Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6. Family Dinner

Chapter 6. Family Dinner


"Ruiz, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakaniya. Ngumiti siya pagkatapos ay lumapit siya sa akin. Parang nakalimutan ko kung paano ang huminga, at bakit kumakalabog ang aking dibdib sa mga oras na ito? Anong nangyayari sa akin? Ngiti lang iyon.

I looked at him again. He's wearing a white dress shirt, na nakatupi hanggang sa siko niya. Kulay navy ang pants niya na medyo fitted sa kaniya na pinaresan niya ng loafers. He's smokin' in his outfit. Damn Sankisz, ang swerte mo! Bakit ang gwapo ng fiancé mo?

"Ms. Donahue?" pagtawag niya na nagpabalik sa akin sa realidad. Damn his deep manly voice, it always sent shivers down to my spine.

"Y-yes?" nauutal kong sagot. Wait, bakit alam niya ang apelyido ko? Uncle Gab didn't mention my surname to him. "It's nice seeing you here. Papunta ka din ba sa dinner?" tanong niya. Napakamot ako sa aking batok bago tumango. Anong bang ginagawa niya sa lugar na ito? Hindi naman siguro dito yung bahay nila dahil walang mansyon sa Poblacion.

"Great, let's go together." He said smiling at me. Ano daw? Sabay kami? No! That's the last thing I want to do right now. Kailangan kong umiwas sakaniya. Kailangan kong ilayo ang sarili ko sakaniya, mahirap na at baka mahalata niya na isa ako sa mga servers niya sa Gentleman's. Hindi niya pwedeng malaman na ako si Dally Moore.

"Ah, hindi na. Mauna ka na. Kaya ko na ang sarili ko." Pagtanggi ko. Ngumiti ako sa kaniya para naman hindi akong magmukhang bastos.

"This place is dangerous, at gabi na. Come on, I insist." Pamimilit niya sa akin. Iniisip ko palang na makakasama ko siya sa iisang sasakyan parang mawawala na ako sa aking katinuan.

Ngumiti ulit ako sakaniya. "It's totally fine. Ayaw ko ng makaabala pa. You can go now." Please naman makisama ka. Wag mo na akong pahirapan, Ruiz. Mas lalo akong tatagal dito hangga't hindi pa siya umaalis. The time is ticking, siguradong hinihintay na ako ni Uncle Gab. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana'y hindi ko na tinanggihan iyong pagpapasundo ni Uncle para sa akin.

Ruiz moved, ang akala ko'y aalis na siya ngunit binuksan niya iyong passengers seat at muli niya akong hinarap. "Hindi ako aalis dito hanggat hindi ka sumasakay. We're family now, at responsibilidad ko na ang kaligtasan mo." May pinalidad sa kaniyang boses na para bang wala akong karapatan para tanggihan siya.

Family? He's right. Magiging pamilya ko na siya kapag tuluyan na silang ikinasal ni Sankisz. Naglakad ako papunta sa mustang niya pagkatapos ay naupo ako sa passengers seat. Matte black ang interior nang kaniyang sasakyan at wala akong makita na ibang kulay kundi itim. Nanuot sa aking ilong ang amoy ng isang mamahaling leather pati na rin ang kaniyang pabango. Nasuot ko na ang seatbelt bago pa siya tuluyang nakapasok sa loob. Isinandal ko ang aking ulo sa may bintana pagkatapos ay ipinikit ko ang aking mga mata. Kailangan ko siyang iwasan, at hindi makakatulong kung mag uusap kami sa byahe.


Iminulat ko ang aking mga mata ng maramdaman kong tumigil ang sasakyan. Nasa tapat kami ng isang restaurant na may tatlong palapag. Umiilaw at agaw pansin ang nakasulat na THE LEBEAOUX. Ito ang pinaka sikat na restaurant sa Makati, it is known for serving the best Italian food pero hindi lang doon iyon dahil nagsiserve din sila ng mga iba pang country food. Balita ko ay may iba pa itong branch sa iba't ibang bahagi ng bansa. I'm amused, pag mamay ari din pala nila ito. Siguro'y mga bilyonaryo talaga ang mga Lebeaoux. "We're here, let's go?" pagyaya ni Ruiz sa akin.

"A-ahm, mauna kana sa akin. Ayaw ko namang makita ni Sankisz na sabay tayong dumating." Sabi ko. Ayaw kong mamis-interpret niya iyong pagsasabay naming dalawa, at hindi rin matutuwa si Auntie Emily kapag nakita niya kaming magkasama.

"Okay, you go first." Aniya, umiling ako. "No, mauna kana you are more important than me." Besides para sakanila naman talaga itong dinner, hindi naman ako importante. Tumango lang si Ruiz pagkatapos ay lumabas ito para pagbuksan ako ng pinto. Lihim akong napangiti, he's too gentleman.



Pumasok si Ruiz sa may VIP room, naroon na ang lahat at mukhang masaya sa pagkukwentuhan. Tumayo si Sankisz sa kinauupuan niya at nilapitan siya. "Kanina ka pa namin hinihintay." Malambing nitong sabi sa kaniya. Kinabig niya ang kamay nito na isusukbit sana ni Sankisz sa braso niya.

"Akala ko'y hindi kana pupunta." Sabi ng kaniyang Papà. May diin sa boses nito na mukhang hindi nasiyahan sa pagiging late niya. Hindi niya ito pinansin at umupo na siya sa may bakanteng upuan. Giniya pa siya ni Sankisz sa tabi nito pero hindi siya sumunod. Ayaw niyang makatabi sa upuan iyong bratty b-tch princess fiancé niya kuno.

"Ipaserve na ang mga pagkain." Utos ni Emily sa mga server na naroon. "Wait, Keitha isn't here yet." Ani Gabriel. Emily rolled her eyes. "She's not important."

Walang nagawa si Gabriel kundi ang sumunod sa kaniyang asawa. Tumalim ang mga mata ni Ruiz sa sinabi ng ginang. She's not important? Anong oras ba matatapos ang dinner na ito? This dinner is so uninteresting and boring.


Keitha Pov

Nasa tapat na ako ng VIP room kung saan naroon na ang lahat. Nagdadalawang isip pa ako kung papasok ba ako o hindi. Ayaw ko namang makuha ang atensyon ng lahat kapag nakapasok na ako. I hate this, but there's no turning back. Huminga muna ako ng malalim saka tuluyang binuksan ang pinto.

As I expected, everyone is here now. Nakatingin ang lahat sa akin maging si Ruiz. "Oh andito ka na pala?" Auntie Emily said in her most bored tone. Tinignan ko si Sankisz at ganon din ang tingin niya sa akin. It looks like they weren't happy to see me here at ineexpect ko naman iyon, wala namang bago.

"Maupo kana Hija." Uncle Gab said while smiling at me. Tumango ako at naghanap ng mauupuan. I smiled at Kuya Wade, nagbalik na pala siya. May dalawang tao na ngayon ko lang nakita, siguro'y kapamilya sila ng mga Lebeaoux. Tumayo si Ruiz at hinila iyong upuan sa tabi niya. "Dito ka na." Malamig niyang sabi. He didn't smile or what. He's back again in his blank face. Naiintimidate ako kapag ganito siya. Parang kanina lang ay napakawelcoming niya pero ngayon parang kasing lamig siya ng yelo.

"Ow napakagentleman naman ng fiancé ko." Nakangiting saad ni Sankisz na mukhang kinikilig pa. Bumaling naman siya sa akin saka tumayo. "Dito ka na sa upuan ko, ako na tatabi sa fiancé ko." Aniya. Tumango lamang ako. May diin sa bawat pagbigkas niya ng fiancé ko na animo'y pinaparating niya sa akin na kanya lang si Ruiz. Aware naman ako doon at wala naman akong balak na agawin ang fiancé niya sakaniya.


"Mabuti at narito na ang lahat, I'd like to introduce my family." Panimula noong lalaki, kung hindi ako nagkakamali ay ito ang ama ni Ruiz. And his name is Mr. Pancho Lebeaoux. By looking at him, he's like an older version of Ruiz. They have the same features. Mukhang sakanya niya namana ang kagwapuhan at kakisigan. Okay, I'm talking nonsense.

"This is my wife, Danica Lebeaoux. And beside her is her brother Francis Corpuz." Pagpapakilala nito sa dalawang hindi pamilyar sa akin. Nginitian ko iyong asawa nito pati ang kapatid nitong si Francis. Francis looks older than me, sa tansya ko ay nasa thirties na ito.

"Nakita niyo naman na lahat ng pamilya ko maliban sa aking unico Hijo." Ani Uncle Gab, saka niya inakbayan si Wade na nasa tabi nya. "This is Wade Gonzaga, my son. Hindi siya nakaattend noong engagement party dahil nasa ibang bansa siya for business." Maasahan talaga ni Uncle Gab si Wade sa mga ganitong bagay lalo na sa pagpapatakbo sa Gonzaga's Pharmaceuticals.

Bumaling sa akin si Uncle Gab at nakangiting tinuro ako. "That is—"That's Keitha, my niece. She stays with us." Pagpuputol ni Auntie Emily sa dapat sabihin ni Uncle. But I'm shook, ito ang unang pagkakataon na ipinakilala niya ako bilang pamangkin niya. Lagi kase nitong sinasabi na inampon nila ako dahil wala na akong pamilya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano. Tumango tango si Uncle Gab saka ngumiti. "Matanda siya ng isang taon kay Sankisz." Dagdag ni Uncle Gab.

Ang lahat ng atensyon ay nasa akin muli, I feel so uncomfortable. "So anong ginagawa mo ngayon, Keitha?" tanong ni Mr. Pancho sa akin. Napalingon ako sa gawi ni Ruiz. Those sets of dark brown intimidating eyes where looking at me again. Iniwas ko ang tingin ko sakanya. Hinihintay ng lahat ang aking sagot. Tumikhim ako. "I'm a graduating nursing student at Brent College." Proud kong sabi, I should be proud right? I'm a nursing student. Actually gusto ko talagang magdoctor pero sa ngayon nursing muna dahil hindi ko pa kaya ang gastos. Magiipon muna ako pagkatapos non' ay magaaral ulit ako.

"That's nice Hija. Very impressive." Nakangiting komento ni Mr. Pancho sa akin. 

"Doon din nagaral at gumraduate si Francis." Nakangiting wika ni Mrs. Lebeaoux. Ngumiti naman ako kay Francis na nakangiti rin sa akin. I saw in my peripheral vision that Ruiz is looking at me so I looked at him too, at tama nga ang hinala ko nakatingin siya sa akin at ang kaniyang mga mata ay matalim na nakatitig sa akin. What's his problem?

"That's great, nakapasa naman si Sankisz sa St. Scholista College pero hindi na siya tumuloy." ani Auntie Emily. Hindi na tinuloy ni Sankisz ang pag aaral niya dahil hindi naman daw nito nakikita ang sarili  na nagttrabaho besides mayaman naman ang kaniyang ama kaya kahit hindi ito magtrabaho at nakapagtapos at mabubuhay pa din siya. "Saka mas maganda na iyon dahil mas mabibigyan niya ng maraming oras ang fiancé niya. Ganoon naman ang role nating mga babae, ang maging mabuting misis para sa asawa natin." Pagmamalaki ni Auntie. Is she serious?

"St. Scholista needs a student who has an average of 86 and up, and Sankisz only got 74. Pumasa at nakakuha din ako ng full scholarship sa St. Scholista but I chose Brent College kase mas maganda at mataas ang kalidad ng edukasyon nila roon." sabi ko. I don't mean to brag about it, pero dapat maliwanagan si Auntie na hindi lang dapat nasa bahay ang mga babae para sa mga asawa nila. Kailangan din nating mga babae na magtrabaho gaya ng mga lalaki. I saw amusement on their face, but not with Auntie and Sankisz.

"Hindi ko naman kasalanan na hindi ako isang nerd na loser. I have everything, so I don't need to have a degree. Besides ano pa ang silbi non' ikakasal na din naman ako." pagtataray ni Sankisz sa akin. She is really unbelievable, napailing na lang ako. Nakita ko ang disappointment sa mukha ni kuya Wade sa  sinabi ng kaniyang kapatid.

"Wala ka bang manners?" pagalit na tanong ni Auntie Emily sa akin. Parang gusto nang umusok ang kaniyang ilong sa galit but she tries to remain her composure. Pinagkrus niya ang kaniyang mga braso sa tapat ng kaniyang dibdib saka niya ako tinitigan ng masama. "Magsasalita ka lang kapag kinakausap ka, lalo na't mga high class ang mga kasama mo." 

"Alam mo Keith, dapat nga magpasalamat ka sa amin dahil pinalaki ka ng mga magulang ko noong namatay ang mga tanga mong magulang. You should know your place. You don't belong here pero mabait ang mga magulang ko at sinasama kapa namin sa ganitong pangyayari sa buhay namin." Pagtataray ulit ni Sankisz sa akin, so pati ngayon ay dinadamay na nila ang mga magulang ko?

"Exactly!" hilaw na natawa si Auntie Emily. "Isa kang malas sa pamilya namin. Show some gratitude and stop acting that you're better than us cause you're not. Isa ka lang palamunin." Nakataas ang kilay nitong sabi sa akin. Bumuntong hininga ako, ito ang dahilan kung bakit ayaw kong sumasama sa family gatherings kasama sila. Apak na apak at durog na durog ang aking pagkatao na para bang kasalanan ko na nabuhay pa ako sa mundong ito. I wanted to cry in front of them but no, I stop myself. I'm a strong woman lumaki ako na ganito na ang nakagisnan ko. Mababa na ako sa paningin ng iba at ayaw kong mas kaawain nila ako kapag umiyak pa ako sa harapan nila. Pinangako ko sa sarili ko na magiging successful doctor ako at kapag nangyari iyon hindi na muli ako titingin sa nakaraan ko.



Ruiz gave his  death glare to Gonzaga's family one by one. What is wrong with them? How dare them to speak sh8t to Keitha? Gabriel is a coward old man. He wants to speak but he remain silent. Hinahayaan lang niya ang asawa at anak niya na abusuhin si Keith. What the f8ck? Tumayo si Keith si kinauupuan niya at ngumiti. He saw sadness in her smile. "Excuse me, magpapahangin lang po ako." paalam niya.



"Ihapag niyo na ang dessert." Parang walang nangyaring sabi ni Sankisz. Lumapit ang lalaking server sakaniya and Sankisz give him a seductive smile. "Yes Ma'am."

"Ngayon wala na siya, We can eat with peace." Emily said and continue eating.

This is enough. "What the f8ck is wrong with you people?" Ruiz asked. May diin ang bawat pagbigkas niya. "Ganito niyo ba tinatrato ang pamilya niyo?" tumayo siya saka dinuro ang bawat isa sakanila. "You're all disgusting." He's voice is deep and calm but his eyes were saying other story. Kung pwede lang mamatay ang tao sa isang titig malamang isang malamig na bangkay na silang lahat. "Wala nang mas importante sa aming mga Lebeaoux kundi ang pamilya." He's right. Lebeaoux always priorities their family. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit nananatiling nasa top sila ng mafia world.

Bumaling siya kay Sankisz and he looked at her with disgust. "You have no right to insult anyone kung 74 lang ang average mo. Stupid b8tch. Mas mataas pa ang average ng mga elementary sayo. And you Mrs. Gonzaga." Bumaling siya kay Emily na para bang shock na shock ito sa mga nangyayari. Ruiz burst out and no one can control him, even his father. "Her parents died, your own sister. Tapos sasabihin mong malas siya? This is the last time na makikita ko ang ganitong pagtrato niyo sa kapamilya niyo. This is my one and only warning at kapag ginawa niyo ulit yon sa harapan ko sinisigurado kong hindi niyo magugustuhanan ang gagawin ko pagkatapos. Im out here Dad! " He said while he has this wicked expression in his face. He lost his sh8t, he has anger issues and no one can control him. Bago siya tuluyang makaalis humarap siyang muli sa mga Gonzaga na mukhang natakot sa banta niya.

 "I'll properly introduce myself, I'm Ayvren Ruiz Lebeaoux, The Wicked Mafia Boss of Malvagosian Mafia Clan. Remember what I said because you won't recognize your own self after I wickedly played my gun with your head." 



Tumatama ang malamig na hangin sa aking mukha. The cold breeze can't calm me down. Nakaupo ako sa bench sa labas ng restaurant. Pamilya ko ba talaga sila? I get it, hindi pamilya ang turing nila sa akin. Pero sobra naman ata? hindi na nila dapat idamay ang mga magulang ko na patay na sa ganitong usapan. Sana ako nalang at wag na nilang insultuhin ang mga magulang ko. "You're here" I was taken aback when a familiar deep voice spoke.

Anong ginagawa niya rito? He should be at dinner with them. I looked at his eyes. He's alluring dark brown eyes pierced through me like they were looking deep in my soul. He stared at me in his most intimidating but captivating eyes. Those eyes we're like a guiding light to my darkness life. I smiled bitterly, those eyes belongs to Sankisz. Not mine. It ached my heart, iniisip ko palang na ang mga matang nakatingin sa akin ngayon ay titingin din sa aking pinsan gaya ng pagtingin ng mga ito sa akin. Kailangan ko ng umalis dito ngayon. I need to stop this feeling building in my chest. I know this won't help me. "Excuse me Mr. Lebeaoux, sorry for causing trouble to you, salamat din kanina. Aalis na ako." paalam ko. I turned my back on him but he held me in my arms. Nakaramdam ako ng kakaibang kuryente na dumaloy sa akin. TF is that? "Wait. Ihahatid na kita."


Umiling ako. "No, ayos lang. Hindi naman na ako uuwi sa apartment. Uuwi ako sa mansion."


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro