Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21. Kidnap

Chapter 21. Kidnap


Sylvaine needs to rest too kaya't napagpasyahan niyang umuwi muna at kumuha na din ng mga damit na kakailanganin niya sa pagsstay ng hospital. Sinamahan naman siya ni Wade at para ipagdrive na rin since gabi na at mahirap na ang mga sasakyan sa mga oras na ito.

Samantalang nasa counter naman si Fajrah upang asikasuhin ang bills at iba pang mga papeles para sa paglipat ni Keitha sa Vip room since wala si Gabriel dahil umuwi muna ito para magpahinga. Mabuti naman at naging maayos na ang kondisyon ni Keith, sabi din ng doctor anytime ay magigising na ito.

Papunta na sana si Ayvren sa silid ni Keitha nang tawagan siya ni Fajrah. "Hey, Ruiz!"

"Wala na sa ICU si Keitha." Paalam ni Fajrah.

Kumunot ang noo ni Ayvren sa narinig. "What happened? Gising na ba siya? Kamusta ang kalagayan niya?" Sunud sunod nitong tanong.

"Keitha is in her private room, nagpapahinga. Anytime ay magigising na iyon." Nakangiting sabi ni Fajrah. Natatawa siya dahil sobra sobra ang pagaalala ni Ayvren kay Keitha. "Saka teka lang, diba sabi ko tatawag ako kapag nagising na siya? You should rest Ruiz."

"I can't help it, gusto ko ako ang una niyang makita pag gising niya. Saan ang room niya?" Tanong ni Ayvren. Gustong gusto na niyang makita si Keitha kahit pa hindi ito nagigising. He missed her star so much at hindi na siya makapag hintay na magising ito. May dala din siyang boquet of tulips at isang basket ng iba't ibang klase ng prutas.

"Teka, bago ka pumunta don may mahalaga akong sasabihin sayo." Narinig lahat ni Fajrah ang sagutan nina Pancho at Emily kanina sa may waiting shed. She didn't mean to eavesdrop dahil bibili lang sana siya ng kape malapit doon, pero mukhang ang chismis na mismo ang lumalapit sa kaniya.

"What is it?" Takang tanong ni Ayvren.

"Narinig ko ang usapan ni Uncle Pancho at ni Emily tungkol sa kontratang pinirmahan nila. Hindi niyo na daw makukuha yung perang ininvest niyo sa Gonzaga's Pharmaceuticals kapag hindi natuloy ang kasal niyo ni Sankisz. Wala daw kayong makukuha kahit piso." Inis na sabi ni Fajrah.

"Hindi man lang siya pumunta sa hospital kahapon para tignan si Keitha, tapos kanina nung dumating siya'y hindi man lang siya nag abala para tignan ang kaniyang pamangkin."

"At ito pa ang matindi, sinabi niyang napakatanga ni Keitha para akuhin yung balang para sayo!"  Nang gagalaiti talaga si Fajrah sa mag inang Gonzaga na iyon. Like mother, like daughter nga sila. Sarap lamutakin!

Anger rises on Ayvren's system. That btch. Mabuti nalang at wala siyang panahon ngayon para pag aksayahin ng oras ang babaeng iyon. "Wala akong oras sa babaeng iyon. I want to see Keitha, and see if she's alright."


Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata ng makarinig ako ng mga ingay mula sa kapaligiran ko. Kahit hirap ako'y sinikap kong dumilat. I saw two men in front of me, at dahan dahan silang papunta malapit sa akin.

Nang tuluyan silang makalapit ay ipinikit ko ang aking mga mata. I am too weak, hindi ko sila kakayanin kung may balak man silang masama sa akin. "Ito na nga si Keitha." Rinig kong sabi ng lalaki pagkatapos ay sabay silang tumawa.

Gusto kong sumigaw pero nanghihina ako. I can't even open my mouth. I am alone in my room with this two strangers. Naramdaman ko ang paghawak sa akin ng lalaki sa aking braso. Binuksan ko ang aking mga mata, I need to be strong! Hindi ako makakapayag na may gawin silang masama sa akin. "B-bitiwan niyo ako!" Sigaw ko, pero hindi iyon ganon kalakas dahil nanghihina pa ako.

"Wala ka nang magagawa! Sumama ka nalang sa amin para hindi ka masaktan!" Sabi ng isang lalaking may makapal at mahabang balbas.

Nagpumiglas ako upang makawala sakanila pero sadyang malakas sila kaya wala akong nagawa. Sisigaw na sana ako ng takpan nung isang lalaki ang bibig ko at sinuntok ako sa aking sikmura. It's too painful to handle, napakasakit! Sobra akong namimilipit sa sakit!

Im too weak, at lumalamlam na din ang aking mga mata. I can't do anything, i'm so helpless hindi ko na magalaw ang katawan ko. A tear escape from my eyes. Is this the end? I hope Ayvren is here to save me.

"Uy gago! Bat mo sinaktan? Sabi ni Boss wag siyang sasaktan!" Bulyaw ng lalaki sa kasama.


Nanlaki ang mga mata ni Ayvren ng makarinig ng sigaw galing sa lalaki sa loob ng silid ni Keitha. Damn! Mabilis niyang binuksan ang pintuan at roon nakita niya ang dalawang lalaki habang hawak hawak si Keitha.

"Oh my god, Keitha!" Sigaw ni Fajrah.

Parang nandilim ang paningin ni Ayvren sa nakikita. Who the fuck are they?! Mabilis na binitawan ng dalawang lalaki si Keitha para makipaglaban kay Ayvren.

Sumugod iyong isang lalaki para suntukin sana si Ayvren sa may bandang sikmura nito pero sadyang mabilis ang mga kilos ni Ayvren kaya't naunahan niya ito at nasuntok ang lalaki sa may mukha nito. Samantalang tumakbo papalabas iyong kasama nung lalaki. "Go get him!" Utos ni Ayvren kay Fajrah. Magbabayad ang dalawang ito sa pagtatangka nila kay Keitha.

Sunud sunod ang pagpapakawala ng suntok ni Ayvren sa lalaking naiwan sa silid. Hindi niya ito tinigilan hanggang sa dumugo ito at mawalan ng malay. Hindi dapat nila ito ginawa, gumagawa sila ng sarili nilang kamatayan.

Kapag nalaman niyang may kinalaman ang Black Rebels dito talagang hindi na niya sasantuhin ang mga ito! This is too much!


Nagpatawag ng Doctor si Ayvren upang matignan ang kalagayan ni Keitha. This hospital isn't safe anymore for her, bukas na bukas din ay iuuwi na niya si Keitha sa kaniyang penthouse at siya mismo ang magbabatay sakaniya. Pagkatapos ng nangyari at narinig niya tungkol kay Emily hinding hindi na niya pagkakatiwala si Keitha sa mga Gonzaga maging kay Gabriel pa, dahil wala man lang itong ginagawa para kay Keitha.

Tinawagan ni Ayvren si Gabriel upang ipaalam rito na iuuwi na niya si Keitha bukas. He will hire a private nurse, and doctor if needed. For now, his penthouse is the safest place for her.


"A-ayvren, i-ikaw ba yan?" Nahihirapang tanong ni Keitha. Ayvren's eyes lit up. Oh my god, Keitha is awake!

Lumapit siya kay Keitha pagkatapos ay masuyo niya itong hinalikan sa noo. "La mia stella." Bulong nito. "Thank God you're awake now!" His deep voice invaded the whole room. Hindi niya maexplain ang sayang nararamdaman niya ngayon.

"N-nasaan yung mga lalaking kumukuha sa akin k-kanina?" May halong takot sa boses nito habang hinahanap ang mga lalaki sa paligid.

"Shh, you're safe now. Nandito na ako. Hindi kita papabayaan." Hinaplos ni Ayvren ang malambot na buhok ni Keitha para kahit papaano'y mapagaan nito ang nararamdaman niya.

"Rest now, la mia stella. Bukas ay iuuwi na kita sa aking Penthouse. Mas safe ka doon." Tumango naman si Keitha at ipinikit ang kaniyang mga mata. She's too weak, and she needs to rest.



"Anong sabi mo?!" Nang gagalaiting tanong nito sa lalaking kausap niya sa telepono. "Nagbibiro ka lang diba? May sakit ang babaeng iyon! Ang dali dali lang para sainyo na kunin siya! Hindi ako makapaniwala!"

Padabog itong umupo sa kaniyang swivel chair. "Bibigyan pa kita ng isa pang pagkakataon! I want her pronto!"




Morning came, gaya ng sabi ni Ayvren sa akin ay iuuwi niya daw ako sa kaniyang penthouse. Nakausap ko na din si Uncle Gab at sinabi niyang nag usap na sila ni Ayvren kagabi pa. Vaine is here with me, habang nasa may counter naman si Ayvren at inaasikaso ang aking discharged papers.

Bumukas ang pinto sa aking silid. My eyes widened when I saw him. "Andres!"

"Oh god Keitha what happened to you?" Kitang kita ko ang pagaalala sa kaniyang mga mata. 

"Ayos na ako, kailangan ko lang ng kaonting pahinga." Nakangiting sabi ko. Lumapit sa akin si Andres para yakapin ako. Oh! I miss him so much! Huli ko siyang nakita ay noong nag double date kuno kami.

"Baka gusto niyong maghiwalay?" Isang malamig at malalim na boses ang nagsalita. Lumayo ako kay Andres para makita siya.

"Mr. Lebeaoux!" Kinakabahang sabi ni Andres.

I can sense that Ayvren is angry based on his knitted brows. Hindi binalingan ni Ayvren si Andres bagkus ay lumapit siya sa akin habang hawak ang wheelchair. "Let's go home." Malamig niyang saad.

"I can drive her home." Presinta ni Andres. "Magsstay ako sa mansion ng isang linggo."

Pinagkrus ni Ayvren ang kaniyang mga braso. "Hindi na kailangan. Hindi na babalik si Keitha sa mansion na iyon kahit kailan."

I can sense the tension building up between them. Bago pa ako makapagsalita'y iginiya na ako ni Ayvren sa aking wheelchair. Galit ba siya?

Tumingin ako kay Andres para magpaalam. "Sorry Andres, kita nalang tayo susunod pag ayos na ako."

"That won't happen" mahinang bulong ni Ayvren pero sapat na para marinig ko iyon. Baliw ba siya?

This chapter is dedicated to windsoflife thank you for reading!! 💙

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro