Chapter 8. Double Date
"Let's do a double date"
Chapter 8. Double Date
Binigyan ko ng masamang tingin si Andres ng makarating kami sa tapat ng aking kwarto. What the heck happened? "What?" tanong niya. Pinanlakihan ko siya ng mata. Ngayon tinatanong niya kung bakit? "Bakit ka pumayag sa double date na yon?" inis kong tanong.
Nagsalubong ang kaniyang kilay. "At bakit hindi? Hindi naman talaga tayo nagdidate diba?" nagtaas baba ang kilay niyang magkasalubong kanina pagkatapos ay ngumiti siya ng nakakaloko sa akin. Hinampas ko siya ng malakas sa kaniyang braso. "Of course not! Ang punto ko lang ay hindi naman natin siya kilala. Ang awkward naman kung ganon. Saka mag fiancé ang dalawang yon, kailangan natin silang bigyan ng space." Pangungumbinsi ko sakaniya para hindi na kami tumuloy sa double date. Mag PDA pa sila sa harapan namin. Pwede naman kasing kaming dalawa nalang diba? Friendly date ganon' hindi yung kasama pa namin sina Sankisz at Ruiz.
"Hindi iyon magiging awkward, trust me. Mag ayos ka na alam ko namang matagal kang magayos." Natatawa niyang sabi. Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi na ngayon!" pagtatanggol ko sa sarili.
He make face. "Lies." Sabay kaming natawa, Andres really know me kahit pa mga maliliit lang na detalye tungkol sa akin ay alam niya. Nagpaalam ako sakaniya para makapag ayos na, tumango siya at babalik nalang daw siya mamayang 7pm para sunduin ako.
Bumuntong hininga ako. Pilit kong iniiwasan si Ruiz pero bakit lagi namang nagtatagpo ang landas namin gaya nito? He even asked to do a double date. Para saan? May balak ba siya? At bakit niya inutusan si Sankisz na humingi ng tawad sa akin kanina? Hindi sa ayaw ko, actually that was the first time Sankisz said sorry to me. Arggh, why does he care? Alam kong mali pero hindi ko mapigilang hindi mapangiti.
Nagsuot ako ng black dress na umaabot hanggang sa aking hita saka ko ito pinatungan ng leather jacket na may kulay na black at nude. Pagkatapos ay pinaresan ko ito ng kulay nude din na pumps. Nakapaglagay na din ako ng light make up at nakulutan ko na rin ang dulo ng aking kulay blonde na buhok.
"Hey, antagal mo. Tapos ka na ba?" rinig kong tanong ni Andres sa akin mula sa labas ng aking kwarto. Anong oras na ba? Tinignan ko ang orasan sa wall clock, 7:05pm na pala. Kinuha ko ang aking sling bag na nakapatong sa aking kama. Muli kong tinignan ang aking kabuuan sa full body na salamin bago tuluyang lumabas sa kwarto.
Nakita kong umawang ang bibig ni Andres ng makita ako. "Akala ko bang hindi to date? Bakit parang handang handa ka ata?" ngiting asong tanong niya. Inirapan ko lang siya. "Hindi ito date." Paninigurado ko.
"Sabi mo e. Tara na?" Yaya niya sa akin. Tumango ako at sumunod sakaniya. Wala na si Sankisz kaya siguradong nauna na ito.
Hindi ko alam pero bakit parang kinakabahan at the same time ay naeexcite ako sa double date na ito? Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang mamahaling restaurant na may apat na palapag. Bakit apat? Ano bang meron sa loob niyan? Inalalayan ako ni Andres hanggang sa makapasok kami sa loob. Nagtanong si Andres sa reception kung nasaan ang pinareserve ni Ruiz. Sinamahan naman kami ng isang server papunta sa rooftoop. This is it, sa tingin ko pagkatapos ng gabing ito ay magpapaalam na ako sa aking trabaho.
"Really iyan talaga ang una mong inorder?" hindi makapaniwalang tanong ni Ayvren kay Sankisz. Nagorder kase ito ng beer, may balak ba siyang maglasing? Wala pa ang mga kasama nila pero naguumpisa na itong uminom. Can't she wait?
"Wow, kinakausap mo ako?" nakangiting tanong ni Sankisz sakaniya. Simula kase ng makarating sila sa restaurant ay hindi niya ito kinakausap kaya siguro nagtaka ito. Hindi sumagot si Ruiz at muli siyang tumingin sa entrance ng rooftop. What took them so long?
Pinagmasdan niya ang itsura ni Sankisz. Pupunta ba ito sa isang club? Sankisz is wearing very short clothes. May pagka-kapal din ang make up niya. "Stop talking." Walang emosyong utos nito sa kasama. Naririndi siya sa boses nito, napakaarte.
"You're right, no more talking let's sneak to the bathroom. Gusto ko ng alisin ang pants mo gamit ang mga ngipin ko." May pang aakit na sabi nito sakaniya. Napailing na lang si Ruiz. He's not turn on at all. "If you say one word again I won't hesitate to cut your tongue." Pagbabanta niya, but Sankisz just chuckled. "Alam mo ang hot mo kapag ganyan ka. Mas lalo tuloy akong natuturn on sayo." Sabi nito saka ininom ang beer na nasa tabi nito. Ruiz just rolled his eyes. Nonsense, it looks like she has a low tolerance on alcohol dahil namumula na ito.
Bakit ba ang tagal dumating ng taong hinihintay niya? Si Keith lang ang rason kung bakit naisip niya itong walang kwentang double date na ito. Gusto niyang siya lang ang laman ng isip ng dalaga sa buong gabing ito. Wala ng iba pa. Siya lang.
His eyes lighten when he saw the beautiful woman walking towards their table. She looks so simple and adorable but she takes his breath away the moment she walks in. Hindi niya inalis ang tingin sa dalaga hanggang sa makaupo ito sa tabi niya. "Good evening, Mr. Lebeaoux." Bati ng lalaking kasama ni Keith sakaniya pagkatapos ay naupo na ito sa tabi ni Sankisz paharap kay Keith.
"It's beautiful in here." Komento ni Andres sa buong restaurant.
Ang buong rooftop ay naiilawan ng mga nakasabit na maliliit na bumbilya sa taas. Sofa ang mga upuan kaya't parang nasa bahay ka lang. May pool sa may gilid kung gusto mong mag swimming at mayroon ding mga puno na hindi nila inaasahan, it's really refreshing lalo na't nakikita nila ang ilang city lights ng Makati sa pwesto nila. "Oo nga ang ganda nga rito." Nakangiting sang ayon ni Keith, her dark eyes twinkled like a star. Hindi maiwasang hindi mamangha ni Ruiz sa babaeng katabi niya. So pure, so innocent.
"Syempre kay Ruiz ang restaurant na ito." pagsusungit ni Sankisz kay Keith. "Sigurado naman ako na ito na ang pinaka magandang restaurant na napuntahan mo sa buong buhay mo, diba Keith?" may panguuyam sa boses nito. Yumuko lang si Keith.
"So anong kakainin natin?" pagiiba ni Keith sa usapan na mukhang iniiwasan ang pakikipagtalo sa pinsan.
"What do you want?" Ruiz asked. Inabot niya ang menu at pinapili niya ito ng makakain. "Anong inumin sa inyo?" he ask again.
"Mango juice sa akin, hindi ako umiinom ng alak." Nahihiyang sabi nito sakaniya. Lihim na napangiti si Ruiz.
Minutes had passed at dumating na ang pagkain na inorder nila. Kaniya kaniya sila sa pagkuha ng mga order nila. Sinimulan ni Keith ang pagkain dahil kanina pa siya nagugutom. Ruiz can't help his self but to adore Keith, she doesn't know that she looks so sensual while eating. Worth it ang pakikinig niya sa walang kwentang kwento ng pinsan nito kanina.
Now he wonders how her skin feels like right now. Kitang kita niya ngayon ang mapuputi niyang mga hita sa ilalim ng mesa. Nahawakan na niya dati ang kamay at braso nito pero hindi iyon ganon katagal. He wants to touch her longer than before. Her soft skin is like cotton, and he's addicted to it.
Muntik na akong mabilaukan ng maramdaman ko ang mainit at malambot na kamay ni Ruiz sa aking hita. My body trembled. His touch made goose bumps all over my body. Marahan akong napapikit sa sensasyong nararamdaman ko. I don't know why but I really want to feel his touch. Humarap ako sa kaniya at ang kaniyang kulay tsokolateng mga mata ay nakatitig sa akin. He's waiting for my reaction and a proud wicked grin appeared in his lips when he saw what he wanted to see. He's enjoying this, he's enjoying the effect he had over me. At eto ako, hinahayaan siyang gawin ito saakin.
His eyes were filled with lust and desires as they looked at me, and then he give me a playful wink. Hindi niya inalis ang kaniyang kamay na komportableng nakapatong sa aking hita. Nanigas ako sa aking kinauupuan ni hindi ko mapikit ang aking mga mata. I felt my blood running towards my head. Ang init ng pakiramdam ko. Inalis ko ang tingin sa kaniya at huminga ako ng malalim.
This is wrong, but at the same time it felt so right.
Nanlaki ang mga mata ni Andres. "Keitha!" sigaw nito na ikinabigla ko. Inalis ni Ruiz ang kaniyang kamay sa aking hita. "Anong nangyari?" inosenteng tanong ko. Hindi naman siguro niya nakita ang paghawak ni Ruiz sa hita ko hindi ba?
"Sankisz passed out." Aniya. Tinignan ko ang aking pinsan, tama siya. Nakasubsob ang ulo ni Sankisz sa mesa. Ilang baso ba ng beer ang nainom niya at nalasing siya ng sobra? "Kailangan na natin siyang ihatid." Pahayag ko. Sumangayon naman sa akin si Andres kaya't tumayo na kami sa aming kinauupuan at inalalayan namin si Sankisz.
"Mauuna na kami, Mr. Lebeaoux." Paalam ni Andres kay Ruiz ng makarating kami sa parking lot. "Tara na, Keith." Baling niya sa akin. Tumango ako at hinila si Sankisz papunta sa kotse ni Andres. Pinigilan kami ni Ruiz bago pa kami tuluyang makapasok.
"Wait, nagsstay kaba sa mansion ng mga Gonzaga?" tanong ni Ruiz kay Andres. Tumango naman si Andres, "Oo, mag sstay ako doon ngayong gabi." Sagot niya.
I saw Ruiz jaw tighten. "Kailangan kong umuwi sa dorm ngayon, maaga pa kasi ang klase ko para bukas." Sabi ko kay Andres.
"Ah ganoon ba? Osige mauna na kitang ihatid." sabi niya. Biglang humigpit ang hawak sa akin ni Sankisz, bago pa ako makapag react ay nasuka na ito. Mabuti at sa sahig dumiretso ang inilabas niya at hindi sa aking damit.
"Satingin ko'y kailangan mo nang ihatid si Sankisz." Pahayag ni Ruiz kay Andres. "May pupuntahan ako sa Poblacion kaya ako na ang maghahatid sayo." Baling sa akin ni Ruiz. Namilog ang aking mga mata. No way! "H-hindi na ayos lang. Sasama nalang ako kay Andres na maghatid." tanggi ko. Ayaw ko siyang makasama sa iisang sasakyan lalo na sa nangyari kanina, nakakahiya!
"Tama ka, Mr. Lebeaoux. Keith sumama ka na sakaniya." Pinanlakihan ko siya ng mata. Seryoso ba siya iiwan niya ako sa lalaking ito? Bakit ko ba siya naging kaibigan? Tell me.
"I won't kidnap you." walang buhay na sabi ni Ruiz na ikinatawa ni Andres.
Kinuha ni Andres si Sankisz mula sa akin at isinakay ito sa passengers seat. "Tawagan mo ako kapag nakauwi kana." sabi niya saakin. Umikot si Andres sa sasakayan at sumakay sa driving seat saka tuluyan na akong iniwan. Ngayon kaming dalawa nalang ni Ruiz ang nakatayo sa parking lot. Argghh! I hate my life!
"Let's go." Sabi niya at naglakad papunta sa sasakyan niya. Sumunod ako sakaniya hanggang sa tumapat kami sa kulay orange na Audi R8. Namilog ang aking mga mata. Bago na naman ang sasakyan niya? Nasaan yung mustang niya?
"How dare him to do this!?" sigaw ni Lazarus. Galit na galit ito dahil namatay ang dalawa sa mga pinakainaasahan niyang tauhan.
"Pinaguusapan natin dito ang Malvagio boss. He's so unpredictable, hindi natin alam kung ano ang plano niya. Sinabi niya na papatayin niya tayo kapag nakita nila tayo sa kaniyang teritoryo." Natatakot na sabi ng isa sa kaniyang mga tauhan.
"I don't f-cking care!" panduduro ni Lazarus lalaki. "Pinatay niya ang mga tauhan ko, he will pay for this!" kitang kita ang ugat sa leeg nito dahil sa gigil.
"Boss, hayaan na natin iyon. Mas mabuti pa kung mag move on na tayo sa nangyari. Wala tayong laban sa kaniya." Suhestiyon ng isa sa mga tauhan ng Black Rebels. Triple ang bilang ng Malvagios kumpara sa kanila, at hindi lang sila basta basta dahil bugbog sa training ang mga ito. Wala silang laban.
"Don't tell me what to do! I'll inform the Don about the Malvagios." Tumalim ang mga mata ni Lazarus at ngumiti ng nakakaloko. Hindi dapat minamaliit ng Malvagio ang mga Black Rebels, who knows what will happen next? "Ayvren Ruiz Lebeaoux, the war is on."
Ang awkward at ang tahimik ng aming byahe. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita. His face was expressionless and calm na para bang walang nangyari kanina sa restaurant. Wait, nangyari ba talaga iyon? O guni guni ko lang ang lahat? Umiling iling ako. Hindi eh, it really happened. The way he touched me, the way he winked at me, and the way he grinned at me wickedly para akong natutunaw sa aking kinauupuan kanina. It was real.
Gumalaw si Ruiz at pinindot niya iyong radyo sa kaniyang sasakayan. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. He's back in his cold treatment again.
I look and stare so deep in your eyes
I touch on you more and more every time
Sa dami ng kanta na pwedeng lumabas sa radyo bakit itong kanta pa na ito? Crazy in love by Beyonce. Hindi ako makapagpokus sa daan dahil bumabalik sa utak ko yung nangyari kanina. Sampung minuto palang ang lumilipas simula ng huli siyang magsalita pero gusto ko ng marinig muli ang kaniyang boses. "How was the dinner?" he asked. His deep voice is like a song in my ear.
"It was hot." Wala sa sarili kong sabi. Wait... what?! Lumaki ang mga mata ko ng marealize ko kung ano yung sinabi ko. Tumingin siya sa akin at naglalaro ang ngisi sa kaniyang mga labi. "I mean the f-food. The food was h-hot." Oh my god, Keith anong pinagsasabi mo sana'y mailusot mo iyon.
"Of course it is." Nakangiting sabi nito sa akin. "Bakit sa Poblacion?" tanong niya. Kumunot ang noo ko, why is he asking?
"Mura kase ang upa ng mga dorm dito tapos medyo malapit din sa Brent College" I said honestly. Aware ako na ang Poblacion ang pinaka mapanganib na lugar sa Makati pero anong magagawa ko? Kailangan kong magtipid. "Saka malapit lang dito yung pinagtatrabuhan ko." Dagdag ko. Lumingon sa akin si Ruiz, ang kaniyang kaliwang kilay ay nakataas. Oh em Keith! Pinapahamak mo ang sarili mo!
"Saan ka nagttrabaho?" tanong niya. Oh shit, oh shit! Bakit ba hindi ko makontrol ang aking bibig?
Lumingon ako sa daan, napangiti ako. "Nandito na pala tayo. Hindi ko napansin." Nakangiting sabi ko. Woooh save by the road! Itinigil niya ang sasakyan sa gilid at pinatay ang makina nito. "Maraming salamat." I smiled to him, tumango lang siya sa akin at lumabas na siya sa drivers seat pagkatapos ay pinagbuksan niya ako ng pinto.
"Hm, mauna na ak—"No, ihahatid na kita hanggang sa tapat ng dorm, since oras na at baka mayroon pang masamang umaaligid diyan." Seryoso niyang sabi. Hm ow..kay? Hindi na ako nakipagtalo at hinayaan ko na lang siya. Nauna na akong naglakad habang nakasunod siya sa likuran ko.
Tatlong bahay muna ang madadaanan bago ang building ng dorm kung saan ako tumitira. Halos mga estudayante rin ang mga nakatira dito.
Hindi ko napansin na nasa tapat na pala kami sa building ng dorm. Nasa ikalawang palapag ang aking room kaya't kailangan pa naming gumamit ng hagdan. My mind is so occupied with so many things. Nang nakarating kami sa harapan ng pinto'y dali dali kong kinuha ang susi sa aking bag at minadali ko ang pagpasok ng susi sa doorknob. Pero sa kamalas malasan ay hindi ko ito mapasok, my hands were shaking and I don't know why. So here I am, struggling. Nasa likod ko si Ruiz and his presence didn't help. "Ako na." presinta niya.
Bago pa ako makalingon sakaniya'y naramdam ko na ang kaniyang mainit na katawan mula sa aking likod. Ipinadausdos niya ang kaniyang kamay sa aking braso pababa sa aking kamay at kinuha ang susi. Hindi ako makagalaw. His lips brush against my neck, nakaramdam ako ng kiliti ng maramdaman ko ang mainit niyang hininga. I let out a soft moan without even realizing. "Look at me." Utos niya. Humarap ako sakaniya at nagtama ang aming mga mata. His hand reaches my chin. "Don't make that sound again, at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko."
"W-what?" nauutal kong tanong. Hindi niya ako sinagot bagkus ay ipinulupot niya ang kaniyang kamay sa aking bewang at hinila ako papalapit sakaniya. Magkadikit na magkadikit ang aming katawan. Ang isa niyang kamay ay nasa aking hita at hinahaplos iyon. Paarang may sariling utak ang aking bibig at kusa itong naglikha ng tunog na ipinagbawal sa akin ni Ruiz.
"F-ck self control."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro