Chapter 32
Chapter 32
Binigyan ako ng distansya ni Finn at sinunod niya ang lahat ng binitiwan niyang salita.
Bumalik siya sa loob ng kulungan ng kaharian, kusang-loob, walang salita at kung anuman.
I witnessed how the castle warriors stepped backward seeing my mate, pero kahit sila ay nagulat nang hindi sila ginulo nito, ang bampirang halos makapatay para lamang makalapit sa akin.
I've been reading numbers of books with Queen Lumina, kasama rin namin ngayon si Haring Tiffon na ilang beses natatawa sa pinaggagawa ni Finn.
"I wonder about his siblings, how did Thaddeus handle them?" nasabi ko sa hari na walo ang anak ni Haring Gazellian.
Ikinuwento ko sa kanya ang ilang naalala ko. Lily the eldest princess is blunt, Harper can sing, Casper her twin, Dastan is a great ruler like his father, ang pinagkakaguluhang prinsipe ng mga nyebe, Caleb is quite funny, I didn't know about the other one dahil hindi kami masyadong nag-usap.
Well then, Finn ang prinsipeng naging salamangkero at bangkero kapag nauuhaw.
"They already found their mates?" umiling ako. Tanging si Finn pa lamang ang nakakatagpo ng kanyang kapareha.
But everything gone wrong.
"How about the eldest, Dastan? Naunahan pa siya ni Finn?"
"Maybe he's busy about the throne, he's too young for the position. Wala na itong oras makalabas sa kanilang imperyo at hanapin ang babaeng nakatakda sa kanya."
"So Finn found you?"
"I went to Parsua Sartorias when I heard the news about King Thaddeus." Saglit kaming nabalot ng katahimikan.
"Then everything happened, as well as the tragedy of my white curse." Dahil alam kung kadugo ni Finn si Haring Tiffon ay sinabi ko sa kanya ang ginawa sa amin ni Haring Thaddeus nang mga bata pa kami ni Finn.
I don't have any idea about us biting each other when we were kids. Are we really mates? Or just manipulated by King Thaddeus?
Sumandal sa kanyang upuan ang hari sa sinabi ko.
"Because Gazellian's ability to sense his own mate is always this powerful? Dahil aksidente na kayong nagkita ni Finn habang bata pa kayo, he'll definitely hunt you, kahit wala pa kayo sa wastong gulang. Or maybe, my brother had seen something from the future that made him decide that he should delay your mate link. Thaddeus mind was always this complex Kalla, wala pang nakakatalo sa katalinuhan ng kapatid ko pagdating sa mga desisyon."
"So you're telling me that he delayed our mate link?"
"Yes and that blood exchange wasn't for binding but to control your each other's thirst for the long years." Tumango ako sa hari habang ilang beses kong tinatapik sa lamesa ang aking panulat.
"And since you're a very beautiful woman, my brother guarded you from unwanted vampires for his son's sake, ofcourse."
Pumasok na rin ito sa isip ko.
Ngayon ko lubos na naisip na ang paghanga ko kay Haring Gazellian ay hindi pa natatapos. He's a good leader and a father.
Masakit lang isipin na maaga niyang nilisan ang mundong ito.
Ilang linggo ko nang ibinabad ang sarili ko sa pagbabasa, pero hindi ko pa rin malaman ang kasagutan. Gusto kong sabihin kay Finn ang lahat ng nalalaman ko, pero natatakot ako na baka magtalo na naman kami.
Dumadalaw ako kapag natutulog na siya, sinisigurado ko ito dahil tinatanong ko ang mga kawal.
Kasalukuyan ko nang hawak ang lampara at patungo na ako sa kanyang kulungan. Sinabi na sa kanya ng hari na maaari na siyang lumabas at gumalaw nang katulad ng dati, pero pinanindigan nito ang lahat ng kanyang sinabi.
Tumango sa akin ang mga kawal nang makarating ako, ibig sabihin nito ay positibong tulog na ang salamangkero. Hanggang ngayon ay naiiling pa rin ako sa mga pinagsasabi sa akin ni Finn.
Ngunit katanungan pa rin kung saan siya nanggaling at kung bakit siya hinahabol ng ibang mga bampira.
Nang buksan ko ang kulungan niya ay bahagya siyang gumalaw sa kanyang pagkakahiga sa mahabang upuan, natigil ako sa paghakbang habang pinagmamasdan ang kanyang kilos.
At nang bumalik sa pagiging banayad ang kanyang paghinga ay nagpatuloy ako sa paglalakad. Ibinaba ko sa maliit na lamesa ang lampara at marahan akong naupo sa tabi niya.
Mag-iisang buwan na kaming ganito ni Finn, hindi ko alam kung papaano ko siya sisimulang kausapin.
Should I tell him that he's already forgiven? Ano ang pag-uusapan namin pagkatapos nito? Yes, he said tha he'll stay for me. Pero alam kong labag sa kalooban niya.
Hindi ko alam, hindi ko alam kung papaano sisimulan. This is so frustrating.
Muli kong pinagmasdan si Finn, nakatakip sa kanyang mga mata ang kanyang kanang braso habang nasa ulunan naman niya ang kanyang kaliwang braso.
Nasa akma na akong hahawakan siya nang tumigil ang aking mga kamay. I bit my lower lip while looking at him.
He deserves this, right? Tama lang ito sa kanya, pero alam ko sa sarili kong hindi ko na siya kayang pahirapan nang matagal, hindi ko siya kayang tiisin, hindi ko kayang makitang naghihirap.
"You've been trying to touch me," suminghap ako at napatayo nang nagsalita si Finn. Pero nanatili itong nakahiga at hindi inaalis ang braso sa kanyang mga mata.
"I've been waiting for you to touch me again, hindi na ba talaga kaya Kalla? Mag-iisang buwan na akong umaasang hahawakan mo ulit ako."
"F-Finn.." nangangatal kong inangat ang kamay ko patungo sa kanya ngunit nang akmang hahawakan ko na si Finn ay halos manlaki ang mga mata ko nang nagsisimula itong maglaho.
"F-Finn, anong nangyayari?" muli ko siyang sinubukang hawakan pero tumatagos lamang ito.
"Finn.."
"Isang pagkakamali lamang ang nagawa ko, Kalla at lubos ko itong pinagsisisihan pero sapat na ba itong dahilan para hindi mo man lang ako magawang hawakan?"
"Finn, anong nangyayari?!" I shouted.
Nagsisimula na akong maghisterya habang pilit siya hinahawakan.
"I love you and I'm not afraid to look at you—kung 'yon ang gusto mo." Nanlaki ang mga mata ko nang humawak ang mga kamay niya sa akin.
I can feel his hands, kusang umangat ang kulambo sa aking mga mata at huli na nang ipikit ko ang aking mga mata.
Finn is turning into stone!
"NO!"
"I love you,"
Pagpatak ng aking mga perlas na nagmumula sa aking mga mata ang gumising sa akin. Nagmamadali akong bumangon sa aking kama at kumuha nang pinaka malapit na lampara.
Tinakbo ko ang kulungan ni Finn, hindi pa man ako nakararating dito ay agad nang kumalabog sa kaba ang dibdib ko.
Napakaraming nagkalat na kawal at mga tagasunod, naririnig ko ang malakas na boses ni haring Tiffon.
Nahawi ang mga nagkakagulong bampira nang lumingon sa akin ang hari. Wala sa sarili akong tumakbo at nagtungo sa loob ng kulungan.
Kusa ko na lamang nabitawan ang lampara dahilan kung bakit tuluyan itong nabasag.
"N-Nasaan si Finn?"
"He ran away, dala ang pinaka-magaling na babaylan ng kahariang ito." Marahas akong humarap sa hari.
"D-Don't tell me that priestess—" tumango ang hari.
Ang babaylang tinutukoy ng hari ang nagbigay ng masamang ideya kay Finn!
"He'll return to our world, may madadamay na inosenteng bata! He'll make the situation worst!" napahawak na lamang ako sa aking noo.
"Iniwan niya ang babaylan kamahalan! Natagpuan ang babaylan sa kagubatan!" biglang kumulo ang dugo ko sa sinabi ng kawal.
I want to see the woman!
Hindi ko na pinansin ang tawag sa akin ng hari at halos lumipad ako patungo sa kawal na siyang may dala sa babaylan.
Nang makarating ako sa harapan nito ay halos mapamura ako. She's a beauty at hindi nalalayo ang edad nito sa amin ni Finn.
"Patawad!" bigla na lamang itong lumuhod sa akin na halos humalik na sa malamig na sahig ng palasyo.
"W-Why? Why did you give him that kind of idea?" hindi niya kilala si Finn! Hindi niya alam ang kakayahan ng kapangyarihan nito!
I gave us each other's space, hindi dahil para lamang sa akin kundi para rin kay Finn. We'll explode, kung magsasama kami habang sariwa pa ang pinag-awayan namin. My plan was to cool down our problem, but it happened in different way. It ignited.
And that dream, hindi ko alam kung panaginip o sadyang ipinakita sa akin ni Finn.
"K-Kung hindi ka naaawa sa kanya, naaawa ako. I gave him what he wanted, para rin naman ito sa'yong kapakanan." Umawang ang bibig ko sa sinabi ng babaylan.
Kailan pa siya nagkaroon ng karapatan sumali sa sularaning ito? Kailan pa sila nagkakilala ni Finn? At ano ang pakialam niya?!
"Hindi ko kailangan ng tulong mo kung ang kapalit lang rin ay buhay ng inosenteng bata! You are pushing my mate to kill an unborn child just for me! Sinong makakapagpatawad sa'yo?!"
For the very first time, I just saw myself shouting and bursting an intense anger for someone.
Ayokong pumatay si Finn nang dahil lamang sa akin.
"W-Why? Bakit? Do you like him? Sa tingin mo ba ay magugustuhan ka rin ni Finn kahit tulungan mo siya?!"
Nag-angat na ng paningin ang babaylan sa akin.
"You should thank me! Dahil sa halip na akitin ko siya ay naghanap ako ng paraan para magkasama kayo! And don't you dare act as innocent, alam kong hindi mabibilang sa daliri ang nakitil ng mga mata mong 'yan! One death for your sake isn't a problem at all. Pasasalamatan mo pa ako!"
Agad kong binuklat ang kulambo sa aking mga mata at handa na itong gawing bato ngunit agad itong sinalubong ng babaylan na hindi natatakot.
"My eyes were gifted to forfeit any coming curse ability. Huwag kang mag-alala hindi ko ito ginawa nang walang kapalit. Dahil sa sandaling tuluyan nang mawala ang puting sumpa sa'yo, nakababa na ang kasunduang may lapat ng dugong kasunduan. Ang unang nyong anak ay siyang aking magiging pag-aari."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro