Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 46

Chapter 46


Sa kabila ng bigat ng dahilan kung bakit kami nagtungo sa unibersidad na ito, hindi maitatago ang sayang ng anim na magkakapatid na muling nagkasama-sama sa nakalipas na walong taon.

Maybe eight years were not long enough for vampires, but the absence of each other will always make a year into thousands of years.

Lalo na kung nasanay silang magkakasama sa mahabang panahon.

Hindi ko man sila nakilala nang mas maaga, but I've witnessed everything through Finn's power. I've seen their hardship together, kung paano sila lumaban ng paulit-ulit ng sama-sama at kung papaano nagdesisyon ang bawat isa na humiwalay para sa mismong kapakanan ng bawat isa.

"You're being a baby, Evan. Bakit si kamahalan lang ang niyakap mo? Kami rin." Caleb grinned while teasin his brother.

Hindi man gumaganti ng yakap si kamahalan, pansin ko na naiiling pa rin ito kay Evan.

Who wouldn't? He was too proud a while ago, libro ang inaasahan naming lahat na kasama ng pinakamatalinong Gazellian, but we've witnessed another kind of book.

Natauhan si Evan sa sinabi ni Caleb at agad itong humiwalay ng yakap kay kamahalan.

"My apolgy, my king," muli pa sanang yuyuko si Evan kay kamahalan nang sinalubong ito ng isang malakas na pitik sa kanyang noo.

Sabay-sabay ngumiwi ang natitirang Gazellian sa ginawa ni kamahalan na parang ramdam nila ang sakit na tumama sa noo ni Evan. O tamang sabihin na lahat sila ay nakakatanggap ng ganito mula sa hari.

"I was proud of you," tipid kaming sumulyap sa babaeng nanatiling malapit sa lamesa at mukhang nagugulat rin sa pangyayari.

"Who is she?" tanong ng prinsipe ng mga nyebe.

"Classmate," tipid na sagot ni Evan. "B-But why are you here everyone?" nalilitong tanong nito sa lahat.

"P-Paano kayo nakapasok? Even—" muli itong sumulyap kay Dastan. "What the hell is going on? Hindi ba at maayos na sa Parsua?"

"Evan, I already found my mate. But she has the White Curse and the cure is inside this university." Paliwanag ni Finn.

"Your mate?" naghanap ang kanyang mata ng hindi pamilyar na mukha. His eyes landed on Cora.

"Her? I can't see any white—" pinutol na ito ni Finn. "Her," itinuro ni Finn ang aking kaayuang ibon na nakadapo sa kanyang balikat.

"I don't understand, a white curse can turn someone into a bird?"

"It's a long story, but we're willing to tell you everything. But for now, you should lead us to what are we going to do. This damn position and talking is quite risky. Mahuhuli tayong lahat." Singit ni Casper.

"Right, Naha please assists them to their chairs." The woman smirked at Evan before brightly smiling on us.

"Please follow me," tipid na sabi ng babae.

Looking at Evan's face, he's really eager to ask a lot of questions. Kahit ako ay nais na rin magtanong sa kanya.

This is too risky! Sobrang dami namin, mahuli ang isa sa amin siguradong wala nang pag-asa.

Sa likuran kami ni Finn dinala ng babae, nasa unahan namin si Casper at Caleb ngunit nasa magkalayong distansya, nasa unahan nila ang prinsipe ng mga nyebe at si Rosh, habang nasa pinakaunahan si Cora at kamahalan.

"Hi, so your name is Naha. I'm Rosh,"

"H-Hi,"

"Naha! Come down here," mabilis na tawag ni Evan sa babae.

Hindi na muli nasundan ang pag-uusap namin dahil may isang propesor na ang pumasok, hindi man niya pinalabas si Evan at ang babaeng kasama nito pero nanatili na ito sa loob at nagbabantay.

Naha distributed the papers and everyone was given one hour to answer the every questions.

Kanina ko pang pinagmamasdan ang papel ni Finn na napakaraming blanko. If a bird can just talk, I will definitely dictate my mate. Wala kaming mind link! And Finn is having his hard time.

Minsan ay sobrang dali na ng tanong ay hindi pa rin makuha ni Finn ang sagot, ilang beses kong pinipigilan ang sarili kong hindi tukain ang mata ni Finn, dahil kakaunti pa lamang ang itinatama niya.

He'll probably end up in last section.

The second part consists of questions concerning Parsua, sa imperyong pinanggalingan niya. There were choices! Nanghuhula na si Finn!

Sa pagkairita ko, hindi ko na napigilan ang sarili kong tukain ang pisngi ni Finn.

"Ouch Kalla," bulong nito habang hinahaplos ang kanyang pisngi. "I'm concentrating," gusto ko siyang murahin.

Ilang beses ko siyang tinuka nang tinuka sa pisngi niya. He needs to be in first section, siguradong mapupunta dito ang mga kapatid niya!

He's an idiot!

"What's with the bird?" natigil ako sa pagtuka kay Finn nang nagtanong ang bampira.

"My pet, she's hungry. Don't worry sir, I'll feed her soon." Ilang beses akong hinaplos ni Finn.

"Behave Kalla," I cursed inside my mind.

Who wouldn't be frustrated? He's a Prince! Kung ano-ano ang isinasagot niya sa papel!

Habang nagsasagot si Finn, pinagmasdan ko ang mga kasama namin. Cora and King Dastan were looking perfectly fine, hindi man lang mukhang nahihirapan.

Nakakunot na ang noo ng prinsipe ng mga nyebe sa harapan ng papel, while Prince Rosh is still looking smart and acting cool, I don't know what to say. Casper is silently writing and Caleb's is scratching his head.

May kasama na sa last section si Finn, it could be Caleb, Prince Zen or maybe Rosh if he's just pretending.

Hindi ko na pinagmasdan ang papel ni Finn dahil umiinit lamang ang ulo ko, hinintay kong matapos ang oras hanggang sa kolektahin ni Naha ang papel.

The vampire professor checked the paper for few minutes until he announced the class of his new students.

Hindi ako makapaniwala nang sabihin nitong nasa iisang klase silang lahat.

Everything is working smoothly, nagsisimula nang magpaliwanag ang propesor ng kalakaran sa unibersidad pero may parte sa sarili ko na may parang maling nangyayari.

Bakit ang bilis? Bakit ang dali naming makapasok? Bakit may mali?

Walang pumapasok sa isip ko habang nagpapaliwanag ang propesor, sa halip napalitan ito ng patak ng tubig. Paulit-ulit na pagpatak ng tubig.

Sa kabila ng kaanyuang ibon ko, hindi ko maiwasang hindi kilabutan. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng pandinig at ang tanging kayang tanggapin lamang ng aking tenga ay ang patak ng tubig na nagsusumigaw na dapat ko itong sundan.

Something pushed me to spread my wings and follow the sounds of the dripping drops of water. I didn't mind Finn's voice, ang tanging nasa isip ko ay sundan ang patak ng tubig na humihipnotismo sa akin.

Binilisan ko ang pagpagaspas ng aking pakpak. Alam kong may hangganan ang sinusundan kong ito, alam kong may naghihintay sa aking kasagutan.

Until my wings stopped in the front of a human size painting of beautiful woman. Tuluyan na akong kinilabutan nang makitang lumuluha ang babae sa larawan.

It couldn't be..is she?

"Help me,"

Halos sabay naming usal sa isa't-isa, hindi man lumabas sa akin ngunit ang mga salita ko sa aking isipan ay sapat na.

"Help me..please.." nagmamakaawang sabi nito sa akin.

Muli kong ipinagaspas ang aking mga pakpak hanggang sa tuluyan na akong makalapit sa kanya.

But everything was so fast, hanggang sa maramdaman ko ang mariing pagkakahawak ng mga kamay sa aking ibong kaanyuan habang pilit akong sinasakal.

"W-Why are you here? Hinding-hindi nyo na mailalabas ang matalinong prinsipe sa unibersidad na ito. He's mine, pag-aari na siya ng unibersidad na ito." Wala akong maintindihan sa kanya.

And looking at her eyes, wala akong makita sa kanyang kahit anong imahe ng dyosa. Anong klaseng unibersidad ito?!

"He's already part of this university," habol ko na ang aking paghinga.

Hindi na ako makakuha ng sapat na hangin, alam kong sa isang diin pa niya sa kanyang mga kamay ay siyang aking katapusan.

"N-Nasaan ang dyosa?" pilit kong tanong.

"Get away from her!" bumitaw ang babaeng nasa larawan sa akin nang itaas ng bagong dating na babae ang kanyang lampara na may asul na apoy.

"You!" galit na galit dinuro ng babaeng nasa larawan ang babaeng tumulong sa akin.

"Fuck off before I burn you alive." Nanghihina akong dumapo sa balikat ng babae.

Ramdam ko ang pagmamadali nitong maglakad papalayo sa larawan. But I heard how she cursed the painting.

"You shouldn't be here, huwag na huwag nyong tatangkaing pumasok sa lugar na ito. One Gazellian is enough, just wait for him to come back. Pigilan mo sila, pigilan mo." Lalo akong nalito sa mga sinasabi ng babae.

Who is she? Is she the goddess?

But I can't sense anything from her!

"You shouldn't be here, please stop them. You'll make things complicated, mas mahihirapan makalabas si Evan sa unibersidad na ito kung hahayaan mong makapasok ang mga kapatid niya dito. " I don't understand!

Nakapasok na kami!

"Mas lalong lalaki ang problema, Evan's starting to unravel the mystery of the never ending story of the goddess. Magugulo ang lahat kung darating pa ang mga Gazellian."

I can see that the woman is approaching to a small column fountain, ito ang umaagos na tubig na siyang naririnig ko.

But all we want was just the answer to my curse. Gusto ko lamang gumaling, gusto ko lamang bumalik sa dati. I need to free myself from this curse and help my mate for his uncontrolled power.

I am tired of being useless.

Hindi kami dadalhin ng mga kasagutan sa unibersidad na ito kung wala dito ang siyang makatutulong sa amin.

This university is our last card. Pero bakit lagi na lamang may humahadlang?

Nais ko nang mamuhay ng normal na walang balakid na kahit anong sumpa.

I want to meet Finn's eyes badly. I hate being a burden.

Humigpit ang hawak niya sa akin, huli na bago ako makapalag. The woman dipped me under the water.

But I heard her last few words.

"The answer to the curse is outside, outside Kalla. King Gazellian and Danna leave their biggest trace for the cure."


--

VentreCanard 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro