Chapter 6
Dedicated to Acy
Chapter 6
Nabalot ng katahimikan ang loob ng karwahe sa pagitan namin ng ikalawang Prinsipe ng Deltora.
Ngunit alam kong kanina pa ako nitong pinagmamasdan.
He's sitting like a great royalty with his cross legs and a red rose on his hand. Paminsan-minsan akong sumusulyap sa kanya subalit masyadong mabilis ang mga mata nito dahilan kung bakit lagi nitong nahuhuli ang mga sulyap ko.
Ngumingisi ito sa tuwing nahuhuli niya ako.
Sumasang-ayon ako sa pananaw niyang isa siyang napakakisig na Prinsipe, halos higitan niya ang lahat ng mga prinsipeng nasilayan ko sa Lodoss, mga prinsipe sa mga kilalang aklat at maging ang pinakatatanging mga magdirigmang pinagkakaguluhan ng mga kababaihan.
He's a beautiful Prince and I am admitting it. Maaari rin siyang isabay sa pinakamakisig na bampirang nasilayan ko, si Haring Thaddeus Leighton Gazellian.
Ngunit ang paghanga ko sa kanyang kakisigan ay natatabunan na ng sarili nitong papuri sa kanyang sarili. Hanggang sa makalimutan ko nang humanga sa kanya. Nilalamon na ang prinsipeng ito sa kaalamang isa siyang napakakisig na bampira.
"Don't resist it, alam kong makisig ako. I am the irresistible Prince of Parsua Deltora, it is not a sin to adore me so much."
Gusto ko siyang tawanan sa sinabi niya pero pinigilan ko ang aking sarili, natatakot akong ibaba ako ng kanyang karwahe.
Ngumiti na lamang ako ng pilit sa kanya. Sa ngayon ay hindi ko pa tuluyang nalalaman ang totoong ugali nito. Hindi ko nakakalimutan na tatlong beses niya akong tinangkang patayin.
"I never thought that a commoner like you would have a very lovely face. Higit ka pa sa mga prinsesang kalakal ko."
Prinsesang kalakal? Anong ginagawa ng prinsipeng ito sa kanyang imperyo?
He straightened his right arm and his red rose reached my chin. He held it up to look straight into my face.
He's a prince and he can easily recognize someone if it is a royalty or not. Kung sabagay, nakapagpakilala na ako sa kanya.
"Do you want to taste my blood, Kalla?" nagulat ako nang tawagin niya ako sa pangalang ito na parang matagal na kaming magkakilala.
Umiling ako at marahan kong tinanggal sa mukha ko ang rosas.
"I haven't tried drinking with someone's blood." Narinig ko ang saglit na pagtawa nito.
"This is interesting, so are you telling me that your fangs are virgin?" umawang ang bibig ko sa sinabi ng prinsipe.
We should not talk about this!
Umiinom lamang ako ng dugo mula kay ina pero madalas ay galing lamang sa dugo ng mga hayop ang iniinom ko.
"I-I—can't Prince Rosh. I'm waiting for my mate. My..my fangs will only sink on his skin." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at tumingin ako sa labas.
Hindi man ako kagaya ng lahat ng kadalagahan sa imperyo na hantaran kung magpahayag nang pagnanais na makilala ang lalaking itinakda sa kanila kahit sa murang edad, hindi nito maaalis sa akin ang aking tahimik na pangarap na sa pagdating ng panahon ay mauuhaw ako at tanging dugo niya lamang ang aking magiging kasagutan.
Vampire mate is the most beautiful thing in this cruel world. Ang pagmamahal ng dalawang bampira sa isa't-isa, na kahit ang panahon ay hindi magawang matalo.
"This is weird, someone manipulated your bond with him."
Muli kong sinalubong ang kaanyang mga mata sa pagitan ng itim na belong nakatakip sa aking mga mata.
"Bond with him?"
"No, nevermind. Let's talk about you, mahaba pa ang lalakbayin ng karwaheng ito. What do you do for a living?"
"Isa akong tagasunod sa palasyo, utusan ng isang prinsesa."
"Isang alipin? Hindi ko akalaing magaganda pala ang mga alipin sa Lodoss. Minsan ay aanyayahan ko ang aking sarili sa inyong imperyo." Hindi ako sumagot sa kanya.
"How about King Thaddeus? Papaano mo nakilala ng isang alipin ang hari? Ibinuwis mo pa ang sarili mong buhay para lamang makarating sa burol nito. Do you have an affa—" naniningkit na ang mata nito sa akin.
Alam ko ang iniisip niya!
"Nagkakamali ka nang iniisip, mahal na prinsipe! He was like a father."
"King Thaddeus was a known womanizer back then, hindi pa niya nakikilala si Reyna Talisha ay napakarami nang naugnay ditong mga babae, prinsesa man o hindi. I wonder if his faithfulness was enough for the long years, having this issue with his death."
King Thaddeus gave me all his kindness at nakakaramdam ako ng matinding poot habang naririnig ang mga salitang ito para sa kanya.
Ilang beses kong naririnig ang kwento nito sa kanyang pamilya, sa kanyang reyna. He's a good king, a faithful one.
"It was his first love, walang pagtataksil si Haring Gazellian. He's faithful, mahal na mahal niya si Reyna Talisha. At kung may dapat man sisihin sa nangyaring ito, ang babaeng una niyang minahal. Posibleng hindi nito tanggap na hindi siya ang babaeng itinakda sa Hari."
Pinagmasdan lamang ako ng prinsipe habang tahimik nitong inaamoy ang kanyang sariling rosas.
"What is your game King Thaddeus? I can't get the point." Mahinang sabi nito.
Hindi na ako muling kinausap ng prinsipe, ngunit sa pagkakataong ito ay ako naaman ang nagkaroon ng ideya para tanungin siya.
"How about you, are you mated?"
Nagsisi ako nang bitawan ko ang mga salitang ito dahil unti-unting nalanta ang pulang rosas na hawak ng prinsipe.
Biglang nagkaroon ng tensyon sa pagitan namin, sumandal ito at tumingin sa labas.
"Mateless,"
"Sorry.."
"Don't feel sorry for me, higit na magaganda sa'yo ang mga babaeng sumasamba sa akin." Muling napuno ng halakhak ang buong karwahe.
I never looked at him. He's faking it.
Gusto kong murahin ang sarili ko dahil sa itinanong ko sa kanya.
Nang marinig ko ang sabi ng nagpapatakbo ng kabayong malapit na kami ay sinimulan ko nang ibuhos ang lahat ng atensyon ko sa labas.
I know this isn't the right time to be amazed, but Parsua Sartorias is beyond a paradise.
Tuluyan ko nang inilabas ang kalahati ng katawan ko sa bintana ng karwahe at humahanga ako sa aming nadaraanan.
Namumutiktik ang Sartorias sa iba't-ibang klase ng mga halaman. Buhay na buhay at kumikislap sa pagitan ng liwanag ng buwan.
"This place..ito ang imperyong pinahahalagahan ni Haring Thaddeus. Ang ganda! Napakaganda dito mahal na prinsipe."
"Mas maganda sa Deltora, pinapapatay lamang kita kaya hindi mo napansin." Matabang na sabi ng prinsipe.
Ang naging sentro ng atraskyon ng palasyong patutunguhan ng aming karwahe ay ang walong nagtatayugang puno na tumitindig na parang may dalang iba't ibang klaseng kapangyarihan.
Niyakap ko ang sarili ko nang hampasin ng hangin ang mga punong ito dahilan kung bakit umayon sa isang direksyon ang mga dahong nagmumula sa walong puno.
"Papaano tumutubo sa hindi kalayuang lupa ang ganitong klase ng mga puno? Hindi ba sila nag-aagawan ng sustansya ng lupa?" nagtatakang tanong ko.
"Trees symbolize the eight Gazellian, hindi sila marunong mag-agawan sa halip magbibigay pa ng sustansya sa bawat isa ang mga punong nakikita mo. And they will definitely not grow, if you planted them apart."
Pansin ko na nakasilip na rin ang prinsipe sa mga puno.
"I am the Prince that can manipulate plants. I can grow them with my power, but I can't help but to admire those trees. Ibang klaseng kapangyarihan ang bumuhay sa mga punong 'yan, Kalla. It's unbeatable."
"I wonder.." tipid kong sabi.
"It is the most powerful thing in this world, Kalla. Ang mga punong 'yan ang hinahangaan ng lahat ng mga taga Parsua, tanging mga Gazellian lamang ang may ganito."
"Wow..powerful thing..powerful thing.." iniisip ko kung anong klaseng kapangyarihan ang maaaring bumuhay sa mga puno.
Pilit kong inalala ang lahat ng nabasa kong mga aklat hanggang sa pumasok sa aking isipan ang nag-iisang salita.
"Love.." bulong ko.
"Love! It is love, Prince Rosh!"
Tumaas lamang ang kilay nito sa akin, mabilis siyang naglaho sa harapan ko.
"Mahal na prinsipe?"
"We're here," nasa likuran ko na pala ito at siya mismo ang nagbukas ng pintuan ng karwahe para sa akin.
"Welcome to Parsua Sartorias, ang imperyong pumapangalawa sa Deltora."
Inilahad nito sa akin ang kanyang kamay para alalayan ako.
"Maraming salamat,"
"You owe me your blood, milady." Bulong nito na nakapagpasinghap sa akin.
"Kidding, I don't drink commoner's blood. But if you insist--" umiling na ako sa kanya.
Nagsisimula na akong masanay sa paraan ng mga salita niya. He's a royalty and blunt, but I never get offended. Siguro ay dahil nakilala ko na siyang ganito.
Siya mismo ang nagkawit ng braso ko sa kanya.
"I have thousands of women to avoid."
Agad may lumapit na matatandang bampira sa amin dalawa.
"Mahal na prinsipe, hindi ko inaasahang maaga ang iyong pagdating. Lalo na't hindi maganda ang relasyon nyo ng prinsipe ng mga nyebe." Pakiramdam ko ay nanlamig ako sa sinabi ng matandang bampira.
Hindi maganda ang relasyon nito sa prinsipe ng mga nyebe?
Sa huli kong natatandaan ay isinigaw ko sa mismong harapan niya ang pangalan nito. Shit.
"King Thaddeus had a good relation with my empire. Wala akong pakialam sa hangal niyang anak na walang ibang ginawa kundi mainggit sa akin."
Hindi agad nakasagot ang mga matandang bampira at para maiba ang usapan ay sumulyap ang mga ito sa akin.
"Isang napakagandang prinsesa, sino itong dalagang iyong nabihag mahal na prinsipe?"
"A Princess from a faraway empire, could you excuse us?" Hindi na sila hinintay ng prinsipe dahil hinila na niya ako.
Nangatal ang tuhod ko nang makita ko ang napakalaking litrato ng haring hinahangaan ko.
"Rosh.." naramdaman ko na lamang na may tumulong luha mula sa aking mga mata habang papalapit ako sa litrato ni Haring Thaddeus.
Ngunit ang mas pumukaw sa aking damdamin ay ang kakaibang pakiramdam na parang may maririing mga matang nakatitig sa akin.
Nagulat ako nang punasan ng Prinsipe ang mga luha ko.
"You may cry, but walk like a royalty and be my princess tonight, Kalla."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro