Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

Chapter 5


All I want was to witness King Thaddeus funeral. To see my second father for the very last time and to mourn freely just like his beloved citizens.

Ito lang ang tangi kong kahilingan sa pag-alis ko sa aking imperyo, para makarating sa Parsua Sartorias ngunit bakit ako naiipit sa ganitong klaseng sitwasyon?

I was trapped inside this unusual place, how can I describe this? It is place made of glass with penetrating shades of sunlight that gives life to different kinds of plants around. But the whole space was dominated by red roses.

Namumutiktik ng pula ang buong kapaligiran.

The witch told me that I'll be in Parsua Deltora and the statue with an engraved Le'Vamuievos confirmed it.

And right now, I am facing a certain prince with his psychotic mind. Ngayon ko pinagsisihan na hindi ko pinag-aralan ang mga partikular na maharlika sa bawat kilalang imperyo.

Tanging sakop lamang ng nalalaman ko ay ang bawat pagkakahati ng mga imperyo. Ilang mga haring nanunungkulan dito, kilalang mga prinsipe at mga konseho.

Mas pamilyar ako sa mga taga Parsua Sartorias dahil sa kwento ni Haring Thaddeus.

"Inuulit ko," seryosong sabi nito.

Wala na sa kanyang pwesto ang prinsipe, sa halip ay nasa harap ko na ito at naniningkit na ang mga mata sa akin.

Nakaluhod ako habang ginagapos ng kanyang mga alagad na kababaihan habang ay isa naman ay may hawak na espada.

"Maawa po kayo.."

Pupugutan ako ng ulo!

"Ano po ang malaki kong kasalanan mahal na prinsipe? Wala po akong masamang nais sa inyong imperyo, nais ko lamang magtungo sa Parsua Sartorias ngunit dito ako dinala ng mangkukulam na nakausap ko." Ipinagtapat ko sa kanya ang katotohanan.

Ayokong isipin niya na ipinadala ako ng ibang imperyo para kumuha ng mga impormasyon laban sa kanila.

Hindi ako maaaring mapatay sa lugar na ito, hahanapin ako ni ina. Kailangan kong makabalik.

Naramdaman kong lumuhod siya sa akin at marahan niyang hinawakan ang baba ko. He lifted my chin and my eyes met his. It was glowing again. Red of eagerness.

"Sino ang pinakamakisig na prinsipeng nasilayan mo?" muling tanong nito sa akin.

Dahil sa matinding takot ko sa kanya, hindi na nagawang gumalaw ang aking mga labi at nanatili lamang akong nakatitig sa kanya.

Hinintay nilang lahat na magsalita ngunit nanatili akong tahimik. At sa pagtagal ng pagtitig ko sa kanya, sa pagriin ng nagniningas nitong mga mata sa akin.

"Nagbago ang isip ko, ipakain sa Leon ang babaeng 'yan." Umawang ang bibig ko sa sinabi niya.

There is something wrong with him! He's crazy!

"No! Pakawalan nyo ako!" ginawa ko ang lahat para makapiglas ako. Pero wala pa rin akong nagawa dahil tuluyan nila akong nadala sa isang malaking kulungan.

Napasigaw ako nang bigla na lamang sumugod ang nakakulong na Leon sa harap ng rehas. Ramdam ko ang pangngangatal ng aking tuhod at ilang beses akong umiiling sa prinsipe.

"Ipapasok na ba namin siya mahal na prinsipe?"

Lumapit muli sa akin ang hayop na prinsipe. Muling nagningas ang mga mata nito sa akin.

"Muli kitang tatanungin, sino ang pinakamakisig na Prinsipeng nasilayan mo?"

Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit akong nag-isip ng pangalan ng Prinsipe na malimit kong marinig. Sino..sino..

Hanggang sa buong lakas na akong sumigaw. Siya lang ang naalala ko.

"Ang..ang prinsipe ng mga nyebe. Zen Lancelot Gazellian!"

Nagsinghapan ang mga kababaihan sa narinig ko. Natulala ang prinsipeng kaharap ko at agad itong napahawak sa rehas na parang mawawalan ng panimbang.

"Unforgivable, this can't be happening." Kung ano-ano na ang binubulong nito sa kanyang sarili.

Nababaliw na ito.

Dinaluhan ito ng napakaraming babae at kung ano anong klase ng haplos ang iginawad sa kanya para lamang mapakalma ito.

"Mahal na prinsipe..mali po ang sinasabi ng babaeng ito."

"Hindi niya alam ang kanyang sinasabi mahal na prinsipe.."

"Nahihibang na ang babaeng ito.."

"Nararapat nga ang kamatayan sa kanya.."

Habang abala silang lahat ay nagsimula na akong humakbang paaatras, ngunit hindi pa man ako nakakalayo nabalot ang buong lugar ng malakas na tawa mula panibagong boses ng lalaki.

"Who is your new girl, Rosh? Napabangon ako sa kabaong. I like her now, mas kilala niya ang prinsipe ng mga nyebe. Poor brother. Such a shame."

"Fuck off, Pryor. Just return to your damn coffin."

Hindi ko na pinakinggan pa ang pag-uusap nila dahil agad na akong tumalikod at mabilis na tumakbo.

"What the—hulihin nyo ang babae! Sunugin ng buhay!" umalingawngaw ang boses ng baliw na prinsipe.

"Run faster!" sigaw ng ikalawang lalaki.

Nakailang mura ako sa hangin habang tumatakbo ako. Hindi ko akailang may baliw na prinsipe pala sa Deltora. Nang lumingon ako sa aking likuran ay napadaing na ako, bakit ang bibilis ng mga babae niyang humabol?

Muli na sana akong haharap sa unahan nang bigla akong bumanga sa isang matigas na bagay. Buong akala ko ay babagsak ako nang may bisig na sumambot sa akin.

"Bitawan mo ko! Ayokong masunog ng buhay! Bitawan mo ako!"

He captured me! He's so fast!

"There is something wrong with you." Mahinang sabi nito sa akin habang pumipiglas ako.

Gusto ko siyang bugahan ng apoy! Siya ang may problema sa kanyang pag-iisip!

Natagpuan ko na lamang ang sarili kong nakasandal sa isang puno. He pinned both of my hands on top of my head.

"What are you—" hindi ko na matapos ang sasabihin ko nang dahan-dahang bumababa ang mukha nito sa akin.

"Don't move." Binitawan nito ang mga kamay ko.

I was about to push him when he cupped my face and he leaned on me. Mariin kong itinikom ang mga labi ko sa anumang dapat niyang gawin. Nagningas muli ang mga mata nito at hindi rin nagtagal ay nanlaki ang kanyang mga mata.

He looked shock about something.

"You should have told me!" sigaw nito sa akin pagkatapos niya akong bitawan.

Ilang beses nitong sinuklay gamit ng kanyang mga kamay ang kanyang buhok. He looked relieve, na parang nawala ang malaking problema niya sa buhay.

"Oh god, buong akala ko ay nabawasan ang pagiging makisig ko and..I was not going to kiss you, pihikan ako sa babae." Naiiling ito sa akin.

Hindi ko pinansin ang huli niyang sinabi, who wouldn't think that way? Ilalapit na niya ang mukha niya sa akin!

"Told you what?" tanong ko na lamang sa una niyang sinabi. Kahit siya ay mukhang nalito sa tanong ko.

"Are..are you mated?" tanong nito sa akin.

"I am not yet mated," mahinang sabi ko. Babago pa lamang ako naglalabing-walong gulang. At wala pa akong nararamdamang kakaiba mula sa mga lalaking bampirang nakakasalamuha ko.

Lalong kumunot ang noo nito sa akin.

"Can you hold this?" may inabot itong pulang rosas sa akin.

I was hesitant at first, but he insisted. Nang sandaling hinawakan ko na ang pulang rosas ay bigla akong natusok. Tumulo ang ilang patak ng aking dugo sa tangkay ng rosas.

Agad niyang binawi ang bulaklak sa akin. Hinawakan niya ang tinik na nakatusok sa akin ng ilang segundo bago siya muling tumingin sa aking mga mata.

"Gazellian," Gazellian?

"What?" tanong ko sa kanya.

Hindi ito sumagot sa akin, sa halip ay humalakhak ito nang napakalakas bago ako tinalikuran.

"This is damn interesting, by the way. What is your name?" lumingon ako sa kanya.

Tumigil siya sa paglalakad at nakalingon rin ito sa akin. He looked amuse, na parang may interesante siyang nalaman.

"Susunugin mo pa rin ba ako ng buhay?"

"Nah, you have your reasons. You are partly blind, hindi na ako umaasang tatama pa ang iyong mata sa pagsuri ng makisig na prinsipeng katulad ko." Umawang ang labi ko sa sinabi niya.

Ang taas ng tingin niya sa kanyang sarili.

"Kallaine Seraphina Verlas,"

"Didn't ring a bell." Nagkabit balikat ito.

Bumalik ito sa harapan ko at pormal nitong inilahad ang kanyang kamay sa akin.

Wala akong pinagpilian dahil inagaw na nito ang aking kamay. Walang kusang loob sa kanya, lahat sapilitan.

Pero nagulat na lamang ako nang marahan siyang yumuko at maramdaman ko ang malambot niyang labi sa likod ng aking kamay.

"Second Prince of Parsua Deltora, Rosh Alistair Le'Vamuievos."

Nakapikit ang mga mata nito nang sandaling halikan niya ang kamay ko at nang sandaling imulat niya ito ay nagtama ang aming mga mata.

He gave me his sweetest smile, na alam kong tutunaw sa kahit sinong babaeng bampira sa mundong ito.

"Pinapatawad na kita sa'yong kapangahasan." Sabi nito nang bitawan niya ang kamay ko.

Hindi ba at siya ang may kasalanan sa akin?

"At dahil isa akong butihing prinsipe, ako na ang maghahatid sa'yo sa Sartorias."

Pumalakpak ito dahilan kung bakit nagdatingang muli ang mga kababaihan.

"Bihisan nyo ang babaeng 'yan. Magtutungo kami sa Sartorias."

Hindi ko napigilan ang kanyang mga utusan, pinaliguan ako ng mga ito sa isang magandang paliguan at binihisan.

Isang oras yata akong inayusan ng mga ito hanggang sa magpasya silang iharap ako sa kanilang baliw na prinsipe.

The second prince is sitting on a simple white metal chair while sipping blood from his small cup.

Kinakabahan akong humakbang patungo sa kanya, dahil ito ang kauna-unahang beses na nagsuot ako ng eleganteng saya.

I am wearing a black elegant off-shoulder draped gown. Even in funerals vampire royalties are required to dress elegantly.

Naagaw ang atensyon ng prinsipe at ibinaba nito ang kanyang tasa. His mouth was half opened, but he immediately moved his head.

He held something from his table before walking slowly for me.

"You need to put this,"

It was a hairpin with black net that will cover my face. Siya na mismo ang naglagay nito sa aking buhok.

"Sorry about what happened a while ago." Nagulat ako sa ibinulong nito.

Ngumisi lang ako at pinagtaasan niya ako ng kilay.

"Shall we?" inilahad nito ang kanyang braso sa akin.

Bothered, still I accepted his invitation. Hinayaan kong alalayan niya ako.

"Why are you helping me?"

"Sometimes, helping others doesn't require any reasons at all." Saglit akong natigilan sa sinabi niya.

"Just don't trust me too much, traydor daw ako." Natatawang sabi nito.

Sumakay na kami sa karwahe at magkaharapan kaming dalawa. I was uneasy with him, kasi nakatitig lang ito sa akin.

Until he crossed his legs like a very proud prince.

"Ngayon nakikilala mo na kung sino ang pinakamakisig na prinsipe?"

Hindi ko na napigilang tumawa. What the hell is wrong with him?

I now remembered, siya ang pinag-uusapan ng mga kapwa ko tagasunod.

The narcissistic psychopath vampire prince from Parsua Deltora.

"Prince Rosh Alistair Le'Vamuievos."

Ngumisi ito sa sagot ko.

"We're now friends," agad na sabi nito.

Inilahad nitong muli ang kamay niya sa akin at kagat labi kong inabot ang kamay niya para pigilan ang pagngisi.

He's crazy and funny.

At nang araw na 'yon, matapos magdaop ang aming mga palad, nagsimula ang paglalakbay ko sa Parsua Sartorias kasama ang ikalawang prinsipe ng Deltora na nalulunod sa sariling kakisigan. 


--

VentreCanard 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro