Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1. Gentleman's Club

Chapter 1. Gentleman's Club


Makati City... 

Ang aking tahanan at ang lugar kung saan ako lumaki. 

Mukha itong tahimik at masiglang lugar dahil sa dami ng mga gusali at kabi-kabilang mga night clubs.

Pero ang lugar na ito ay isa rin sa mga pinaka mapanganib na lugar sa Pilipinas

... at dahil iyon sa mga Malvagios. 


Malvagios where known for being wicked and merciless.


Pagmamay-ari nila ang Makati at walang sino man ang nangangahas na kalabanin sila, maging ang mga kapulisan, ang batas at pati na rin ang mga taong nasa politika.

Lahat sila ay napapasunod nila ng dahil sa pera.

Kailangan mo lang ay ang manalangin na sana'y hindi mo sila makasalamuha dahil sa isang mali mo lang paniguradong isang malamig na bangkay kana.



Keitha Pov

Kasalalukuyan akong nagaaral sa Brent College bilang isang 4th year college student sa kursong nursing, at isa ako sa mga nakakuha ng scholarship program ng skwelahan.

So ibig sabihin kailangan kong ilaan ang lahat ng aking oras sa pagaaral.

"Keitha!" lumingon ako sa matinis na boses na tumawag sa akin. Napairap ako ng makita kung sino iyon, ang aking kaibigan na si Sylvaine. Siya rin ang roommate ko sa dorm na tinutuluyan ko.

Parehas kaming graduating student pero hindi pareho ang kinuha naming kurso.

"Busy ka ba ngayon?" tanong nito ng makalapit siya sa akin. "Ipapaalala ko lang sayo yung party sa bahay ni Ryan." Nakangiting sabi nito pagkatapos ay hinawakan ako sa kamay at nag puppy eyes.

Napailing nalang ako, no not working. Hindi niya ako madadaan sa pagpapacute niya. Yes. she's beautiful and all but it's not working on me.

"Hindi ako sasama." May pinalidad sa boses ko.

"Keith, minsan lang to please sumama kana." Nanghahabang ngusong sabi niya.

Nginitian ko lamang siya. Wala akong oras para magsaya sa mga party na iyan dahil mayroon akong mga priorities sa buhay. At ang lahat ng iyon ay nakaplano at nakaset na.

Lumukot ang mukha ni Vaine ng hindi niya ako nakumbinsi. 

"Hi, Keitha" kumaway iyong pamilyar na lalaki sa akin saka ito lumapit sa lugar kung nasaan kami. Kung hindi ako nagkakamali'y sikat ito dahil isa siya sa mga magaling na manlalaro ng basketball sa aming skwelahan. 

Nginitian naman siya ni Vaine. "So pupunta ba kayo sa Party ni Ryan mamaya?" tanong nito. Umiling ako.

"Sorry, John pero hindi ako makakasama." Walang buhay kong sabi. Nakita kong napawi ang ngiti sa mga labi nito. Why? May mali ba sa sinabi ko bukod sa pagtanggi sa alok niya?

Bago pa man ito makapag salita'y hinila ko na paalis sa lugar na iyon si Vaine.


"Ang sama mo" kunot noong sabi ni Vaine. "Alam mo bang matagal ng may gusto sayo si Jun? Ghad! Andaming babae ang gustong maging boyfriend siya. Tapos ikaw na gusto niya binabalewala mo lang? You even forgot his name, unbelievable! Hindi John ang pangalan niya, it's Jun!" hindi makapaniwalang sabi ni Vaine habang umiiling iling.

"Hindi ko naman kase kailangan ng boyfriend." 

Which is true. Hindi ko talaga kailangan ng boyfriend, lalo na't hindi sa campus na ito. Wala akong matype-an sa mga lalaking nagaaral dito. Though, oo hindi ko maipagkakailang may itsura si John--I mean Jun pero nakapokus kase ako sa aking pagaaral.

Half of me says, that no one has ever caught my eyes. Yes, pihikan ako pagdating sa mga lalaki dahil gusto ko kung magkakaroon man ako ng boyfriend gusto ko iyong sigurado talaga ako at hindi iyong panandalian lang. Minsan lang ako mainlove kaya gusto ko sa tamang tao lang.

"Aalis na ako, may trabaho pa ako." paalam ko kay Vaine. Tumango na lamang siya bilang pagsang ayon.


Trabaho. Napakadaling sabihin, pero sa totoo lang, sana'y may choice ako. Ayaw kong gawin itong trabahong ito pero kailangan kong kumita para magkaroon ako ng perang gagamitin para pantustos sa aking araw araw na pangangailangan. Oo nga't isa akong scholar student pero tuition ko lang ang sakop non', kailangan ko rin ng pera para sa mga libro, projects at sa thesis namin lalo na't graduating student na ako, I need to work hard for my future. 

Para sa inaasam kong tahimik at magandang kinabukasan.



Dumiretso ako sa aking locker room ng makarating ako sa Gentleman's Club. Kinuha ko ang aking uniporme saka dali daling sinuot iyon sa may dressing room. 

May pagkarevealing ang aking suot, kailangan daw iyon upang maakit ang mga customer na pumasok sa club. Isang kulay pulang tube tops at sobrang ikling palda na pinaresan ng kulay itim na over the knee boots ang aking suot.

Hindi ko na kailangang maglagay ng make up dahil hindi naman iyon kita lalo na't mayroon kaming suot na mask kaya't tanging kulay pulang lipstick nalang ang aking nilagay upang hindi naman ako mag mukhang maputla.


Tama kayo ng hula, nagttrabaho ako sa isang stripping club. Pero hindi isang stripper, kung hindi isang server or waitress. Itong trabaho na ito ang sakto para sa aking schooling schedule. Malaki rin ang sahod dito lalo na kapag may tip, kaya kahit ayaw ko'y hindi ko maiwan iwan ang trabahong ito.

Blessing in disguise itong mask na suot namin, dahil walang sinuman ang makakakilala sa amin. Pinapahalagahan parin ng club na ito ang aming identity bilang mga waitress. Mabuti naman dahil may imahe ako na iniingat ingatan na hindi pwedeng masira o malagyan ng mantsa.


Ang Gentleman's Club ay isa lang sa mga maraming club dito sa Makati. Pero ang kaibahan nito'y tanging mga mayayamang tao lang ang nakakapasok rito. Ito rin ang pinaka malaking club sa syudad at maraming mga business man ang dumadayo galing pa sa mga ibang lugar para lang makapunta rito. 

Nanuot sa aking ilong ang iba't ibang amoy ng usok galing sa mga sigarilyo at vape. Halos mabingi din ako sa sobrang lakas ng tugtog galing sa mga higanteng speaker na nakapalibot sa buong club. Mabuti nalang at sanay na ako sa ganito. Naalala ko pa nuong unang araw ko palang dito halos hindi ako makapagtrabaho ng maayos dahil sa ingay. 

Iwinaksi ko ang aking iniisip at dumiretso na sa may bar counter upang kumuha ng order. It's time for work.


"Hey" pagtawag ko kay Camille. Ang aking kaibigan sa club na ito, waiter rin siya gaya ko. Limang taon na siyang nagttrabaho dito kaya alam na niya ang lahat ng patakaran sa club, siya rin yung madalas na nagtatanggol sa akin sa mga manyak na customer.

Tumango siya at nginitian ako. "Alam mo ba? May walong lalaki ang pumasok sa club kanina! Parang tumigil at nagslow-mo ang lahat noong dumaan sila. At girl! Ang ha-hot nilang lahat! Kasama na don ang ating Big Boss! Jusmeyo sana ako yung maghatid ng mga order nila!" tili nito at parang kandila na natutunaw sa sobrang kilig.


Si Big Boss? Ni hindi ko pa nakikita ang Big Boss namin kahit na mag iisang taon na ako rito sa club. Is he an old man? Pero base sa description ni Camille hot daw ito? Natawa ako ng bahagya...

 baka tipo ni Camille iyong may katandaan na.


BLACKPINK ROSÉ AS KEITHA DONAHUE (Pronounce as Kita Donahyu)

EXO CHANYEOL AS AYVREN RUIZ LEBEAOUX (Pronounce as Eyvren Ruiz Lebyux) 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro