Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14. Picture

"Don't messed up with my woman kid! Hindi lang yan ang kaya kong gawin kapag lumapit ka ulit sakaniya. "


Chapter 14. Picture


Dinala ni Ayvren si Keitha sa kaniyang tinutuluyang Penthouse. Wala pa siyang dinalang babae dito ni isa, hindi rin niya alam sakaniyang sarili kung bakit dito niya ito dinala. Maybe because she wants her to be safe, nasa impluwensya pa ito ng ecstasy. Sila ang gumagawa non' kaya alam niya kung ano ang epekto nito sa sinumang makakagamit non.

Namamangha si Keitha sa kaniyang nakikita, his penthouse looks so luxury and manly halos kulay puti at itim ang lahat ng makikita sa kabahayan. May nahagip ang kaniyang mga mata ngunit hindi nalang niya iyon pinansin. Humarap si Keitha kay Ayvren at pinakatitigan niya ito. "Your place is so pristine. Like you." she winked at him.

Namilog ang mga mata ni Ayvren, Pristine? What the f-ck is that? Wala sa kaniyang bokabularyo ang salitang iyon. "I am not pristine, I can do dirty things you can't even imagine." He smirked.

Hindi maitatago ang pamumula sa mukha ni Keitha dahil sa kalasingan, nakailang baso ba ito ng alak? Ang alam ni Ayvren ay hindi ito umiinom, what happened? Pinilit ba siya ng gagong yon? Iniisip palang ni Ayvren ang pagmumukha ni Jun ay nag iinit na agad ang ulo niya. Sana'y pinatay nalang niya ang lalaking iyon kanina.

"N-nauuhaw ako, gusto ko ng tubig." ani Keitha. Uniupo ni Ayvren si Keitha sa kaniyang black leather bago ito pumunta sa kusina at kumuha ng tubig.


Nang makabalik siya'y muntik na niyang nabitawan iyong hawak niyang baso ng madatnan si Keitha na nakatayo paharap sakaniya. F-ck, she's only wearing her undies, wala na itong suot kundi bra't panty nalang. "N-nasaan ang mga damit mo? Magbihis ka nga!" bulyaw ni Ayvren.

Keitha just smiled to him, her smile looks so innocent and seducing. "Ang init naman sa penthouse mo, atsaka wag mo nga akong utusan sino ka ba?" may panghahamon sa boses nito.

"Isuot mo na ang mga damit mo at ihahatid na kita sa kwarto ko." Ma-awtoridad na utos ni Ayvren, ngunit hindi iyon sinunod ni Keitha bagkus ay mas lumapit pa siya kay Ayvren, she's pressing her body against him.

Oh god, this is punishment for him. He's in hell with an angel in black underwear and he's already hard down there.

"I want you, Ayvren. I want you right now." Her voice was pleading as she say those words. Magsisinungaling si Ayvren kung sasabihin niyang ayaw niya ang nakikita niya ngayon but Keitha is in under influenced of drugs. He can't take advantage on her. Kung gagawin niya man iyon gusto niya ay nasa tamang huwisyo si Keith.

Inalis ni Ayvren ang suot niyang jacket at sinuot niya iyon kay Keith upang matakpan ang katawan nito. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Keitha pagkatapos ay pinakatitigan niya ito sa kaniyang mga mata. "As much as I want to have you right now, I can't. You're not with yourself." malumanay niyang sabi.

He saw disapointment in her eyes, but he can't do anything. Huminga muna siya ng malalim bago niya inalalayan si Keitha papunta sa kaniyang kwarto na nasa ikalawang palapag.


Hiniga niya si Keitha sa kaniyang kama ng makapasok sila sa loob ng kwarto. She looks so tired and she needs to rest. "Sleep now, my star." bulong niya.

"Saan ka matutulog?" biglang tanong ni Keitha sakaniya bago pa niya tuluyang mapihit ang selyador ng pinto.

"Sa kabilang kwarto."

"Bakit hindi nalang dito?" may pagtatakang tanong ni Keitha habang humihikab.

He smiled to her. "Gusto mo pa rin akong makatabi katapos ng sinabi mo sa akin kanina? Keitha, I don't trust myself at baka kung ano pa ang magawa ko sayo lalo na't magkatabi tayo. I'm not a saint."

"I trust you." nakatingin si Keitha sa kaniyang mga mata habang sinasabi ang mga katagang iyon. Para siyang nahihipnotismo sa mga tingin ni Keitha sa kaniya kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang sundin ito. They will sleep together.



Nagising ako dahil nakaramdam ako ng mabigat na bagay na nakapatong sa aking tiyan. My eyes widen when I saw Ayvren's face near me, he's shirtless and he's hugging me.

What the hell happened? Parang pinipiga ang ulo ko sa sakit, heto ba yung tinatawag nilang hang over? Damn hindi na ako iinom. That was my first and last!

Pinagmasdan ko ang lalaking nasa tabi ko, he's sleeping so peacefully. How can someone looks so handsome while sleeping? Minsan hindi talaga pantay ang mundo.

Wala siyang pang itaas na damit kaya malaya kong nakikita ang kaniyang tattoo. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya't hinawakan ko ang kaniyang dibdib pagkatapos ay dahan dahan kong tinrace ang kaniyang tattoo gamit ang aking hintuturo. "Good morning." aniya.

Para akong napasong inilayo ko ang aking daliri sa katawan niya. Gising na siya! "A-anong nangyari? N-nasaan ako?" naguguluhan kong tanong sakaniya.

"You're in my room." namamaos niyang sabi na halatang kagigising lang. He's still hugging me.

Pero, bakit nasa kwarto niya ako? Anong nangyari kagabi? Oh god, hindi na talaga ako iinom!

Tumingin siya sa akin pagkatapos ay hinaplos niya ang aking pisngi. "Bakit nasa club ka kagabi? And you're dancing on that stage too. Lahat ng mga lalaki'y nakatingin sayo." matigas niyang sabi. "Narinig ko na may inilagay daw iyong Jun sa inumin mo. And he's planning to take advantage on you." umigting ang kaniyang panga, he's mad!

"I-im sorry." nakayuko kong sabi. Hindi ko siya kayang tignan. Nadidisappoint ako para sa sarili ko. Hindi siya sumagot at tahimik lang siyang nakatitig sa akin na para bang sinusuri niya ako.

Pero masaya ako dahil inalagaan niya ako, at hindi niya ako iniwan sa mga kamay ni Jun. I think he really cares about me, at kahit na mali'y ganoon din ako sakaniya. I care about him too.

Alam kong mali ito dahil ikakasal na sila ni Sankisz pero hindi ko din kayang pigilan ang sarili ko. I can't stop myself from developing this feelings. "Thank you, I owe you this time."

"Don't say that. I'll be there for you always, my star." malumanay niyang sabi habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata. My heart is crazy again, and it's beating so darn fast. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at para akong sasabog ano mang oras. Lumapit ako kay Ayvren at kinabig ko siya papalit sa akin, the next thing I knew was, I am kissing him hard.

Tinanggap at sinagot niya ang aking mga halik. We were kissing each other like there's no tomorrow and I am craving for this. I am craving for his kisses. He is so warm. I can definitely wake up like this everyday. We both break the kiss, at habol namin ang aming hininga. That was so hot and intense!

Ngumiti ako sakaniya at ganoon din siya sa akin. "Let's eat?" anyaya niya sa akin.

"Tara p-pero, ahm n-nasaan ang mga d-damit ko?" tanong ko sakaniya. I am only wearing my undies and his jacket na may kahabaan kaya't para na rin itong dress sa akin.

"Nasa baba, hinubad mo kagabi." may nakakalokong ngising tumingin siya sa akin. Napasapo ako sa aking mukha. I did that?! Gosh ano pang nakakahiya ang ginawa ko kagabi? Teka...

"Nasaan pala ang kaibigan ko?" tanong ko. Nawala na sa isip ko si Vaine. Wala naman sanang nangyaring masama sakaniya kagabi.

"Oh, she's safe. She's with my friend." casual nitong sagot. What!? Pinanlakihan ko siya ng mata. "Sinong kaibigan?!" hindi ko na napigilang magtaas ng boses, I am worried about her. Paano kung may masama itong ginawa kay Vaine?

"She's with Darius. Don't worry she's safe with him. Sinisigurado ko iyon sayo."

Aba siguraduhin niya lang at baka masabunot ko yung lalaking iyon kapag may ginawa siyang masama sa kaibigan ko. Makikita niya yung hindi pa niya nakikita sa buong buhay niya. Sino ba yung Darius na iyon? Nagkita na ba kami?


Sabay kaming bumaba ni Ayvren upang kumain. Pero bago kami makapunta sa kusina ay dadaanan muna namin ang kaniyang sala. At tama nga siya! My clothes were scattered on the living room. This is so embarrassing! Narinig ko siyang tumawa ng bahagya kaya't tinampal ko siya sa braso. "Mauna ka na sa kusina!" bulyaw ko. Tumawa siya ng malakas saka siya dumiretso sa kusina.

Lihim akong napangiti. Napaka priceless ng pagtawa niya, this side of him is new to me. He's always serious with his intimidating blank face pero ngayo'y tumatawa siya sa akin. Feeling ko tuloy ang swerte ko. Nakita ko na din siyang malungkot, and believe me ayaw ko na ulit iyong makita. That's not him.

Pinulot ko ang aking mga damit at tinupi pagkatapos ay inilapag ko iyon sa may sofa. Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid. It's all black ang white at wala kang makikita na kahit anong ibang kulay. Lahat ng kasangkapan ultimo mga vase kung hindi itim, puti. Pati mga paintings na nakasabit sa dingding ganoon din. Napakaminimalist kung titignan.

Dumako ang aking mata sa picture ng isang babae sa may gilid. Kung bubuksan mo ang pintuan at papasok ka sa loob ng penthouse ay ito agad ang makikita mo. Itong picture lang na ito ang may kakaibang kulay. The woman is wearing a bright yellow dress. Napakaganda niya at napakasopistikada. Base sa mukha nito'y nasa late or mid 20's palang siya kung hindi ako nagkakamali. Bigla akong nakaramdam ng mabigat sa aking puso, sino siya?

I snapped back to reality when I heard Ayvren's voice, tinatawag niya ako upang kumain na. Walang buhay akong pumunta sa may kusina. What's this? Ano itong nararamdaman ko? I shouldn't feel this way pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.



Inilapag ni Ayvren sa mesa ang pancake, bacon at sinangag na niluto niya. It looks so tasty, and I am hungry. Ipinagsawalang bahala ko na kung anong nararamdaman ko kanina. It won't help me. Una palang alam ko nang walang patutunguhan tong nararamdam ko. Ikakasal na siya sa pinsan ko.

Magana akong kumain dahil sa sobrang sarap ng sinangag. Sorry to overreact it, pero heto na ata ang pinakamasarap na sinangang na nakain ko. "Ang sarap." sambit ko pagkatapos kong lunukin ang pinaka huling subo ko.

"I'm glad you like it." nakangiting sabi ni Ayvren.

Inabot ko yung cream coffee na nasa tabi ko pagkataoos ay dahan dahan kong ininom iyon. Woah it taste awesome too. Chef ba siya? Ang daya talaga, hindi lang sa physical siya perpekto pati na rin sa pagluluto. Nakakainggit naman. "Sino iyong picture na nasa sala?" wala sa sariling tanong ko. "Sorry, hindi ko maiwasang hindi macurious. Nagsstand out kase yung painting na iyon since iyon lang ang may kakaibang kulay maliban sa black at white." usisa ko.

Napawi ang mga ngiti sa labi ni Ayvren. Gusto kong basahin kung ano man ang nasa isip niya pero hindi ko magawa dahil blanko na ito. Wala siyang kahit anong ekspresyon sa mukha. He looked at me like I am the most boring person he ever met. Then a hit of sadness showed in his face.

"She's important to me." tipid niyang sagot, pero sapat na iyon para malaman kung anong estado nito sa buhay niya. Siya ba ang dahilan kung bakit ayaw niyang ikasal kay Sankisz? Kung ganon' bakit... Bakit niya ako hinahalikan? Why does he care for me? Pinaglalaruan lang ba niya ko? Or am I just assuming things?


Katapos kong nagshower ay isinuot kong muli yung suot ko kagabi. Ayvren insisted on buying me clothes, pero tumanggi ako dahil uuwi na din naman ako. Ayaw ko nang makaabala. Katapos ng breakfast namin ay hindi na kami muling nagkibuan. Hindi ko feel ang makipag usap sakaniya at hindi din naman niya ako kinakausap maliban nalang nuong sinabi niya na bibilhan niya ako ng damit.


"Hatid na kita." aniya. Tumango na lamang ako, hindi ko dala ang bag ko at hindi ko alam kung nasaan iyon kaya't wala akong choice kung hindi ang magpahatid kay Ayvren. Wala akong pera.



"So the date of the wedding will be moved the day after Tomorrow?" pagniniguardo ni Steve sa mag-asawang Gonzaga. Si Steve ang kanilang personal lawyer at malaki ang tiwala ni Gabriel sakaniya. He's also the father of Andres.

"Satingin ko ay napaliwanag ko na noon sa inyo ang Marriage Law sa pagitan ng mga mafia family. Sankisz needs to stay virgin before the night of their wedding or else you will face consequences. Strikto sa ganitong bagay ang mga mafia families dahil kailangan nilang masigurado ang pagkalehitimo ng kanilang magiging tagapagmana." Steve stated.

Gabriel is not quite confident about it, walwalera ang kaniyang anak. May posibilidad na hindi na virgin ang kaniyang anak. "We can still pull out the deal right?" tanong nito.

Tumango si Steve. "Yes, pwede niyo pang iurong ang deal hanggat hindi pa sila ikinakasal."

Lumingon si Gabriel sa kaniyang asawa. "I am not sure about this but, Sankisz is still a virgin right?"

Pagak na tumawa si Emily. "Of course! Ano bang pinag iisip mo Gabriel. Hindi pokpok ang anak ko."

"Siguraduhin mo lang Emily, dahil sabay tayong babagsak." matalim ang titig ni Gabriel sa kaniyang asawa. Anong gulo itong pinasok nila? They are dealing with devils at parang nasa hukay na ang kanilang mga paa. Sankisz needs to be virgin before the wedding or they will be doomed!


Nang tuluyang makaalis ang kotse ni Steve, yun naman ang pagpasok ng isang Bugatti. Napatigil si Emily sa pagpasok niya sa mansyon at hinintay niyang lumabas ang taong nasa loob non'. Lumabas ang lalaki sa may drivers seat at ganun nalang ang pag awang ng bibig ni Emily ng makilala niya ito.

Anong ginagawa ni Ayvren rito? Bibisitahin niya ba si Sankisz? Well that's good to hear. Umikot si Ayvren papuntang passenger seat at binuksan niya ang pinto. Kumuyom ang kamao ni Emily ng makita si Keitha na bumababa roon. What the hell?



Gaya ng lagi nitong ginagawa, pinagbuksan niya ako ng pinto. Ngumiti ako sakaniya at tuluyan ng nag paalam.

Sumalubong sa akin ang galit na mukha ni Auntie Emily pagpasok ko sa loob. What is it again this time? Bahagyang namilog ang aking mga mata. Don't tell me nakita niya si Ayvren?


"We need to talk." malamig nitong sabi sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro