Chapter 31
Chapter 31
After reading the entire revelations, all I did was to stare blankly at the file of books.
My knees and hands are both shaking from all of the information. My original plan was just read the werewolves version, I didn't plan to fully trust them since I am still a vampire.
But having the series of connection of events? From the disappearing empires, the conflict between vampires and werewolves, the disappearance of the goddess and the things I've found inside the tower.
I weakly sat down, wala sa sarili kong niyakap ang sarili ko sa tindi ng kilabot na nararamdaman ko.
Hindi ko akalaing ganito kalalim ang kwento at misteryo sa likod ng toreng siyang nagkukulong sa akin.
Bawat maliit na detalye ay may kwento at malaking nakaraan. At tanging ang mga nilalang lamang na may malalim na pag-iisip at pang-unawa ang isa-isang makapapansin dito.
Nang mapakalma ko ang aking sarili ay tumayo akong muli at naghanap ako ng malinis na papel at panulat.
I need to note down the important things. I started from the day when the goddess ran away and escaped.
She hid herself inside a tall tower, sealed and locked herself alone. Isinulat ko ito sa papel.
But I stopped in the midway of writing, isang tore lamang ang nakasaad sa libro. Pero sinabi ni Haring Tiffon na pitong tore ang may kakayahang gumawa ng lagusan patungo sa mundong ito.
Biglang sumakit ang ulo ko.
There were only four existing towers, dahil pinaguho na ang tatlo. Is it possible na walang koneksyon ang ibang natitirang tore sa aking tore?
Umiling ako sa sarili kong naisip. Imposibleng walang koneksyon ang mga tore sa isa't-isa.
Nagpatuloy ako sa pagsusulat.
If the goddess stayed inside the tower, where is she now? I bit my lower lip. Lalong lumalala ang mga katanungan.
Is it possible that she went inside this world? Hiding. Hindi malayong mangyari ito.
Then, who made the white curse? Is it possible that the white curse was originally come from the goddess?
Halos sabunutan ko ang sarili ko. The books I've read are damn conflicting with one another.
Sinabi ng isang libro na nagmula ang puting sumpa sa isang pamilya na kapwa naging mga bato.
Shit!
After outlining everything, I wrote the most intriguing words.
Goddess
The four towers with their unusual life
This world
White Curse
The family
Tumigil muli ang aking panulat, alam kong ito lamang ang mga inilabas ng libro pero may parte sa pagkakatao ko na sumisigaw na isa pa akong dapat isulat.
May kulang.
Think Kalla, hindi ka nag-aral at nagbasa ng napakaraming aklat kung hindi mo malulutas ang simpleng palaisipang ito.
Siguro ay kalahating oras na akong nakatitig sa papel habang pilit iniisip ang isang bagay na maaaring makatulong sa akin.
Ano ang kulang, Kalla?
Ano ang kulang?
Pilit kong binuklat muli ang mga aklat para lamang makakita ako ng bagay na hinahanap ko pero wala akong makita. Damn.
Sa huli ay sumuko rin ako.
Dalawang araw akong umiwas ng balita tungkol kay Finn, ang huli ko lamang narinig mula sa kanya ay nawalan daw ito ng malay dahil sa muling paggamit ng kapangyarihan.
I can still remember when Rosh tried to save me. He said that Finn was in coma because he forced himself to manipulate his power.
Hindi maganda ang ugaling ito ni Finn, he's killing himself.
Muli kong inabala ang sarili ko sa pagbabasa ng aklat nang mabitawan ko ito dahil sa balita mula sa reyna.
"Nakatakas siya, bigla na lamang siyang nawala sa kanyang kulungan." Napatayo ako sa sinabi ng reyna.
Finn was safe inside his cell. Mas ligtas ang buhay niya habang nakakulong siya sa lugar na ito, kaysa sa labas ng mundong ito.
Matapos bumalik ang mga alaala ko, muling naging sariwa sa akin ang mga katagang iniwan sa akin ni Haring Gazellian.
Ang tinutukoy niyang anak na may kakayahang nais niyang gabayan higit sa natitira niya mga anak ay si Finn. Hindi lamang ang nakaraan ko kasama si Finn at ang mga taga Parsua ang bumalik sa mga alaala ko.
I saw how King Thaddeus Gazellian, manipulate our mate communication. Parang napanuod ko ang sarili ko, ang batang sarili ko na nanghihina. The unpredictable King was the first witnessed of our fangs together.
Matagal na pala namin kinagat ni Finn ang isa't-isa. But the question here, why? Bakit kailangang burahin ang mga alaala namin?
Finn's uncontrollable power needs me. Sinubukan ko, sinubukan kong gamitin ang kapangyarihan ko. But it is not working.
"S-Saan siya maaaring pumunta? He's not safe in the outside world." Kinakabahang sabi ko.
"I-I'm sorry K-Kalla, but I did something terrible to you." Kumunot ang noo ko sa sinabi ng reyna.
Nanatili akong nakatitig sa kanya at hinihintay ko ang sunod niyang sasabihin.
"Nadala ako ng emosyon ko, naaawa na ako sa'yo. You're suffering alone, but Finn your mate can't cooperate. K-Kung sana ay nasa tama siyang pag-iisip ngayon ay dalawa kayong lumulutas ng mga katanungan mo. Nakakalimutan mo nang uminon ng dugo para lamang isubsob ang sarili mo sa mga aklat."
"D-Don't tell me—" marahang tumango ang reyna.
"You told him everything? You mean the past?"
"Ilan lamang ang nasabi ko, but he turned wilder. Sa palagay ko ay bumalik na rin sa kanyang mga alaala ang lahat." Shit.
Finn's mind isn't stable right now.
"M-Mahal na reyna, alam mong sensitibo ang kakayahan ni Finn. His power can turn him into madness, his mind is unpredictable. S-Saan siya posibleng magtungo?" ibinaba ko na ang aklat na hawak ko.
I need to turn myself into a bird, hahanapin ko si Finn.
Emosyunal ako nang malaman ko ang lahat at alam kong ganito rin ang mangyayari kay Finn.
He can now understand why I had that kind of reaction.
Akma na akong magpapalit ng anyo nang sumalubong na sa aking mga mata si Finn. Ang prinsipeng, nagpanggap ng isang hamak na salamangkero.
Nakasampa ang mga paa nito sa may hamba ng bintana habang nakahawak ang isang kamay niya bilang suporta. His eyes are now glowing.
Sumenyas ako sa aking likuran sa reyna na kung maaari ay bigyan kami ni Finn ng oras. I can see how Finn's eyes narrowed at the back. Sa reyna.
Ramdam ko ang galit nito. But is fierce yet tired look never lowered down his appearance.
Parang bumalik ang unang beses na nasilayan siya ng aking mga mata, matapos niyang akyatin ang aking mataas na tore.
"K-Kalla," lumambot ang ekspreyson niya nang maiwan kaming dalawa.
I stepped backward. Gusto ko siyang mura-murahin sa takbo ng isip niya. Bumaba ito sa bintana at nagsimulang humakbang patungo sa akin.
"N-Nagawa mo akong tiisin ng ilang araw," nanghihinakit ang boses nito na parang napakasama ko.
Bigla na lamang naglandas ang mga perlas mula sa aking mga mata.
"Y-You've seen everything right? Nakita mo na ang lahat, sa tingin mo sino ang dapat magtanong niyan sa ating dalawa? Finn, papaano mo ako nagawang tiisin? Papaano mo ako nagawang pagdudahan noon?"
Naging blangko ang ekspresyon niya sa sinabi ko.
"I can still remember the look in your face, Finn. You never stood for me, you never tried pulling me back, k-kung hindi ka sana nagduda sa akin hindi ko sasapitin ang sumpang ito. But what did you do? Hinayaan mo akong tangayin nila." Tanging ingay ng nagpapatakang perlas ang yumakap sa buong kwarto.
"K-Kalla,"
"Stop calling my name! You—what? Salamangkero nga ba? Ngayon naman ay nagsisinungaling ka sa akin? A-Ano pa Finn? All I did was to love you. Pinakulong kita? Not because I want to punish you! That's because I want to protect you! Magpupumilit ka lumabas sa mundong ito? You'll die with your power!"
Buong akala ko ay magiging kalma na ako sa ilang araw na distansya mula sa kanya pero ito at umaaapaw pa rin ang aking emosyon.
"I-I'm sorry,"
"That's it?! That's it Finn? The damage has been done, tingnan mo ako. Wala na akong kalayaan, isa na akong halimaw, walang nais lumapit sa akin, isa akong sumpa. Noon, paghanga ang sumasalubong sa akin ngunit ngayon ay pandidiri na lamang. You are my mate, ikaw ang dapat nagtanggol sa akin ng mga panahong pinagdududahan ako ng mundo."
"B-But you refused to look at me, you refused to look at me Finn. Ang sakit sakit, dahil hindi ako maharlika? Hindi mo ako tiningnan." Humahagulhol na ako.
Ngayong kapwa na namin alam ang nakaraan, mas lumabas ang mga bagay na nais kong sabihin sa kanya.
"At ngayon? Look what happened? We can no longer look at each other's eyes Finn. It wasn't my curse, ikaw ang unang umiwas sa aking mga mata. Ikaw."
Nanghihina itong humakbang patungo sa akin.
"I-I'm sorry K-Kalla,"
"Please, hindi ko pa pala kaya Finn. Hindi pa kita kayang kausapin, hindi ko pa kaya."
But he didn't listen to me. Lumuhod ito at niyakap ang mga hita ko.
"Kalla, I'm sorry. Yes, it was my fault and I deserve more than just a slap. But please, don't push me away. I'll stay here, I'll lock myself. I'll be obedient, susundin ko ang lahat ng gusto mo. But please, huwag mo akong kamuhian. I'll die, I'll die."
"I hate it when I'm seeing you crying, I hate it that I made you suffer alone. I hate myself for having this all. Kasalanan ko, kasalanan ko Kalla. But don't push me, magpapakulong na lang ako. I'll be obedient, I'll be obedient. Basta dadalawin mo ako Kalla."
Lalong humigpit ang yakap sa akin ni Finn.
"I'm sorry for being weak, I was so weak back then, my mind can't handle sudden revelations. I was not yet recovering from my father's death and then—everything happened so fast. I'm so sorry for being weak Kalla. H-Hindi ko madiktahan ang utak ko, I possessed something that I can't handle."
Bigla akong naawa kay Finn, nagpakita sa aking mga alaala ang ngiti ni Haring Gazellian nang una nitong masaksihan ang kapangyarihan ko.
"Gazellian's love is the finest hija. Mamamahalin ka ng aking anak nang walang kapantay."
"Hindi na kita pipilitin, if you want to live here. Dito na rin ako, we'll live here Kalla and I don't care about the curse. I'll kill the every disgust face you'll encounter. I'll make you happy, I'll devour myself to you. At habang-buhay kitang sasambahin at mamahalin higit sa nalikhang uri ng pagmamahal sa mundong ito."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro