Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

Chapter 8


Nanatili kaming nakaupo sa ilalim ng puno at nakaharap na kami sa isa't-isa. I'm sitting between his legs while his arms are circling around my waist.

We're both staring at each other, na parang ayaw nang pakawalan ang mga mata ng isa't-isa. Hindi nakakasawang pagmasdan ang kanyang kakisigan, hindi ako kailanman mawawalan nang ganang pakipagtitigan sa kanya.

Hindi ko akalaing ipagkakaloob sa akin ng tadhana ay isang dugong bughaw. Isang prinsipe na may mga matang nakatutunaw at mga labing nakakauhaw.

Kalmado na ang pagniningas ng aming mga mata, muli nang nagtago ang aming mga pangil, ngunit nananatili ang bilis ng pagtibok ng aking puso.

Hindi ko pa naitatanong ang kanyang pangalan.

"You're a prince.." tumango ito sa akin.

Kumuyom ang mga kamay kong nakapatong sa aking mga hita nang umangat ang kanang kamay niya.

Using his thumb he tried to softly caress my cheek.

"What is your name?" mahinang bulong nito.

I tried to open my mouth to answer but I ran out of voice. His light touch is making me weak and tremble.

Halos kapusin ako nang hininga nang umabot ang mga daliri niya sa mga labi ko. Lightly tracing the shape of my lips.

Lalong humigpit ang pagkakakuyom ko sa aking mga kamay nang makita kong binasa niya ang mga labi niya habang nakatitig sa akin.

He raised my chin, locking our eyes again.

"What is your name, Mi amor?"

"K-Kalla.."

He smiled at me. Binitawan niya ako at hinanap ng kanyang mga kamay ang mga kamay ko.

Marahan niya itong itinaas at kusang bumama ang mga labi niya sa likuran ng aking mga kamay.

"Third Prince from Parsua Sartorias, Finn Lancelot Gazellian." Nag-init ang mga pisngi ko sa ginawa nito.

He is really a Prince and—and a Gazellian?!

"King Thaddeus' son?"

"Yes,"

Muling pumulupot ang mga braso nito sa akin at mas kinabig niya ako.

"Try to touch me, Kalla."

Nagdaop ang mga kamay ko, hindi ko alam kung anong gusto niyang mangyari.

"I said try to touch me, Mi Amor.." hinawakan niya ang isa kong kamay at inilagay niya ito sa aking pisngi.

Inihilig niya ang kanyang sarili sa aking kamay na nakahawak sa kanyang hanggang sa muling magningas ang kanyang mga mata.

"Been waiting for this touch,"

Kusa nang gumalaw ang kamay ko para kabisaduhin ang kakisigan ng prinsipe. The tip of my finger travels from his cheeks, side of his eyes, his thick brows, long eyelashes, until my fingers landed on his pointed nose down to his lips.

"Napakakisig mo, mahal na prinsipe." Wala sa sariling nasambit ko.

"Higit sa hangal na si Rosh?"

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at kusa kong inangat ang sarili ko para magaan siyang halikan sa gilid ng kanyang mga labi.

"Higit sa kahit sinong prinsipe." Ngumisi ito sa akin.

"Why are you with him? Saang imperyo ka nagmula? What is your full name?" hinawi niyang muli ang buhok ko.

"Kallaine Seraphina Verlas, isa lamang akong hamak na tagasunod mula sa imperyo ng Lodoss mahal na prinsipe." Yumuko ako nang sabihin ko ito.

"I don't care.." muli niyang inangat ang mukha ko.

"Isa ka na ngayong hamak na tagasunod mula sa imperyo ng Lodoss na sinasamba ng isang prinsipe mula sa Sartorias. At nangangako akong ipaparanas sa'yo ang pamumuhay na higit sa isang prinsesa."

Umawang ang bibig ko sa sinabi niya.

Muli niya akong kinabig at sa pagkakataong ito ay naramdaman kong nakahiga na ako sa lupa habang nahilig sa tabi ko ang makisig na prinsipe.

"Can you call my name, Kalla?" hinahaplos na nito ang aking nakakalat na buhok.

"You are so beautiful, now call me.."

"Finn.."

Ipinikit ko ang aking mga mata nang saglit na lumapat ang kanyang mga labi sa akin.

"You have a very soft lips, Mi amor.."

"Call me again.."

Nag-iinit nang muli ang mga pisngi ko, nagkakagulong muli ang tibok ng puso ko at maging ang aking paghinga ay naapektuhan na.

"Finn.." lumapat ang labi niya sa noo ko.

"Why are you here, Kalla?"

"I heard about your father's—" hindi ko magawang ituloy dahil sa biglang paglungkot ng kanyang mga mata.

"You were close with my father?"

Hindi ako nagsinungaling sa kanya dahil agad akong tumango.

"He's like a father to me, pagkakatapos niya sa isang pagpupulong ay kinakausap niya ako. Lagi niyang ikinukwento ang reyna at ang mga anak niya." Bigla na lamang itong tumawa.

"I now remembered, he's always talking about someone na ipakikilala niya sa akin, maybe it's you." Nagtaka na ako sa sinasabi niya.

"Do you think, alam ni Haring Gazellian na ikaw at ako ay—" hindi niya na ako muling pinatapos.

"Ofcourse! He is my manipulative father."

Ngayon ko na naintindihan kung bakit hindi gusto ni Haring Gazellian na may lumalapit sa aking ibang lalaking bampira.

He's reserving me for his son!

"So your reason here was for my father, but why are with Rosh?"

"Lumabas ako ng Lodoss, kung gagamit ako ng karwahe hindi ako makakarating dito sa tamang panahon. That's why I asked a priestess to cast a spell for me. Ngunit ang kabayaran ko pala ay hindi sapat dahilan kung bakit sa Deltora ako dinala nito." Paliwanag ko.

"He didn't harass you?" biglang pumasok sa alaala ko ang tatlong beses na pagtataka ni Rosh na patayin ako.

Pero dahil may maganda naman itong nagawa ay umiling na lamang ako. Pinagmasdan munang mabuti ni Finn ang mukha ko bago ito bumuntong hininga.

"Sorry Kalla, I wanted to introduce you to all vampires in this empire but everyone is still mourning for my father's death."

"Mahal na prinsipe, hindi na kailangang ipakilala ako sa buong imperyo. Masaya na akong makilala ka nang hindi inaasahan." Mas hinila niya ako at kapwa kami tumitig sa madilim na kalangitan na natatakpan ng mga sanga ng puno na napupuno ng mgagandang dahon.

"This is your symbolism, right?"

"Yes.."

"Bakit hindi ka manatili sa loob ng palasyo gaya ng mga kapatid mo?"

"I can't Kalla, hindi ko kayang makita si ama na walang buhay. Mas gugustuhin ko na lamang mapag-isa sa lugar na ito. I can't be like my brothers Caleb and Evan that can act tough, because that is the most painful kind of illusion."

Inagat nito ang kanyang kamay para saluhin ang dahong bumabagsak mula sa kanyang sariling puno.

"Ilusyon sa pagiging malakas, maasaya at walang mga luha ang pinakaaway kong makitang klase ng ilusyon."

Bigla kong naalala ang ilang naging kwentuhan namin ng hari.

"Mahal na hari, may paborito ka ba sa inyong mga anak?"

"Lahat sila ay pantay-pantay sa akin, Kalla." Katulad ng lagi naming usapan may ibon na namang dumapo sa kanyang kamay.

Even the birds love this almighty king.

"Pero sa aking mga anak, may isa akong higit binibigyan ng pansin. Hindi dahil siya ang lubos kong mahal kundi dahil alam kong darating ang araw na susubukin siya tadhana, I need to guide him, I want him to learn being independent."

"Lalayo siya mahal na hari? Hindi ba at maganda kung magkakasama ang inyong mga anak?"

"Hindi natin masasabi ang gusto ng tadhana, Kalla. Isa pa kailangan ko siyang turuan na hindi sa lahat ng pagkakataon ay maaaring dalhin sa reyalidad ang ilusyon."

"Ilusyon?"

"Yes, my son has a great power. He can turn illusions into reality." Ngumisi sa akin ang hari habang inilalagay niya ang kanyang daliri sa harap ng labi niya.

"Sekreto lamang ito, Kalla."

"He's so powerful!" hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nalalaman ang kapangyarihan ko.

"Kaya mas madalas ay kasama ko siya, he's still a kid at natatakot akong bigla na lamang niyang gamitin nang higit ang kanyang kapangyarihan. He needs guidance, isa pa pilyo ang anak kong si Finn."

Ngayon tuluyang pumasok sa isipan ko ang ilang mga pinag-uusapan namin ng hari. Hindi ko akalaing ang prinsipeng laging ikinukwento sa akin nang hari ang siyang lalaking itinakda sa akin.

"Matapos ang burol ni ama, hayaan mo akong sumama sa'yo sa Lodoss. I'll ask Dastan, hihingi ko na ang kamay mo."

Napabangon ako sa sinabi nito. That fast?!

"Mahal na prinsipe..ngayon lamang tayo nagkakilala."

"But we are mates, Kalla. Kailangan mo nang manatili sa Sartorias." Pumasok sa isip ko ang aking ina.

"H-Hindi maaari mahal na prinsipe, hindi ko pwedeng iwan ang aking ina." Bumangon na rin ito at hinawakan niya ang kamay ko.

"I can ask her to stay here with you, malaki ang Sartorias."

Sasama kaya si ina kung aalukin siyang manirahan sa ibang imperyo? I can't just leave her.

"Maaari ba na kausapin ko muna si ina na ako lamang? Ayokong mabigla siya, lalo na at lihim pa ang pagpunta ko dito. Baka magdamdam ito kapag nalaman niya na umuwi lamang ako para ipaalam sa kanyang sasama na ako sa isang prinsipe."

Hinuli nito ang ilang hibla nang mahaba kong buhok at hinalikan niya ito.

"Masusunod, Kalla."

Bumalik lamang kami sa paghiga sa ilalim ng puno habang tahimik na magkayakap. Hindi rin nagtagal ay nagsalita ang prinsipe.

"Mabuti na lamang at dumating ka ngayong nalulungkot ako. I need someone's comfort." Ramdam ko ang bigat ng damdamin niya.

"Nalulungkot ako, Kalla. Nalulungkot ako sa pagkawala ni ama." Nag-angat ako nang paningin sa kanya.

"Anong gusto mong gawin ko mahal na prinsipe? I want to help you." Nag-aalalang sabi ko.

Bumangon akong muli at sinundan niya ako. Sinapo nito ang mga pisngi ko habang nagniningas na naman ang kanyang mga mata.

"Paligayahin mo ako ngayong gabi, Kalla. I want to own you tonight, Mi amor."


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro