Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 4

Nahulog.

"So, asan si Zeus?" tanong sa akin ni Sunshine nang umupo kami sa bleacher. Nagpupunas siya ng kanyang pawis dahil katatapos lang ng practice namin ng cheerdance.

I was part of this group because Zeus is part of the basketball team. Napilitan tuloy ako maging sporty para pumantay sa kanya. Mommy would be busy every intercollegiate watching him play, so, I should have a part too. Para hindi naman masayang ang punta ni Mommy.

"May training pa," kalmado kong sagot kahit ang totoo ay 'di ko rin tiyak. Kanina pa siya hindi nagpaparamdam.

"Noong 18th birthday ninyo ay hindi ka nag-debut hindi ba? You went to Australia to see Koalas. Your photos are so fab! Of course, with Zeus beside you. Oh, my God, you both looked gorg!" eksaheradong papuri ni Sunshine.

Hindi ko 'yon pinansin dahil may umagaw ng atensiyon ko. Kumunot ang noo ko nang makita kong paparating si Maria, ang bago kong kaibigan na Freshman. She has no idea that it is my birthday today. I will invite her later kahit hindi ko alam kung ano'ng meron sa bahay namin. I stopped spoiling Mom's surprises for a while now, she would 'surprise' me still anyway.

Tumayo ako para salubungin si Ria. But then parang wala siya sa sarili. Binully na naman ata ni Gaelan.

"Ria," I called her. Her face is like a saint, literally. Napakaamo ng mukha, kaya lagi siyang kinakawawa. Nangunguna pa ang kinakapatid ko roon na apparently, boyfriend daw siya ni Ria. Talaga lang ha!

"Hi Selene..." maliit na boses na sabi niya. Binaba niya ang kanyang bag at umupo sa tabi ko.

I should go home by now, si Ria ang kapalit ko sa isang stunt. But then I stayed because I don't want to seem like waiting for Zeus while doing nothing. Nagpaalam pa naman ako na maagang uuwi dahil birthday namin ni Zeus. He's supposed to pick me up today after his training, pero isang oras na rin siyang late.

Where is he by the way?

We started our practice, naliligaw ako sa steps dahil kakaisip kung nasaan si Zeus.

"Ria! Ano ba? Bakit ang bagal ng kilos mo?" Naibalik lang ako sa kamalayan nang magsalita si Rona, ang tumatayong cheerleader. Napayuko agad si Ria dahil sa takot. "Break muna! Para kayong mga lantang gulay! Lakas makahawa ni Ria!" sambit ni Rona, at nagpatiunang lumabas ng gym.

"May problema ba?" I asked Ria kahit parehas naman kaming wala sa sarili. She smiled sadly but she shook her head.

"Gano'n ba? Kanina ka pa kasi wala sa sarili. Imbes na ako ang masigawan ni Rona, ikaw pa tuloy."

I started asking questions para mawala rin ako sa sariling iniisip, pero nahagip ng pandinig ko ang usapan ng dalawang freshies na pumasok sa gym.

"Grabe! Ang pogi ni Zeus! Nakita mo ba kung paano niya tingnan si Olivia?"

Wala sa sariling naglakad ako patungo sa kanila at iniwan si Ria.

"Sino ulit, Tish?" singit ko sa usapan.

"Si Zeus! Nakita namin doon sa Accountancy Building. Buhat niya si Olivia kasi na-sprain doon sa practice ng Miss Keio 2016."

Something crashed on my chest. And this is happening so much lately.

There are rumors that you don't want to believe. But not believing isn't enough if people around you make you believe that it is the truth. Parang 'yon tuloy ang totoo kahit hindi naman. I should know Zeus, right? Araw-araw kaming magkasama. Si Olivia ay imposibleng mangyari.

But why the hell has it's been going around for months now? Na si Olivia at Zeus ay lagi raw magkasama.

Sumugod ako sa infirmary para kumpirmahin, hindi na nagpaalam pa sa mga kagrupo ko. Hindi ako kumatok pagdating sa infirmary. Walang nurse roon sa maliit na lamesa. Nakarinig lang ako ng mga boses na nag-uusap mula roon sa asul na curtain division ng mga hospital beds.

"Na-out of balance lang ako, Zeus," mahina ngunit may lambing na bulong na palagay ko ay si Olivia. Wala namang ibang tao rito.

"You seem sick. Dapat ay hindi ka na pumasok." Now I am sure that it is Zeus, hindi lang dahil sa nakilala ko ang kanyang boses pero dahil sa kurot na bitbit ng kanyang pag-aalala sa iba. The feeling is really foreign.

"I am sick. Kahapon pa ako may lagnat dahil sa pagod sa finals namin. But I have to go to school to greet you 'Happy Birthday.'"

"You already texted me." Banayad ang boses ni Zeus.

"Mas gusto ko na personal. Ako ang unang bumati sa 'yo, hindi ba? Napuyat talaga ako dahil doon."

Napapikit ako. I cannot believe it. I greeted him first! I texted him! Magkatabi lang ang aming mga bahay kaya dapat ay nauna ako. Inabangan ko pa 'yon sa orasan.

"Oo. Ikaw ang una," Zeus confirmed.

Gumuho ang mundo ko sa weirdong paraan. Para akong inagawan ng laruan. How did she do that?

Tumalikod na ako. Kinuha ko ang cellphone ko pagkalabas ko ng infirmary para patayin ito. I should go home now. Alone. I just hope Mommy didn't prepare anything grand. I am not in the mood. Parang kinukurot ang aking tiyan nang paulit-ulit. Nakalimutan niya ako dahil kay Olivia. How can he promise to be my slave years ago when he can be smitten by a woman? Hindi niya pala matutupad 'yon.

"Saan tayo, miss?"

Nanginig ang labi ko, hindi ko alam kung bakit naiiyak ako. This is really stupid! Pinalis ko ang luha ko nang nagsalubong ang kilay ng taxi driver habang sinisilip ako sa rearview mirror.

"Sa Forest Garden po..." turo ko roon sa isang garden na matagal ko nang gustong puntahan. Mas mabuti sigurong hindi muna ako umuwi. Kakalmahin ko muna ang aking sarili.

Nang makarating ako roon sa garden, naghanap agad ako ng mapupuwestuhan para tumunganga. Pinagmasdan ko ang mga naglalakad sa paligid na masaya habang ako ay walang kagana-gana. Zeus makes me sad in all of my birthdays, hindi ko alam na kasama na rin doon ang hindi niya pagiging parte nito.

Walang tigil sa pagkaway ang hangin kahit mainit ang panahon dala ng napakaraming puno sa garden. Unti-unti na rin ang paglubog ng araw hanggang sa maya-maya pa ay nilamon na ng dilim ang paligid. People were jogging but most were just relaxing in swings from work. May dala pa ngang pagkain ang iba.

Pinakiramdaman ko ang aking sarili. In a year, I will finish my studies. Hindi ko rin alam kung ano ang plano ko. Gusto kong mag-aral sa Paris noong una pero ngayon parang hindi na. Nagbabago rin pala ang pangarap. Parang ang tao na nagbabago rin. You cannot just put your faith into someone because it is painful to know that they cannot keep their promise.

Nalibang ako sa panonood ng mga nangyayari sa paligid ng garden. Unti-unting nabawasan ang mga tao rito. I glanced at my wrist watch at nakitang alas-nuebe na ng gabi! Hindi ko man lang iyon namalayan!

Tatayo na sana ako para umuwi pero bago ko man magawa 'yon, nakita ko na ang isang pamilyar na sasakyan na huminto sa daraanan ko: his blue Bentley he got on his 18th birthday from his father.

"Selene." Iniluwa no'n si Zeus na papatakbong nagtungo sa akin. He's still in his black Yukan'na shirt and jeans. Mukha siyang ramp model na nagmamadaling lumalakad patungo sa akin because of his physique and sun kissed skin that is still obvious even in the evening. Gulo-gulo pa ang kanyang buhok.

The point of our shoes met. Tinitigan niya ako at hindi ko naman alam ang dapat kong sabihin.

He hugged me tight, hindi ko inangat ang kamay ko para gayahin siya. Nagtatampo ako sa kanya nang husto kahit naman palagi akong galit sa kanya. He hugged me tighter.

"Nag-alala ako. Bakit nandito ka? 'Di ba sinabi kong maghintay ka?"

"Paano mo nalamang nandito ako?" walang ganang tugon ko.

"I felt it."

Hindi ko alam kung bakit parang mas inilulubog pa ako no'n sa kalungkutan. He cannot feel where I am so it is not the truth.

"Bakit iniwan mo si Olivia?"

Napakunot ang noo niya. Ngumuso ako nang pakatitigan niya ako.

"She's my classmate in Literature, Selene."

"But you like her," I insisted.

"As a person, yes. Mabait siya. 'Yon ba ang dahilan kung bakit nandito ka?"

Pumula ang pisngi ko sa tanong niyang 'yon. Am I that obvious?!

"H-hindi." Umiwas ako ng tingin. Kinuha niya ang kamay ko at masuyong hinaplos ang ibabaw ng palad ko.

"I am still yours, Selene. Alam kong alam mo 'yon."

Umirap ako. Now he's suggesting that I am jealous! Hindi, a!

Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi ko. "'Wag ka na masungit."

Umirap ako ulit at mas lalo ko siyang napangiti. Parang tuwang-tuwa pa siya kapag gano'n. Itinaas niya ang isang kamay niya at nakita ko roon na mayroon siyang dalang gold necklace. Gusto ko sanang magreklamo sa pendant dahil letra iyon ng S at Z kahit maliit lang. The pendant is studded with small diamonds.

"Happy birthday to us, Selene. Thank you for sharing your birthday with me ever since," aniya.

Tila may humaplos sa puso ko. I know he appreciates it pero iba kapag sinasabi niya iyon.

"Wala naman akong choice." Nagkibit-balikat ako.

Mahina siyang tumawa habang ikinakabit sa akin ang necklace. Hinawakan ko ang pendant at pinagmasdan. Parang hindi pa ako nagsasawang titigan ang binigay niya. Ito ang unang regalo niya sa akin.

"Wala akong regalo," bulong ko. Kahit maliit na bagay, lagi akong may ibinibigay sa kanya, pero ngayon ay wala. Hindi ako nakapaghanda dahil sa sobrang busy sa school.

He smiled, his perfect set of teeth shone.

"Well, in that case..." Ngumiti siya muli at inilapit ang pisngi niya sa akin. Alam kong nagbibiro siya pero walang pag-aalinlangan na hinalikan ko nang mabilis ang kanyang pisngi. Tila naging bato siya sa ginawa ko. Napangiti ako. I strucked him, huh?

Nagsimula na akong naglakad papalayo habang malapad ang ngiti. Nang maramdaman ko ang kamay ni Zeus sa aking siko. He pulled me back where he stand. Kumunot ang noo ko nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. Unti-unting napawi ang ngiti ko.

Hindi ako nakakilos when he licked his lower lip. Para akong bata na nag-aabang na matikman ang isang matamis na bagay. My eyes stayed wide open when he slowly made a move so our lips would touch. Marahan niyang kinagat ang pang-ibabang labi ko. A moan escaped my lips. Gusto kong batukan ang aking sarili dahil sa reaksiyon kong iyon.

He teased my lips with his warm breath. I let my lips part and he made a way to the contours of my mouth. My body froze but I am enjoying every bit of it. Para akong baliw na tinatakasan na rin ng lakas.

Zeus gently caressed my lower back. It sent me shivers. Nang maghiwalay ang mga labi namin, parang gusto ko pang humirit nang ilan pang halik, pero napigil ko ang sarili ko.

He rested his forehead on mine, and our noses already touched. Napalunok ako dahil sa intensidad.

"Happy birthday, Selene..." His voice sounded sexy. Halos tunawin ako ng titig niya. Nagsisimula na naman akong sumimangot pero ngumiti lang siya.

"Namamaga ang labi natin!" reklamo ko. Kitang-kita ko kasi ang kanya, mas lalo itong namula, but it looked more appealing!

Pinatakan niya ako muli ng mabilis na halik sa labi.

"Nasasanay ka na, ha!" Gusto ko sanang maging masungit ang boses ko pero tila naging lambing lang iyon dahil bumaba muli siya para sa isang halik. Ngayon ay talaga namang nakangiti na siya.

Nagtakip ako ng mukha. I should have known that Zeus really is a flirt! Tinatago lang talaga niya madalas dahil sa pagpo-poker face niya.

Nang araw na 'yon, umuwi kami na parang walang nangyari. We don't really talk as much tuwing nasa bahay kami. Si Daddy lang ang laging kausap ni Zeus at ako naman ay palaging binubuntutan ni Sue. The only change that happened is we always go to school and home together. Hindi na nagtatanong sina Mommy kung bakit. I bet mas gusto nila na close kami.

"Selene..." Ngumiti si Zeus nang akmang bababa na ako sa kanyang sasakyan para pumasok.

I rolled my eyes at him, binitiwan ko ang door handle at humarap sa kanya. He leaned closer to me. I closed my eyes and I waited for his kiss. This happens the whole damn time! We make out secretly. Sinusunod ko ang luho ng katawan ko. I want the feel of his lips. I want its warmth and the energy it gives me.

He stopped slowly. The kiss is always enchanting. Inabangan kong magsawa ako sa ginagawa namin, but ghad! It seems like ages! Ganito kami pagkatapos noong 19th birthday namin, at ngayon ay patungo na kami sa 20th birthday namin na wala kaming ginawa kundi mag-makeout nang palihim.

Dahan-dahan niyang iniangat ang mukha niya habang nananatili ang mga mata sa akin.

"Have a good day today, Selene," aniya.

Umirap akong muli.

Malambing niyang hinilot ang aking noo. "Ang pinakamasungit na babaeng nakilala ko," he declared.

"E, bakit mo ako hinahalikan?"

"Bakit pumapayag ka?" pilyong sagot niya. Mas lalo akong sumimangot.

"Sige, 'wag na!" padabog kong sabi. Lalabas na sana ako ng sasakyan niya nang muling hilahin niya ang kamay ko at ibinagsak ang ulo ko sa dibdib niya.

"I like you." He sighed like it is the most impossible thing that might happen to him but he ended up accepting it. "I like you and it is crazy."

Hindi ako nakasagot. Mas hindi ko maiwasan ang pagkapit sa kanyang T-shirt. Halos mapunit ko pa iyon.

"Kahit ikaw pa ang pinakamasungit na babaeng nakilala ko, I ended up liking you. Kahit ang hirap-hirap mong abutin, Selene, I like you," sunod-sunod na deklara niya. It felt special but I don't want to give in.

Ngumuso ako and said in a small voice, "I don't like you."

He laughed softly. "I know. You don't have to."

Nag-angat ako ng tingin. Nakita kong nakatitig lang siya sa akin. Gumapang ako sa kanyang binti. Doon ako naupo at hinarap siya. I traced my fingers to his face, napapapikit pa siya habang ginagawa ko 'yon. He bit my finger when it touched his lips. Marahan kong sinabunutan ang buhok niya at ginulo ang pagkakaayos nito pero imbes na pumangit, mas bumagay sa kanya iyon. The hell to those girls that would probably die where I am right now.

"Bawal ka magpapogi ngayon. Magagalit ako sa 'yo," bulong ko.

Tipid siyang ngumiti at tumango.

"Hindi ka pupuwedeng makipag-usap sa kahit sinong babae," bilin ko muli. "Hindi ka pupuwedeng makipag-away."

Malapad siyang ngumiti. I can see those perfect sets of teeth again and his grin makes him look boyish and so damn good-looking.

"Saka gusto ko, sabay tayong kakain ng lunch." Sumiksik ako sa kanyang leeg para takpan ang pamumula ng mukha.

God! So much for not liking.

"But I don't like you," I whispered without any conviction. Dammit!

His hands touched my waist. Malambing siyang humilig sa balikat ko.

"Okay, you don't like me," ulit niya.

I crumpled his shirt within my reach. Naghahanap ako ng makakapitan sa nararamdaman ko. But where I hang on is not that sturdy. Tuluyan akong nahulog...

Nang nahulog...

Hanggang sa bumagsak...

At walang sumalo. 'Yon ang pinakanakakalungkot na bagay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro