Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17. Last Kiss

Chapter 17. Last Kiss


Beach wedding ang tema sa kasal ni Sankisz at Ayvren, 7 o' clock p.m ang simula ng seremonya at ngayon ay alas kwatro palang.

Kasama ko ngayon si Vaine sa resort hotel kung saan pagdadausan ang kasal. Maid of honor ako samantalang isa naman siya sa mga bridesmaid. Hindi rin niya alam kung bakit isa siya sa mga bridesmaid gayong hindi naman talaga sila close ni Sankisz.  

Sinukat na namin kanina yung mga gown na pinadeliver sa aming room at masasabi kong saktong sakto at sobrang ganda nang designs.

"Ayos ka lang ba?" may pagaalalang tanong ni Vaine sa akin ng mapansin ang biglang pagtahimik ko, tipid na ngiti lang ang aking sagot.

Hindi ko mawari sa sarili ko pero hindi ako ayos, at hindi ako magiging ayos. Anong magagawa ko? Hindi ko naman mapipigilan ang kasal nang dalawa.

Mabilis na lumipas ang oras at alas singko na ng hapon. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa pag ka ayos ng venue. Para sa akin ay isa itong dream wedding na kagaya ng mga napapanood sa mga movie. May mga lampara na nakasabit sa itaas pati na rin sa gilid ng isle. Ang pinaka arches nito ay naiilawan ng mga maliliit na bumibilya na napaliligiran din ng mga kulay puting mga bulaklak at puting tela.



"This is way too elegant." Komento ni Darius ng mailibot niya ang paningin sa kabuuan ng lugar. Sayang lang ang pagkagrabo ng venue kung ayaw naman ikasal ng kanilang kaibigan. Too bad.

"Where's Ayvren? Dapat nandito na iyon." Pansin ni Xanth. Ilang oras nalang at mag uumpisa na ang seremonya. Lahat ng mga kaibigan niya'y narito na samantalang siya'y wala pa. Napaaga ba sila? They're just too excited for this wedding.

"Boring" walang emosyong sabi ni Creed habang pinagmamasdan ang kabuuan ng lugar. Everything and everyone bore him, iyon lagi ang bukambibig niya sa lahat. Boring.



Finally the Family Lebeaoux has arrived, Pancho, Ayvren and Danica. Nauna na si Francis sakanila kanina kaya't hindi nila ito kasamang dumating. Ang sabi nito'y may aasikasuhin lang siya.

Ayvren is in his high glory. Every part of him was shouting majesty. Ayvren wearing a suit and bow was way too much for everyone's eyes. He's like a greek god.

Tinungo ni Ayvren ang direksyon kung nasaan ang kaniyang mga kaibigan na masayang nagkukwentuhan sa may gilid. "Say hello to the man of the night." Nakangiting salubong sakaniya ni King.

Tumango lang siya at kinamayan ang mga kaibigan. "Thank you for coming tonight, pero sana hindi na kayo nag abala pa." may sarkasmong saad niya. He's not happy with this.

"So nasaan ang pinaka mamahal mong bride?" pang iinis ni Wize sakaniya.

"I don't care where she is, kung nasa kabilang planeta man siya'y mas maganda."

"Alam mo mas gugustuhin ko nang mamatay kesa sa makasal sa babaeng iyon." Natatawang sabat ni Kylo. "She's pretty ridiculous." he added.



Kasama ko ngayon si Vaine habang hinihintay ang oras. Though I wish I know how to survive this night. "Keith! Hindi bat iyon yung lalaking may ari ng Grimaldi's Chain Hotel?" turo ni Vaine kay Xanth.

Walang sabi sabing hinila niya ako papunta sa lugar na iyon. May anim na kalalakihan itong kasama, kung hindi ako nagkakamali'y dumalo rin sila sa engagement party ni Sankisz. "You look stunning." Komento ni Xanth kay Vaine nang tuluyan kaming makalapit sakanila. Bumaling sa akin si Xanth at ngimiti. "Keitha right?" he asked and I just nodded.

"Where's Ayvren?" tanong nung isang lalaki kay Xanth. Oo nga no? Nasaan na siya? Isang Linggo ko na siyang hindi nakikita. Wag niyong sabihing pati rito'y hindi ko siya makikita, napakaimposible naman kung ganoon.

"By the way, meet Sylvaine Estrada and Keitha Donahue." Pagpapakilala ni Xanth sa amin sa kaniyang mga kasamahan. Tumingin siya sa akin pagkatapos ay makahulugan niyang tinignan ang mga kaibigan. "Arretrare, lei e 'la donna di Ayvren."

Okay, ano daw? Pagoogle translate nga! Isa isa ko silang tinignan, masasabi kong busog na busog ang aking mata dahil sa kanilang mga itsura. They were all handsome on their own way.


"Wize Vergara." Pakilala nung isa. Siya yung lalaking kasama ni Ayvren sa engangement party na lumapit sa amin. Tulad pa rin nang huli ko siyang nakita parang ikakamatay mo kung mag joke ka sa harapan niya, napakaseryoso.

"Fox Theodore Sullivan." Walang emosyong pagpapakilala ng lalaking katabi ni Wize. Pinakatitigan ko ang mukha niya, he's a drop dead gorgeous man. Nakakainggit ang pagkapula ng labi niya pati ang pagkatangos ng ilong niya. He's so handsome! Kaso parang hindi siya welcoming.

"I'm Kylo Warrick Russo." Pakilala nang nasa tabi ni Fox. Masasabi kong napakaintimidating ng awra niya at nakakatakot.

Dumako ang mata ko sa lalaking nasa tabi ni Kylo. Siya yung lalaki noong isang araw sa Gentleman's Club. Siya yung may ari ng pinakamalamig na matang nakita ko sa buong buhay ko. Blanko niya akong tinignan pati na rin si Vaine. Irritation is evident in his handsome face na para bang wala siyang kaintere-interesado sa nangyayari ngayon. "Boring." He said in his most bored tone that gives chills to my whole body. Napakalamig! Dinaig niya pa ang Antarctica sa sobrang cold niya!

"Hoy ang cold mo naman!" pagalit na sabat nung isa. "His name is Creed Lucchese. He's the Boring Man!" natatawang pagpapakilala nito sa kaibigan. Creed just glared his friend. "Hi, by the way my name is King." Inabot niya ang kaniyang kamay sa akin. "Kingsley Clemonte your future husband." Aniya sabay kindat sa akin. Feeling ko'y sobrang pula ko na. Kindatan ba naman ako ng gwapong tulad nya? Napakaplayful ng awra niya at siya lang ata yung mayroong malapad na ngiti sa mukha.

Pero wait... parang natatandaan ko siya. Kung tama ang pagkatanda ko'y siya yung lalaking nagbukas ng pinto sa akin noong una akong pumasok sa VVIP room.

So it means, sila rin yun mga nandoon noong araw na iyon?

Lumingon ako sa lalaking hindi pa nagpapakilala. Ang kaniyang atensyon ay na kay Vaine lamang at may matalim siyang tingin sa aking kaibigan. What the heck? "Darius Guerrero." aniya habang nakatingin kay Vaine.

Tumaas ang aking kaliwang kilay ng malaman ang pangalan niya. Siya yung sinasabi ni Ayvren na kasama ni Vaine noong Birthday Party ni Jun. This jerk! Bakit ba ang sama ng tingin niya kay Vaine? May nangyari bang hindi maganda sakanilang dalawa?



Nagpaalam ako sakanila upang lumanghap ng sariwang hangin. Hindi ko alam kung paano ko kakayanin ang mangyayari mamaya, all I want to do just for now is to be alone.


Dinala ako ng aking paa sa lugar na medyo malayo sa venue. The sound of the waves from the ocean made me relaxed.

"What are you doing here?" a familiar deep manly voice spoke. Matagal ko nang hindi naririnig ang boses na iyon. Lumingon ako sakaniya upang makita ang kaniyang mukha, mabuti nalang at maliwanag ang buwan kaya malaya kong nakikita ang kaniyang gwapong mukha. I missed him, I missed his voice, his presence and everything about him. Pero hindi ko maaring sabihin iyon sakaniya, mamaya lang ay ganap na siyang asawa ng aking pinsan at walang saysay kung malalaman pa niya iyon.

"Ikaw anong ginagawa mo rito?" balik tanong ko. "You should be preparing for the ceremony." May halong pagtatampo kong sabi. Sana naman ay hindi niya mahalata iyon.

"F-ck the ceremony. I'm not interested about it. I am only interested about you." Seryoso niyang sabi habang nakatingin sa akin. Lumapit siya sa akin at hinila niya ako pasandal sa may puno ng niyog. Impit akong napasigaw sa kaniyang ginawa at dahil na rin sa gulat.

He cupped my face using his two hands. "A-anong ginagaw—" hindi ko na natapos ang dapat kong sabihin ng bigla niyang inilapat ang kaniyang labi sa akin.

He kissed me so hard and there's urgency in his kisses. I can feel the lust and desire building up on this kiss. Mas lalo niyang diniin ang kaniyang katawan sa akin habang palalim ng palalim ang kaniyang mga halik. He's like challenging me to kiss him with the same intensity. Lahat ng mga nasa isip ko'y biglang naglaho na parang bula, at para akong natutunaw sa bawat oras na lumilipas. Dumausdos pababa ang kaniyang kaliwang kamay at dumako iyon sa aking bewang, he hugged me tightly and I moaned in pleasure.

One of my hands snaked into his smooth and soft hair. Naramdaman ko ang pag ngiti ni Ayvren sa pagitan nang aming paghahalikan. "Do you know how I crave for you?" he whispered.

Breathless, he pressed his forehead against mine without breaking our eye contact. I can now clearly see those set of mesmerizing dark brown eyes. Isang malakas na tunog pangkasal galing sa venue ang nagpabalik sa amin sa realidad. Sadness filled my soul, and reality haunted me. This man in front of me will never be mine and this will probably our last kiss

Nginitian niya ako at bago pa siya tuluyang umalis ay masuyo niya akong hinalikan sa aking noo. "We will continue this my star."



Lumapit si Ayvren kay Darius at bumulong. "Baka matunaw ang kaibigan ni Keitha sa sobrang pagkatitig mo sakaniya... I also wonder why are you glaring Xanth?" may pang iinis na tanong niya sa kaibigan. That's strange for Darius.

"Ayvren!" napalingon siya sa matinis na boses na tumawag sakaniya. His eyes widened when he saw her. A girl wearing a color cream dress approached him. She looks so stunning in her dress, mas lalong lumitaw ang kaniyang maputi at makinis na balat.

"Fajrah kailan ka pa dumating?" excited at nakangiting tanong ni Ayvren sa babae.


Sumilip si Sankisz sa itsura nang venue, pero iba ang nakita niya. She saw her fiancé flirting with some bitch. Kahit alam niyang bawal pa siyang lumabas mula sakaniyang pinagtataguan ay lumabas na ito. Nilalandi ng kung sino ang kaniyang mapapangasawa at hindi siya tatayo lang sa kinaroroonan niya at mag hihintay ng maagaw ito sakaniya.

Buong tapang siyang lumapit sa dalawa na masayang nag uusap kasama ang dalawang gwapong kaibigan ni Ayvren. "Hey you! Cheap whore!" pag agaw niya sa atensyon ng babae. "Huwag mo ngang landiin ang fiancé ko! Mukha kang pokpok na galing sa mga cheap bar!" pang iinsulto niya.

Matalim ang tinging lumingon si Fajrah kay Sankisz. "Excuse me? Ako ba ang kausap mo?" may paghahamon sa boses nito habang nginunguya ang bubble gum na nasa bibig.

Sankisz smile ridiculously. "Yes bitch! I am talking to you!" hiyaw niya na nakakuha sa atensyon ng ibang mga bisita.

"Get off of my man at bumalik ka na sa bar kung saan ka galing! Hindi ka nababagay sa lugar na ito. Isa kang pokpok! Higad! At Haliparot!" itinaas ni Sankisz ang kaniyang kaliwang kamay at akmang sasampalin niya ito ngunit mabilis na nasangga ni Fajrah ang kaniyang kamay.

Excitement shows on Ayvren's face. Uh-oh Sankisz is so dead, and that is for sure. "Did you tried to put your dirty hands to my face?" hindi makapaniwala at nandidiring tanong ni Fajrah.


Inalis ni Fajrah ang kaniyang suot na stiletto at itinabi iyon. "What is she doing?" takang tanong ni Wize kay Ayvren.

Ngumiti si Ayvren. "It's time for a show, my man. Just watch."

"Listen little girl, tuturuan kita ng leksyon na hinding hindi mo malilimutan." Fajrah gritted her teeth then clenched her fist.

Sankisz didn't see this coming, mabilis na dumako ang kamao ni Fajrah sa mukha niya. It's a hard punch at siguradong mag mamarka iyon. Hindi pa nakuntento si Fajrah at muli niyang binigyan ng malakas na suntok si Sankisz sa kaniyang mata. To finish the lesson, Fajrah spit out the gum in her mouth, dumako iyon sa makintab na buhok ni Sankisz.

"Mommy!!!!!" pagtawag ni Sankisz kay Emily. No, no no! Not her hair!

"Hindi mo ba siya pipigilan, my man?" takang tanong ni Wize.

Ayvren just shook his head. "No, why would I? Sankisz disrespected the wrong Lebeaoux... Just wait until Papá hears about this. Prinsesa niya si Fajrah, at parang mas anak niya pa ang pinsan kong iyan kesa sa akin." Natatawang saad ni Ayvren kay Wize.

No one is allowed to mess with her dadaan muna sila kay Ayvren pati na rin sa Don ng Malvagios. Pinsan niya si Fajrah at kapatid ng kaniyang Papa ang ina nito na si Auntie Claire.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro