Chapter 7
Chapter 7
"You may cry, but walk like a royalty and be my princess tonight, Kalla."
Napatitig ako sa prinsipe dahil sa biglaang sinabi nito. His tone was serious and when I looked at him, all he did was to grin at me.
Hindi ko nga siguro makukuha ang ugali nito. He's an unpredictable prince.
Lumingon ito sa isang direksyon kaya sinundan ko ito. Dalawa ang mahabang pila ng iba't-ibang nilalang mula sa mga imperyo ang nakahilera para lamang makita ang mga katawan ng hari.
Iba't-ibang klase ang maaaring maging katapusan ng mga bampira. May mga bampirang nagiging abo sa kanilang kamatayan, may mga bampira rin na nanatiling buhay ang katawan.
Masyadong komplikado ang maaaring maging kamatayan ng isang bampira, ayon sa ilang librong aking nababasa.
Pero tatlo lamang ang madalas na nagiging dahilan ng kamatayan ng isang bampira. Sumpa, isang digmaan at pagkitil sa sariling buhay dahil sa matinding kalungkutan..kalungkutan ng pag-iisa.
I can still remember how my mother tried to kill herself when my father died. Vampire bond is unbeatable na kahit kamatayan ay hahamakin, kaya humahanga ako sa reyna ng imperyong ito dahil nanatili itong buhay sa kabila ng pagkamatay ng kanyang hari.
Sinabi sa akin ng prinsipe ng Deltora na nagkulong na lamang ang reyna sa ilalim ng palasyo at naiintindihan ko ito. Pagdating nang panahon, sa sandaling muli siyang lumabas nais kong sabihin sa kanya kung gaano siya kamahal ng hari dahil isa ako sa buhay na saksi.
"Maaari ba akong pumila, mahal na prinsipe?"
"No, hindi na natin kailangang pumila. But for the meantime, hindi muna tayo maaaring lumapit. Nasa unahan pa si Zen, I can't make a scene with him. I respect King Thaddeus."
Tumango na lamang ako sa sinabi nito. Muntik ko nang makalimutan na hindi nga pala maganda ang relasyon nito sa prinsipe ng mga nyebe.
Dinala ako ng prinsipe sa nakahilerang upuan na malayo pa sa ilang panauhin.
"I'll just get our drinks." Paalam nito sa akin.
Kahit nasa malayo ako ay pinipilit kong tanawin ang kabaong ng hari. Tatlo rin ang maaaring sapitin ng isang bampira sa kanyang kamatayan, maaari itong maging abo, malusaw ang katawan hanggang sa malusaw na parang bula o maaari rin namang maiwang buhay ang katawan.
Ang kahihinatnan ng katawan ng isang bampira ay depende sa anong klase ng paraan ng kayang kamatayan.
There are different kinds of curse that will turn vampire into ashes, but there are also kinds of curse that will leave their body behind. Hawak ng nagsumpa ang kagustuhan sa magiging kapalaran ng nasumpa.
Ganito rin sa iba't ibang sandatang nalikha sa mundong ito, may mga espada o palaso na ginawa para maging abo ang mga bampira pero meron din namang ginawa para manakit at magpahirap. Ang mga ganitong sandata ang nag-iiwan sa buong katawan ng bampira. Ngunit ang ibig sabihin lamang nito, mas higit na hirap at sakit ang pinagdaanan ng bampira bago lisanin ang mundong ito.
Ito lamang ang ilan sa mga kaalamang nababasa ko mula sa mga aklat sa palasyo. At ngayong buhay pa rin ang katawan ng hari, isa lamang ang malaking pahiwatig nito.
King Thaddeus Leighton Gazellian died in pain. And he didn't deserve it.
Muli kong pinahid ang mga luhang lumandas mula sa aking mga mata. I want to reach him, I want to see his face.
Halos lumaki at nagkaisip na ako sa mga salita ng haring ito, papaanong sa isang iglap ay nagkaganito?
Matapos magtungo sa isang mahabang lamesa na may napakaraming kopita ang prinsipe ng Deltora ay bumalik na ito sa akin.
"Here,"
Aabutin ko na sana ang kopita nang ilayo niya itong muli sa akin. Naupo ito sa tabi ko at sinilip niya ang mukha ko sa pagitan ng itim na kulambo sa aking mukha.
He's too close.
"Are you crying again? Lalapit rin tayo kay Haring Gazellian, let's just wait."
"But—but I can't help it, sa tuwing naiisip ko siya..bumabagsak na lang ang mga luha ko mahal na prinsipe. He was like a father to me.." nangangatal na ang mga labi ko.
At mas lalo itong bumuhos nang umawit ang isang napakagandang bampira sa unahan dahilan kung bakit nagtindigan ang mga balahibo ko.
Kahit ang prinsipeng katabi ko ay natigilan at natulala sa malambing ngunit napakalungkot na awitin ng bampira.
Condemned me to death
With my last breath
Sorrow and anger
Fill my head
"Her voice.."
Nang akma na akong hahagulhol ay agad akong kinabig ng prinsipe at hinayaan niya akong umiyak kasabay ng awitin.
"This is bad, Kalla. You can't cry like that in front. Mapapagkamalan ka ng mga konsehong kabit ng hari. Ubusin mo na ang luha mo rito."
"W-What?" hihiwalay na sana ako sa kanya pero mas humigpit ang mga braso nito sa akin.
"Women relation with King Thaddeus is quite sensitive right now, Kalla. Maraming magtataka kung may makakakita sa'yo na ganyan ka."
"But—"
"No buts Kalla, hindi mo kilala ang mga bampira sa imperyong ito. Right now, you can only trust me."
Halos kalahating oras yata akong hindi pinakawalan ng prinsipe at sinigurado niyang hindi na ako umiiyak.
"I thought it was just few tears, mas hagulhol ka pa umiyak kumpara kay Lily."
Hindi ako sumagot sa kanya.
"Flirting at the funeral, nice Rosh. Hey princess, show me yourself." Nakarinig ako ng pamilyar na boses ng lalaking bampira.
"Viardellon, kung ayaw mong sumunod kay Haring Thaddeus umalis ka sa harapan ko. Naabala kami." Narinig ko ang pagtawa ng lalaki.
"Don't trust him, he's just after your blood." Alam kong ako ang kinakausap nito.
"Don't try me, Colson. Kahit pagbuhol-buhulin ko kayong labintatlong magkakapatid." Matigas na sabi ni Rosh.
"Uhuh?"
Hindi na muling nagsalita si Rosh dahil umalis na ang bampira. Pinakawalan rin ako ng prinsipe at tumayo na ito.
Muli niyang inabot ang kopitang may dugo sa akin.
"Drink, I think you're calm enough." Tumango ako sa kanya.
Inaasahan ko nang maganda ang kalidad ng dugong malalasahan ko, pero may kung anong dahilan kung bakit hindi ko ito nagawang maubos.
Matapos kong uminom ay ibinaba ko ang kopita sa mga binti ko at pinagmasdan ko ang sarili kong repleksyon sa dugong natitira dito.
Nagsimula ang pakiramdam na ito matapos akong mawala sa yakap ng prinsipe.
"I-I think..someone is watching us, Prince Rosh. My heart is beating so fast, I can't breathe. Kinakabahan yata ako, mahal na prinsipe. I don't know why.."
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Tumigil ito sa pag-inom ng dugo habang ang isang kamay nito ay nakapaywang.
How could this prince drink a blood so elegantly?
Inihiwalay niya sa kanyang mga labi at kopita at marahan niyang inilingon sa paligid ang paningin nito.
"I can't see him, tago pa Gazellian." Ngising sabi nito.
"W-What?" nangangatal ang kamay ko sa kopita.
I can't understand what's happening, I am not feeling well. Bakit biglaan?
Nagkibit balikat lamang ito at nagtuloy siya sa pag-inom ng dugo, pero ang mga mata niya ay nasa akin.
"Prince Rosh, what is this? Nararamdaman ko ba ito dahil ako lamang ang hindi dugong bughaw sa palasyong ito? Nahihirapan akong huminga." Lumuwag na ang pagkakawak ko sa kopita hanggang sa nabitawan ko ito.
Agad itong nasambot ng prinsipe at nanlalaki ang mga mata nito nang makita niyang nakayakap na ako sa aking sarili. Nanlalamig ako.
"Shit! What's wrong? You looked pale." Sinilip nito ang aking kopita at mabilis niyang ininom para malaman kung may lason ito.
"It's the same as mine..what's wrong Kalla?"
Nakaluhod na ito sa akin para magtama ang aming mga mata.
"I don't know..maybe I am not belong here." Nanghihinang sabi ko. Hindi ko rin alam, biglang nag-iba ang pakiramdam ko.
"No, it wasn't like that. Where the fuck is he?" hinawakan ng Prinsipe ang mga kamay kong nakayakap sa sarili ko habang muli niyang inililibot ang kanyang paningin.
"This isn't my plan, god! Anong gusto mong gawin ko?" pansin ko na nagsisimula na rin itong mataranta.
"Is it the blood? Hindi mo gusto?"
"Hindi ko alam mahal na prinsipe. I felt so cold, nangangatal ang katawan ko. Someone is..someone is staring.." nakakapanghina ang mga mata niya.
Halos sabunutan nito ang kanyang sarili habang pilit hinahanap ang sinasabi ko.
"What the hell is wrong with him? Wait there.." tatayo na sana ito para iwan ako nang may mapansin ito sa aking likuran.
"Hey, Caleb!"
Tumayo na ito at tuluyang hinarap ang tinawag niyang Caleb. I can hear his footsteps. Nanatiling nakahawak sa balikat ko ang isang kamay ng prinsipe.
"Have you seen Finn?"
"Mali ba ang pagkakarinig ko, Rosh? Si Finn ba talaga ang hinahanap mo o si Zen?"
"You heard it right, nasaan ang kapatid mong ilusyunado?"
"I don't know, why? May kailangan pa ba siyang bayaran sa'yo?"
"Fuck, sabihan mo lapitan ako. Kung ayaw niyang ako ang kuma—"
"Anong ginagawa mo dito, Rosh?" muling umusal ng mura ang prinsipe ng may panibagong boses na dumating.
"Wala akong panahong makipagtalo sa'yo Zen, nasaan si Finn?"
Hindi sumagot ang pangalawang boses.
"Damn it! Curse you Gazellians!"
Nagulat ako nang binuhat ako ng prinsipe sa harap nang napakaraming bampira, karamihan ay nagsinghapan sa ginawa nito pero wala itong pakialam at mabilis niya akong nailayo.
Dinala niya ako sa isang napakalawak na hardin na tanging kami lamang ang bampira.
"What now? Anong pakiramdam mo?" ibinaba ako nito at hinaplos niya ang mukha kong namumutla.
Bakit bigla akong nanghina? Anong nangyari sa akin? Something like someone is pulling all of my strength.
"May mga mata..mahal na prinsipe..his eyes are—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang ramdam ko ang biglang paglabas ng mga pangil ko.
My eyes are burning, my heart is racing and my thirst is urging.
Wala sa sarili kong itinulak si Rosh hanggang makita ko na lamang ang sarili kong tumatakbo nang napakabilis na parang alam ang sariling patutunguhan.
My fangs are searching for someone..
Until I stopped from running, sa harap ng isa sa mga punong hinangaan ko sa pagpasok sa imperyong ito.
The tree is so beautiful with mixture of red and pink circular leaves. At nang sandaling bumaba ang mga mata ko mula rito ay lalong nagliyab ang mga mata ko sa lalaking nakatalikod habang nakatitig rin sa puno.
Everything happened in slow motion, until he finally revealed his face. Tulad ko ay nagniningas na rin ang mga mata nito.
"Who am I?" tanong nito sa akin.
"My..my..mate.."
I ran fast until I finally reached him. I was about to knock him down..uhaw na uhaw ako pero mas malakas ito at nahuli ako.
He pinned me against the tree and looked into my eyes with fire.
"How could you flirt with Rosh?"
Agad nitong kinabig ang buong katawan ko at napapikit na lamang ako nang malakas niyang sinuntok ang punong nasa likuran ko dahilan kung bakit umulan nang napakaraming dahon na may iba't ibang kulay.
He quickly changed our position until I felt his whole body behind my back. Kasalukuyan na kaming nakaupo sa ilalim ng puno habang patuloy sa pagbagsak ang mga dahon nito.
Ilang beses napapitlag ang aking mga binti nang maglandas ang kanyang mga labi sa leeg ko.
Until I felt his wrist on my lips. Yumakap siya nang mahigpit sa akin nang sandaling naglalandas na ang kanyang mga pangil.
Kasabay nang pagpatak ng mga dahon, ang mga katawan naming lumiliyab, ang mga mata naming nagniningas..at ang aming matinding pagkauhaw.
Tuluyan nang inangkin ng aming mga pangil ang isa't isa.
Umawit ang aking puso nang marinig sa aking isipan sa unang pagkakataon ang boses ng lalaking itinakda sa akin.
"Let my own symbolism witnessed our first bite together, Mi amor.."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro