Chapter 3: The Heist
Chapter 3: The Heist
Sa mga sumunod na araw, wala akong ginawa kundi ang kabisaduhin ang mapa na binigay ni Demetre. I wanted the operation to be as smooth as possible, even if my nerves were killing me.
Panay din ang paalala niya tungkol sa mga bantay, sa mga nangyayari tuwing may pagtitipon, sa maaari kong asahan sa ilang oras na pagtapak ko sa Night Court. The place must be too regal, too overwhelming for my commoner blood.
"Hindi mo kilala ang ruler family?"
Demetre's face almost melted in frustration. Sa ilang araw kong nakasama siya, ilang beses niyang sinabi na tumatanda siya ng ilang taon dahil sa frustration na dala ko.
"Paano kapag may nakasalubong kang isa sa kanila? Alam mo ba kung ano ang gagawin sa harapan nila?"
Nagkibit-balikat ako. Tulad ng mga nakaraang araw, nasa loob kami ng pub. He's cleaning the counter habang naka-upo ako sa stool at may kagat na mansanas.
Napahawak siya sa kanyang sintido. "Kapag ikaw nagkamali ng galaw sa harapan nila, kahit wala kang ginagawang masama, kahit nandoon ka para magsilbi, maaaring manganib ang buhay mo. That's common knowledge, Andy."
Well, I guess I have no common knowledge. Para sa'kin hindi sila importante. I've never seen them. They've never been down here in the city.
Yes, they are the ruler family of the Kingdom of Nightcrest. They sit on high, mighty thrones. The royal blood of this world runs through their veins, under their pampered skin, probably as white as snow and as smooth as silk. But they are nothing to me.
"Hindi ako makikisalamuha sa kanila."
"Dapat lang!" Demetre exclaimed. "Ni wala tayong karapatang huminga malapit sa kanila."
Demetre wasn't exaggerating. We all hear tales about them, stories about the ruler family. Ang mga tagasilbi, gwardiya o tulad ni Demetre na nakakapasok sa palasyo ang tanging nakakaalam ng mundo sa loob ng Night Court.
—
Bago ang gabi ng pagdiriwang, bumalik ako sa bahay ni Miss Poppy para kumustahin si Lola. Madalas natutulog lang siya, pero noong araw na 'yon, nakaupo siya sa kama.
Lumapit ako pero nanatili siyang nakatulala. Hindi na siya gaanong nakakakita. Hindi na niya ako masyadong nakikilala. Inalis ko ang bandana sa ulo ko at nalaglag ang mahaba kong buhok.
Bumaling sa'kin si Lola. "Aurora..."
Ito ang dahilan kung bakit kahit gustuhin kong gupitan ang buhok ko upang walang sagabal sa trabaho ko at hindi ko kailangang matakot na makita nila akong ganito, hindi ko magawa. Dahil doon ako nakikilala ni Lola, doon niya ako naaaninag.
Hinawakan ko ang kamay niya at umupo sa tabi niya sa kama. I had to admit, Miss Poppy has been taking good care of her. Mabilis ang paggaling ng mga sugat niya.
Kung tutuusin pwede na kaming umalis. Pwede na akong tumakas. But I wouldn't dare. I know I couldn't. I might be a thief, a criminal. Pero hindi ako umaatras sa salita ko.
"Aalis ka?" tanong ni Lola matapos kong sabihin na baka hindi kami magkikita sa mga susunod na araw.
Marahang hinawakan ni Lola ang mukha ko gamit ang kanyang kulubot na kamay. Tumango ako at ngumiti saka siya mahigpit na niyakap. "Babalik ako," pangako ko. "Ingatan niyo ang sarili niyo habang wala ako."
Hinawi ni Lola ang mahaba kong buhok. "Napakaganda mo, apo ko."
I smiled halfheartedly. Muli kong inipit ang buhok ko at mahigpit na tinali ang bandana. Hindi ko masabi. Hindi ko masabi na balak kong pumuslit sa Night Court. Sa mundong malayo sa tulad namin, sa mundong kinatatakutan naming tapakan.
Sa balkonahe, nakaupo sa maliit na rocking chair si Miss Poppy at sumisimsim ng tsaa.
"Aalis ka na?" Bumaling siya sa'kin nang may ngiti.
Humarap ako sa kanya, and for the sake of honesty, sinabi ko ang takot ko. "Paano kung hindi ako makabalik? Ano'ng mangyayari kay Lola, paaalisin mo ba siya?"
She pushed her chair gently for it to rock back and forth. Tila nagiisip siya.
"Hindi ako humihingi ng imposibleng bagay," muli niyang sabi habang nakatingin sa kawalan. Saka siya ngumiti nang makahulugan at muling sumimsim ng tsaa. "Maghihintay kami." Kaway niya nang maglakad ako paalis.
Masyado siyang nagtitiwala na kaya ko ang pinapagawa niya. Pero paggising ko palang ng umagang 'yon, alam kong may hindi magandang mangyayari.
--
Hapon bago ang pagtitipon, nasa likod ako ng pub. Demetre was loading his old rickety truck with boxes of alcohol, beers, and booze. Pinapanood ko siya sa gilid.
"Ang dami niyan," puna ko.
"Being the liquor supplier to the guards of Night Court isn't bad business," kindat ni Demetre. In the past few days, hindi ko mapigilang magduda. Pakiramdam ko alam niya ang pagkatao ko.
Nang matapos siya, tumungo ako sa likod ng sasakyan at pumwesto sa mga kahon at lalagyang gawa sa kahoy. Demetre made a space enough for me to sit and sprawled my legs.
"Okay ka na dyan?" tanong niya habang pinagmamasdan ako.
Isa sa magandang ugali niya, kahit punong puno siya ng yabang, at kahit hindi niya alam ang eksaktong rason kung bakit ko ito ginagawa, hindi niya ako pinipigilan.
He might think I'm crazy, and he often tell it out loud to my face. Pero tinutulungan niya parin ako. Kahit pa pwede din siyang mapahamak kapag nagkamali ako dito. Pero tulad ng pinangako ko sa alak, hindi ko siya hihilain pababa kasama ko.
Dumilim ang paningin ko nang takpan niya ng tela ang buong likod ng truck. Now nothing existed other than the smelly boxes of liquor beside me.
Umandar ang truck papunta sa direksyon na kailanman hindi ko pinangarap na marating.
If I say I'm not afraid, I would be lying. Sa labis na takot ko sa pagdating ng araw na ito, hindi ako nakatulog buong gabi. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang aking plano, naghahanap ng butas kung saan ako pwedeng magkamali para mapigilan ito.
But not knowing about the Night Court gave me a foolish sense of confidence. Hindi ko alam ang aasahan ko, kung anong klase ng mga tao ang makakasalamuha ko. The supposed to be loyalty toward these people disgusts me the most.
Tinaas ko ng bahagya ang tela para sumilip sa labas. Lumubog na ang araw and the truck was heading up to a hill. Mula sa siyudad, madalas makita ang tuktok ng palasyo ng Night Court, pero natatakpan ang kabuuan nito ng nakapaligid na kakahuyan.
Bakit hindi nalang ang kakahuyan 'yon ang sinunog nila para madamay sila?
Bahagyang huminto ang sasakyan and I know we've arrived at the first gate. Sinabihan ako ni Demetre tungkol dito. May tatlong gate kaming dapat daanan bago makarating sa palasyo. Isa paglampas namin ng kakahuyan, pangalawa pagdating namin ang palasyo, at isang gate sa likod kung saan dumadaan ang mga tulad ni Demetre. The main gate is only for the royalty and People of the Halls.
I was holding my breath the entire time habang nakatigil ang sasakyan. Pero hindi sila strikto dito basta may hawak na gate pass mula sa palasyo. Demetre has one kaya madali kaming nakaalis.
Nagpatuloy ang byahe namin and I could make up the silhouette of looming trees on the side of the road. It must be the cold breeze nipping my skin dahil habang tumatagal, unti unti akong nanginginig.
Pagdating sa pangalawang gate, the guards started to check the back of the truck. Ini-angat nila ang tela para malaman kung ano ang laman nito. Inasahan na ito ni Demetre kaya nilagay niya ako sa pinaka-gitna, pinaliligiran ng mga kahon at hindi naabot ng mga kamay ng mga gwardiya.
Demetre, after all, is the supplier of their merriment. Kaya hindi na nakapagtataka na hindi sila mahigpit sa kanya. I little joke around, a little charm from him, and we were through once again.
Nakahinga ako nang maluwag nang magsimula ulit kaming magbyahe. Ngayon alam kong nakapasok na kami sa estate ng Night Court, lugar kung saan nakatayo ang mga Halls at ang mismong palasyo.
Ang huling gate ay sa palasyo kung saan namamalagi ang Hari at Reyna. Doon magaganap ang pagdiriwang. Sa oras na pumasok kami sa back gate, isa-isang ibaba ng mga guards ang laman ng sasakyan. Dito ako mahihirapan, sa pag-alis nang hindi nila napapansin.
Demetre has a plan in mind at dahil ayaw niyang madamay sa ano mang gulong dala ko. He would keep the two guards for a single minute and those sixty seconds must be enough for me to sneak out of the truck. Sixty seconds.
Ilang liko ang ginawa ng sasakyan bago dahan dahang huminto nang marating namin ang back gate. Through the fabric, I could see the shadows of the towers of the castle, the golden lights from the high conspicuous windows, and the busyness of the people at the back of the castle- the shouting and hurried steps.
Kapag huminto ang engine ng sasakyan, that's when my sixty seconds would start. Pero hindi pa man ako nakakapaghanda ay naputol ang engine nito at narinig ko si Demetre na may kausap.
Ito na ba 'yon? Should I start?
Several seconds had passed. Wala pang gumalaw sa tela o sa mga kahon sa likod ng truck. I kept my body still as I removed the fabric. I quickly scanned what's in front of me. Ang likod ng palasyo, isang pinto kung saan labas-pasok ang mga tao.
I slipped my body between boxes, careful not to cause any large movement, mingling among the noise. I was already at the edge of the truck, isang galaw nalang. Isang mabilis na talon and I could blend in with the people.
Natigilan ako nang maramdaman ang mga yapak. "Ito na ba ang mga 'yon? Mukhang madami ka yatang dala ngayon."
Napamura ako. Shit shit shit.
I forced myself to jump out of the truck, and I landed on the ground, face first. I quickly raised my head and saw the pairs of dark booths made out of metal and leather walking toward me.
Out of terror and panic, I raised my open palms to the nearest source of light. In split-second we were enveloped by darkness.
"Ano'ng nangyari?"
I rolled out of the ground, tumayo, at tumakbo paalis. Sandaling nagkagulo ang paligid dahil sa pagkawala ng ilaw sa gates. Humahangos na tumakbo ako sa gilid ng palasyo, palayo sa kanila. Pumasok ako sa isang maze garden at doon hinabol ang aking hininga.
Pinagmasdan ko ang palad ko. A fading silver light sits on it like a fog on the lines of my palms. Tulad ito ng bagay na lumabas sa kamay ni Miss Poppy nang gamutin niya ako.
Ito ang dahilan kung bakit ako ang napili niya.
***
#TheWickedCrown
Twitter: breatheapril
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro