Chapter 2. Bubble Cheeks
Chapter 2. Bubble Cheeks
Keitha Pov
Dumako ang aking tingin sa may stage kung saan nagpeperform si Tasha, na tanging two piece bikini lang ang suot habang sumasayaw at gumigiling sa may pole.
Si Tasha ang pinaka kinakaayawan namin sa club na ito. She thinks that she's better than everyone else dahil nakasiping na niya ang aming Big Boss. Marami din ang nagrerequest sa kaniya kaya't mas lalong lumalaki ang kaniyang ulo.
She keeps on dancing and grinding to the pole. Parang gusto kong masuka sa sobrang kalaswaang pinang gagawa niya sa stage. Hindi ba siya nahihiya?
Dumiretso si Tasha sa may bar counter kung nasaan kami. Muntik pa akong matumba dahil sa sobrang lakas ng pagbangga niya sa akin, mabuti na lamang at naalalayan agad ako ni Camille.
"Lemon Drop Martini" order niya kay Ian. Ang bartender ng club, matagal na itong nagttrabaho sa Gentleman's halos 5 years na rin daw. He's nice and friendly.
Nakataas ang kaliwang kilay ni Tasha habang pinapasadahan kami ng tingin mula ulo hanggang paa. Ilang segundo lang ay naibigay na ni Ian ang kaniyang order. Sumimsim muna ito bago nagsalita. "Guess what, I earned 50K in just 1 hour. E kayo?" pagmamayabang niya.
"Atleast hindi na namin kailangang magpakita ng kaluluwa para lang kumita ng pera. Sapat na saamin ang aming trabaho, hindi na namin kailangang gumiling giling sa harapan ng maraming lalaki." ngumisi ako na siyang kinainis niya.
"Isusumbong kita kay Big Boss! I promise! Mapapatalsik kita sa club na ito!" kitang kita ko ang panggagalaiti niya sa galit. Binigyan niya ako ng isang matalim na tingin bago ito tuluyang umalis.
Iyon lagi ang banta niya sa mga nagtatrabaho dito na nakakasagutan niya. Sa tingin niya'y isa siyang makapangyarihang stripper sa club na ito, dahil naikama na siya ng Big Boss. Napailing nalang ako, pathetic. Hindi ako makapaniwalang pumapatol pala sa mga ganitong babae ang aming boss.
"Keith, ihatid mo ito sa VVIP room number 5." ani Ian. Inabot niya iyong mamahaling bote ng whiskey na may tatak na Dalmore. Sunod niyang inabot sa akin iyong tray na naglalaman ng bucket of ice cubes at siyam na shot glass.
Bagsak ang aking balikat na tinanggap ang mga iyon saka inilagay sa serving cart. Isa sa mga iniiwasan ko sa club na ito ay ang mga VIP rooms. Nasa VIP rooms kase ang mga pinaka mainmpluwensya at pinakamanyak na customer sa club dahil satingin nila'y porket nasa VIP list sila'y makukuha nila lahat ng mga babae sa club maging ang mga waitress na gaya ko.
Dahan dahan kong tinulak iyong serving cart hanggang sa makarating ako sa may elevator. Pinindot ko iyong 4th floor at hinintay na magbukas ang elevator door. Humigpit ang pagkahawak ko sa handle ng cart ng marinig kong nag ring ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na ako.
Kinakabahan kong itinulak iyong cart hanggang sa makarating ako sa tapat ng VVIP Room 5. Pinindot ko iyong door bell at ilang saglit pa ay bumukas na ang pinto.
Bumungad sa akin ang isang lalaking may katangkaran, ayaw ko mang aminim pero napakaperpekto ng mukha niya. Tipid siyang ngumiti sa akin at tinuro iyong mesa sa may living room malayo sa couch kung nasaan ang mga kasamahan niya.
Napakadilim ng paligid at tanging sa may living room lang mayroong ilaw at dim lights pa iyon. Ngayon lang ako nakapasok sa VVIP room. Hindi ko inaasahan na malaki pala talaga ito kumpara sa mga VIP rooms, halos triple ang laki nito. "Here's your Dalmore Whiskey sir." kinakabahang sabi ko.
Hindi gaanong maliwanag sa may living room kaya't hindi ko maaninag ang mga taong naroon. Ang tanging nakita ko lang ay yung lalaking nagbukas sa akin ng pinto. Ang weird bakit naman ang tahimik at ang dilim? Anong ginagawa nila? Prayer meeting?
Bigla akong nakaramdam ng takot. Am I safe in this place? Kung mga manyak ang mga nasa VIP paano naman ang mga nasa VVIP? Mga Rapist?! Namilog ang aking dalawang mata sa aking naisip.
"It doesn't work that way Ruiz." matigas at nakakatakot ang boses noong lalaking nagsalita. "You need to be careful with the Black Rebels." dugtong nito.
"That's bullshit Xanth. I can't just sit here and do nothing." sagot noong isang lalaki.
"Papunta na sila dito." anang isang boses. "You need you to control your temper Ruiz."
"I will control my temper if they remember who are they speaking to." Isang malalim na boses ang umokyupa ng buong silid.
This is weird, hinihintay kong magsalita ulit iyong lalaki. The sound of his voice was like a music to my ear. Pero wait? Nasa panganib ba ako? Bakit ganoon ang pinaguusapan nila?
Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang tatlong lalaki. "Salve" bungad noong isang lalaki na parang boss nung dalawa. Muli kong tinuloy ang paglalagay ng whiskey sa mga baso. I need to be quick!
"Hello, Lazarus. We are waiting for you." anang isang lalaki.
"Hello my bubble cheeks!" Napasinghap ako ng maramdaman kong tinampal nito ang aking pang upo. Napapikit ako sa sobrang inis saka ko ito hinarap ng nakakuyom ang aking mga kamao. Ito iyong sinasabi ko kung bakit ayaw na ayaw kong pumupunta sa mga VIP rooms.
"Don't you like that? You have a fine as--" hindi nito natapos ang sasabihin ng biglang nagsalita yung lalaking may malalim na boses. "You are here for business. And she's not your business." There's a warning in his cold low voice. Sinubukan kong hanapin yung pinagmulan ng boses ngunit hindi ko makita dahil sa dilim.
Damn his voice! I want to hear it one more time!
"We have rules in this club. No touching of my servers kung ayaw mong maputulan ng kamay." Nakaramdam ako ng matinding takot sa tinuran niya. Is he for real? His voice was so cold and low. Seryosong seryoso sya sa banta nya.
Mabilis na nag iba ang ekspresyon nang lalaking tinawag nilang Lazarus. I can sense that he's afraid pero mabilis niya iyong naitago saka ngumisi.
Kailangan ko ng matapos itong ginagawa ko. Para akong nasa kulungan ng mga tigre na handang magpatayan ano mang oras. I'm scared! Hinding hindi na ulit ako mag siserve sa VVIP Rooms!
Ruiz can't help but to notice the server. Ngayon niya palang nakita ang babae, bago ba siya rito? The girl was indeed sexy, her hair was blond and long. She has this porcelain skin that's glowing from darkness. Suddenly he wants to touch her and feel her skin with his bare hands. Damn!
She pours the shot glass with whiskey. He can see her hands were shaking. Is she scared?
"How much for this girl?" Lazarus asked while looking straight to her delectable ass.
Tumayo iyong server at patakbong lumabas ng silid, pagkatapos nitong maayos ang mga inumin.
Good, ngayon ay mabibigyan na niya ng leksyon ang lalaking ito ng walang distraksyon. How dare him asking her price? Hindi siya nagbebenta ng babae sa club na ito!
Keitha Pov
Wala ng mas sasaya pa kapag tapos na ang trabaho! Ayaw ko nang magtagal pa sa club na iyon. Gusto kong masuka kapag naalala ko ang paghawak ng nakakadiring lalaking iyon sa aking pang upo.
Hating gabi na at pagod na pagod na ako sa trabaho. This is so stressing. Hindi naman ganito ang buhay ko noong bata pa ako.
Masasabi kong masaya ang aking childhood. I have my parents who loved me so much... hanggang sa isang araw hindi na sila bumalik ng bahay. And the next thing I knew they were both dead.
That was the worst day of my life. Kinupkop ako ng aking Auntie, ang kapatid ng aking ina kasama ang kaniyang asawa at dalawang anak na si Sankisz at Wade.
Mahimbing na ang tulog ni Vaine ng makauwi ako, mukhang hinintay pa nya ako. Kinuha ko yung kumot niya sa kaniyang kwarto saka siya kinumutan. What a hard headed girl, sabi kong wag na akong hintayin e.
Dahan dahan akong humiga sa aking kama ng makarating ako sa aking silid. Nakakapagod!
Matutulog na sana ako ngunit biglang nagvibrate ang aking cellphone. Padabog ko iyong kinuha sa bedside table ko at tinignan ang caller ID. Hindi ito titigil hanggat hindi ko sinasagot ang tawag niya.
"Hello uncle" bati ko sakaniya.
"Kanina pa ako tumatawag sayo hija, bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" tanong nito, malumanay pa rin ang boses niya kahit kelan. Ni hindi nga ata ito marunong magalit.
"Sorry uncle pero busy kase ako kanina nagrereview ako para sa exam." I lied. "Bakit po kayo napatawag? May importante ho ba kayong sasabihin?" tanong ko.
"I called you at this hour, and yes this is important Keitha." Huminga ako ng malalim of course, it is.
"Umuwi ka sa weekend. May pagsasalong gaganapin sa Mansion and I have a very important announcement. I want you to be there, Keith. You're part of my family." pagkasabi niya non' ay pinatayan na niya ako ng tawag. Hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon upang tumanggi, So it means hindi ako pwedeng tumanggi.
Pinaka ayaw ko sa lahat ay ang pumupunta sa mansyon ni Uncle Gab. Feeling ko ay nasusuffocate ako sa mga taong naroon lalo na kay Tita Emily at sa anak niyang si Sankisz but I guess, wala na akong choice. Uuwi ako sa Biyernes, and I need to prepare myself. Kailangan kong magmukhang respetado dahil papasok na naman ako sa kabahayanang iyon.
"You must be out of your mind, Ruiz. You know that you need to get married!" ani Wize.
"I can't man, I don't want to get married!" Ruiz growled.
"But you need to. It's the f*cking Malvagiosians tradition rules." paalala nito.
Napailing nalang si Ruiz. Ayaw pa niyang makasal sa kahit sino man, not in his age. 25 palang siya, for petesake! But he cannot deny the fact that he needs to get married pronto! Kailangan niyang ikasal bago siya tumuntong sa edad na 26 at tatlong buwan nalang ang natitira sa kaniya.
Why does their Mafia Clan has this bullshit tradition rules? He needed a wife upang maging ganap siyang Don ng Malvagios.
"If you want to rule this mafia world, you need to play by the rules." nakangising sambit ni Ruiz
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro