Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29

Chapter 29


Curse is the vampire's greatest enemy. Maybe they ruled this world and can overpower the other life being, but vampire's weakness is considered to be the cruelest pain.

Walang bampira ang binigyan ng abilidad labanan ang kahit anong sumpa at kailanman ay walang bampirang nanalo dito na walang tulong ng ibang lahi.

Ngunit habang tumatagal at lumilipas ang mga panahon may nananatili pa kayang ibang nilalang na handang tumulong sa katulad kong bampira?

Our creature is forever hated.

Isang bagay na kailanman ay mahirap tanggapin, dahil ang pagkakamali ng isang lahi mula sa nakaraan ay dala-dala na rin namin ngayong kasalukuyan.

Halos madurog ang puso ko habang pinagmamasdan ang dugong umaagos mula sa mukha ni Finn.

If I could just cure him with my kisses, if I could just make this curse away from me. Kung maaari ko lamang patunayan na pag-aari ko ang salamangkerong ipinaglalaban ko ngayon.

But I can't be selfish, karapatan niya ang kalayaan.

"Haring Tiffon, maaari ba na bigyan nyo kami ni Finn ng oras para mag-usap?" pansin ko na nanghihina na si Finn.

Ayokong lubos pa siyang masaktan, tama ang mag-asawang hari at reyna. Mas makabubuti para sa akin na manatili dito at hayaan na lamang si Finn na maging malaya para kilalanin ang babaeng talagang itinakda sa kanya.

Lumapit na si Reyna Lumina sa kanyang asawa para ilayo ito kay Finn. Sinaway na ng reyna ang kanilang mga kawal at sinabing hayaan na lamang kami.

Hindi rin nagtagal ay kami na lamang ni Finn ang naiwan sa loob ng silid. Nahihirapan pa itong tumayo, nag-iwas ako ng tingin sa kanya sa likuran ng aking kulambong panakip.

"K-kalla, please? Bumalik na tayo sa tore. Hindi rito ang mundo mo, hindi rito ang mundo natin. Sumama ka na sa akin, huwag ka magpabulag sa mag-asawang 'yan." Nahihirapang sabi nito.

"Shut up Finn, please? Tama na. Hanggang dito na lang ang kaya kong paglaban, natatakot akong sumugal, natatakot ako sa pwedeng mangyari lalo na at walang kasiguraduhan. Natatakot akong muling mag-isa." Nagpatakan na ang mga perlas mula sa aking mga mata.

"Sino? Sinong nagsabi sa'yong iiwan kita Kalla? Ang mag-asawa ba? Nais ka lamang nilang agawin sa akin, nangako ako sa'yong hinding-hindi kita iiwanan." Halos magmakaawa na sa akin si Finn.

Nang nag-akma siyang hahakbang patungo sa akin ay umatras ako.

"H-Huwag ka nang lumapit sa akin, Finn. Binigyan na kita ng pabor, pinalalaya na kita. Walang kaligayahan sa babaeng katulad ko, laging may nakapagitan sa ating dalawa, may limitasyon at walang katapusang komplikasyon. Umalis ka na at hanapin ang babaeng itinakda sa'yo." Sinasaksak ng sarili kong mga salita ang nahihirapan kong dibdib.

"Pabor? Pabor ba ang tawag dito? Kalla! Pinapatay mo ako! No, hindi ako hihiwalay sa'yo, patayin muna nila ako. Hindi ako hihiwalay Kalla. Ano ba itong mga sinasabi mo? Masaya naman tayo, hindi ba? May mali ba akong nagawa sa'yo Kalla? Tell me, babaguhin ko. May ayaw ka ba sa ugali ko? Tell me, babaguhin ko Kalla."

Mahigpit akong umiling sa kanya, halos lahat ng katangian ng isang lalaking karapat-dapat mahalin ay nasa kanya. Wala nang hihilingin pa ang babaeng nagmamay-ari sa kanya.

"Finn, huwag na natin pahirapan pa ang mga sarili natin. Hanggang dito na lang tayo, hanggang dito na lang." Nanghihinang sagot ko.

"Ano ba Kalla?! Anong hanggang dito na lang?!" napapikit ako sa lakas ng sigaw niya sa akin.

Ito ang unang beses na nakakita ako ng matinding galit mula sa kanya.

"I don't care about the fucking mate thing! Ikaw! Ikaw! Ikaw ang mahal ko, sumama ka sa akin. Kung ayaw mong sumama nang maayos, sapilitan kitang isasama sa akin!"

Kinabahan ako sa sinabi niya, anumang oras ay papasukin kami ni Haring Tiffon dahil sa mga sinasabi niya.

"Finn, respetuhin mo ang desisyon ko. Umalis ka na, iwan mo na ako rito. Ako ang siyang nararapat sa mundong ito at ikaw naman ay may kalayaan. Hindi ka nararapat matali sa isang babaeng may sumpang katulad ko."

"W-What?! Paulit-ulit ka na lang Kalla! No! Aalis na tayo dito!" marahas nang lumapit sa akin si Finn at hinawakan niya ang braso ko.

Pilit kong inaagaw ang sarili ko sa kanya.

"Finn, nasasaktan ako. Bitawan mo ako, tama. Let's end this." Hindi niya ako pinakinggan sa halip ay binuhat niya ako at inilagay sa kanyang balikat.

"Finn, ibaba mo ako! Ibaba mo ako! Hindi ako sasama sa'yo!"

Muling nabuksan ang pintuan, iniluwa nito ang hari. Agad tumilapon ang katawan ni Finn at sinalo ng hari ang katawan ko.

Dinala ako nito sa kanyang likuran at muli niyang hinarap si Finn. Sa pagkakataong ito ay nagniningas na ang kanyang mga mata dahil sa matinding galit.

"Finn, huwag ka nang lumaban. Utang na loob, hindi na ako sasama sa'yo."

"Don't say that, wala akong naririnig. Hindi mo ako pinagtatabuyan Kalla, hindi mo ako pinagtatabuyan. Mahal mo ako, hindi ba?"

"No Finn, I just used you. Umalis ka na! Masaya na ako rito! Nagamit na kita! Mas higit na makatutulong sa akin ang mundong ito at hindi ikaw 'yon!" sigaw ko sa kanya.

Natulala ito sa sinabi ko.

Kusa na lamang nagiba ang mga pader at halos manlaki ang mga mata ko nang makakita ako ng apat hanggang anim na mabalahibong mga halimaw na may malalaking pangil.

"What the—mga embargo?" rinig ko ang bulong ng hari.

"You brainwashed her! My Kalla won't say those words! How dare you Tiffon?! Anong karapatan mong lasunin ang babaeng mahal ko?!"

"H-he's uncontrollable, anong klaseng mga nilala ang mga 'yan Tiffon." Nakalapit na sa akin si Reyna Lumina habang hawak ang balikat ko.

"Makakapatay ako! Ibigay mo sa akin si Kalla! Hindi siya nararapat sa mundong ito!"

Naglabasan na ang mga pangil ni Finn at sumunod sa likuran niya ang mga halimaw. Anong klaseng kapangyarihan ang mayroon siya? Ano itong ipinakikita mo sa amin Finn.

"Lumina, umalis na kayo ni Kalla dito!"

"Kalla, let's go."

"Mahal na reyna, hindi maaari. Kailangan ko munang manatili dito, you should go. Kayo ang higit na delikado sa mga oras na ito."

"Lumina!" agad humarang sa amin ang hari nang may halimaw na muntik nang sumugod sa reyna.

Malaki ang galit ni Finn sa mag-asawa.

"Mahal na reyna," nagdatingan ang ilang mga tagasunod at sapilitan na ng mga itong inilabas ang reyna.

Hindi tulad ng unang nangyari, nanatiling nakatayo ang hari at nakatitig kay Finn.

"W-Who are you? Anong koneksyon mo sa Sartorias?"

Hindi sumagot si Finn sa halip ay sunod-sunod sumunod ang mga halimaw sa hari. Napasigaw na lamang ako sa takot ngunit agad natauhan ang hari at nakipaglaban sa mga ito.

Inilayo ng mga ito ang hari sa akin para mabigyan ng daan si Finn patungo sa akin.

Ilang beses akong napahakbang paatras. Nag-iba ang malambing at mahinahong Finn na nakilala ko.

"Finn, anong nangyayari sa'yo? Ano ito?"

Nang muling pumatak ang mga perlas mula sa aking mga mata ay nawala ang mga pangil ni Finn, bumalik sa pagiging itim ang kanyang mga mata at biglang naglaho ang mga halimaw.

"Gazellian! Anak ka ni Thaddeus!"

Kumunot ang noo ko sa sinabi ng hari. Hindi ito pinansin ni Finn at patuloy ito sa paglalakad patungo sa akin.

Nang abot kamay na niya ako ay hinawakan niya ang dalawa kong kamay.

"Bumalik ka na sa akin, Kalla. Mahinahon na ako, ang saktan ka ang huling bagay na gagawin ko." Dinala nito sa kanyang mga labi ang aking mga kamay.

"Wala akong narinig sa mga sinabi mo, alam kong mahal mo ako. Sumama ka na sa akin Kalla."

Nagsisimula nang sumakit ang ulo ko, nakakarinig ako ng unggol ng mga halimaw ngunit wala na naman ang mga ito sa aking harapan, paulit-ulit nagpapakita ang halakhak ni Haring Thaddeus.

Ang daming pangyayari ang nagpapakita na hindi pamilyar sa aking nakaraan. Ang mga ngiti ng hari, ang kanyang regalo sa aking kaarawan, ang paulit-ulit niyang pagligtas sa akin at pagkukwento sa kanyang pamilya.

Pilit kong pinilig ang sarili ko, bakit ito ang nakikita ko sa sitwasyong ito?

Dahan-dahan kong tinanggal ang mga kamay niya sa akin.

"Sana'y binigyan ako ng pagkakataong muling makita ang nakaraan, mga panahong maaari pa tayong magsaya Finn sa sandaling magkahiwalay na tayo. Hindi ako makakasama, salamangkero. Iwan mo na ako."

Inaasahan ko nang hindi siya sasang-ayon sa sinabi ko, ngunit bigla na lamang akong nakaramdam nang matinding sakit sa aking ulo hanggang sa makarinig ako ng mga boses at makakita nang malilinaw na mga alaala.

"Sino ang pinakamakisig na prinsipeng iyong nasilayan?"

"Rosh?" pangalan ng prinsipe ng Deltora ang una kong nakilala. Ano itong nakikita ko?

"Kalla.." inalalayan na ako ni Finn.

"Pugutan ng ulo ang babaeng 'yan!"

"You may cry but walk like a royalty and be my princess tonight."

Tumulong muli ang perlas sa aking mga mata nang makaalala na ako.

"Let my own symbolism witnessed our first bite together, Mi amor." Unang kagat namin ni Finn sa isa't-isa.

Kusa akong nag-angat ng tingin kay Finn. He's my mate. He's my damn mate. Nagtatanong ang kanyang mga mata sa akin. Bakit siya nagsisinungaling? Bakit hindi niya sinasabi sa akin na anak siya ni Haring Thaddeus?

"Paligayahin mo ako ngayong gabi, Kalla. I want to own you tonight."

Gabi kung kailan kami nagsama sa palasyo ng Sartorias. May naalala ba si Finn sa mga nakikita ko?

"I'm sorry for forcing you, hindi na kita pipilitin."

Hanggang sa dumating ang mga alaaala ko sa nakaraang ipinahiya at binato ako ng mga konsehong nagmula ng mga paratang na kailanman ay hindi ko nagawa.

"Nasa unahan ang kerida! Hindi mo na ikinahiya ang imperyo natin?! Pati ang Hari ng Sartorias ay isinama mo sa mga inakit mo!"

"Maduming babae, halos galawin siya ng lahat ng mga lalaking bampira sa Lodoss!"

"Hindi totoo 'yan! No, no, don't listen to him Finn."

Dapat ay masaya ako sa mga oras na ito sa kaalamang si Finn ang lalaking itinakda sa akin pero ngayong nakita ko ang nakaraan. Nagpatong-patong na ang sakit.

"Kalla, sumama ka na sa akin. Itatakas kita , Deltora will accept you. Be my sister, become a Le'Vamuievos."

Si Rosh lang ang naniwala sa akin, kahit si Finn na siyang itinakda sa akin ay pinagdudahan ako. Hindi man lang siya tumulong na itakas ako at ngayon ay dala-dala ko na ang puting sumpa mula sa paratang na sana ay hindi niya pinaniwalaan.

Isang malakas na sampal ay ibinigay ko kay Finn kasabay nang walang katapusang luha mula sa aking mga mata.

"Umalis ka na! Utang na loob Finn! Hindi kita kailangan! Ayoko nang makita ang mukha mo!"


--

VentreCanard 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro