Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 30

Chapter 30


With his confused eyes, Finn looked at me with pain. Alam kong posibleng hindi niya pa naalala at tanging ako pa lamang ang nakakaalala ng lahat.

But that doesn't give him an excuse. He shouldn't doubt his own mate, dahil kahit anong masasamang bagay na ibato niya sa akin noon siya lamang ang paniniwalaan ko.

Nagsimula nang magpaulit-ulit sa akin ang lahat. If he just trusted me and protected me during that time, hindi sana ako nakatanggap nang ganitong sumpa.

But among those vampires in Parsua, only Prince Rosh appeared. Pinagtanggol ako nito at pinagkatiwalaan.

Pero ang sarili kong kapareha? Nag-alinlangan pa ito sa akin.

Kaya ba hindi niya sinasabi sa akin na isa siyang prinsipe? Dahil sa posisyon ko? Dahil isa akong bampirang walang dugong maharlika?

"H-Haring Tiffon, please." Halos magmakaawa ako sa hari.

"K-Kalla, what is wrong with you? Hindi ako aalis na hindi ka kasama." Tinalikuran ko na ito.

Ramdam ko na nais niya akong abutin ngunit bigla na muling humarang si Haring Tiffon.

Bago ko pa man makita ang magiging labanan sa pagitan nila ay agad na akong tumakbo papalabas ng silid.

Walang tigil sa pagtawag sa aking pangalan si Finn pero hindi ko na tinangka pang lumingon pabalik sa kanya.

Sinalubong ako ng reyna at dito ko ibinuhos ang lahat ng sakit na dinadala ko. Walang humpay sa pagpatak ng mga perlas sa sahig habang inaalala ang nakaraan.

"He is my mate, siya ang lalaking itinakda sa akin." Naguguluhang tumitig sa akin ang reyna.

"What? Kalla, hindi ko maintindihan. Papaano?"

"I've seen the past, I whispered to my heart. Until it revealed everything." I told her everything from the past.

Suminghap ito sa sinabi ko.

"T-Then don't tell me, Finn is Tiffon's nephew. He's also a Gazellian." Tumango ako sa sinabi ng reyna.

"At hanggang ngayon ay katanungan pa rin sa akin kung bakit niya itinatago sa akin ang katauhan niya. This isn't fair at all, I gave him everything I have. Ibinigay ko ang lahat-lahat sa kanya. But he can't even give me his real identity, na parang natatakot siya sa uri ko."

"That's why Tiffon was hesitant to hurt him, lukso ng dugo. Nakikilala niya ang sarili niyang kadugo, he's a Gazellian."

Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap nang reyna nang biglang pumasok sa silid ang hari.

"Where is he?" tanong ng reyna.

"Unconscious, he tried to manipulate me with his ability. But it backfired, nawalan siya ng malay. He can't fully use his own power. Don't worry, I exiled him in somewhere safe. Sa ngayon ay hindi ka niya magugulo, Kalla."

Napayuko ako sa sinabi ng hari. I really don't know what to say anymore.

Pansin ko na nangangatal ang kamay ng hari habang nagsasalin ng dugo sa kanyang kopita.

Unconscious?

"What happened there, Kalla? You suddenly burst out, nagulat rin ako." Sa pagkakataong ito, ang reyna na ang nagkwento para sa akin.

"He's my brother's son. Matigas rin ang ulo, sa baba at itaas. Siguradong susunugin niya ang kahariang ito habang hindi ka namin ibinabalik sa kanya." Bahagyang tumawa ang hari.

"Kaya pala nang una ko siyang makita ay bigla kong naalala ang aking kapatid. He produced another thick headed Gazellian."

"Hindi ba at ganun ka rin, Tiffon?" sabat ng reyna.

"I'm afraid to say this my queen, but we can't adopt Kalla. She's my nephew's mate, magiging walang katapusang sakit sa ulo si Finn kapag ipinaglaban natin ang kagustuhan natin. Gazellians are always getting crazy when it comes to their mates."

"I can understand," sagot ng reyna.

"But right now, we'll help you Kalla to have some space with him. Hindi ko rin nagustuhan na pinagdudahan ka niya. Give him a lesson, it's not good for mates." Tipid akong tumango sa sinabi ng hari.

Binigyan ako nang panibagong silid ng hari at reyna. Hinayaan muna ako nang mga itong magpahinga.

Nangako rin sila na sa pagkakataong ito ay tutulong sila sa paghahanap ng lagusan pabalik sa tore, pero sa sandaling magkasundo na daw kami ni Finn.

Right now, I only need distance.

Hindi magandang humarap kay Finn na sariwa pa sa akin ang lahat. How could he used his own power? He's uncontrollable!

Nababaliw na ba siya?

Sa halip na isipin ang suliranin ko kay Finn ay inabala ko ang sarili ko sa pagbabasa sa aklatan ng kaharian.

Bigla na lamang may nalaglag na aklat sa gawing kanan ko. Nagtataka man ako ay nagtuloy ako sa paglalakad para pulutin ito.

It was a history book about the undying fight against the vampire and werewolves.

Wala sana akong balak basahin ito pero may kung anong nagtulak sa akin para buksan at mga unang pahina hanggang sa makita ko na lamang ang sarili ko na nakaupo at nangangalahati na sa aklat.

I didn't hear anything about the vampire history about the argument. Basta ang alam ko sa mundong ito kaming mga bampira ang lubos na nakakaangat.

But this book revealed everything. The seven high thrones.

According to the book, the history stated here was the perception of werewolves. Pero pinaalalahan ng may akda ng librong ito na hindi kinakailangang maniwala ang lahat dahil ni-rerespeto niya ang iba't-ibang paniniwala ng bawat lahi.

Pero habang tumatagal, nakikita ko ang sarili kong sumasang-ayon sa mga nababasa ko.

Vampires were not saints from the very beginning. Higit pa sa mga demonyo ang karamihan ngayon sa mga bampira at hindi na ako nagtataka na ganito na simula pa lamang ang aming mga ninuno.

I almost hated my own race after finishing the story. There were seven high thrones, ang pitong iba't-ibang nilalang kung saan sila ang namumuno sa mundong ito. Maayos ang lahat noon at pantay-pantay ang lahat ngunit masyadong ganid ang mga bampira.

The vampire on the seven high thrones asked for more. He even used his own mate, the werewolf to claim an overflowing power.

Umibig ang dyosang sinasamba ng lahat sa isa sa mga nakaupo sa pitong pangmalakihang posisyon. At ito ang demonyo, ibig sabihin lamang nito magiging siyang pinakamalakas na ito dahil kung sinuman ang makikipag-isa sa isang dyosang bumaba sa lupa ay makakatanggap ng walang kapantay na lakas.

But the vampire from the throne didn't like the idea. Nais nitong siya ang maging pinakamalakas, dahilan kung bakit nagsimula nang sumiklab ang pinagmulan ng malaking kaguluhan sa pagitan ng mga bawat nilalang.

Halos hindi ko masikmura habang binabasa na ginawang gahasain ng ganid na bampira ang isang dyosa para sa kapangyarihan.

The vampire was mated to a female werewolf, dahil mahal na mahal ito ng lobo ay nagawa pa niyang suportahan ang bampira. They convinced everyone on the throne to sabotage the devil.

Kaya nagtagumpay ang mga ito, the vampire got the goddess virginity and claimed the everlasting power. Namatay ang demonyo dahil sa pag-iisa ng kanyang mahal sa iba at pinagpapatay ng walang hiyang bampira ang mga nabilog niyang namumuno.

Pero nakatakas ang lobo at itinakbo niya ang dyosa. Parang nakikita ko ang buong pangyayari habang tumatakbo ang lobo buhat ang dyosa, sinusundan na sila ng bampira para patayin.

Pinatawad ng dyosa ang lobo bago ito namatay at sa agaw-buhay nitong katayuan ay humingi ito ng kahilingan sa dyosa.

Ang kahilingan ng agaw-buhay na lobo ay wala na mula sa mga kalahi niya ang muling iibig sa isang bampira. Sa sandaling may lobo at bampirang muling magsasabi, ang kapalit nito ay pagkalaho ng isang isla o emperyo sa mundong ito.

Napaisip ako, sa ngayon ay lima na lamang ang buhay na imperyo. Parsua, Lodoss, Halla, Mudelior at Interalias. Ibig sabihin sa pitong pinangangalagaang imperyo noon, dalawa na ang tuluyang naglaho.

Dalawang lobo at bampira ang muling umibig sa isa't-isa.

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa hanggang sa malaman kong nahuli ang dyosa at paulit-ulit itong ginamit ng masamang bampira.

Napasinghap ako sa huling pahina ng libro dahil nakasaad dito na nanatili pa rin buhay ang dyosa at itinatago ng mga bampira.

"W-What?!"

Hindi ako nakuntento sa nabasa ko at pilit akong naghanap ng kasunod. Hinanap ko ang parehong pangalan ng may akda ng libro at ang pagsasaliksik niya tungkol sa nakaraan.

Hanggang sa makakita ako ng nakasipit na lumang papel sa isa pa niyang aklat. Sinubukan kong basahin ang aklat pero malayo ito sa una kong binasa kaya mas binigyan ko ng pansin ang papel na nakasipit dito.

Dalawa lamang ang napansin ko, papel ito na parang nagmamadaling punitin. At dalawang magkaibang kulay ng tinta ang ginamit dito. Itim at kung hindi ako nagkakamali ay mismong dugo ang ginamit sa ikalawa.

Sa pulang tinta ay hindi maayos ang pagkakasulat dito pero naiintindihan ko ang nais iparating nito.

Ito ay bahagi lamang ng aklat ko at ngayon ay isa nang abo. Kung sinuman ang maaaring makabasa nito, nawa'y bigyan mo ng buhay ang aking pananaliksik at paglalakbay.

Huminga ako nang malalim at sinimulan ko ang pagbabasa.

Nagawang makatakas ng dyosa at mapalaya ang sarili mula sa kalupitan ng bampira. Ngunit mas pinili niyang ikulong ang sarili sa isang napakataas na tore.

Locked herself and shred her tears for thousands of years yearning for her lost love.

Napatayo na ako sa aking binabasa habang nangangatal ang aking buong katawan.

It couldn't be..

Ang dyosa mula sa aklat ang unang tumigil sa aking tore?


--

VentreCanard 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro