Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18. The Gift

Chapter 18.  The Gift


Magkasalubong ang mga kilay ni Fajrah at kitang kita ang pagkainis sa mukha niya.

"What's wrong Princess? Kailan ka pa dumating?" takang tanong ni Pancho kay Fajrah nang makita ito. Ang alam kasi niya'y nasa Italy ito at may inaasikasong negosyo.

"Uncle Pancho ininsulto ako ng mapapangasawa ni Ayvren! She called me a whore and a bitch!" sumbong nito na parang bata.

"Muntik niya pa akong masampal! Mabuti nalang at nasapo ko ang marumi niyang kamay bago pa tuluyang tumama iyon sa mukha ko!" Nanghahabang ngusong sabi niya.

Nakakunot ang noo ni Pancho habang pinapakinggan ang mga hinaing ni Fajrah.

"Binigyan ko lang naman siya ng kaonting leskyon na masisigurado kong hindi niya makakalimutan lalo na't sa araw pa ng kasal niya." Aniya ng may ngisi sa labi.


"Mister Pancho Martin Lebeaoux." Pagkuha ni Emily sa atensyon ni Pancho, sabay na humarap ang mag tiyuhin.

"Your niece punched my baby!" galit na sabi nito. Nasa tabi nito si Sankisz habang humahagulgol dahil sa bubble gum na nagkalat sa kaniyang makintab at mahabang buhok.

Pinagkrus ni Pancho ang kaniyang mga braso at madilim ang mukhang tinitigan niya si Emily. "Your daughter disrespected my princess first, so she deserves that!"

Napaurong si Emily sa kaniyang kinatatayuan, fear is evident on her face. Ni minsa'y hindi siya tinrato ng ganoon ni Pancho dahil kahit may pagka intimidating ang awra nito'y nagagawa pa rin niyang ngumiti sa harapan niya. But now, he is different, pinakita lang nito na isa siyang Don ng isang mafia at wala ni isa ang pwedeng kumalaban sa rito.

Napangiti si Fajrah sa naging reaksyon ni Emily, she deserved that too mukhang ipagtatanggol pa niya ang anak niyang walang modo. Hinuli niya ang mga mata ni Sankisz at maloko siyang dumilat rito na animo'y isang kinder na nakikipag away nang dahil lang sa isang lollipop.

"Excuse me?" hindi makapaniwalang tanong ni Emily kay Pancho nang makabawi siya, she tried to remain her composure at hindi naman siya nabigo, who cares kung Don ang kausap niya? Napahiya ang kaniyang anak at hindi siya makakapayag na tatayo nalang siya at walang gagawin. "It's her day! Ikakasal siya ngayon, and look at her now! Kanina pa siya inaayusan ng mga makeup artist niya tapos sa isang iglap lang sisirain ng babaeng iyan ang ganda ng anak ko?! How rude!" she hissed.


"Anong nangyayari dito? Bakit kayo nagsisigawan?" tanong ni Gabriel na kadarating lang galing sa loob ng beach hotel na inarkilahan nila para sa reception.

Madilim ang mukha ni Pancho habang nakatingin sa mag ina. "I'm giving you a warning, Gabriel specially to your daughter. Kung hindi niyo alam ang salitang respeto sa pamilya niyo ibahin niyo ang sakin. Hinding hindi ako makakapayag na insultuhin ng anak mo ni isa sa myembro ng pamilya ko."

"Ipapaalala ko lang na kaya kong iurong ang kasalang ito. Ayvren clearly doesn't want this marriage, at sinisigurado ko na hindi na makakabangon ang inyong kompanya pagkatapos nito. So cooperate." Pancho pressed his lips firmly together and left them with a huge confusion on their face.



Sinalubong ako ni Vaine ng makita akong papalapit sa kinaroroonan niya. "Keitha, saan ka ba nanggaling huh? Kanina pa kita hinahanap! Tara na magsisimula na ang seremonya."

"Sayang lang at hindi mo nakita yung nangyari kanina." Naguguluhan akong tumingin. Anong ibig niyang sabihin?


The sound of the wedding march started, pinagline kami isa isa ng organizer sa may pinaka entrance na arches para sa procession. Binibigyan nila kami ng mga direksyon pero walang pumapasok sa utak ko kahit ano. I feel so pre occupied.

Oras na para sa entrance ng groom, tumingin ako kung nasaan siya pero hindi ko inaasahan na nakatingin pala ito sa akin. My heart beats faster than the normal. Naglakad siya papunta sa entrance kung nasaan kami ng hindi man lang inaalis ang tingin sa akin. It's like his eyes were glued on mine. Parang tumigil ang aking mundo kasama siya sa mga sandaling ito. I didn't looked away, I want to treasure this moment kahit na magkatitigan lang kami. Palapit siya ng palapit sa akin pero hindi ko magawang maging masaya dahil ang paglapit niya sa akin ay ang paglapit din niya sa altar kung saan manunumpa siya kasama ang aking pinsan. Nang nasa tapat ko na siya'y bigla siyang huminto at humarap sa akin. "Smile, hindi bagay sayo ang malungkot." Bulong niya at tuluyan na niya akong nilampasan.

Smile? He's right. I shouldn't feel this way, dapat ay maging masaya ako para sa pinsan ko dahil alam kong nasa mabuti siyang kamay. She's lucky for having Ayvren. He's a good man .


"Huy girl, ano pang ginagawa mo? Lakad na." nabalik ako sa realidad ng pumalakpak iyong baklang organizer sa harapan ko. Shit! Ako na pala ang papasok. Huminga ako ng malalim at ngumiti.


A man with a playful grin welcomed me. Hinawakan niya ang aking kamay at isinukbit iyon sa kaniyang braso. "Hi future wife!" puno ng enerhiyang sabi niya, I can't help but to smile he's so adorable!

Nagsimula na kaming maglakad sa kulay pulang carpet, hindi ko maiwasang hindi lumingon kung nasaan nakatayo si Ayvren. My eyes caught those set of dark brown orbs. He looked at me with daggers, and then he looked away. Sinundan ko ang kaniyang tingin na dumako naman sa aking kamay na nasa braso ni King. Teka... Galit ba siya ng dahil dito? Pero bakit? 

Nawala ang mga katanungan sa isip ko nang iminuwestra ni King ang aking upuan. "Salamat." Nakangiti kong sabi.


Lahat kami ay nakapasok na at ngayon oras na para sa pinaka hihintay nang lahat, It's time for the brides' entrance. Lahat ng mga mata ay nakatingin sa may entrance, all of us were waiting for Sankisz.


"Ano kayang magiging itsura niya pagkatapos ng nangyari." Bulong ni Vaine.

Lumingon ako pagkatapos ay sinuway ko siya. "Pinagsasabi mo? Syempre mas maganda siya ngayon no, nakita mo naman kung ilan yung mga nag aayos sakaniya kanina." Komento ko. Iyon yung dahilan kung bakit maaga kaming pumunta sa may venue, syempre nakikisakay lang kami ni Vaine kaya kami na ang nagadjust. Charot! Kasalanan ni Uncle ang lahat pwede naman kasing mag commute kame diba.

Literal na napanganga ako ng makita ko si Sankisz sa dulo ng isle. Her wedding dress says it all, it's elegant and indeed beautiful but what the heck happen to her hair? Ang makintab at abot bewang niyang buhok ay umiksi hanggang sa ibabaw ng kaniyang balikat. Kailanman ay hindi niya iyon pinaputol ng ganoon kaiksi.

Mahinang tumawa si Vaine, "Siya na ang pinakamagandang bride na nakita ko sa buong buhay ko!" puno ng sarkasmong sabi niya.

"Agree!" sabat ng babaeng nasa likuran namin. Sabay kaming lumingon ni Vaine sa nagsalita. Sino siya? Ngayon ko lang siya nakita at hindi rin naman siya bridesmaid. A silly smile escape on her lips mukhang nagets niya ang naging reaskyon namin ni Vaine kaya't muli siyang nagsalita. "Pinsan ko ang ikakasal." Aniya na mas lalo kong ikinalito, magpinsan sila ni Sankisz? Sa side ni Uncle Gab?

Inilahad niya ang kaniyang kamay saka ngumiti. "I'm Fajrah Lebeaoux Ramos." Oww, pinsan siya ni Ayvren? Ang ganda ng genes nila ah.


"Hello Malvagio! Bakit naman hindi mo kami inimbitahan sa kasal mo? Hindi ba't magka alyansa tayo?!" sigaw ng lalaki na nagpatigil sa lahat. Sankisz is on her half way to the altar.

Kasama ni Lazarus ang ilan sa mga tauhan nila. Alam niyang hindi inaasahan ng Malvagio ang pagbisita niya kaya kukunin na niya ang pagkakataong ito para makapag higanti.

Lumapit siya sa babaeng papakasalan ni Ayvren at itinutok niya ang kaniyang baril sa ulo nito. Napaka ganda ng timing nila at napaka perpekto. Wala ang mga tauhan ng Malvagios dahil napaka pribado ng kasal ng Malvagio. Mabuti nalang at may source sila kaya nakapasok sila sa venue.


Meanwhile, Sankisz is shaking to death takot ito lalo na't may baril na nakatutok sa ulo niya. Paniguradong sabog ang ulo niya maling galaw lang ng lalaki.

"Hi there Malvagio soon to be wife, napakaswerte mo naman at ikakasal ka sa isa sa mga pinakamakapangyarihang mafia boss. Pero alam mo? Mas maswerte ka ngayon dahil bibigyan kita ng pagkakataon upang mabuhay. Nasa iyo ang desisyon. Gusto mo ba na ikaw yung makatanggap ng regalo? O ang magiging asawa mo nalang?" nakangising tanong ni Lazarus. Lahat ng mga tao ay naguguluhan at natatakot sa lahat ng mga nangyayari sa mga sandaling ito.

"A-ayvren." nanginginig na sagot ni Sankisz saka niya ito tinuro. "S-sakaniya m-mo nalang i-ibigay ang regalo. Wag na sa akin, I don't need that. Please nagmamakaawa ako sayo ayaw ko pang mamatay. Take him instead!" turo niya kay Ayvren.

Malakas na tumawa si Lazarus. Nice one btch. Wala naman talaga siyang balak na patayin ang babaeng ito. Ang Malvagio ang pinunta niya dito at wala ng iba pa. "Well then, madali lang akong kausap." Ang baril na nakatutok kay Sankisz kanina'y nakatapat na ngayon kay Ayvren. "Alam kong hindi ka handa ngayon Malvagio! So, Surprise!"

"Fuck you Lazarus!" Ayvren hissed. He's doomed! Wala siyang dalang baril o kahit anong bagay na makakapagpatumba kay Lazarus, even his friends. Kinolekta kase ng kaniyang Papa ang kanilang mga baril dahil solemn daw ang seremonya sa kasal.

"Uh oh, alam mo bang napaka special ng regalo ko sayo? This bullet is one of a kind, kapag tinamaan ka nito paniguradong mararanasan mo ang pinakamasakit na pagkamatay mo so..." kinasa ni Lazarus ang hawak niyang baril pagkatapos ay muli niya itong itinutok kay Ayvren. "See you in hell!"


My eyes widened and my breath hitched, parang nagslow mo ang lahat. Kitang kita ko ang paglabas ng bala sa baril ni Lazarus at nakasentro iyon sa may dibdib ni Ayvren.

Shit! He's one of the most amazing person I've ever met. Kailangan niyang mabuhay, kailangan siya ng pamilya niya at mga kaibigan niya. Lagi niya akong pinoprotektahan... ngayon ako naman ang poprotekta sakaniya.

Tumakbo ako ng sobrang bilis. Kailangan kong mahabol yung bala I need to take it! I need to save him!

Narinig ko ang malakas na sigaw ni Ayvren bago tuluyang bumagsak ang katawan ko sa buhangin.

Tinamaan ako nang bala and yet I can't feel any pain in my body. Para akong namamanhid. "No!! F-ck Keitha!"

And then pain hit me. Ramdam na ramdam ko ang mainit na likidong pumapasok sa loob ng katawan ko.


I smiled bitterly, at least makikita ko na ang aking Papa at Mama.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro