Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 49

Chapter 49


I am already aware with the name Desmond, he's the other son. Ang kapatid ng mga Gazellian sa unang babaeng minahal ng hari. 

But hearing the words from little Divine, I really don't know how to react. She has a connection with him? How come? I've seen it from Finn's power, the Prince who can manipulate the time was buried deep down in the ocean.

Habang pinagmamasdan ko ang inosenteng mga mata ng batang bampira sa likuran ng itim na belong nagtatago sa akin, ramdam ko ang tensyon at pagkagulat sa buong paligid. 

I tried to reach for their eyes and look for an answer, pero katulad ko ay gulat at pagtataka ang nasa kanilang mga mata.

King Dastan was now standing with his mother, Rosh who's still in his position and not making another movement, Casper remained silent together with his sister Lily while the Snow Prince and his mate were questioningly looking at their daughter. 

Nanatiling nakadistansya si Cora sa lahat ng mga bampira at piniling magmasid lamang.

"What are you talking about, Divine?" the beautiful woman or should I call her Claret started to walk towards her daughter. 

Nakasunod na rin sa kanya ang prinsipe ng mga nyebe. Nanatiling tahimik ang lahat habang hinihintay ang magiging reaksyon ko o kung sino mang mangangahas na magsalita sa biglaang sinabi ng bata. 

Yes, we're all expecting that the Snow Prince's daughter might be the answer but the idea that she has the connection with Desmond?

"Divine, Mama's talking to you." Hahawakan na sana ni Claret ang kanyang anak nang ang prinsipe ng mga nyebe ang bumuhat dito.

"Hey, Divina Amor." 

Hindi man lang natinag ang kanilang anak dahil nanatili pa rin itong nakatitig sa akin. 

We're all waiting for another batch of words from someone else that might calm the tension inside the palace, but all I felt were goosebumps all over my body as I watch the little princess slowly raising her hands pointing her forefinger to me.

"That's her Papa, that her." Lumingon ito kay Zen na nakakunot na ang noo sa kanya. 

"She's what?"

"The milady in my dreams, Papa." 

"Milady in your dreams that?" tanong nito sa kanyang anak.

Humawak lamang ito sa balikat ng kanyang ama at muling lumingon sa akin.

"I've been dreaming about Uncle Desmond, he told me that I should help her and Uncle Finn." She innocently moved her head trying to look for Finn who suddenly went on silence behind my back. 

 At alam kong si Divine at Claret ang matindi nitong dahilan.  

"You mean, you're talking with Desmond?" saglit na nagkatitigan ang prinsipe ng mga nyebe at si Claret. 

Nanlaki ang mga mata ng munting bampira at tinakpan nito ang kanyang mga labi na mukhang nagulat sa mga salitang binitawan niya. 

"Oh, I shouldn't have said that. No! no! I haven't talked with Uncle Desmond." Ilang beses itong umiling sa kanyang mga magulang.

Naningkit ang mga mata ng itinakdang babae, hindi sa kanyang anak kundi sa prinsipe ng mga nyebe. 

"Look, your daughter is now trying to keep something from us. Kanino siya magmamana Zen?" tanong ni Claret na bahagyang nagpatawa sa ilang mga Gazellian. 

"Why are you blaming me Claret? Sutil ang anak mong ito." Pinisil ng prinsipe ng mga nyebe ang ilong ng kanyang anak. 

"I'm not sutil Papa, right Uncle Dastan? Papa's bullying me again my king." Nakangusong sumbong nito sa hari.

"Yes, she's not. Hindi sutil si Divine." Pagkunsinti ng hari kay Divine. 

"Our little Divine is a good girl." Sumunod na sabi ni reyna Talisha. 

Hanggang nagsunod-sunod ang pagkampi ng mga Gazellian sa anak ng prinsipe ng mga nyebe at ng itinakdang babae. 

"Oh come on, you're spoiling my daughter!" muling nagtawanan ang lahat. 

Pero hindi rin nagtagal ay bumalik sa amin ang atensyon, lalo na nang sa pagkakataong ito ay si Finn ang  nais kausapin ni Divine. 

She's like the little clown for the whole Gazellians.

"Uncle Finn, why are you hiding there?" muli itong pilit sumilip sa aking likuran habang nanatiling tahimik si Finn. 

"Finn.." lumingon ako sa kanya at marahan kong tinawag ang kanyang pangalan.

"Uncle Finn, ayaw mo ba sa akin?" Divine innocently asked his Uncle. 

"No, Uncle Finn likes you." Mahinang sabi ko sa bata na matamis na ngumiti sa akin. 

"Uncle Finn.."

"Finn, she's talking to you." Tipid na sabi ng prinsipe ng mga nyebe. 

"Finn," marahan kong inilahad sa kanya ang aking kamay. "Your niece is calling you,"

"I-I think, I don't have the right to--"

"Finn, what's wrong? Are you still thinking about what happened in Mudelior?" biglang sumabat si Claret.

"I'm sorry, I'm really sorry Claret, Zen.." pansin ko na ibinaba ni Zen ang kanyang anak. 

Nakangiting lumingon si Divine sa kanyang ina bago ito tumango. 

"Go, you hug Uncle Finn." Ngiting sabi ng dyosa mula sa salamin.

Kapwa ngumiti ang lahat ng mga Gazellian nang makita nilang tumakbo sa direksyon namin si Divine, hanggang lumapas ito sa akin at tumigil ito kay Finn.

Kusa na lamang umangat ang kanang kamay ko sa aking mga labi para takpan ang impit kong pagluha nang makita ko kung paano lumapit ang munting bata kay Finn. 

I can still remember how devastated Finn was when he tried something unnecessary to his own niece.  But the innocent girl is trying to brush the painful memories through her heart-melting actions.

"Carry me Uncle Finn! I've been waiting for you and Uncle Evan!" ilang beses nagtatalon-talon sa kanya si Divine habang nakatitig lang sa kanya si Finn.

Natulala na si Finn habang pinagmamasdan si Divine na patuloy na tumatalon at nakataas ang mga braso, hinihintay na siya ay kargahin ng kanyang tiyuhing prinsipe. 

"Finn.." mahinang tawag ko sa pangalan niya.

"Uncle Finn! Uncle Finn!"

Sa akin muna unang tumama ang mga mata ni Finn, bago ko siya binigyan ng ngiti sa labi. I saw how he struggled to move his arms, until he finally reached his niece. 

Isang mahigpit na yakap ang ibinigay nito sa munting bata. 

"I'm sorry for being a bad uncle, Divine. I'm really sorry, Uncle loves you so much. I'm really sorry." 

Hindi ko na napigilan ang mga luha kong tumutulo habang pinagmamasdan sila. Ramdam kong lumapit sa akin ang dyosa mula sa salamin at marahan niyang hinawakan ang mga balikat ko.

"No, you're not bad sabi ni Uncle Desmond. Dawn and Dusk wanted to play with you too! Wait, I'll call them! Dawn! Dusk!" malakas na sigaw ni Divine dahilan kung bakit bigla na lamang ulit nagpakita ang mga anak ni Lily. 

They're still looking cute and adorable with their werewolves form. Nang makita ng mga itong buhat ni Finn si Divine ay nagsimula na ang mga itong magtatalon sa binti ni Finn.

Muling nabalot ng tawanan ang mga Gazellian. 

"Buhatin mo rin ang mga anak ko, Finn. They love Uncle Finn too, hindi ka na nila kakagatin." Nagbibirong sabi ni Lily. 

"W-What?"

"You carry them too, Uncle!" natutuwang sabi ni Divine.

Pilit sinubukan ni Finn na buhatin si Divine at ang dalawang lobong anak ni Lily. The whole scene was really funny, but I can't help but to feel the arched in my heart. Something they called the warm pain of joy. 

I'm so happy for my mate, he's finally home. Parsua Sartorias is really his home.

The two little werewolves started to lick Finn's face. 

"They love you na, Uncle Finn." Muling sabi ni Lily. 

Nagpakita muli si Caleb habang kumakamot ang ulo, mukhang iniwan siya ng mga anak ni Lily.

"Divine! Manang-mana ka sa Papa mo!" natatawang sabi ni Claret nang gayanin nito ang kanyang mga pinsan at sinubukan rin dilaan ang pisngi ni Finn.

Hindi na maalis ang ngiti sa mga labi ko habang naririnig ko ang pagtawa ni Finn habang nilalaro siya ng kanyang mga pamangkin. 

There is something fascinating with laughter, movement and words coming  from innocent children with a blend of a fragile man trying to compose himself from series of heart weakening struggles. 

I might be Finn's mate but the happiness and warmth coming from his family inside this empire cannot be equaled by a mate.

"Welcome home, my prince."  Tipid kong sambit sa aking utak. 

Gazellians made our first encounter lighter. Si kamahalan na rin ang nagsabi na mas mabuting magpahinga muna ang lahat kaysa biglain ang aming mga sarili sa suliranin na haharapin namin. 

Pinili namin ni Finn magpahinga muna sa aming silid. Kanina pa kaming nakahiga sa kama at nananatiling mga tahimik. 

"Thank you Kalla,"

"Thank you for what? Hindi ba at dapat ako ang mag-pasalamat sa'yo? Kung hindi ka dumating sa tore, malamang mag-isa pa rin ako ngayon. I might be spending another years of loneliness." Ibinaba ko ang kulambo sa aking mga mata nang maramdaman kong haharap sa akin si Finn.

"I mean thank you for accepting me, it's not Zen that can cause huge destruction in this world. It's me and my uncontrollable power, it's not Zen that should be hated by the councils for years, it's me Kalla. Ako ang prinsipeng ipinanganak para kamuhian, but my brother accepted everything for me. But look? He should hate me and his mate, pero hinayaan nila akong yakapin ang kanilang anak." Tipid akong ngumiti kay Finn. 

Nanatili kaming nakaharap sa isa't-isa habang nakahiga sa kami. Marahan kong iginalaw ang mga kamay ko at hinawakan ko ang mga pisngi niya. 

I slowly kissed his forehead. 

"They can't hate you Finn, you know why? Because they love you. Mahal na mahal ka nila Finn, gaya ng pagmamahal ko sa'yo."

Hindi sumagot sa akin si Finn, sa halip ay marahan kong naramdaman ang pagdampi ng aming mga labi. 

It was a gentle and soft kiss. 

"Mas mahal kita, Kalla."  

 "I'm so happy that you're given a family that I didn't have before."

"You can have them, Kalla. And just like Claret, the whole Gazellian will cherish you together with this empire."

Sa ikalawang pagkakataon ay muling naglapat ang aming mga labi.

"I love you.." mahinang bulong nito sa akin. "Now, let's solve the final puzzle Kalla." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"The curse was really meant for me, it's you. You're the only one that can remove the curse." Huli na bago ko pigilan si Finn. 

He already did remove my veil. 

And as our eyes met, my mate turned into a beautiful crafted white stone. 


--

VentreCanard 






Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro