Chapter 4. Second Daughter
"And with pleasure, I want you to meet my daughter and your fiancé, Sankisz Gonzaga."
Chapter 4. Second Daughter
Keitha Pov
Fiance? Eto yung fiancé ni Sankisz? I blinked thrice. So bakit niya hinalikan ang aking kamay? Why does he called me the most beautiful girl he have ever seen in this party? Shet, mukhang nauto ako ng kaonti roon ah? Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha na para bang naguguluhan. His curly hair fits him perfectly, his eyes, his nose and his kissable lips. Oh hell, his big ears were looks so charming, I can't help but to admire him. Matangkad ako pero mas matangkad siya sa akin he's obviously towering me. Nakaramdam ako ng kaonting pagkadismaya. He's clearly out of my league dahil siya ang mapapangasawa ng aking pinsan.
Kumaway si Sankisz kay Ruiz upang kunin ang atensyon nito saka ito ngumiti ng napakatamis. Wow, parang ngayon ko lang iyon nakita sa tanan ng buhay ko? "Maiwan na namin kayo. Satingin ko ay kailangan niyong mas makilala ang isa't isa." Nakangiting saad ni Uncle Gab sa dalawa.
"Tama iyon, and Keith." Bumaling si Auntie Emily sa akin at binigyan niya ako ng nakakauyam na tingin. "Pwede ka nang magkulong sa kwarto mo, we don't need your presence here." Ngumiti ako ng mapakla, masakit pa rin pala kahit paulit ulit nilang iparamdam sa akin na hindi nila ako kailangan sa buhay nila. Aalis na sana ako pero hinawakan ni Ruiz ang aking kamay. Kunot noo ko siyang tinitigan. Anong problema niya?
Bumaling si Ruiz kay Auntie Emily at matalim niya itong tinitigan. Nanigas ako sa aking kinatatayuan ng makita ko ang tingin nito. "Magsstay si Keith kasama namin." Walang emosyong sabi niya. Mas lalong kumunot ang aking noo, anong pinagsasabi niya?
Namilog ng bahagya ang mga mata ni Auntie at mukhang nabigla rin sa tinuran ni Ruiz. Wala na siyang nagawa kung hindi ang tumango, pagkatapos ay muli siyang bumaling sa akin at sa aking kamay na hawak ni Ruiz, binigyan nya ulit ako ng masamang tingin. Marahas kong binawi ang aking kamay. "I'm watching, Keith." May diing sabi ni Auntie saka hinila si Uncle papunta sa iba pa nilang bisita.
Bale apat nalang kaming natira na nakatayo sa may tabi ng hagdanan ng mansyon. Ako, si Sankisz, Si Ruiz at yung lalaking kasama ni Ruiz na kaibigan ata nito. By looking at him, seryoso siyang tao at parang ikakamatay mo kung magbiro ka sa harap niya. Oh god, bakit ba walang emosyon ang taong ito?
"Excuse me, Mister." Mataray na sabi ni Sankisz sa lalaki dahil nakaharang ito at mukhang nais niyang makatabi si Ruiz. Kusang tumaas ang kaliwang kilay nang lalaki. "I'm out, man." Aniya pagkatapos ay tinapik nito ang balikat ni Ruiz. Kaya't eto naiwan kaming tatlo. "Hello, my fiancé" Sankisz said with her most seductive voice while stripping her hands on Ruiz chest. Parang gusto kong masuka? Hello! Hindi ba niya nakikita na nandito ako? PDA much?
"Hindi nagkamali ang aking Daddy sa pagpili sayo, handsome." Ngumiti ito na nagpahatid ng kilabot sa akin, Ews. "I want to properly introduce myself, I'm Sankisz Gonzaga. Your future wife." Hindi mawala ang ngiti sa mukha nito.
Bored na tinapunan ni Ruiz ng tingin ang aking pinsan, "Ayvren Ruiz Lebeaoux."
This is so awkward, bakit ba nandito pa ako? Tama si Auntie Emily dapat nga na magkulong nalang ako sa aking kwarto, hindi yung tatayo nalang ako dito at makikinig sa usapan ng dalawa. I silently leave the place at hindi man lang nila napansin ang pag alis ko dahil seryoso silang naguusap sa kung ano man iyong pinaguusapan nila.
Bumalik na si Ruiz sa mga kaibigan, mabuti nalang at tinawag ni Emily ang anak kaya nagkaroon siya ng pagkakataon upang makaalis. Wala siyang panahon sa pakikinig sa mga kwento ni Sankisz sakaniya, she even tried to invite him to her bedroom!
"Back so soon, my man?" tanong ni Xanth ng makabalik si Ruiz sa bar counter.
"I was right, I really need to get drunk to survive this night." Nilagyan niya ng alak iyong basong naiwan niya kanina at mabilis na nilagok iyon.
"So Keith isn't your fiancé, I can make a move on her now." pilyong ngumiti si Wize.
Matalim ang tinging bumaling si Ruiz sa kaibigan. "Sure, if you want to die." His voice is so deep. Tumawa naman ng malakas si Wize, he's just kidding. Gaya kay Ruiz hindi rin siya handang pumasok sa isang relasyon. Mabuti nalang at walang ganoong rule ang kanilang Mafia kaya't malaya siyang gawin ang gusto niya. F-cking rule.
"You're so territorial I see." Sabat ni Fox ng hindi man lang tinatapunan ng tingin ang kaibigan.
"Can you all just shut up?" inis na sabi ni Ruiz. Dumako ang tingin niya sa babaeng nakasuot ng kulay pulang long gown. Lovely. Nakaharap ito sa malaking glass window at mukhang malalim ang iniisip. Ano kayang iniisip niya? He wants to know.
"Wize, hindi mo ba napansin? Parang ang harsh naman ata ni Emily sa isa niyang anak?" tanong nito sa kaibigan habang ang atensyon ay nakay Keith pa rin.
Uminom muna si Wize sa kaniyang baso bago sumagot. "Yeah right, hindi talaga mawawala ang favoritism sa pamilya minsan."
Keitha Pov
I was busy with my thought ng mapalingon ako sa may bar counter. May mga lalaking naroon na nagkukwentuhan habang umiinom ng alak. Pamilyar yung iba sa akin dahil nakikita ko sila sa mga magazines. Napako ang aking tingin sa lalaking nagmamay ari ng pinaka malamig na mata na nakita ko sa buong buhay ko. Parang kanina lang ay nakangiti ito pero ngayon wala siyang kahit anong emosyon sa mukha para siyang bato. Kusang kumunot ang aking noo, at bakit ba siya nakatitig sa akin? Dapat kay Sankisz niya ituon ang lahat ng atensyon niya at hindi saakin. Dapat ang pinsan ko ang tinititigan niya at hindi ako.
"Are you staring her?" Kylo asked.
"Yes he is absolutely." Natatawang sagot ni King.
Hinahanap ni Sankisz ang kaniyang fiance, she shouldn't left him pero tinawagan siya ng kaniyang ina upang ipakilala kay Mr. Pancho Martin Lebeaoux pagkatapos non ay dumiresto siya sa kaniyang kwarto at nagretouch ulit. She needs to look even more beautiful for her hot fiance.
Ilang sandali pa ay natagpuan na rin niya ito sa may bar counter kasama ang ilang mga lalaki. Oh God! She can't believe this! May mga gwapong nilalang sa kanilang mansyon! Bakit ba ang ha-hot nilang lahat? Ni isa sa kanila'y walang maitatapon. Pero mas magpopokus siya sa kaniyang fiancé na si Ruiz na nakatingin sa... Kumunot ang noo niya, bakit nakatingin siya kay Keith? Bigla siyang nakaramdam ng inis. Tinawagan niya iyong server na may hawak na tray ng champagne at kumuha siya ng dalawa.
How dare her? Pumunta siya kung nasaan si Keith. Nakatingin rin siya sa kaniyang fiance. Learn b-tch, learn. "Bakit mag-isa ka lang diyan?" may pagkamalditang tanong niya. Inabot ni Sankisz ang isang champagne glass kay Keith. "Here, drink this. Let's celebrate my engagement party." Pinaka diinan niya talaga iyong word na 'my engagement party'. She tried to smile to Keith but it turned into a fake one.
"I don't drink, Sankisz." Nakangiting sabi ni Keith at magalang na tinanggihan ang champagne na inalok niya.
Kumunot ang noo ni Sankisz, how dare her refuse the drink? No one refused her! Uminom muna siya sa kaniyang champagne glass, pagkatapos iyong inumin na para sana kay Keith ay binuhos niya sa kulay pulang gown nito. She heard Keith gasp, and it made her smile. Dahil iyon sa pagpapapansin niya sa kaniyang fiancé.
"Ooops." Ngumisi ito, "Satingin ko'y kailangan mo ng magpalit. Hindi naman ikaw ang bumili sa suot na iyan kaya ayos lang." pagkasabi niya non ay umalis na siya at tuluyan nang pinuntahan ang kaniyang fiance sa may bar counter.
Kitang kita ni Ruiz ang pagbuhos ni Sankisz ng champagne sa suot ni Keith, nakaramdam siya ng inis. Matalim ang titig niya kay Sankisz habang lumalakad ito papunta sa direksyon niya. "Nakakaboring no?" nakangiting wika ni Sankisz ng makalapit siya sa kaniya.
Akmang hahawakan sana nito ang matipunong braso ni Ruiz pero mabilis na nakailag ang binata. "I'm going home." Bored na sabi ni Ruiz.
"Yeah me too." Pagsang ayon ni Xanth. Tumango ang lahat at nagpasyang umalis na. They can't stay for any longer. Sankisz is a b-tchy brat princess. Wala ng nagawa si Sankisz ng sabay sabay silang tumayo at naglakad paalis.
Keitha Pov
Sunday came, hindi ako makapaniwalang sasabihin ko ito pero I miss college! Maaga akong nagpahatid sa aking dorm upang hindi ko na maabutan si Auntie Emily sa agahan, for sure aalipustahin lang niya ako at sasabihan ng kung anu anong masasakit na salita, gaya ng hindi ka nababagay sa lugar na ito dahil isa kang hampaslupa, basura at patapon.
"Ang aga mo naman ata para umuwi?" bungad sa akin ni Vaine pagtapak na pagtapak ko palang ng dorm. Nasa sala ito at prenteng nakaupo habang sumisimsim ng kape. Tinabihan ko siya at isinandal ang aking likod sa aming malambot na sofa. Dahan dahan kong minasahe ang aking mga paa dahil sumasakit ang mga ito. Augh, I hate wearing heels!
"Gusto ko na kasing magsuot ng kumportableng tsinelas." Pagbibiro ko.
Tumawa naman si Vaine, "Alam ko naman kung bakit ayaw mong nagtatagal roon." Yes she knows, kinwento ko na ang lahat sa kaniya. Kung paano ako tratuhin ni Auntie at ni Sankisz, believe me noong una akong nagkwento sakaniya gusto niyang sumugod sa mansyon upang kalbuhin raw ang aking pinsan.
"So ano pala ang announcement ng Uncle mo?" puno ng kuryosidad niyang tanong, mas inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin habang naghihintay ng sagot.
"Wala naman. Inanounce lang na ikakasal na si Sankisz." Walang buhay kong sabe habang patuloy na minamasahe ang aking mga paa. Muntik na maitapon ni Vaine ang hawak niyang kape at pinanlakihan niya ako ng mata. "Ikakasal na si Sankisz? Kanino?" kunot noong tanong niya. "Eh hindi ba may limang boyfriend yon?"
Tumango ako. "Yeah ikakasal siya sa isang hot na daga." Sabi ko. Wait, namilog ang aking mga mata. Nasabi ko ba iyon ng malakas? Napatakip ako sa aking bibig.
Binigyan ako ng isang makahulugang tingin ni Vaine. Oh here we again. "Did you just said, Hot na daga? So may lihim na pagtingin ka pala sa fiancé ng pinsan mo?" Tumawa ito ng nakakaloko. Mahina ko siyang tinampal sa braso. "Ano bang pinagsasabi mo!" bulyaw ko sakaniya.
"So anong itsura niya?" tanong niya. Itsura niya? Tandang tanda ko pa ang itsura niya, at parang nakatatak na iyon sa aking isipan. The way his dark brown eyes looks at me across the room. Those deep cold eyes. Napaubo ako ng bahagya. Ano bang pinagiisp ko.
Malalim ang iniisip ni Ruiz habang pinagmamasdan ang iba't ibang klase ng baril sa kaniyang warehouse. May shipment sila bukas at kailangan niyang ihanda ang mga idedeliver nila pero hindi siya makapagpokus sa ginagawa dahil ang laman ng isip niya ay ang babaeng may kulay blonde na buhay. Not his bratty fiancé, but Keith.
"What's up? Parang ang lalim naman ata ng iniisip mo?" Wize asked.
Hinilot niya ang kaniyang sentido. "Damn, I keep losing the count."
Natawa ng bahagya si King. "Mukhang iniisip mo yung babaeng nakilala mo kahapon."
Ruiz just give him a death glare. "Shut up, Clemonte."
"Niko, ikaw na ang magbilang rito." Utos ni Ruiz sa kaniyang tauhan. Mukhang hindi siya matatapos kung wala naman sa pagbibilang ang pokus niya.
Umupo siya sa couch kasama ang kaniyang dalawang kaibigan. Ano bang ginagawa nila sa warehouse niya? Wala ba silang trabaho? Napakaaga pa para pestehin siya ng mga ito. And he's really not in the mood at baka maputukan niya ng baril ang mga ito ng wala sa oras.
"You're fiancé is pretty dreadful." Pahayag ni Wize. Nakita din kase niya ang pagbuhos nito ng champagne kay Keith. Wize knows that Ruiz hates someone like her, mukhang mageenjoy siya sa takbo ng buhay ni Ruiz . He's too entertained.
Dumiretso si Ruiz sa study room ng kaniyang Papà ng makauwi siya, nakapagdesisyon na siya. "Ano nanaman ang pakay mo, Ruiz ? Kung kukumbinsihin mo ako para huwag ituloy ang kasal, wala kang mapapala sa akin." Pancho said.
Pinagkrus ni Ruiz ang kaniyang mga braso sa harap ng kaniyang dibdib at matapang na hinarap ang kaniyang Papà. "You said the marriage needs to happen, fine." Tumaas ang sulok ng labi ni Pancho sa kaniyang narinig. Finally.
"But I won't marry Sankisz. I am willing to marry the second daughter." Kumunot ang noo ni Pancho. "Anong pakulo na naman ito figlio? Sankisz is the only daughter of the Gonzaga's. May kapatid siya, which is her older brother. Don't tell you're a gay?!" hindi makapaniwalang tanong ng kaniyang Papà.
Namilog ang mga mata ni Ruiz. "No I am not! Pero paano nangyari iyon? Ipinakilala pa ni Gabriel sa akin ang babaeng iyon. And she lives there." Naguguluhan siya, kung hindi siya anak ni Gabriel, ano siya nito?
"Hindi porket blonde ang buhok at nakatira roon ay anak na ni Gabriel." Inis na sabi ng kaniyang Papà, pagkatapos ay tumayo ito upang kumuha ng ilang libro sa may shelves.
"I want her, not that bratty princess." Nakasalalay ang future niya sa mapapangasawa niya, he can't marry that b-tchy brat. At mas gugustuhin niya pang mapangasawa iyong babaeng nagngangalang Keith. She captivated every piece of him! And she can't take off of her thoughts. Kung ano man ang nararamdaman niya ngayon he needs to know it. This feeling is new to him.
"This is just an arrange marriage, Ruiz . Malaki ang maitutulong ng mga Gonzaga sa atin. This is the last discussion we're having on this topic. You'll be a Don soon, magisip ka gamit ang utak mo." Seryosong sabi ng kaniyang Papa.
Keitha Pov
"You're back!" masayang wika ni Camille ng makarating ako sa may bar counter ng club. "Sayang at hindi ka nakapagtrabaho nung Friday at kahapon." Sa totoo lang ay nanghihinayang din ako, malaki ang tip tuwing Friday at Saturday dahil walang trabaho ang mga tao.
"May balita ako sainyo" nakangiting sabi ni Ian habang gumagawa ng drinks. "Ikakasal na ang Big Boss!" napatanga si Camille maging ako, Oh gosh. "Bakit ba andaming ikakasal ngayon?" kunot noong tanong ko.
Sabay na lumingon sa akin ang dalawa at binigyan nila ako ng kakaibang tingin. "Wait, don't tell me ikakasal ka na din?" tanong ni Camille.
"No way! Wala pa sa isip ko ang pagpapakasal, kailangan ko pang makatapos ng pagaaral at makapagtrabaho sa isang hospital." Bakit ba nila naisip iyon? Nagtatanong lang naman ako. I have a prefect plan for my future at hindi ko pwedeng isantabi iyon para lang magpakasal, atsaka wala naman akong kasintahan kaya malabong mangyari yon.
"For sure alam na ni Tasha ang balita, satingin ko nga may binabalak yan e." ani Camille. Bumaling kaming lahat sa may stage kung nasaan si Tasha na mukhang kakatapos lang magperform.
"Bilyonaryo ang ating Big Boss, satingin niyo ba hindi siya maghahanap ng ibang putahe?" tanong ni Ian. I rolled my eyes on him, Boys will always be boys. Wala sa estado ng buhay kung mangangaliwa ang isang lalaki. If they want to cheat, they will. Kahit pa mahirap yan o mayaman. Pangit o gwapo.
"My usual drinks." Ani Tasha. Muntik pa akong mapatalon sa kinatatayuan ko, bakit ba pasulpot sulpot tong babaeng to? Siya pa din naman ang pinaguusapan namin. Ang awkward non diba? Kapag yung taong pinaguusapan niyo e nasa tabi niyo lang pala.
"Maaga akong aalis ngayong gabi." Wika ni Tasha. As if may pake kame. "Mukhang swerte si Big Boss ngayong gabi. I will give him an early Bachelor Party."
"Alam mo hindi naman namin kailangan pang malaman iyon." Inis na sabi ni Camille. She talks about sex like she's just saying hello.
"I'm gonna rock Big Boss world for tonight. At pagkatapos non." Dinuruan niya kami "Sisiguraduhin kong matatanggal kayo sa trabaho!"
"Okay goodluck sayo." Nakangiting sabi ko, anong akala niya matatakot niya ako? No way.
Maagang nagoff si Tasha at pumunta sa office ng Big Boss. She's wearing a white sexy lingerie na nakatago sa suot niyang kulay itim na roba, ikakatanga ng Big Boss iyon. Hindi niya papalampasin ito, she needs him bago pa ito matali sa mapapangasawa niya or aagawin niya ang boss sa mapapangasawa nito. She's sure pagkatapos ng gabing ito, mas gugustuhin pa ng big boss na makasama siya kesa sa mapapangasawa niya. Umupo siya sa mesa nito at hinanda ang sarili. Ilang saglit lang ay darating na ang big boss dahil nakita niya itong nagpark sa parking lot bago siya tumungo sa opisina nito.
Ilang minuto lang ay nakaramdam siya ng mga hakbang, he's here! Nagbukas ang sliding door ng opisina at niluwa non ang napakagwapo nilang Big Boss. By just looking at him, Tasha felt that she's wet down there.
Matalim ang titig ng big boss sakaniya. Oh sexy! She likes that! "What are you doing here?" he asked in his deep cold voice.
Mahigpit na pinagbabawal ng Big Boss na walang kahit sino man ang maaring pumunta sa kaniyang opisina maliban sa kaniyang mga kaibigan.
"It's been a while, Big Boss." Tumayo siya sa pagkaupo sa mesa at dahan dahang hinubad ang suot nyang roba. She's slowly swaying her hips as she walks towards the man in front of her.
Hindi gumalaw ang big boss sa kaniyang kinatatayuan at animo'y bored itong nakatingin sakaniya, he's not entertained.
"I'll count to two. Kapag hindi kapa umalis sa opisina ko." Inilabas nito ang baril na nakatago sa bulsa ng kaniyang pantalon. Kinasa niya iyon pagkatapos ay itinutok sakaniya. Tasha froze.
"I'll pull this trigger without any hesitation."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro