He spoke my name so close na halos lahat ng buhok ko sa batok ay tumayo.
"How dare you, Zeus. I hate you!" Humikbi ako, hindi ko na napigilan. He always sees me crying and it is really ironic that I complain a lot about him and he's always there. Parang ibang tao ang inirereklamo ko dahil siya rin lang ang tanging nakikinig. Siya lang ang nakakaintindi.
"I know... I know..." masuyo niyang sabi.
"P'wes, bakit nandito ka pa rin?! Umalis ka na!" angil ko na may diin ngunit pabulong. Hindi ko gustong marinig nina Mommy na mayroon akong kausap. Hinarap ko siya at pinanlisikan ng mga mata.
"Hindi kita iiwan," bulong niya.
"Anong hindi? Ayaw ko na nandito ka! How dare you accept Dad's offer? You know that all my life I want to impress him!"
"Selene, that is not what you should be doing..."
"Anong hindi? Ano'ng alam mo?" Kahit hindi ako manalamin, alam kong namumula na ako sa galit sa kanya. Pawang nakakaunawang tingin lang ang ibinibigay niya.
"Alam ko kung ano ang mga pangarap mo. And I am supporting you," kalmado niyang sabi.
"Supporting? Sa pagkuha ng mga bagay na talaga namang akin? Mang-aagaw ka na ng pamilya, pati ba naman ng pag-aari ko? You are rich, Zeus! Bakit ka ba nagsusumiksik sa amin?" Nakita ko ang pagtiim bagang niya, pero mas naging matapang ako. I don't care if I am offending him. I am entitled to my thoughts and he cannot do anything about it!
"I do this for you, Selene. I do every fucking thing for you."
"You trained for Yukan'na! Bakit ngayon ay magiging CEO ka pa ng Valdemar Industries? Maging agent ka! That is where you are supposed to be."
"I chose Yukan'na because you will take up Business, Selene. Ayokong makipagkumpetensiya ka sa akin."
"At ngayon ay gusto mo na?" hamon ko sa kanya. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at hinarap siya. Umupo rin siya kaya ako tumingala.
"Hindi ko rin gusto. I want to handle my TV Station, Selene," seryosong sabi niya.
"Then why the hell you are here!? May TV Station ka and for the fucking sake, Zeus, your father owns the biggest pineapple plantation in Asia. What are you doing here?" frustrated kong tanong.
Hindi siya sumagot agad. Ilang segundo pa kaming nagkatinginan bago siya nagsalita.
"Dahil sa 'yo. Para magawa mo ang gusto mo, Selene. If I will not do this, they will pressure you to handle Valdemar Industries. You will have no time for your dreams. Why won't you catch it while you still can?"
Hindi agad ako nakaimik. He hits the button. I have my own dreams, not doing business. Ang hindi ko lang matanggap ay kung bakit may option na agad na si Zeus ang magiging CEO. Makakabalik ba talaga ako kapag hindi ako nagtagumpay sa mga pangarap ko? O maisasantabi na lang ako dahil nagpahinga ako at kumuha ng ibang kurso? I hate that possibility.
"I will work for your family, that way I can return a favor... I will prepare things for you. Sa pagbabalik mo, sa 'yo lang ito. Dadatnan mo kung ano ang meron ngayon and you will take every single credit as if I never existed. Everything is yours, don't worry." May lungkot sa mga mata niya na hindi ko alam kung saan galing. Itinulak ko siya dahil sa galit at frustration.
"And what do you expect in return? Come on, Zeus. Matalino ka. Ano ang inaasahan mo mula sa akin? You like me, huh? Hindi kita gusto. Hindi kita papakasalan. Hindi mapupunta sa 'yo ang paghihirapan mo habang wala ako. I will bring home a man that I will marry. Saka mo sabihin sa akin na wala lang sa 'yo kung wala kang mapapala," panunuya ko sa kanya.
May dumaang sakit sa kanyang mukha pero wala na akong pakialam. Lagi na lang ako nagtitiis simula pagkabata. Hindi niya nararamdaman ang nararamdaman ko dahil sa kanya naibuhos ang pagmamahal na dapat meron ako. May natanggap ako pero kalahati. Kahati ko siya at ngayon ay sa kanya pa ibibigay ang karangalan na dapat ay akin. And he accepted it. Are they even thinking that Zeus and I will end up together? Are they scheming a marriage between us? Hindi. Hinding-hindi ako susunod sa gano'n.
"You are wicked, Selene." Napailing siya. He looks disappointed.
"I am. And I will be hard on you all your life and I won't even blink. Hindi ka magiging masaya habang nakasunod ka sa pamilya ko. Hangga't nandoon ang anino mo, hindi mo makukuha ang lahat," matapang kong sabi.
They want me to leave? Okay, I will. Pero titiyakin ko na sa pagbabalik ko, kukunin ko ang lahat mula kay Zeus. I will take up masterals abroad. I will be better than Zeus, I promise. Buburahin ko ang kanilang ideya na papakasalan ko si Zeus. I will get married to someone whom I can share my family's wealth. Hindi ako babalik nang hindi pa ako nakakahanap ng papakasalan na mas mabuti kay Zeus dahil hindi siya ang nag-iisa sa mundo. If I can't beat him, I will find someone who can.
"You don't need to marry just to get rid of me." Umiwas siya ng tingin.
Humalukipkip ako. Tingnan mo nga at hindi pa niya ako matingnan tuwing kausap ako.
"I will get married! I will find a man better than you," giit ko.
Tumalim ang tingin niya sa akin. Gusto kong lumubog sa aking kama dahil masyadong mabigat ang tingin na ibinigay niya sa akin.
"Watch me fall in love, Selene," bulong niya, pero malinaw na malinaw iyon dahil sa galit na kalakip no'n.
Napaawang ang mga labi ko. May gusto pa sana akong sabihin pero tumayo siya at tumalikod na sa akin.
Gusto ko siyang tawagin. But just like a dark knight, he vanished in thin air. Pinagmasdan ko ang hinangin na kurtina mula sa kanyang pagkawala. Tumayo ako para isara ang bintana. Sinilip ko pa siya sa ibaba ng garden pero hindi ko siya nakita. A tear fell down my cheeks, I wiped it right away. Hindi ako maaaring umiyak. This will be the last time I will let them underestimate a woman. Dahil sa pagbabalik ko, I promise that I would matter. Buburahin ko si Zeus sa kanilang isip.
Happy 21st birthday, Selene. This will be the last birthday I will share with someone.
***
After a week, I found myself in streets of Paris. The City of Love they say, pero taliwas iyon sa lahat nang nasaksihan ko. I was mobbed by gypsies that were trying to steal my sling bag. Naranasan ko pang sumakay ng train na hindi ko alam kung saan pupunta sa kagustuhang tumakas sa mga magnanakaw. I didn't feel love or some sort in the cold city. It is just like any cities in the world, it is not true to its promise.
In a month, I ended up crying in my apartment. Puro sunog na pagkain ang kinakain ko. Kung hindi lang ako binibigyan ng kapitbahay ko ng pagkain, hindi ako makakakain nang matino. Hindi ko kakilala kung sino 'yon. Lagi akong nagte-thank you sa matandang babae na nakatira sa kaharap kong pintuan. I presumed she gave me all those food because she likes to say that I am welcome everytime I say thanks.
Unti-unti ay natuto ako. Hindi ko namalayan that I spent 2 years in Paris at sa wakas ay natuto na rin ako. Ang matandang babae na nag-iiwan sa akin ng pagkain ay huminto na rin. Palipat-lipat din kasi ako ng bansa para mag-research ng damit na gusto kong idisenyo.
Pinagmasdan ko ang makikintab na damit na nakaharap sa akin para sa Fashion Week. Lahat ng iyon ay gawa ko. This will be my last fashion show as a student and we call it as our Graduation Show, but only 3 designers out of 25 students made it to Fashion Week. Ako lang ang Pilipina dahil si Noe ay hindi naman nagseseryoso sa kursong ito. Pagkatapos, isa na akong professional. I can taste my success this early.
"Selene, someone sent you lunch!" Kumindat si Alodia, ang Pranses na kaibigan ko. Kaklase ko siya sa Fashion Design at ang tanging naging kaibigan ko bukod kay Noe na kagaya ko ay mula rin sa Pilipinas. She will not graduate this term but she volunteered to support.
"Thank you." Tiningnan ko ang laman ng lunchbox. Napailing na lang ako dahil nag-effort na naman si Dmitri. May disenyo lagi ang kanin na hugis puso. Ang layo sa personalidad niya na gagawa nang ganito.
Kinuha ko ang cellphone ko at tumawag sa kanya.
"Yow," he said on the other line.
"Thanks for the lunch. Hindi ka ba na-late sa meeting mo?" Nagtaas ako ng kilay. He's a businessman from the Philippines. Textile ang kanyang business kaya nakilala ko siya rito sa France. Simula no'n ay lagi na siyang nandito. Idinadahilan niya na mayroon siyang meeting kahit na nahuhuli namin ni Alodia na wala naman siyang ginagawa kundi sundan ako. He will visit France every other week and will stay here for 1 week each visit.
"Hindi!" kalmado niyang pagsisinungaling.
Tumango-tango ako kahit hindi niya nakikita. "Okay. If I will see you in the audience tonight—"
"Fine, fine. I like you so much, Selene. Ikaw lang talaga ang ipinupunta ko rito," pagsasabi niya nang totoo. "Sana bumalik ka na sa Pilipinas para maligawan kitang mabuti," aniya.
Tumawa ako. "Hindi pa ba sapat ang ganito?" Humarap ako sa salamin para maglagay ng sariling makeup. I model my own design for my Spring Collection, I am really excited for this one.
"Mas madalas kitang makakasama sa Pilipinas."
"Don't expect so much, Dmitri. Magiging abala ako sa Pilipinas. Hinihintay ko lang lumabas ang diploma ko sa MA, then I will go back to focus on our business..." wika ko.
"And you will win a Miss Universe crown, hindi ba?"
I frowned. "Sino'ng may sabi niyan? Si Bert na naman? Ayoko ngang mag-pageant. Modeling is fine but those nerve-racking pageants? No thanks!" sabi ko. Bert Flores owns a talent agency for beauty queens. He trains most of the aspirants that bag the crown consistently in all of the international pageants. Nakilala ko siya dahil regular audience siya ng Paris Fashion Week. Nakakatabi ko siya lagi ng upuan tuwing nanonood ako.
Hindi ko gusto ang ideya ni Bert. Tuwing nakikita ko siya ay walang tigil ang pangungumbinsi niya na lumaban ako sa Binibining Pilipinas. He even volunteered to finance it. Money is not an issue though. Kulang pa nga ang naipupundar ko sa sarili ko. 'Yong ipinangako kong groom para sa aking sarili ay natrapik pa ata dahil kahit pagbali-baligtarin ko ang mundo, Dmitri is just a friend. A good friend to be exact and he knows that.
"With your intelligence and beauty, you will give them a tough competition. Come on, Selene. You just need a little push. Bigyan mo naman ng karangalan ang Pilipinas," aniya.
"Hindi pa ba karangalan ito? I am one of those few Filipinas showcasing her designs in Paris runway. And not only that, I will be the finale," pagmamalaki ko. Being top of my class, I deserve this.
"You deserve better credit."
"The only credit I thirst for is the one coming from my family. Sige na. I will put down the phone na. I need to prepare. Pumalakpak ka ha?" bilin ko.
Muli siyang natawa. "May bulaklak pa," pangako niya.
Sinuot ko ang damit na may ngiti sa aking mga labi. Maigsi ito at mababa ang neckline, a chekered scarf is well placed on my neck. Bumagay ang brown hues sa aking maputing kutis. Nakalugay lang ang buhok ko na bahagyang kinulot at ginawan ng ilusyon na magulo.
Tinungo ko ang mga models ko. Sampu sila lahat-lahat at puro babae. Kanina ay may nag-interview sa akin kung bakit puro madidilim na kulay ang napili ko sa Spring Collection ko. They should be bright and vibrant, gaya ng pag-asang ipinapangako ng tag-sibol.
I said that darkness is utmost importance to see the light. A real beauty should shine despite of its darkness. Kung walang dilim, walang aangat na kahit anong kulay. It creates balance. Sinusuportahan niya na kuminang ang liwanag kaya mahalaga siya, malapit ang loob ko sa madidilim na kulay.
Pagkasabi no'n ay naalala ko ang kanyang mga mata. Napalunok ako at kinapa ang sarili kung ano'ng nandoon. Wala nang kahit ano ang nakakaalala sa kanya. Hindi na rin nagbanggit si Mommy ng tungkol sa kanya dahil alam niyang nagagalit lang ako. Ngayon ay hindi ko na alam kung ano'ng mararamdaman ko sa kanya. Kay Zeus.
"Nice collection, Selene," papuri sa akin ni Vania, ang isa sa mga modelo. Umikot-ikot siya sa harap ng salamin and she looks like a real goddess.
"I love what I am wearing," sabi pa noong isa.
I am enjoying the feedback. Para akong lumulutang sa ulap dahil sa magagandang salita.
Umangat na ang nakakabinging music sa labas. Kinikilabutan ako sa tunog ng tugtugin ng unang designer. Kung ano'ng kalma sa labas noong fashion show, siya namang gulo sa backstage. Nagsisigawan at nagtatakbuhan, nagmamadaling magpalit ng damit at makeup ang mga modelo para sa ikalawang labas nila sa stage. Pinanlamigan ako ng kamay. This is not my first time to model, but this is my first fashion show open for different fashion critics around the world. The stage is too big! This is a make or break for me. Tahimik akong nanalangin na sana makayanan ko.
I did not invite Mom and Dad. Hindi nila alam na makakapagtapos ako ngayon. Baka kasi mapahiya lang ako ngayong gabi, at least they wouldn't know a thing about it.
"Montebello..." the Assistant Director called me.
Tumayo ako nang tuwid, at sa huling pagkakataon ay pinasadahan ko ang mga modelo na suot ang aking damit.
"Please. I want it fierce," bilin ko.
"Alright! Let's get it on!" puno ng enerhiya na sigaw nila.
Parang isang pitik lang ang nangyari. Halos pumutok ang tiyan ko sa kaba lalo na't dinig na dinig ko mula sa kinatatayuan ko ang pagpalakpak ng mga nanonood.
"You are doing a great job!" Tinapik ni Britanny ang balikat ko, kakagaling niya lang sa pagrampa ng aking damit at mukhang na-excite siya dahil sa mga palakpak.
"Yeah! Way to go, Selene!" Candice kissed me on the cheek before I was guided by the Assistant Director to my platform.
Nakita kong lumabas ang pangalan ko sa stage. I posed in the middle. I graced with confidence pero ang loob ko ay halos umatras. Narinig ko ang bulungan bago pa man ako humakbang.
'What a gorgeous designer!'
Mas lalong lumakas ang palakpakan ng ilan nang makita ako. Gustong bumagsak ng tuhod ko dahil sa saya. Nakita ko si Dmitri na nasa harapan at may hawak na camera. Panay ang kuha niya ng litrato sa akin. Gusto kong matawa pero hindi ko magawa. I need to maintain my pace. Pati si Bert na may bitbit na bouquet ay hindi magkandamayaw sa pagpalakpak at patalon-talon pa.
"Selene Illy Montebello Spring Collection for Paris Fashion Week!" anunsiyo ng emcee pagkatapos ng maigsi ngunit pinakamahabang paglalakad sa buong buhay ko.
Sa likod ko ay isa-isang rumampa ang mga modelo ko habang pumapalakpak. I was really stunned. Halos maiyak ako nang mag-standing ovation. Dumapo ang mata ko sa madilim na bahagi ng audience at nakakita ng pamilyar na mukha roon. My whole world stopped. Ang kaninang nakakabinging ingay ay parang lumayo na sa akin.
Paano niya nalaman na ngayon ang pagtatapos ko?
Nanginig ang mga tuhod ko. A man in tux melted my knees like jelly. Tinalo pa ang kaba ko kanina. Hindi niya inalis ang tingin sa akin habang seryosong pumapalakpak. His eyes remained as dark as before. Mas lumaki ang kanyang pangangatawan at mas naging guwapo lamang siya paglipas ng taon. My stares were automatically locked at him. Hindi ko napansin si Dmitri na inaabutan na ako ng bulaklak, pati si Bert na panay ang hila sa leeg ko para halikan. Wala sa sariling kinuha ko ang mga bulaklak na kanilang iniaabot, inilahad ko ang aking pisngi para humalik din kay Dmitri. Sa kabila ng kaliwa't kanang flash ng kamera mula sa media, hindi nagpatinag ang titig ko. It's like seeing someone which reminds me of home. Gusto ko agad abutin 'yon dahil mas madali kaysa mag-alsabalutan ako pabalik ng Pilipinas ngayon din. Mayroong luhang tumulo sa akin, not because of my success, but because of the realization that I so damn missed him. Ito pala ang kulang sa ilang taon ko.
Bumagsak ang mga mata ko sa kanyang katabi na kumapit sa kanyang braso. The girl was clapping nonstop and smiling. Nilingon siya ni Zeus nang buong pag-iingat. As soon as their eyes met, their lips touched. Napaawang ang mga labi ko.
He's with Olivia Montemayor.
My chest tightened. Walang kasinlungkot.
Ito ba ang sinasabi niyang panoorin ko siyang magmahal ng iba?
"Selene..." Dmitri wiped my tears and I didn't notice falling continuously.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilin iyon pero nabigo lang ako. Pinaliguan ko ang mukha ko ng sariling luha na dinaig ang nagluluksa. Halos pagtawanan nila ang pag-iyak ko dahil akala nila ay dahil sa sobrang tuwa. Ang hindi nila alam, lumuha ako dahil sa matinding sakit...
Sobrang sakit.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro