Chapter 15. Control freak
"We need to talk"
Chapter 15. Control Freak
Nakataas ang kaliwang kilay ni Auntie Emily habang ang kaniyang mga mata ay matalim na nakatingin sa akin. "Saan ka galing?" she asked.
"S-sa dorm po Auntie." pagsisinungaling ko.
Anong sasabihin ko? Na nakasama ko sa pagtulog at sa iisang kama ang fiancé ng anak niya? Siguro'y mag asawang sampal ang aabutin ko pag nagkataon.
Tinignan niya ako na para bang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. "Talaga ba? Kung ganon bakit hinatid ka ni Ayvren? ... Kung si Gabriel mauuto mo, pwes ako hindi. Hindi ako tanga Keith!" her eyes narrowed.
"Matalino ka hindi ba? Pwes, patunayan mo iyon. Wag ka nang lumapit sa lalaking ikakasal na. Basura ka lang sa pamilyang ito, at umakto kang ganon!" sigaw niya na ikinaurong ko.
"Mom!" suway ni Kuya Wade na mukhang kanina pa nandito.
"Pinasundo ni Dad si Keith kay Ayvren." aniya habang nakatingin sa akin. Umawang ang aking bibig, bakit niya ako pinagtatakpan? Alam naming dalawa na hindi ako pinasundo ni Uncle.
"Keith, umakyat kana sa kwarto mo. Ako na ang bahala rito." malumanay na utos ni Kuya Wade na ikinatango ko. A heaved a deep sigh. Lagi itong nangyayari sa tuwing pinagsasabihan ako ni Auntie Emily.
Kuya Wade always got my back. Madalas niya din akong pinagtatanggol kay Sankisz. Kung may tao mang tumuturing sa akin bilang pamilya sa mansyong ito, si Uncle Gab yon at si Kuya Wade.
"I am watching you, Keith." matigas na sabi ni Auntie Emily sa akin habang ang kaniyang mga mata'y matalim na naka titig sa akin. "Wag na wag ka na ulit lalapit kay Ayvren!" panduduro niya sa akin. Ngumiti ako ng pilit sa kaniya pagkatapos ay tumango ako.
Ilang beses ko nang sinubukan na lumayo kay Ayvren pero hindi ko magawa. I really wanted to, but my heart is not cooperating. Sa tuwing nakikita ko siya'y gusto kong lumapit sakaniya.
I faked a smile. Kahit anong gawin ko'y hindi siya mapapasaakin. He is getting married with my cousin and his heart belongs to someone else.
"Ayos na ba ang lahat?" tanong ni Ayvren kay Niko nang makapasok siya ng base.
Ngayong gabi'y binabalak niyang sunugin ang warehouse ng mga Black Rebels. Lintik lang ang walang ganti sabi nga nila. Gusto nilang makipaglaro sa Malvagio? Then be it. Pagbibigyan niya ang mga ito, makikipaglaro si Ayvren sa kanilang walang kwenta laro. Magbabayad sila sa pamemerwisyo nila sa kaniyang Club.
"Before we go, gusto kong malaman kung sino iyong babaeng inuwi mo sa penthouse." ani King na may nakakalokong ngiti sa labi. Paano niya nalaman? Binigyan niya ng masamang tingin si Darius. For sure, siya ang nagsabi kay King dahil siya lang naman ang kasama niya noong gabing iyon maliban may Niko.
Hindi makapaniwalang lumingon si Wize kay King. "Totoo ba?"
"Hindi ko alam ang pinagsasabi niyo!" tanggi ni Ayvren sa mga kaibigan. Bakit ba andito ang mga ito? At nauna pa talaga sila kesa sakanya? Mukhang nakatunog sila sa plano niya ngayong gabi. Dumb ass, hindi na niya kailangan ang tulong ng mga ito. Kaya niy ang nga Black Rebels kahit siya labg mag isa.
"Bat di niyo tanungin si Guerrero, may inuwi din siyang babae sa bahay niya." pambubuking ni Ayvren kay Darius. Akala niya siya lang ang marunong? Lol no.
Sabay na lumingon si Wize at King kay Darius upang makiusisa sana ngunit bago pa makapagtanong si King ay inilabas na ni Darius ang kaniyang baril at itinutok niya ito sa bibig niya. Napairap si King sa inakto ng kaibigan, tss. Darius and his fiery attitude. Makikichismis lang naman eh.
"Kung gusto niyong sumama, umayos kayo." maawtoridad na sabi ni Ayvren.
There's no time for this, they need to work. Nag ayos naman ang tatlo ang nagseryoso.
Tinrace ni Darius ang lugar kung nasaan ang warehouse ng mga Black Rebels at hindi naman siya nahirapan upang makuha ang location nito dahil hindi ganoon ka secured and security system nila.
Ilang oras lang ang nakalipas at nakarating din sila sa isang abandonadong gusali na dati'y isang pabrika ng mga damit. Napakatapang naman ng mga Black Rebels dahil sa teritoryo pa mismo ni Ayvren nila itinayo ang kanilang warehouse. Matalim na tinitigan ni Ayvren ang kabuuan ng gusali. Wrong move again, Black Rebels. Pag mamay ari niya ang Makati at walang sino man ang pwedeng kumuha nito sakaniya kaya habang maaga pa'y aalisin na niya ito.
Kasama ni Ayvren si Wize at Niko samantalang magkasama naman si King at Darius, naghiwa hiwalay sila upang mas mapabilis ang kanilang plano. Too bad, walang kaalam alam ang mga Black Rebels na nasa panganib na pala sila, ni wala man kahit isang bantay na nakapalibot sa warehouse.
At ngayon ang kailangan lang nilang gawin ay ang isaboy ang gasoline sa paligid saka nila ito susunugin. Simple as that, this is just a warning for them. Kung marunong silang makipaglaro ganun din ang Malvagio.
Ilang minuto lang ay naikalat na nila ang gas sa buong paligid ng warehouse ng hindi man lang namamalayan ng mga Black Rebels. Sobrang tanga naman nila at hindi man sila nakatunog.
Nang makabalik sila'y nagkanya kanya silang sakay sa kanilang mga sasakyan. "Dating gawi!" sigaw ni King na sinang ayunan ni Ayvren.
Sabay sabay nilang binuksan ang makina ng kanilang mga sasakyan na naghatid ng ingay sa tahimik na lugar. Nag eecho sa buong paligid ang maingay na tunog ng kanilang mga sports car. Inikot ikot nila ang kanilang mga sasakyan na para bang nasa isang car show sila. Ilang sandali lang ay mukhang nakatunog na ang mga black rebels at nagsilabasan sila sa kanilang warehouse
Sunod sunod na putok ang pinakawalan ng mga Black Rebels sa kanila. Too bad, bullet proof ang kanilang mga sasakyan. Nag eenjoy si Ayvren sa nangyayari, this is so fcking good!
Binuksan ni Ayvren ang bintana ng kaniyang Bugatti pagkatapos ay inilabas niya ang kaniyang ulo upang personal na kamustahin ang mga Black Rebels. "What's up, motherfckers!?" sigaw ni Ayvren. The corner of his mouth turned up.
Kinuha niya ang kaniyang baril na nakapatong sa kaniyang dashboard at kinasa iyon. Walang anu-ano'y pinaulanan niya ng bala ang mga Black Rebels, ganun din ang ginawa nina Wize, King at Darius.
Ang kaniyang kaliwang kamay ay nagmamaneho samantalang ang kabila nama'y nakikipagbarilan. He's fcking multitasking!
"Pakisabi kay Lazarus kinakamusta ko siya!" muling niyang sigaw. Lazarus is not here, and he's sure of that. Inabot ni Ayvren ang kaniyang zippo lighter at sinindian iyon pagkatapos ay hinagis niya ito building. "Goodbye, assholes!" paalam niya. Ngumisi siya, the warehouse is on fire!
Humahalakhak na pinaharurot ni Ayvren ang kaniyang Bugatti paalis sa lugar na iyon, nakasunod naman ang kaniyang mga kaibigan sa likuran niya.
Dumiretso si Ayvren sa Gentleman's nang mag isa. Umuwi na ang kaniyang mga kaibigan para daw magpahinga. "Pumasok ba ngayong gabi si Dally Moore?" tanong niya kay Ian.
"O-opo B-big Boss, nakita ko siya kanina" nauutal na sagot ni Ian. He is intimidated by Ayvren. "May k-kailangan po kayo?" tanong nito.
Tumango naman si Ayvren. "Yeah, papuntahin mo siya sa office ko." pagkasabi niya non ay umalis na siya. Gusto niya lang makita si Keith ngayon.
"Galit ba siya noong sinabi niyang gusto niya akong makita?" tanong ko kay Ian. The Big Boss wants to see me, ano kayang kailangan niya sa akin?
He just shrugged. "Wala siyang ekspresyon sa mukha e kaya hindi ko alam kung galit ba siya o hindi." sagot ni Ian.
Don't tell me alam na niyang ako si Keitha? Wag naman sana. Huminga ako ng malalim bago naglakad papunta sa opisina niya.
Nasa tapat na ako ng kanyang opisina, at parang may mga daga sa aking dibdib dahil sa sobrang kaba. Is this the end? Mag papaalam na ba ako sa aking trabaho? Wag naman sana.
Kusang nagbukas yung pintuan at bumungad sa akin ang nakatalikod na si Ayvren. He's standing in front of the glass wall. Oh god, I hope this is not serious.
"Kailangan mo daw ako, Big Boss?" pagpukaw ko sa atensyon niya. Humarap siya sa akin pagkatapos ay pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. I saw his jaw tighten. What's wrong? Mukhang galit siya, may ginawa ba ako?
"What are you wearing!?" matalim at nakakatakot niyang tanong sa akin.
Tinignan ko ang suot ko. Anong mali sa suot ko? Binalik ko lang naman yung uniform ko dati, feeling ko kase ang unfair naman para sa iba kung ganoon yung akin.
"Anong mali sa suot ko?" matapang kong tanong sakaniya.
"If you don't want to obey my command, then leave my club." parang nag aapoy ang kaniyang mga mata sa galit. Pero tama ba ang narinig ko? Tinatanggal niya na ako sa trabaho?
"Teka teka. Tinatanggal mo na ba ako sa trabaho Big Boss?" kunot noo kong tanong.
He stay stilled. "Yes I am. Kung hindi mo inayos yang pananamit mo!" he growled.
Hindi ako makapaniwala sa dahilan niya. Tinatanggal niya ako sa trabaho dahil ganito ang suot ko? What the hell? Ganito naman dati ang uniform ko pero hindi naman siya nagreklamo. "No, Big Boss. I want to be fair. Isang taon na akong nagttrabaho dito at hindi naman ako nagreklamo sa suot ko!"
Nakita ko ang pagtaas baba ng kaniyang dibdib. He is mad. "Okay then, wear that fucking uniform of yours! But I'll cut your working hours."
Pinanlakihan ko siya ng mata. "No! Hindi pwede Big Boss. Kailangan ko ng pera pambayad sa dorm ko at hindi magiging sapat ang sahod ko kung babawasan mo ang oras ko!"
"Wag ka nang mag alala doon. Parehas pa rin ang sweldo mo kahit bawasin ko ang working hours mo." pinagkrus niya ang kaniyang mga braso at matiim niya akong tinitigan. Naiilang ako! "Simula bukas papasok ka ng 5 tapos uuwi ka ng 8... And you can ho home now."
Wait, what the f-ck? "10-12 nalang Big Boss. Mataas ang tips sa mga oras na iyon." I huffed.
Tinignan niya lang ako ng walang emosyon at mukhang hindi niya nagustuhan ang suggestion ko.
"Hindi na, sige tanggalin mo nalang ako sa trabaho. Papasok nalang ako sa Playboy's club."
Hindi na sa Makati ang Playboy's club pero ang balita ko'y mataas ang sahod ng mga servers don. Lalo na kapag may extra service. Don't get me wrong hindi naman ako magpapaextra service.
"No!" Ayvren exclaimed. His eyes darted to mine. "Ti-triplehin ko yung sahod mo... But you will serve only me. Kapag wala akong ipinaguutos ay pwede mong samahan si Ian para magbartend. Nandito lang ako tuwing 5 to 8 at sabay tayong uuwi." may pinalidad niyang sabi.
"Wag mong subukang hindi ako sundin. I'm your boss!"
Sinamaan ko siya ng tingin. I hate him! What a control freak!
Nagmartsa ako palabas ng kaniyang opisina. Sino siya sa tingin niya? Binantaan niyang tatanggaling niya ako sa trabaho dahil sa suot ko, pagkatapos binawasan niya yung working hours ko tapos ngayon gusto niya siyang lang yung iseserve ko. This is insane right? Kung hindi lang niya ti-triplehin ang sahod ko ay aalis na ako sa club na to. Argh!
Pabagsak kong inilagay ang uniform ko sa aking locker. Gusto ko siyang suntukin sa gwapo niyang mukha sa sobrang inis. Hindi porket siya ang Big Boss ng club na ito'y gagawin niya na yung gusto niyang gawin!
Nang nakapagbihis ako'y pinuntahan ko agad si Ian para magpaalam. May pag aalala sa mukha niya ng makita ako. "Anong nangyari?" tanong niya.
Umiling ako. "Uuwi na ako." tipid kong sagot. Kaninang umaga'y napakasaya ko dahil katabi ko si Ayvren pag gising pero mabilis din nasira ang araw ko dahil sa picture na iyon, kay Auntie Emily at pati na rin kay Ayvren. Great!
"Sasamahan ka ni Dally Moore sa pagbabartend, kapag wala ako." paalam ni Ayvren kay Ian na nasa kabilang linya. "Pakisabi magumpisa na siya ngayon."
"Wala na si Dally Moore, Big Boss. Umuwi na siya." ani Ian.
Sumasakit ang ulo niya kay Keith. If he only can show her what punishment is, mas gugustuhin pa nito na hindi na siya suwayin. He is only doing this for her, for her safety.
Damn she's only wearing a very short skirts and a crop sleeveless top. Gusto niyang siya lang ang makakita sa makinis na balat ni Keith. Only him... But she keeps disobeying his commands.
Sa wakas nakadating din ako sa tapat ng dorm. The traffic was insane. Kung alam ko lang na ganoon kagrabe ang traffic sana sa kabilang route nalang ako dumaan.
Naglalakad ako papuntang dorm nang bigla nalang akong nakaramdam ng kung anong kaluskos sa bandang likuran ko. Lumingon ako pero bago ako tuluyang makalingon ay mayroon nang lalaking humawak sa aking braso pagkatapos ay tinakpan niya ang aking bibig at ilong.
"We will answer his game."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro