Chapter 12. Marriage Law
"Not this time."
Chapter 12. Marriage Law
Nakaramdam ako ng malakas na kalabog galing sa kabilang kwarto kaya't lumabas ako upang tignan kung ano iyon. Mukhang nanggaling ang kalabog sa kwarto ni Sankisz kaya't sumilip ako roon, mabuti naman at hindi nakasara ang pintuan.
Namilog ang aking dalawang mata ng makita ang eksena sa loob, si Sankisz kasama ang isang lalaki sa kwarto niya? Wait! Si Peter ba iyon? Pinakatitigan ko ang mukha ng lalaki. Siya nga! isa siya sa mga tauhan ni Ayvren. Anong ginagawa niya rito?
Walang saplot pang itaas si Peter samantalang naka bra't panty na lang si Sankisz. May kapilyuhan akong naisip kaya't kinuha ko ang aking cellphone at kinunan ko sila ng video. Ipapakita ko ito kay Vaine siguradong matutuwa iyon.
Kahit papaano'y nawala ng kaonti ang guilt na nararamdaman ko ng makita yon. Sankisz and Ayvren clearly doesn't want this marriage, wala pa man ay nagtataksil na sila sa isa't isa.
Uuwi na sana si Ayvren sa kaniyang penthouse ngunit tumawag si Wize sa kaniya at pinapapunta siya nito sa Gentleman's. Gusto na niyang umuwi ngunit pinagbantaan siya ng kaibigan na susunugin nito ang buong building ng Gentleman's. Psycho.
Wala pang kalahating oras ay nakarating na siya sa Gentleman's, It's friday night kaya't marami ang tao ngayon sa club. May mga babae rin ang gusto siyang makasayaw ngunit hindi niya ito binibigyang pansin. It would be lovely if its Keitha. Dumiretso siya sa top floor kung nasaan ang kaniyang private suite, naroon na rin ang kaniyang mga kaibigan.
Ano naman kaya ang mga nakain nila at nagyaya sila? Wala ba silang magawa sa buhay at sa Gentleman's pa talaga sila nag hahasik ng lagim?
Hindi pa tuluyang nakakapasok sa loob si Ayvren ng may bumato ng throw pillow sa kaniyang mukha. What the heck?
"Akala ko'y hindi ka na sisipot." inis na bungad sa kaniya ni Darius. Binigyan niya ng matalim na titig ang kaibigan, pinulot niya iyong unan pagkatapos ay akmang ibabato niya ito kay Darius ngunit sa mukha mismo ni Wize niya iyon binato. Kawawang Wize, walang kaalam alam.
Matalim ang titig ni Wize sakanya ngunit ipinagsawalang bahala niya lang iyon at umupo na siya sa couch sa tabi ni Kylo.
"Anyways, sabi ng aking Papá ay ikakasal kana next week? Are you ready?" may bahid na kalokohan sa tanong ni Kingsley. Alam nitong ayaw magpakasal ng kaibigan sa kaniyang mapapangasawa.
Shit! Next week? So seryoso nga ang kaniyang Papá nang sinabi nitong ikakasal na siya next week? This is insane! Ayaw niyang ikasal kay Sankisz! "Any problem, man?" kunot noong tanong ni Xanth.
"Tinatanong mo pa yan, halata namang ayaw niya iyong babaeng mapapangasawa niya. You know the brat princess." asik ni Wize sa kaibigan. Wala sa sariling napatango si Xanth. Oh that.
"So mukhang tuloy na tuloy na ang kasal. Kahapon ay niyaya ni Uncle Pancho ang aming mga Papá upang pagusapan ang tungkol sa nalalapit mong kasal. Mukhang masaya pa nga siya e." singit ni Kylo.
"The malvagio will getting married in the age of 25, what a shame." walang emosyong sabat ni Creed. Sang ayon si Ayvren roon. Bakit ba kase may ganyan pang tradition rule ang kanilang mafia. It's really difficult to digest kahit pa alam na niya ito simula pa ng magkaisip siya.
"So invited lahat kami no?" masayang tanong ni King sakaniya.
Ayvren just smirked. "Of course my man. You will be my guest to witness me saying I don't in front of everyone."
"Boring" walang emosyong sabi ni Creed.
Lahat sila'y natawa maliban kay Creed. Madalang lang itong tumawa, at mabibilang lang nila iyon sa loob ng isang taon. What a cold blooded man, pati sa mga kaibigan nito'y pinagkakait niya ang pagtawa.
"So is it the same deal?" out of nowhere Fox asked. Nagsulubong ang kilay ni Ayvren sa tanong ng kaibigan. "What do you mean?"
"Marrying a virgin to make sure the legitimacy of the heir." Fox stated as if Ayvren knows about it.
"What? Wait. Hindi ko alam yan." naguguluhang saad ni Ayvren habang nakakunot ang noo. Virgin what?
"Most of the Mafia Clan who still has this tradition rule thing, the capofamiglia or the mafia heir needs to marry a woman who's still a virgin, to ensure the legitimacy of his child. This tradition rule of yours is so stupid, and this marriage law might help you."
"D-amn Fox!" tumayo si King at pumalakpak na parang bata. "You're so clever!"
"I thinks she's not a virgin anymore." Ayvren stated. "Ilang beses na niya akong niyayang mag sex, a virgin won't ask that stupid thing."
"I bet she's not." sabat ni Wize habang kumakain ng chocolate. Wait... natigilan si Ayvren. "Saan mo galing yan?"
"Sa ref mo." bored na sagot ni Wize. What the heck? Tumayo siya sa kinauupuan pagkatapos ay kinuha niya iyong tsokolateng hawak ni Wize at kinain iyon. "This is mine!"
"What the heck? Ayvren pano ba kita naging kaibigan. Isang tsokolate lang pinagkakait mo sa akin." masama ang tingin ni Wize kay Ayvren. Sinimangutan lang siya ni Ayvren at muli itong bumaling kay Fox na mukhang hindi makapaniwala sa inakto ng kaibigan. Immatured bastards.
"Since you're a loyal friend of mine." Fox chuckled. "I will tell you about this marriage law in detail."
Fox is a clever lawyer kaya't marami siya alam tungkol rito. Bakit ba hindi niya agad naisip magtanong sa kaibigan?
"Kailangang virgin ang mapapangasawa mo hanggang sa gabi ng inyong kasal. If not, there are consequences not only for her, but also to her family for their dishonesty. Alam nila iyon bago pa man sila nagsign ng contract." pahayag ni Fox.
"Uncle Pancho is aware of this law. I wonder why he still chose this girl for you." may bahid ng pagtatakang sabi Darius.
"Hindi niya pinirmahan ang agreement?!" matinis na sigaw ni Emily ng mabalik ang papeles na naglalaman ng mga agreement na kailangang pirmahan ni Ayvren. "My daughter signed the contract but Ayvren didn't signed this agreement?!" she asked again.
"Hindi nila pinirmahan iyong agreement, pero yung contract para sa arrange marriage pinirmahan nila. Hindi ko din maintindihan kung bakit niyo ginawa ang agreement na yan nang hindi ko alam. That agreement doesn't make any sense, Emily!" bulyaw ni Gabriel sa asawa. Nabasa ni Gabriel ang agreement and it's really absurd.
"Pancho Martin Lebeaoux is a well-respected man Emily. He is the Don of the Malvagios Mafia Clan. We need security from them lalo na't kilala na ang ating Pharmaceuticals sa iba pang mafia clan, all of them needs us for their narcotics lalo na't binabanned na ang drugs sa Pilipinas." Gabriel let out a deep breath.
"Hindi mo man lang naisip na maaari rin tayong mapahamak sa mga kamay ng mga Malvagios. Alam ko kung bakit umalis si Sankisz sa family dinner natin nuong gabing iyon. Sankisz sneak out with waiter isn't she?" he asked.
"Emily! We're doomed! Mapapatay tayo ng mga Malvagios kung hindi kayo umayos!" pangangaral ni Gabriel.
Emily just raised her brows. "So what Gabriel?" matapang nitong tanong.
"Ayvren clearly show us that he doesn't like Sankisz because of her behavior. At kinukunsinti mo pa ang anak mo? Kayo mismo ang naghuhukay ng sarili nating libingan. Ayusin niyo ang sarili niyo Emily, I will offer different deal with them that Ayvren will surely have no problem with." galit nitong sabi.
"Gusto ko lang ipaalala sayo Emily, ikaw ang nagpushed sa arrange marriage na ito at hindi ako." tinalukuran na ni Gabriel ang asawa at nagmartsa papunta sa kanilang bar counter. Sumasakit ang ulo niya sa kaniyang mag-ina.
"Steve!" bungad ni Emily sa kausap.
"May problema ba?" tanong ni Steve sa kaniya mula sa kabilang linya.
"Yes, kailangan ko ang tulong mo."
"Of course, your wish is my command, Emily."
It's Monday evening at napagpasyahan kong pumasok na sa trabaho. Absent ako ng tatlong araw kaya't kailangan ko nang magtrabaho ngayon.
The club is wild as usual. Lunes na lunes pero andaming mga tao, wala ba silang mga trabaho? Muli kong sinulyapan ang aking uniporme. Napalitan na naman ito. I am wearing a black fitted jeans paired with white turtle neck long sleeves. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganito ang uniporme ko. Kung hindi lang ako nakasuot ng half mask mapagkakamalan din akong customer ng club.
Dumiretso ako sa may bar counter kung nasaan si Camille at Ian. Sabay nila akong binalingan at pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. "Oo alam ko ang iniisip niyo." inis kong sabi. Though I really want this uniform dahil komportable ito, pero feeling ko ang unfair naman sa iba.
"Wala akong iniisip." ani Camille saka ito tumawa. "May balita pala ako sayo." her eyes gleamed. Lumapit ako sakaniya para mas marinig siya dahil papalakas ng papalakas ang musika sa loob ng club. "Nasuspend si Tasha ng ilang Linggo... pero babalik pa siya, hindi bilang isang stripper kung hindi isang janitress." tatawa tawang balita sa akin ni Camille. Oh that's good then.
"At eto pa!" singit ni Ian. "Hindi pala totoong nagsisex sila ni Big Boss. Naglap dance lang siya ng isang beses at inexagerate lang niya yung kwento." My eyes widen. What a shame, tigang na tigang ba siya kay Ayvren para gumawa ng ganoong kwento? Ngumiti ako, pero mabuti naman kung ganoon. That b-tch.
Nagring iyong telepono sa may Bar Counter at dali dali namang sinagot ni Ian iyon. Tumango tango pa ito habang kausap ang nasa kabilang linya. Bumaling sa akin si Ian ng matapos ang tawag. Kumuha siya ng whiskey sa may glass cabinet at inilapag niya ito sa harapan ko. Oh no. "Hatid mo ito sa suite ng Big Boss. Sa pinaka top floor, isang room lang ang meron don kaya't hindi ka maliligaw."
Umawang ang bibig ni Camille. "Oh my God Keitha! Wala pang nakapupunta sa suite ng Big Boss! You're so lucky b-tch!" she giggled.
Ako swerte? I refused to believed that lalo na't magtatagpo na naman ang landas namin ni Ayvren. Mas lalo lang lumalaki ang tyansa na makilala nya ako. Hindi na ako nagreklamo pa't kinuha ko na ang Whiskey at inilapag ito sa may serving cart kasama ang isang shot glass at isang ice bucket.
Nang makarating ako sa may top floor pansin kong wala kahit isang bodyguard na nakasuot ng red suit ang nakabantay rito.
Lumapit ako sa may glass door na naroon at pinindot iyong door bell sa may gilid. Ilang segundo lang ang lumipas at automatic itong bumukas. My eyes flashed in the interior of the suite. Halos mga glasswalls ang makikita rito at napakamoderno ng disenyo sa buong pasilidad.
Nahagip ng aking mata ang lalaking nakaupo sa couch sa may balcony. Nakatingala ito sa taas habang pinagmamasdan ang mga kumikislap na bituin sa langit. Nakatalikod siya saakin pero na vivisualize ko ang itsura niya. Tinulak ko iyong cart papunta sa balcony.
"Here's your drink, Big Boss." pagpukaw ko sa atensyon niya. Lumingon siya sa akin pagkatapos ay tumitig siya sa aking mga mata. I saw desire and sadness in them.
Tumango siya pagkatapos ay iminuwestra niya ang kaniyang kamay sa mesang naroon. Kinuha ko iyong whiskey sa may cart at inilagay iyon sa mesa. Nang maayos ko ito'y muling nagsalita si Ayvren. "Would you mind staying here for a while?" he asked in his deep voice.
I wouldn't mind but I thinks it's not necessary since I am Dally Moore and not Keitha. "Sorry Big Boss, pero nandito ako para magserved at hindi para inentertained ka." puno ng tapang kong saad.
Pinagkrus niya ang kaniyang mga braso pagkatapos ay tinitigan niya ako. I wanted to look away but I'm to attached in his dark brown eyes. "I know, I mean can you sit here for a little bit?" he asked. There's sadness in his eyes, may problema ba siya? Hindi ko pa siya nakitang ganito.
"Ayos ka lang ba Big Boss?" tanong ko.
He just shrugged. "May magagawa ka ba para maging ayos ako?" may pag hahamon sa boses nito, my eyes drop to the floor.
"I'm sorry if I sounded so rude." paghingi niya ng tawad. "May problema lang kase ako." tumingin ako sakaniya at hinihintay na magsalita ulit siya. Hindi naman niya ako binigo at muli niyang binuka ang kaniyang bibig. I can't help but to admire his natural red amd kissable lips.
"Nakikipagalyansa ang aking Papá sa isang business man na maaaring makatulong sa aming business, pero kapalit non' ang kalayaan ko. He arrange me to a marriage I didn't want. My Papá didn't care for my opinion and how I feel. I hate being told what to do, and whats worst is I don't have a choice. It's really hard because I like someo—" a sound of gunshots stop him.
Napatayo kaming parehas sa aming kinauupuan. May kinuha siyang baril sa kaniyang bulsa at walang pagdadalawang isip na kinasa niya iyon. "Stay here." utos niya sa akin.
Umiling ako. "No, sasama ako sayo. Hindi kita iiwan!" pagmamatapang ko kahit na gusto ko nang umiyak dahil sa takot.
"This club is under attack, my suite is the safest place." umiling ako. Sunod sunod na putok ng baril ang aming narinig mula sa ground floor. Soundproof ang kaniyang suite pero nakakapagtaka kung bakit naririnig namin iyong mga palitan ng putok sa ibaba.
"No! Sasama ako!" sigaw ko. Tinignan niya ako ng masama at ganon din ako sakaniya. "Fine! Stay behind me." he said without a choice.
Sumunod ako sakaniya. Hindi namin ginamit iyong elevator, bagkus ay yung kaniyang private elevator ang ginamit namin na hindi ko alam na nageexist pala sa Gentleman's. Nang makarating kami sa may ground floor pansin namin ang mga nagkakagulong mga tao at pati na rin ang ibang mga lalaki na nakahandusay na sa sahig. Ang ilan sa mga iyon ay mga tauhan ni Ayvren.
Dahan dahan ang bawat galaw namin hanggang sa makarating kami sa may bar counter nang hindi namamalayan ng mga lalaking nakasuot na black mask. "Stay here." bulong sa akin ni Ayvren, tumango ako.
Tumayo siya at hinarap iyong mga lalaki. "What are you doing in my club?!" malalim at matigas nitong tanong sa mga lalaki. Maging ako'y nakaramdam ng takot sa kaniyang boses.
"Malvagio!" one man shouted in horror. Malvagio? Sinong malvagio?
Without any hesitation, Ayvren pulled the trigger on his gun. Sunod sunod ang pagputok niya sa kaniyang baril. He is wicked at wala itong awa. Sumilip ako at nakita kong ang pagbagsak ng halos limang katao. Napatakip ako sa aking bibig, lahat sila'y may tama sa ulo ng walang mintis. Lumalalim ang paghinga ko, pinatay ni Ayvren ang mga lalaking iyon ng walang awa. Si Ayvren ba talaga ang kasama ko ngayon? Para itong ibang tao. Ni wala mang bakas ng takot sa mukha niya, at para itong sanay sa pakikipagpatayan.
Nangingig ang aking tuhod, inalalayan ako ni Ayvren sa pagtayo. Ang akala namin ay wala nang mga kalaban ngunit kinuha ng pansin namin ang lalaki sa may bandang likuran. Hindi pa kami tuluyang nakakalingon nang magpaputok ito at tumama iyon sa may tagiliran ni Ayvren. Ang kulay puti nitong dress shirt ay nabahiran ng kaniyang dugo. Isa pang putok ulit ang narinig namin na nagpatumba sa lalaking nakatama kay Ayvren.
"Malvagio" the man named Niko shouted. Ayvren stay stilled na para bang wala itong natamong sugat. Patuloy lang siya sa pakikipagbarilan ng hindi man lang binibigyang pansin ang kaniyang sugat.
"Kaya na namin to Malvagio, your safety is our priority." saad ni Niko. Mukhang wala na ang mga lalaking sumugod sa Club. Tumango ako at inalalayan si Ayvren papunta sa labas ng building.
"No, hindi tayo lalabas sa building na ito. Dalhin mo nalang ako sa aking suite."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro