Chapter 37
Chapter 37
Nagulat ako sa reaksyon ni Finn, hindi ito ang inaasahan ko mula sa kanya lalo na at nagkaroon sila ni Cora ng ugnayan tungkol sa kanyang pagtakas.
"I don't get it, Cora is my friend." Nagtataka na akong nakatitig kay Finn.
"She is not a friend, stay away from her."
Tumigil kami sa paglalakad sa isang mahabang pasilyo at kapwa namin hinarap ang isa't-isa.
"May itinatago ka na naman ba sa akin, Finn?" natigilan siya sa sinabi ko.
Damn, ito na naman ba kami?
"May itinatago ka na naman ba sa akin Finn?" mas malakas na tanong ko. I had enough of his business, palagi na lang akong walang alam sa mga bagay na nalalaman niya. And this is damn frustrating.
"Wala, wala na akong itinatago sa'yo Kalla."
"Finn," hindi ako tanga para maniwala sa kanya. "What's with you and Cora? Hindi ba at siya ang tumulong sa'yo para makabalik sa kabilang mundo? Why suddenly making her the enemy? Did she sabotage you or something? Hindi ba at nagtagumpay ka na makalapit sa mga kapatid mo. Or the spell she mentioned was true?" Damn it, sino ba ang pagkakatiwalaan ko?
"What spell?" tanong nito.
I sighed in relief, hindi ito alam ni Finn ibig sabihin ay totoo ang sinasabi sa akin Cora, she just said those words because of her anger.
"No, nothing." I answered. "You answer my question, Finn. How did you consider her as our enemy?"
Simula nang makasama kami ni Cora, I can feel her sincerity in her words.
"Nararamdaman ko lang," suminghap ako sa sinabi niya.
"That's it? Nararamdaman mo na ba ito bago ka umalis sa mundong ito? You risked the fact that you're already had the feeling that she's an enemy yet you asked for her help?" He's impossible!
Lalong nahirapan si Finn na titigan ako, he's damn hiding something! But I knew him too well. Hindi na niya ako magagawang pagtaguan ng mga bagay na pwede niyang itago.
"Just don't come near her."
"Then tell me the reason why." Matigas na sagot ko.
"She's an enemy, Kalla! Please, listen to me? Hindi rin magtatagal ay aalis na tayo dito."
"With numbers of questions unanswered? Aalis tayo dito na may maiiwang maraming katanungan? Paano kung nandito na talaga ang sagot Finn?"
"Wala dito ang sagot," my eyebrows narrowed.
"We ask Cora then, alam kong may nalalaman rin siya. Sooner or later, she'll tell me the truth. Mga bagay na hindi mo kayang sabihin sa akin, Finn."
Tinapos ko na ang usapan namin at nagpatuloy na kami sa paglalakad, nakarating kami sa mahabang hapag kainan ng hari at reyna.
They greeted us with smiles on their face. Ngumiti rin sa akin si Cora pero saglit lamang ito nang makita niya si Finn sa aking tabi.
There is something in between them and I was still hoping that this isn't an affair or something.
Tahimik kaming lahat nang magsalita ang hari.
"So what are your plans? Are you leaving this world for good?"
"Soon," sagot ni Finn.
Sinadya kong tumama ang aking mga mata kay Cora, she wanted to say something but there is something stopping her for breathing the words. Nang sulyapan ko si Finn ay direkta ang kanyang mga mata kay Cora.
Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam na ako ng kaba. Anong namamagitan kay Cora at Finn?
"Sigurado na ba kayo ni Kalla, Finn?" tanong ng reyna.
"More than sure, your highness. And please, I would like to apologize for all my behaviors. I was not thinking right, I'm really sorry." Nang marinig ko ay marahang gumaan ang pakiramdam ko.
Buong akala ko ay hindi na magkakasundo si Haring Tiffon at Finn, pero masyadong mapagpatawad ang reyna. Ito lang naman ang nais rin ng Hari.
"We'll respect your decision, huwag nyong kakalimutan na laging bukas ang aming palasyo sa inyong dalawa." Ngumiti ako sa sinabi ng reyna.
"Maraming salamat," sagot namin ni Finn.
Alam kong lagi itong bukas para sa amin, pero alam rin namin ni Finn na sa sandaling makalabas na kami sa mundong ito, mahihirapan na kaming muling makabalik. O maaaring, hindi na kami muling makabalik.
Nagpasya kami ni Finn na tumigil na lang rito ng dalawa hanggang tatlong araw.
We tried to enjoy our stay here, especially at night. Pero sa umaga ay inaabala ko ang aking sarili sa pagbabasa ng mga aklat. Dito rin ako nabigyan ng pagkakataong ilatag kay Finn ang lahat ng aking natuklasan maging ang kaalamang ang kanyang ama ang may akda ng librong siyang pinakamalaking pinagkukuhanan namin ng kaalaman tungkol sa puting sumpa.
"Your father, Finn." Tulala siya sa librong kanyang hawak habang marahan niyang dinadama ang ilang bakat ng letra na sumisimbolo sa kanyang ama.
"He's an author of a certain book, your father knew the white curse. At ilang taon na niyang hinahanap ang kasagutan dito." Pinagmamasdan ko si Finn sa kanyang magiging reaksyon. But his face was emotionless.
Hindi ko mabasa ang reaksyon niya.
"Amang hari," marahang usal nito.
Nanatili akong nakatayo habang nakahawak ang aking mga kamay sa lamesa. While Finn's still sitting on his seat staring at the books.
Minsan ay napapaisip na ako, ano pa ang mayroon kay Haring Gazellian na hindi nalalaman ng lahat? Is he really the king the we were all aware of? Isang magiting na hari na tinitingala ng lahat? O may mga bagay na pilit itinatago?
His death was the vampire world's largest scandal. But he's somewhat always had the part of every vampire issues, just like a roots of thread but with series of trees connected.
Hindi madaling aakalain na sa maliit na koneksyon ng hari sa isang bagay ay may mas malaki na pala itong itinatago.
King Gazellian can be considered as the master of hidden secrets. Mga sekretong hindi basta mahahanap, dahil kailangan ng matinding pag-aaral.
"Who is your father, Finn? May nalalaman ka ba dito?" bigla na lamang lumabas sa bibig ko.
Simula pa lamang nang bumalik ang mga alaala ko, sa unang pagkikita namin ng hari, ang pangyayaring sabay niyang kaming pinakagat ni Finn sa isa't-isa sa mura naming edad at ang bawat maliit niyang kilos.
Hindi na mawala ang katanungan sa aking isipan.
"I had this feeling that behind his death was an unfinished chess game and we're the pawns. But the question here is, who took over his place Finn? Sino ngayon ang nakaupo sa pwesto ng hari na siyang may mata sa lahat ng nangyayaring ito?" pansin ko na dahan-dahan nang ibinababa ni Finn ang kanyang mga aklat na hawak.
"Am I right Finn? Every scenarios, there were traces of your father. Parang sinasadya nitong magbigay ng maliliit na impormasyon na sa ganon ay masundan natin ang nais niyang iparating." Nagpatuloy ako sa pagsasalita habang nanatiling tahimik si Finn.
Nagliliwanag na ang mga nasa utak ko at mabilis kong binuklat ang mga aklat na siyang mga mga palatandaan ako.
Kumuha ako ng panulat at isa-isang iniharap kay Finn ang mga detalye. Alam kong lubos ako maliliwanagan kung tutulungan ako ni Finn sa bagay na ito.
Siya ang lubos na nakakakilala sa kanyang ama, na siyang masasabi kong may malaking maitutulong sa aking puting sumpa.
"This world is somewhat connected with your family because of King Tiffon, the towers were coordinated with one another as well as the tunnel itself against the other world, the family that was said to be the origin of the white cursed disappeared, the goddess from the vampire and werewolf legend trapped herself inside and your father had been searching for answers."
Gumuhit ang ng mga linya at pilit kong pinagkonekta ang lahat ng mga detalye.
"Can't you see it Finn? Iisang anggulo lang ang patutunguhan ng mga bagay na ito. Saan lahat patungo ang mga bagay na ito? The towers, the goddess, your father and possibly those disappeared family."
Agad kong binilugan ang bagay na siyang alam kong puno't dulo ng lahat.
"It's this world Finn, may bagay na nakatago sa mundong ito. And your father who happened to be the author of the origin of the white curse is looking for it. Tama ang hinala ko, posibleng nandito ang dyosa at nagtatago sa mundong ito. She can cure my curse Finn! The answer is inside this world."
"Y-You managed to stick the puzzle's this fast, Kalla. Buong akala ko ay hindi mo na malalaman." My mouth left opened.
"F-Finn.." ilang beses akong napahakbang paatras habang nakatitig sa lalaking mahal kong nakaupo sa isang maliit na lamesa.
Pinagmamasdan pa rin nito ang mga aklat na nakalatag.
Kung ganoon ay tama nga ang nasa isip ko, Finn had the idea of everything.
The door abruptly opened showing the King and Queen, together with them was my friend Cora.
Huminga ito nang malalim at walang takot niyang sinalubong ang aking mga mata.
Mapait na ngumiti sa akin si Cora.
"I can't just shut up and pretend anymore. Why can't you tell her what you've discovered, Finn? I am the one you're looking for. I maybe not the goddess, but I am her daughter. The fruit of the feud between the vampires and werewolves. Nagbunga ang pagsasamantala ng bampira sa aking ina."
Pakiramdam ko ay bigla na lamang nanlambot ang aking mga tuhod. The legend was true!
Totoong may dyosang naghirap, unang mga bampirang nagsamantala at ang masalimoot na sakit ng nakaraan.
"And my mother is still alive."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro